Chapter 2 ~rooftop

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[ MATTHIAS ARIAGON ]

Riverside.

Kanina pa ako nakatambay dito. Well, hinihintay ko ang mga tropa ko dahil magkikita-kita kami at susubukan namin tumawid gamit ang zipping line na iyon sa taas ng ilog patawid sa kabila. Bago pa lang itayo ang zipping line kaya nagyayaan kaming subukan. I love adventures with my friends and it really made me happy and feels so alive that's why I still waiting for them though it's obviously na na-indian na naman ako. Kalimitan si Shaun lagi ang nagiging dahilan kung bakit hindi natutuloy ang lakad namin dahil sa mga babae niya. Gusto ko sanang umalis at umuwi na but someone caught my attention.

A girl seating in a field of grass watching a flows of river and a flows of people surround her. She's not familiar to me. Lagi akong nandito sa Marikina dahil nandito halos ang tropa ko kahit malayo ang bahay namin. Pero hindi ko pa nakita ang babaeng iyon dito. I don't know why he stole my attention, siguro dahil kakaiba siya and she's alone. Wala siyang ginagawa kundi ang magmasid lang ng mga tao. Iyon pa ang umagaw ng pansin ko dahil siya lang ang walang hawak na cellphone at hindi nagseselfie or something scrolling the screen. She's different or baka ngayon lang dahil naiwan niya ang phone niya.

Kalahating oras din ang itinigal niya sa pagkakaupo at tumayo na siya agad. Nagulat ako ng may isang batang lalaki ang lumapit sa may likod niya at nakita ko ng may dukutin ito sa bulsa niya. Magnanakaw. Sigaw ng utak ko. Meron din pala na ibang nagmamasid sa kanya. I curse at a young boy. Akala ko ako lang. So I run fast as I can to follow that young thief. At sa kakaiwas ko ay nabunggo ko pa ang babaeng pinagmamsdan ko pero hindi ko muna siya pinansin dahil ang cellphone niya ang hinahabol ko.

Hindi ko pwedi sabihing may dumukot ng phone niya dahil maghihinala siya na pinagmamasdan ko siya. Well, I'm not sure pero para safe lang ang lahat. Ilang hakbang pa ay nahabol ko na ang bata sa may tagong lugar at kinuwelyuhan ko siya para kunin ang cellphone. Natakot ang bata kaya ibinigay naman sa akin kahit nagtataka siya kung bakit ako ang kukuha. Pagkakuha ko ay patakbo pa rin akong bumalik para mahabol ko ang may-ari ng cellphone dahil mukhang aalis na rin siya. Buti na lang wala siya sa sarili niya kaya parang slow-mo lang ang lakad niya at naabutan ko siya.

"Cellphone mo. Naglaglag." Hinila ko ang hood ng jacket niya para humarap sa akin at saka ko ibinigay ang cellphone na nagtataka rin kung bakit wala sa bulsa ng jacket niya.

"Thank you.."Natulala siya ng magkatitigan kami at halatang bumaba ang tingin niya sa nunal sa may labi ko na kinaiinisan ko. Gusto ko ng ipatanggal ito dahil takaw-pansin ngunit ayaw naman ni Mama.

"Be careful in this place." Sabi ko na lang.

"Thank you for your kindness." Pagpapasalamat niya ulit na parang napakaformal naman. Ilang segundo niya pa akong tinitigan at saka tumalikod at sumakay sa naghihitay na sasakyan sa hindi kalayuan. 'Mukhang mayaman siya'. Sigaw ng isip ko.

Isang linggo ang nakalipas dahil sa okay na ang inis ko nang hindi ako sinipot ng mga tropa ko ay nagyaya ulit sila ng jamming. Tapos na naman ang pasukan. Hindi ko akalain na tapos ang ang unang taon ko sa kolehiyo. Maghihintay na lang ako for enrollment para sa ikalawang taon ko.

Sa gc lang kami nag-usap-usap at nakabuo ng plano ng mga barkada ko. Ang usapan namin ay magkita-kita kami sa rooftop ng abandonadong building na malapit sa station ng train. Limang palapag iyon kaya naisipan kong mauna sa kanila para makapagpahinga ako. Kalahating oras pa sa usapan namin ay nauna na ako. Malapit din ang building na iyon sa isang Subdivision na mayayaman at negosyante ang nakatira. Sa Alveza Subdivision.

Paglapag ko sa huling palapag ay naisipan kong umupo malapit sa parte kung saan tanaw ang ilog ngunit nagulat ako ng may narinig akong umiiyak. Babae. Hindi ko alam kong kakaripas ako ng takbo o tatalon na lang sa building para makalayo sa lugar na iyon. Minumulto ako. Alas kwatro pa lang ng hapon may multo na agad dito. Kahit purong lalaki ako ay nakaramdam rin ako ng takot. Hindi tumitigil ang paghikbi ng babae. Hinanap ko kung saan siya dahil wala naman akong makita. Hindi siya multo dahil mukhang tinatakpan niya pa ang bibig niya para walang makarinig. Dahan-dahan ako hanggang sa masilip ko siya sa likod ng lumang malaking tangke na imbakan ng tubig. Nakasalampak siya at nakasandal sa tangke habang nakayuko at umiiyak.

Hindi ko siya pwedi istorbuhin dahil mukhang nagluluksa siya at sobrang lungkot ng awra niya. "Kuyaaaaa..."Nagitla ako ng magsalita siya. Akala ko ako ang tinatawag niya pero hindi naman siya nakatingin sa akin at lalong hindi niya naman alam na may kasama siyang ibang tao.

"Kuyaaaaaaa... balik ka na..."Patuloy pa rin ang pag-hikbi niya habang tinatawag ang kuya niya. Tahimik lang ako ngunit parang dinudurog ang puso ko.

"Kuya.."She utter in a small voice na parang wala nang lalabas pa na ibang boses. I feel her pain kahit hindi ko pa naexperience ang masaktan at mawalan ng mahalagang tao sa buhay ko.

"Kuyaaaa... sana naman nagpaalam ka... sana... isinama mo na ako... huhuhuhu.. kuya.... Lander... hindi ko kakayanin toh....." Patuloy pa rin ang pag-iiyak niya at pagkausap sa Kuya niya. Bigla akong naalarma ng ayusin niya ang buhok niya at tumayo na para bang nakatingin siya sa gilid ng rooftop. Huwag mong sabihin na.. iniisip niya bang sumunod sa Kuya niya?! Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip ng kung anu-ano. Ano ba iniisip ng babaeng 'to?

Lumingon-lingon pa siya at dahan-dahan lumapit sa edge ng building. Nakita ko ang mukha niya kaya biglang nagflashback sa utak ko ang mga titig na iyon. Tama. Siya yung babae sa riverside. Siya yung may mga malungkot na mata at mukhang laging tulala. Nasaan na ba sila Kairos! Para naman may katulong akong makipag-usap sa babaeng ito. At nakita ko siyang...

"Saglit.!" Nagulat siya kaya napaupo sa cemento at kinapa ang dibdib. Sumigaw ako dahil aakyat na siya sa pinaka edge ng rooftop.

"What?!." Napahiya siguro siya dahil napaupo sa cemento. Mataray siyang tumingin sa akin. Medyo malayo ako kaya siguradong hindi niya ko makikilala.

"Anong ginagawa mo? Tatalon ka? Huwag mo'ng gawin yan. Tambayan namin ng tropa ko 'to. Ayoko na may umaaligid na multo ng babae dito." I was trying to joke pero mukhang mali ang pagkaka interpret niya.

"Are you insane?! Do you think ganyan lang kababaw ang utak ko! Para tumalon sa mababang building na ito?! At sino ka ba sa akala...." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang mapagsino niya kung sino ang kinakausap niya.

"Are you stalking me?." Mukhang nakilala niya ako.

"Kakasabi ko lang tambayan ito ng tropa ko." Ulit ko sa kanya.

"Pwes! Hindi na ngayon! Because this building isn't yours anymore! I bought it 3 days ago.!." Pagtataray niya na ikinatawa ko naman. Nagpapatawa siya? Nabili niya na ang building na ito? Haha in her dreams. At ano naman gagawin niya dito sa bulok na building na ito.

"Okay. Sa'yo na ito." Natahimik siya. "Aalis na ako. Sorry for the trespass." Nakita kong tumingin siya sa malayo at umupo. Maybe she's expecting na talagang aalis na ako. Pero nakatayo lang ako at nakatingin sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas na ganoon lang ang sitwasyon ko at siya nakaupo rin na parang biglang iiyak na naman. At ayoko na marinig pa iyon. Maybe she need someone to talk to. Is she alone? Her family? Bakit nandito siya sa rooftop?

"Maybe you'll see your Kuya in heaven someday." Hindi ko napigilang magsalita ng mahina na halos hindi ko matapos ang sasabihin ko. Napalingon siya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"You heard me." Mahinang sambit niya na wala ng bakas ng katarayan ng boses.

"Yeah. I'm sorry. But if you ever decide you want to talk about him, I'll be glad to listen." I suggested.

"There's nothin' to talk about. He's dead. That's all there is to it." Malungkot ang tono ng boses niya. I don't know how to comfort her because I don't know her at hindi ko alam ang sitwasyon niya and so on. But maybe there must be someway to comfort her. So I tried.

"It's okay to be sad for oneself, to be frustrated, to be angry about something, to be alone sometimes, it's okay to cry dahil tao ka lang naman. Okay lang yan. And it's okay to talk about your pain with stranger." I'm trying so hard. I hope it works. She says nothing. So, maybe she understands what I'm trying to say.

"You're familiar." She suddenly said.

"You too." I answered.

"But maybe. Let's be stranger to each other because it's nice to talk with stranger. It's nice to tell my pain and show my grieving with strangers."

"If you said so. Then, let's treat each other as a stranger." I agree with her.

"Kanina I'm so worn down and agonizing. Pasensya na sa mga nakita at narinig mo." She explained.

"Ayos lang 'yon. Sige lang. I zip my mouth."I said.

"Okay." She simply says na parang gusto niya na agad tapusin ang conversation namin which led me to think another topic.

"Beside, the rooftop is a place for times like this. For grieving, for mourning, for heartaches and this place is a comfort zone for those people who struggling to live. So it's okay. Pag nasasaktan ka at hindi mo na kaya akyat ka lang dito at sumigaw ka. Huwag ka lang tatalon." I know how I look so cool just now. Narinig ko lang naman iyon sa kdrama dahil mahihilig sila sumigaw sa rooftop. Kaya naisipan kong sabihin at sana maniwala siya.

"Really. So this place is really belong to me." And she believed me.

"Claim it now. Because later maybe it might belong to me."I sighed.

Z

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro