Loading 23%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SPG: T L K S H D

✁____________

"So ang ibig niyong sabihin ay may naglagay nito sa lapida ni Albert?" iyan ang bumungad na tanong kay Gelou nang umuwi siya galing school

Naguguluhan siya pagkat lahat sila ay nasa sala pwera lamang kila Chrisy at Mario. Dahan dahan siyang naghubad ng sapatos upang ilagay iyon sa shoe rack sa tabi ng pintuan.

"Sino naman ang pwedeng maglagay nun?" dagdag pa na tanong Jade

"Hindi ko alam. Pag dating ko ay nakita ko na lang si Shy na nanginginig sa takot kaya nilapitan ko siya." kwento ni Jake "At ayun na nga, may nagpadala niyan."

"Paano kung nagmumulto talaga si Albert?" nahintatakutang tanong ni Shy

"Baka naman may nangti-trip lang." sabi ni Pipo

"Nangti-trip? Sino naman? At bakit? Paano mo maeexplain yung nakita ni Cedric?" tanong ni Jun

"Malay mo iisang tao ang gumawa nun." nagdududang sambit ni Pipo "Wag mong sabihing naniniwala ka sa multo."

"Hindi imposible." sagot ni Shy

Tumikhim si Gelou pagkat kanina pa siya nalilito sa nangyayari at dahan dahang lumapit sa mga naguusap "Ano po bang nagyari?" Bigla naman siyang na-conscious nang sabay sabay siyang tiningnan ng lahat

"May naglagay kasi nito sa lapida ni Albert." sabi ni Cedric at may inabot kay Gelou "Tas kanina nakita ko 'to sa sala kaya tinawag ko silang lahat."

Muling tinanggap ni Gelou ang iniabot ni Cedric sakanya. Litrato nilang 11 na kuha pa ilang taon na ang nakalipas. Buhay pa si Albert sa litrato at masaya silang magkakasama ngunit kapansin pansin ang mga ekis sa kanilang mukha. Sa likod ng litrato ay may nakasulat na gamit ay pulang tinta rin "One down".

Tumaas ang kanyang balahibo sa di malamang dahilan at ibinalik na niya kay Cedric ang litrato at papel. "A-ano ba yan? Nakakatakot naman."

Nagulat naman sila nang biglang may lumagabog sa taas. Nagkatinginan silang lahat lalo na nang may marinig silang impit na iyak.

"Shit, si Popo!" natatarantang sabi ni Cathy at nagmamadaling pumanik sa taas patungo sa kanilang kwarto. Sinundan naman siya ni Pipo ngunit natigil sila nang biglang dumilim ang paligid.

"Bakit nag brown out?" natataranta pa rin si Cathy. Buti na lang ay dala ni Pipo ang kanyang selpon kaya ito ang ginamit nilang flashlight patungo sa kanilang anak.

"Hindi ko alam. Bayad naman kami sa kuryente." sagot ni Pipo at sinamahan na ang asawa na nagmamadaling pumunta sa taas kahit hindi makita ang dinaraanan

Ang mga naiwan naman ay naghanap ng kandila pagkat magaalasais na ng gabi kaya madilim na. Nagulantang naman sila nang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Chrisy at Mario.

"Saan ba kayo galing? Bakit ngayon lang kayo? Nagkakagulo na dito tas wala kayong alam. Nagde-date ba kayo?" sunod sunod na tanong ni Jade

"What the eff? No! Nagkita lang kami diyan sa kanto kaya sabay na kaming umuwi." depensa ni Chrisy

"Ba't ganyan boses mo? Pangit na nga mas lalo pang pumangit." sabi ni Shy nang mapansing namamalat ang boses ni Chrisy

"Wala kang pake." sambit ni Chrisy

Inawat na sila ng iba bago pa lalong lumaki ang gulo.

"Ano bang nangyari dito?" tanong ni Mario









Nagmamadaling binuksan ni Cathy ang pinto at nilapitan ang anak. Nagpasalamat naman siya nang makitang mahimbing na natutulog si Popo at niyapos ito. Ngunit saan nanggagaling ang mahinang hikbi?

Sunod na pumasok si Pipo sa kwarto kasabay ng pagtigil ng mga iyak. "May nangti-trip talaga satin." wika nito at pinakita ang recorder na tiyak ay doon nagmumula ang tunog ng iyak na narinig nila kanina.





===================================

Opx- sino kaya yon?

10-30-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro