Loading 46%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Kasalukuyan silang nasa sala at tinitingnan ang mga plastik ng mga pinamili kuno para sakanila. Maraming magagamit na sapat na sa ilang linggo pero marami rin namang hindi talaga magagamit.

"Aanhin naman natin itong eraser?" tanong ni Cedric nang makita ito. Tila ba bumili lang nang bumili ang kung sino mang gumagawa nito sakanila at hindi man lang inaalam ang mga binili nito.

"Sa pag-aaral ni Gelou." agad rin naman silang natigilan nang sinabi ito ni Jade

Nalulungkot na tumingin si Cathy kay Gelou, "Paano nga pala yung pag-aaral mo? Hindi ka makakapasok."

Nagkibit-balikat naman si Gelou, "Hindi ko nga alam kung paano ako mag-eexcuse sa klase eh."

"Napakasama talaga ng Gillianna na 'yan! Hindi man lang niya naisip si Gelou. Ano bang trip niya?" nagagalit na wika ni Jun dahilan para muli silang balutin ng katahimikan

Nagpatuloy sila sa paghahalukay ng mga magagamit gaya ng mga pagkain, toiletries, mga gamot, at iba pa.

"Eww, what the hell?" sambit ni Chrisy at pinakita sa mga kasama niya ang laman ng plastik na tila ba galing sa isang drug store "Bakit naman may condom at PT dito. The heck?" muli niyang sambit at binitawan na ang plastik. Lahat naman sila ay napatingin kay Pipo at Cathy.

"Oh? Bakit? Hayaan niyo na nga 'yan. Nagsasayang lang talaga ng pera at panahon'yang kung sino mang gumagawa niyan." wika ni Pipo

"Hindi ba talaga tayo pwedeng magsumbong sa pulis?" tanong ni Cathy

"Pwede diba nanakot siya? Baka kasi may gawin siyang masama kila Mario, Shy, at sa anak niyo." sagot ni Jake

"Oo nga, lalo na't hindi natin alam kung saan niya sila dinala." dagdag ni Cedric

Napabuntong hininga si Cathy at napahilamos sa mukha. Pinipigilan niyang maiyak dahil sa mga nangyayari lalo na't nadamay ang anak niyang ilang buwan pa lang. Inalo naman siya ni Pipo.

"Sige na nga. Ayusin na natin 'yan. Kunin na natin yung pwedeng magamit sa pagluluto para makakain na tayo." sabi ni Jake na ginawa na nga nila. "Ako na rin muna ang magluluto."

"Hindi, ako na. Ako naman lagi nagluluto." apelya ni Cathy

"Kaya mo ba?" tanong ni Pipo

"Oo naman." sabi ni Cathy at pinilit na ngumiti

"Sige, tutulungan na kita." sambit ni Pipo

Dumiretso na nga sina Pipo at Cathy sa kusina. Sumunod naman sina Jake at Cedric dalhin ang mga magagamit sa panluto at pagkain mula sa mga plastik.

Matapos mailagay sa mesa ng dalawang binata ang mga makakatulong sa mag-asawa ay bumalik na si Jake sa sala. Si Cedric naman ay nagpaalam na magpapahangin muna sa labas. Kailangan niya sa fresh air mula sa hardin. Pinihit niya na ang pinto ng backdoor ng malamang naka-lock ito. "Ayaw bumukas. Naka-lock." sambit niya

"Ano? Akala ko yung gate lang ang naka-lock." naguguluhang wika ni Pipo

"Sandali, tingnan ko yung main door kung hindi naka-lock." sabi ni Cedric

Sinundan siya ng tingin nina Cathy at Pipo. Tiningnan din siya ng mga naiwan sa sala. Pinihit niya na ang seradura ngunit kahit anong pilit niya ay ayaw bumukas ng pinto. "Naka-lock din."

Nanlumo ang lahat. Wala nang ibang malalabasan. Hindi rin naman nila gagawing tumakas dahil tatlong buhay ng mga kasama nilang nawawala ang nakasalalay. Paano na sila ngayon?

"Sa tingin ko may traydor dito." biglang sambit ni Jun

"Matagal ko na 'yang naiisip. Tayo-tayo lang din naman ang nakakaalam sa mga nangyayari eh. Ginagamit niya pa si Albert." segunda ni Jade

"Sa tingin ko rin may kakampi niya ang isa sakanila Shy at Mario o baka silang dalawa rin ang may pakana nito." sabat naman ni Pipo

"Ano? Kilala ko si Shy. Hindi niya magagawa 'yon." sabi naman ni Cathy

"Oo nga. Diba matalik na kaibigan mo rin si Mario? Bakit mo naman siya pinagdududahan?" tanong ni Jake

"Hindi ko alam. Basta wala tayong dapat pagkatiwalaan ngayon." sagot ni Pipo

"Bakit ka naman ganyan? Magkakaibigan tayo rito tas bigla kang magdududa." sambit ni Cedric

"Well, I agree. Sino ba naman ang gagawa nito sa atin kundi tayo-tayo lang din." sabi ni Chrisy

"Oh, ikaw Gelou? Hindi ka ba magsasalita? Baka ikaw pala ang may salarin." pansin ni Jun kay Gelou

"Pwede ba 'wag mong idamay yung bata." tanggol ni Pipo

"Well, I agree again. Damay-damay na tayong lahat. Ikaw na nga magsabi na 'wag magtiwala kahit kanino." sabi ni Chrisy

"'Wag na nga kayong mag-away, pwede ba?" awat ni Jake

Binalot sila ng katahimikan. May nabuo nang tensyon sa bawat isa. May mga hindi na nagtitiwala sa bawat isa. Mayroon namang pinipilit pa ring pagkatiwalaan ang bawat isa sapagkat magkakaibigan nga naman sila. Magkakaibigan nga ba?



─────♡;

06-10-20
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro