Loading 16%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SPG: T L K S H D

✁____________



Dahan dahan si Gelou sa pagbaba ng hagdan. Gabi na kasi at nakapatay pa ang mga ilaw. Ingat na ingat siyang makagawa ng ingay patungong kusina. Nagugutom kasi siya.

Muntik na siyang atakihin nang biglang bumukas ang ilaw nang walang nagbubukas.

"Sensored lights kasi yan kapag gabi na." mas lalo pa siyang nagulat nang magsalita si Pipo na nasa likuran niya "Nasa sulok kasi ako kaya hindi ako sakop ng sensor kaya hindi umiilaw." sagot pa nito na tila ba nababasa ang kanyang isip

"K-kuya? Sus ikaw lang pala." napahawak pa si Gelou sakanyang dibdib sa sobrang gulat at takot "Nakakagulat ka naman. Muntik na akong atakihin sa puso. Tsaka taray ng ilaw ah. Yayamanin."

"Diba napagusapan na na kahit ikaw yung pinakabata sa magkakaibigan, wag mo na kaming tawaging kuya o ate?" ani Pipo "Nga pala, bakit gising ka pa? Anong ginagawa mo dito?"

"Nagugutom ako eh." naiilang na sagot ni Gelou at nagkamot pa ng tenga "Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"May iniisip lang." sagot pabalik ni Pipo. Iniisip niya ang nangyari-- este muntikan nang may mangyari sakanila ni Jade kanina. Lubusan siyang nagulat at hindi alam ang irereact dito. Anong sikreto niya ang alam ni Jade? Gusto niya pa sanang kausapin ito tungkol dito. "Sige, matutulog na ako. Ligpitin mo na lang yung pinagkainan mo."

Tumango na lang si Gelou sa nakakatanda at nagtungo na sa kusina. Nagtimpla na lang siya ng gatas. Nawalan na siya ng ganang kumain dahil sa kanilang naging usapan.

Nangangalahati na siya sa iniinom nang muntik nanaman siyang atakihin at muntik pang maibuga ang gatas nang biglang bumukas at back door sa kusina at iniluwa nito ang humahangos na si Mario. Nagkagulatan pa ang dalawa. "Anong ginagawa mo dito?" sabay nilang tanong

"Umiinom? Tara walwal." biro pa ni Gelou

"Nagpahangin lang." ngumiti na lang si Mario sa kinilos ng nakababata

"Nagpahangin? Eh bakit pawisan ka?" tanong ni Gelou

"Eh? Mainit eh." sagot nito na nakakamot ulo pa "Sige, mauna na ako. Matulog ka na rin, may pasok ka pa."

Tumango na lang si Gelou at tinungga na ang baso.







Kinaumagahan...

"Kumakain na agad, di nagaaya." sita ni Jake kay Jun na nagaalmusal na sa kusina

"Hindi rin naman tayo magkakasabay-sabay." sagot ni Jun na kinakibitbalikat ni Jake. Nagtimpla si Jake ng kape at tumabi kay Jun para pagsaluhan yung pandesal na binili ni Mario pagkat siya ang naunang nagising at kumain.

"Ang daming bitter, kaiinis." komento ng kakarating lang na si Cedric

Sunod na pumasok naman si Chrisy "Korek ka diyan! Kaya pala hindi na nagalmusal si Gelou." biglang inagaw ni Chrisy ang pandesal na kakakuha pa lang ni Cedric "Enge ah." at sinubo ito ng buo "Payong ehem kaibig-- *chokes*"

"Ubusin mo muna kasi 'yang nasa bibig mo." asar na sabi ni Cedric bago kumuha ng isa pang pandesal

Nilunok na ni Chrisy ang kinakain bago muling magsalita "So that's na nga! Payong kaibigan lang, ayusin niyo yung problema niyo. Alamin niyo yung totoo hindi yung nagpapakabitter kayo diyan. Lahat kasi nadadamay."

"Oo nga!" sabay na sabi nila Cedric at Jake

"Anong ibig mong sabihin na alamin yung totoo?" tanong ni Jun

Nagkibitbalikat si Chrisy at kinuha ang tasa ni Jake "Enge ah." at ininom ang natitirang kape "Edi yun yung alamin mo."

Gulat na napatingin si Jake kay Chrisy. Si Cedric naman na naaasar kanina ay natawa dahil ganoon din ang ginawa sakanya. Habang naguguluhan naman si Jun.

"Sige, got to go! Ihahatid ko pa si Gelou sa school, or kung gusto mo ikaw na." sabi pa nito at nangaasar na tiningnan at ngumiti kay Jun "Ciao!"










===================================

Ba't kinikilig ako sa scene nila Gelou at Mario? HAHAHAHAHA Arat walwal tatas! Pandesal yung pulutan!

Hmmmmm... Any thoughts about this update?

Kung may katanungan, ipaalam sa akin sa pamamagitan ng pagkomento.
Kung may iba pang katanungan, itanong niyo ako sa curious cat hehehez ChristineAnnSy username ko hihihi~



QOT Update:
●Bakit kaya nawalan na ng gana si Gelou?
●Ano sa tingin niyo yung dapat alamin ni Jun?

07-27-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro