Loading 20%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



"Lapit na pala birthday mo noh?" sabi ni Cathy kay Shy

Nasa mini diner sila matapos mamili ng mga groceries at mga damit ni Popo, anak nila Cathy at Pipo. [a/n: nakokornihan ako sa pangalan HAHAHA skl]

"Malapit na rin death anniversary niya." walang emosyong tugon ni Shy at nakatingin lamang sa kinakain

"Isang taon na pala. Move on na." sagot ni Cathy sa kaibigan

"Sana ganon kadali." sambit nito at uminom muna ng tubig "Kung hindi sana niya ako pinagpalit kay Gelou, hindi siya magpapakamatay." Saglit itong tumigil at isang patak ng luha ang tumulo sa kanyang mata. Kinagulat naman ito ni Cathy. Agad napatakip ng mukha si Shy "E-excuse me." at dali daling lumabas sa kainan.

Si Cathy naman ay naiwan sa loob kasama ang anak. Ilang oras na ang lumipas. Hindi pa rin bumabalik si Shy. Hindi siya makauwi dahil masyadong marami para sakanya ang mga pinamili nila. Bitbit niya pa ang anak. Tinatawagan niya ang asawa ngunit hindi naman ito sumasagot. Nagdidilim na ang paligid.









Nakarating si Shy sa sementeryo nang hindi namamalayan. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao dahil sa mukha niyang basang basa na ng luha ngunit blangko ang mga mata.

Nang marating ang kanyang pinuntahan, nagalay muna siya ng dasal at umupo sa harap ng lapida na may nakasulat na....

Rest in Peace
John Albert Trinidad
19XX-20XX





===================================

Ooh, ano kaya ang naging at magiging role ni John Albert? Anong masasabi niyo?

08-03-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro