Loading 4%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SPG: T L K S H D

✁____________

"Buti naman naisipan niyo pa akong pagbuksan." pairap na sabi ni Jade nang pagbuksan siya ni Mario "Kanina pa ako pinapapak ng lamok dito. Buti wala ng ulan."

"Eh sino ba naman kasi nagsabi sayong pumunta ka dito?" tanong ni Mario habang sinasara na ang gate nang makapasok na si Jade "Tsaka bakit may dala kang bag."

"Gusto ko eh." kaswal na sagot ni Jade "Diba sabi niyo dito na tayo titira para squad goals?"

Sabay na silang naglalakad papasok sa may sala.

"Wow naman ah! Prepared talaga siya kahit sinabing hindi ito slumber party." komento ni Chrisy nang makita si Jade "Nga pala, dun ka sa kwarto ng nanay ni Pipo matutulog pansamantala ah."

"Luh? Baka multuhin ako nun. Diba lima kwarto dito?" tanong ni Jade

"Kwarto ni Pipo, ng nanay niya, yung nursery, at dalawang guest room." sagot ni Mario

"Sa aming mga lalaki na yung isang guest room." sambit ni Jake

"Sakin yung isang guest room!" sabi naman ni Chrisy at inangat pa ang isang kamay

"Solo mo?" tanong ni Jade

"Yup." sagot nito at tumango tango pa

"Eh paanong nagkasya yung mga lalaki sa isang room?" tanong ni Jade

"Dalawang double deck." sagot ni Cedric dahilan para tiningnan nila ito at pandilatan siya ni Chrisy. Nag peace sign na lang si Cedric.

"May tinatago ba kayo sa akin?" tanong ni Jade nang may mahalata na siya "Kung ganon edi may dalawang double deck din sa isang guest room? Bakit ayaw mo akong dun matulog?"

"Wala nga!" sigaw ni Chrisy

"ANONG WALA?" sigaw na rin ni Jade

"Wag kayong sumigaw!" pasigaw na saway ni Mario "Mapagkakatiwalaan ka naman diba, Jade?" tanong ni Mario kay Jade.

Palihim namang napangisi si Jade. Depende kung magagamit ko 'to pang blackmail. sabi niya sa isip

"Mario!" saway nila kay Mario (a/n: baka kay Maria)

"Ano bang ginagawa mo?!" saway ni Chrisy

"Depende. Ano ba yun?" tanong ni Jade kay Mario

"Bahala nga kayo diyan." pairap na sagot ni Chrisy nang hindi siya pinansin at tumalikod na para umalis na sana kaso pinigilan siya ni Jake

"Baka lalong makahalata." bulong nito sakanya

"Si Mario sawayin mo." sagot ni Chrisy habang nagpupumiglas kay Jake

"Nandito kasi si Angelou. Dapat hindi ito malaman nila Jun at Shy. Maaasahan ka ba---" hindi na natapos ni Mario ang sasabihin niya nang suntukin siya ni Chrisy dahilan para dumugo ang ilong niya

"Oops sorry. I didn't sadya. You tangina kase eh." mahinahong sabi ni Chrisy bago hinarap si Jade "Huwag kang makikishare sa amin ng kwarto ah."

"Okay lang naman kung ayaw mo akong ka-share. Basta okay lang din sayo na malaman nila Jun at Shy na nandito yung kinasusumpa nila." nakangising sagot ni Jade kay Chrisy na tila ba nangiinis

Nagsukatan ng masasamang tingin ang dalawang babae.











===================================

Ang hindi mag-vote, papasuntok ko kay Chrisy hehe cheret. Lablots~

06-22-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro