Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Change is better


PRESENT

AERIN


"Thank you ma'am, come again!"

I just nod to the cashier and quickly left the convenience store. I'm actually 15 minutes late on the wedding of my highschool friend in Pampanga. Hell yeah, after so many years I'm going to meet again all my beloved friends.

"Sandali lang po Ma'am!" I turn around when I heard someone's shouting behind my back. Nakita ko ang cashier kanina sa convenience store. Mukhang hingal na hingal ito sa pagtakbo.

"Naiwan niyo po itong phone niyo sa counter, mabuti na lang po nakilala ko po kayo sa wallpaper nito." she said while showing my phone? Wait! what?

"Eto ho." aniya sabay na inabot ito sa 'kin. "Babalik na po ako sa trabaho ko." dugtong nito at mabilis na naglakad palayo.

Bago pa ito maglaho sa paningin ko ay malakas itong sumigaw. "Ingatan niyo po ng maayos!"

Umiling na lang ako dito at nagmadali nang sumakay sa kotseng sinasakyan ko. Bago ko i-start ang engine ng sasakyan ay tinext ko na sina Apple na diretso na ako sa reception. Hindi na rin naman ako makakahabol sa simbahan.

Makulimlim ang panahon ngayon at sinasabayan pa nito ang bahagyang malakas-lakas na hangin na para bang sandaling minuto na lang ay babagsak na ang malakas na buhos ng ulan.

Mula sa Manila ay mahigit dalawang oras ang binyahe ko marating lang ang bayan ng Angeles dito sa Pampanga. Yup. Pampanga is my home town dito unang namulat ang utak ko at ang puso ko.

I shrugged.

Jusko! Drama!




Nang makarating ako sa nasabing resort kung saan gaganapin ang wedding party nila ay agad na akong nagpark. Nagpasalamat ako kay kuya guard na nag-assist sa akin para makapasok at binigyan nang kaunting barya pambili ng sigarilyo niya.

"Aerin? Is that you?" napatingin bigla ako sa nagsalita sa likod ko.

"Hey Nixon! Yeah it's me. Aerin." tugon ko dito habang pinupunasan ang paa ko dahil hindi ko naiwasan ang patak ng ulan kanina palabas ng kotse. Yeah. Hindi ako nagkamali at umulan nga kanina sa biyahe mabuti na lang ay walang na report sa akin ng aksidente dahil baka hindi na talaga ako makapunta dito. Haha!

"Woah. I didn't expect you to be here! Come on, let's go inside. I'm sure their we're all happy to see you again. Nandoon na silang lahat!" halata mo sa tono niya na masaya ito. Hindi ko napigilan na mapangiti dito. After all these years, wala pa rin siyang pinagbago.

"Wait. Let me just tie may shoelace." sabi ko at kunwaring inayos ang sintas ko. Actually maayos talaga, kinailangan ko lang huminga at kumuha ng lakas ng loob ko.

"Done?" ani Nixon.

Pinilit kong ngumiti kahit kabang kaba na ako. "Yes, let's go."

By the time we enter inside, all eyes are on us. "Feeling ko artista ako ngayon, nakatingin silang lahat sa'tin e." biglang biro ni Nixon dito habang tumatawa.

"Ang gwapo naman kasi ng kasama ko. Artistahin." bulong ko at nagtawanan kaming dalawa.

Inaasahan kong marami-rami ang mga pupunta ngayon pero hindi pala, kakaunti lamang ang mga bisita at iilan lamang ang mga namumukahan kong pamilyar sa'kin.

I can't wait to talk to them.

Feel the sarcasm on my tone. HAHA.

"Aerin?! Omg! Si Aerin nga!" malakas na sigaw ni Cindy at tumakbo papalapit sa'kin. Mabilis akong niyakap nito, "Akala namin hindi ka na makakapunta! Kanina kapa namin hinihintay!" dugtong nito.

"I'm sorry for being late, may ginawa pa kasi ako kaya natagalan, saka ang lakas nang ulan mula sa Manila hanggang dito sa Pampanga, buti hindi nagka-traffic." paliwanag ko sabay na inalis ang jacket na suot ko.

"Umupo ka na dito, Aerin!" tawag bigla sa'kin ni Kace. Tumungo naman ako dito at umupo sa tabi nito.

"Long time no see president. I missed you." biglang bulong ni Kace ng makaupo na kami sa table.

"Don't call me that. I'm no longer the president." natatawang tugon ko dito.

Uminom ako nang tubig at pinagmasdan ang buong set up nang reception nila. Garden ang theme nito kaya naman parang nasa hardin kami kahit nasa loob kami ng forum ng resort. In fairness, mukhang pinaghandaan nila.

"Aerin! You came!!!" napalingon ako sa sumigaw at nakita ko si Apple na nagmamadaling makarating sa pwesto ko, kasabay naman siya ni Clint.

Tumayo na rin ako dito at niyakap siya. "I miss you Apple! Congratulations sa inyong dalawa ni Clint. Finally, napapayag mo si Clint na pakasalan ka!" pagbibiro ko at nagtawanan naman sila.

"Syempre! Tagal ko ring niligawan ang lalaking 'to!" saad ni Apple.

"Woah. I didn't expect you to wear clothes like that. I remember what you said before, ayaw mo nang revealing na damit. Why so suddenly change?" biglang sambit ni Clint ng mapansin nito ang suot-suot ko.

I must admit na medyo revealing nga kaunti ang shirt na suot ko, napansin ko rin ang ibang iba ang suot ko sa kanila. Black ripped jeans, black backless shirt, black leather jacket and black shoes. All black!

Potek! Kasal pupuntahan mo hindi lamay!

"People change." sabi ko na lang at nagkibit-balikat dito.

"Wahhhh! Na miss talaga kita, Aerin!" naramdaman ko ulit ang pagyakap ni Apple sa'kin kaya hinayaan ko na lang ito.

Babalik na sana kami sa pagkakaupo ng maaninag namin ang dalawang nag-gwagwapuhang lalaking naglalakad patungo sa kinatatayuan namin.

O to the M to the G.

"Long time no see, Aerin!" Johann greeted me with smile on his face. I looked at him from head to toe.

"Woah, ikaw ba talaga 'yan Johann? You look matured." puri ko sa kanya habang naka-nganga bibig ko. Hindi ako makapaniwala.

"Ikaw naman. It's time to changed! Nawala na si Johann na isip batang nakilala mo last 6 years ago." proud na sabi nito.

"Tch. Don't believe him, Aerin. Walang magbabago diyan sa isip batang 'yan, kaya binabusted e." singit naman ni Cindy dito.

"Pagbibigyan muna kita ngayon Cindy. Nakakahiya naman dito kay Aerin." sabi naman ni Johann sabay na inakbayan itong si Cindy.

Sumingit na ako sa kanila. "Oh! Time out! Baka mag away pa kayo dito sa party. Nakakahiya 'yon." sabi ko sa kanila sabay na tumingin kay Deon.

Malakas ko itong hinampas sa likod. "Ikaw talaga Deon, wala pa rin pagbabago e 'no? Ganon pa rin! Idol!" biro ko dito pero tanging ngiti lamang ang isinagot nito.

Nagkibit-balikat na lang si Cindy sa'kin at sinenyasan akong umupo na lamang. Ano pa bang aasahan ko kay Deon? He's still a silent type like before. Hindi ko nga alam kung paano ko naging kaibigan 'yan. Haha!

Matapos kaming magkamustahan ay itinuon naman namin ang sarili sa pagkain, halatang-halata sa mga kasama ko ang pagka-miss nila sa isa't isa dahil kahit oras ng pagkain, kwentuhan pa rin ang inaatupag nila.

Well I can't blame theme. Matagal kaming hindi nagsama-sama.

"Nandito na pala si Adriel e!"

I frozed when I heard his name.

He's here.

"Adriel! Join us here!" rinig kong tawag ng mga kasama ko dito sa table.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang mga yabag ng paa papunta sa kinaroroonan namin.

Damn this feeling.

"Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap." rinig ko sabi ni Nixon. Patuloy pa rin ako sa pagkain at hindi tumitingin sa kanila.

"Kinausap ko lang yung kliyente ko, nagka-problema lang." hinding hindi ako magkakamali. Ang boses na 'yon, kilalang kilala ko.

"Guest who's here with us?" rinig kong sabi ni Johann. Wait is he planning to--- "Aerin is here!" ow shoot! Bakit kailangan niya pang sabihin 'yon? Urgh.

I don't have a choice.

Inangat ko na ang ulo ko at tiningnan silang lahat. Mabilis akong umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa.

"Yeah yeah yeah. Kanina pa ako nandito Johann, 'wag mo nang ulit ulitin." sabi ko at bahagyang tumawa dito.

"Upo ka na dito!" pag-aaya nitong si Clint kay Adriel. Umupo naman ito sa table at kung nang iinis ba naman e umupo pa ito sa harapan ko.

"So kamusta? Ano na ganap sa mga buhay niyo ngayon?" tanong nitong si Cindy.

"Ikaw Nixon? Ano trabaho mo ngayon?" pagtatanong nila.

"May business ako, hindi niyo ba alam?" sagot naman nito habang tumatawa.

Hinayaan ko na lang silang mag usap usap sa kanilang buhay, samantalang ako naman ay kumuha na lamang ng baso at nilagyan ng alak.

Nakita ko ang pagkabigla nila ng makita nilang mabilis kong nilagukan ang basong may naglalaman nang alak. Tiningnan ko silang lahat at hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa sa kanila.

"Seriously? Whats with the face? Mukha kayong nakakita ng multo." patuloy pa rin ako sa pagtawa habang hawak-hawak ang basong pinag-inuman ko.

"Kailan ka pa natutong uminom?" pagtatanong ni Cindy sa'kin. Magsasalita na sana ako dito ng biglang sumingit si Johann, naramdaman na rin niya siguro ang tensyong nagaganap ngayon.

"Wala kayo kay Adriel! Ang dami nitong project ngayon!" ani Johann habang naka akbay dito kay Adriel.

"Ako rin naman ah! Isa na akong dakilang tagapagmana! WAHAHAHA!" singit ulit ni Nixon.

"Ikaw, ano ginagawa mo ngayon? Nagtatrabaho ka na ba?" Adriel suddenly asked while staring at me.

Wait, ako ba tinatanong nito?

Malamang! Sayo nakatingin e. Gaga!

"Yeah. Isa akong editor sa publishing company sa Manila." direstong sagot ko at inagaw ang baso ni Kace na may alak. "Let me just take this call." paalam ko at ipinakita ang phone ko sa kanila na may tumatawag.

Lumabas ako sa forum at pumunta sa isang Gazebo dito sa labas, tumila na ang ulan kaya hindi na ako nahirapan makapunta dito. Sakto ring walang tao.


I answered the call.

"Yes Sir?"

"You didn't tell me na umuwi ka pala sa hometown mo Ms. Valdez. So, are you expecting me na gagawin ko lahat ng trabahong iniwan mo dito?"

"Wait! Sir, no. Naipasa ko na lahat ng mga files kay Natasha kahapon."

"At ngayon sinasabi mong mali ako? Ms. Chu reported this to me! Remember this Ms. Valdez, if you failed me again... Aalisin na talaga kita sa pwesto at ibabalik kita diyan sa Pampanga!"


Magsasalita pa sana ako ng mabilis niya itong ibinaba at hindi man lang ako nakapag-explain.

"AHHH!!!" I shouted. That bitch is really getting into my nerves.

Nakakainis na siya!

"May problema ba?" napalingon ako sa boses na narinig ko, nakita kong nakatayo sa aking harapan si Adriel.

Ngumisi ako dito. "Why? The hell you care."

"Nagtatanong lang ako... Ayos ka lang?" pagtatanong ulit nito ng hindi makatingin sa'king mata.

"I'm fine." Iyon lang ang nasagot ko.

"How about you? How are you?"

Diretso itong tumingin sa'kin. Malungkot ang kanyang mga mata pero pilit pa rin itong ngumiti. "Maayos din ako." pagtugon niya.

Ngumiti na lang din ako nang pilit dito at nagkunwaring masaya. "Sige, babalik na ako sa loob." paalam ko dito pero mabilis nitong hinawakan ang kamay ko.

Napatitig ako sa magkahawak naming kamay.

"Wait..." malamig at malumanay na sabi nito.

Stop Aerin. Stop.

Inalis ko ang kamay niya. "Let's go, bumalik na tayo sa loob baka hinahanap na tayo." wika ko at inihakbang na ang mga paa ko papasok at iniwan siya.

Pagkakita na pagkakita sa'kin ni Cindy ay mabilis akong hinigit papunta sa gitna.

"What are you doing?" takang tanong ko dito habang tinitingnan ang mga ibang babaeng nakatayo rin dito kasama ko.

"Sasaluhin natin yung boequet!" ngiti ngiting sagot niya at pumunta sa likod ko. Humarap ako sa kanya, "Wait what?!"

Bakit may ganito pa? Kanina pa ata tapos itong ganitong ka-ekekan diba?!

"Ayan na Aerin!"

Kusa akong napalingon sa harapan ko dahil sa malakas na sigaw ni Cindy.

"Omg! Congrats Aerin!"

Nasalo ko.

"WHOOO!!! Ikaw na susunod niyan Aerin!!" rinig kong sigaw nina Kace at naghiyawan naman ang mga tao rito.

Dahil wala akong masabi, ngumiti na lang ako sa kanila at bumalik sa upuan bitbit ang bouquet na nasalo ko.

"I'm sorry Aerin, na-tripan lang nilang maglaro. Don't take it seriously, okay?" rinig kong sabi ni Jade bago ako makaupo. Hindi na lang ako umimik dito at naghintay kung ano pa ang mangyayari.

"Kami naman! Let's go bro!" masayang sigaw ni Johann at pumunta sa gitna kasama ang dalawa na si Kace at Adriel. Nakita ko rin ang ibang mga kasama namin na nakikisaya sa rin sa ginagawa nila.

Inilingan ko na lang sila at inilapag ko na muna ang bulaklak na hawak ko't kumuha nang maiinom.

Kusang umangat ang ulo ko nang marinig ko ang biglang paglakas nang sigaw sa paligid.

"Congrats Adriel! Ang lakas mo talaga!" sigaw nang tatlo habang walang tigil nila itong pinaghahampas at pinagpapalu-palo. Napatingin ako sa panyong hawak nito.

Si Adriel... siya ang nakasalo.

Napalunok ako. Paano na'to? Anong gagawin ko?

Natauhan ako nang marinig ko ang malakas na tawa ni Johann. Hindi ko namalayan na nandito na pala sila sa table.

"Loko ka talaga Johann. HAHAHA."

"Anong ako? Hindi kaya! HAHAHA."

Ilang sandali pa ay pumunta ang emcee na bakla sa harapan at kinuha ang mic.

"Ms. Valdez? Where are you?" rinig kong tawag nito.

Tumingin naman sa'kin si Cindy at si Apple na sinesenyasan na akong pumunta sa harapan. Nagbuntong hininga na lang ako at wala nang nagawa kun'di ang sumunod dito.

Pagkalapit ko dito ay agad akong hinawakan sa braso ng baklang 'to. "Wow. Ang ganda naman ni Ms. Valdez. Let's see kung may maibubuga din si Mr. Castillo... hey? Mr. Castillo?" natatawang tawag nito sa kanya.

Tumayo na rin ito at pumunta sa gitna kung na saan kami.

"Wow. Do you know each other?" biglang tanong nito na ikinataka ko.

What's with him? What is he planning?

"Yhup, we already know each other... She's my f-friend." biglang sagot ni Adriel dito.

"Friends? Sure?... But you look like a couple?" natatawang sabi nito. Nakitawa na rin ang mga kasama namin dito. I know, kami ang trip nila.

Napalingon ako kay Adriel na umiiling habang tumatawa pa ito.

Anong nangyayari dito?

"Couple? Nagpapatawa ka ba? She's not even my type." aniya na ikinagulat ko.

Malakas ko itong hinampas sa likod at ngumiti sa kanya. "We feel the same way! You're not even my type too. What a coincidence! HAHAHA." lecheng tawang 'to. Halatang halata na scripted lang.

Nagngitian nalang kami dito. Sige lang, inuubos mo pasensya ko.

"Talaga ba Ms. Valdez? Hindi mo siya Boyfriend? Then... who's your boyfriend?" isa pang tanong. Isa na lang talaga, masasapak ko na ang pesteng baklang 'to.

Inagaw ko na sa kanya ang mic at sasagot na nang biglang may sumigaw na nagpalingon sa aming lahat.

"I'm her boyfriend."

What?! Anong ginagawa niya dito?!




"What are you doing here? Hindi 'bat na sa Pasay ka? How come you knew that I'm here?" sunod sunod na tanong ko dito kay Tim short for Timothy.

Nginisian lang ako nito at chill na sumandal sa upuan "Sisihin mo si Tahlia, siya nagsabi sa 'kin." chill na sabi nito.

Ow. I forgot, nasabi ko nga pala kay Lia ang tungkol dito.

Timothy's twin sister --- Tahlia or Lia for short.

"So? Anong plano mo ngayon?" tanong ko habang naka-pameywang sa harapan nito. Hindi ko mapigilan ang hindi magtaray dito dahil sa hindi malamang dahilan, naiinis ako sa kanya ngayon.

"Are you mad at me?" Timothy suddenly asked.

"What if I said yes? Aalis ka na ba?"

"Ang harsh mo naman sa'kin, Aerin. Ganyan mo na ba ako i-trato ngayon?" turan nito habang umaarteng umiiyak dito. Urgh. I can't believe he's doing this to me.

"Sira ka ba? Umayos ka nga!" sigaw ko dito at mabilis naman itong tumahimik.

"Look. I'm here to escort you at saka wala akong magawa sa bahay, I'm bored. Ang haba pa ng leave ko sa work ko. I need to do something. So, naisip kong puntahan na lang kita dito, and it seems you don't have any close friend here to bond with." aniya na ikinataka ko.

"Wait. Let me clear, all of them are my close friends."

Tumango tango ito. "Back then, Aerin. But you seems your not comfortable with them now." He said in a serious tone.

Sandali akong natahimik sa sinabi nito.

"See? I'm right!" aniya.

I just rolled my eyes on him."Bahala ka nga riyan!" inis na sigaw ko at nagmadaling pumasok sa loob.

"Baby! Come here!" bago ako tuluyang makapasok sa loob ay narinig ko pa itong sumigaw, isama pa ang nakakairita nitong paghalakhak.

Pagpasok ko naman sa loob ay tumambad sa'kin ang nakakainis na pagngiti- ngiti nitong si Nixon.

"What?"

"Hindi mo ba narinig? Tinatawag ka ni Baby mo. HAHAHA!" pagtawa nito na lalo ko pang ikinainis.

"Ang kulit. Hindi ko nga siya boyfriend!"

"Deny pa more!" pagsingit sa usapan ni Johann.

"Don't you get it? Nakisakay lang siya sa trip ninyo kanina." iritang sabi ko sa kanila pero halata sa kanila na hindi naniniwala.

Umiling na lang ako dito at hinayaan nalang sila.

Urgh. I hate explaining.

"Mauna na kami, Aerin." I turn around when I heard my name. Nakita ko sina Matt and Lui na nasa harapan ko. I'm not sure with their names, but I still recall their faces.

"Ganon ba. Mag iingat kayo ha." ang sabi ko at nginitian naman nila ako.

Nagpaalam na rin ang mga ito sa mga natitirang kasama ko pa dito sa loob.

"Salamat sa inyo guys! Sa uulitin!" paalam ni Apple sa mga bisita.

Nang makapagpaalam na ito sa kasamahan niya sa trabaho at mga ka batch namin ay agad ko siyang nilapitan.

"Una na rin kami?" sabi ko na nagpataas sa kilay ni Apple.

"Anong kayo? You mean... yung hottie na umeksena kanina? Kailangan mo pang magpaliwanag sa'min." seryosong turan nito.

"His name is Timothy... but wait, why do I have to explain?"

"Ano bang meron sa inyo ng lalaking 'yon?" pagtatanong ni Apple.

"He's just my friend."

"Wehhh? Maniwala." biglang singit ni Cindy sa usapan.

I rolled my eyes. "Yes, just believe me."

"Hindi naman kasi kapani-paniwala." biglang bulong ni Clint sa teinga ko na ikinagulat ko.

Tangina. Anong gusto nilang gawin ko? Magpasabog muna ako ng granada sa katawan ko bago nila ako paniwalaan?!

"Talaga! Don't deny it, Aerin!" usyoso din ni Johann at Nixon.

Argh! Ang sarap manapak!

Tumingin ako kay Deon at naghihintay nang sasabihin pero nagkibit-balikat lang ito at pinuntahan sina Adriel at Kace na mukhang may pinag-uusapan.

Iyong totoo? Hindi na ba magbabago si Deon?

Bumalik ulit ang tingin ko sa mga pesteng chismosa't chismosong kong mga kaibigan.

"Oo nga! Wala kaming relasyon at kung may relasyon man kami sasabihin ko naman sa inyo. We're just friend!" turan ko dito sabay lingon kay Tim.

"Fine. Kunwari naniniwala kami. Ang gwapo naman kasi e!" kinikilig na sabi ni Cindy sa'kin.

Inalis ko ang kamay niyang nakakapit sa braso ko, "I know. He's almost perfect." I murmured.

"Sus! Anong kina-gwapo niyan? Mas gwapo pa kaya ako diyan, diba pare?" singit ni Johann at sinang ayunan naman ito ni Nixon.

"Gago. Ako lang ang pinakagwapo dito. Wala nang iba." sagot ni Clint dito sabay na yinakap si Apple. "Diba babe? Ako lang?" tanong nito kay Apple at tinanguan naman niya ito, "Oo naman babe. Ikaw lang." nakangiting sagot ni Apple dito sabay na hinalikan ito.

Ngumisi na lang ako.

Napansin kong lumingon sa direksyon namin si Timothy. Ngumiti ito at pumunta sa kinaroroonan namin.

Nang makalapit ito dito ay agad niya akong inakbayan, "Let's go?" aya niya.

"Anong let's go pare? Saan naman kayo pupunta?" maangas na tanong ni Johann dito. Kinurot ko ito para manahimik.

"We're going home 'cause its already 6 in the evening. Kailangan na niyang magpahinga." sambit ni Timothy.

Inalis ko ang kamay nito sa balikat ko't nagsalita. "Apple? Tutal tapos na rin yung party, nagsi-uwian na rin ang mga bisita... pwedeng umalis na rin kami? May importante pa kasi kaming gagawin ni Timothy." paalam ko pero inilingan lang ako nito.

"Ano bang gagawin niyo? Akala ko ba hindi ka busy ngayon?" tanong ni Apple.

Sasagot na sana ako nang biglang inakbayan ni Clint si Apple. "Babe, tama nga naman si Aerin. Kailangan na nilang lahat na umalis... yung honeymoon natin? Remember?" sabi niya dito na may halong paawa effect pa. Tss.

Umiling si Apple. "Hindi. Walang aalis, susulitin natin ang mga oras na magkasama tayo, kaya..." pabitin na sabi ni Apple.

"You mean... party party?" Ngiti ngiting tanong ni Johann sa kanya.

"Yeah! Aalis tayo magpa-party party!!!" malakas na sigaw ni Apple at naghiyawan naman ang iba.

Hindi na lang ako umangal pa dahil wala na rin naman akong magagawa.

If that's what they want. Then go.




"Ppijjukppijjuk meorikkeuchi jjaritjjarit nae onmomi
oneuldo ni eolguri areungeoryeoyo
na jeongmal chameul su eobtjyo
geurae naeilbuteo uri yeppeuge jal salgeyo!"

"WHOOO!! Wala akong naintindihan Cindy!" rinig kong sigaw ni Johann kay Cindy at nagtawanan naman ang mga 'to.

"Stop the love now, right? Ost ng marriage not dating! Omg! Imagine! Naalala ko pa 'yon!" rinig ko ring sigaw ni Apple.

Nginisian ko na lang ang mga ito at nilagok muli ang basong hawak ko.

"Smile." bigla na lang may flash ng camera ang nag-pop up sa mukha ko. Seryoso ko siyang tiningnan at inagaw sa kanya ang phone nito. "Tumigil ka nga, kung gusto mo nang picture sabihin mo na lang hindi yung nagpapakahirap ka pa." nakangiting sabi ko dito sabay na kin-click ang camera nito.

"Woah. You really are something, Aerin." aniya. "Why don't you sing and join them?" dugtong na tanong ni Timothy at umupo sa isa pang bakanteng upuan dito sa balcony -- condo unit ni Johann.

Ipinakita ko ang alak na hawak ko bilang sagot sa kanya. Nagulat naman ako ng mabilis nitong in-straight na ininom. What the--- "I told you to stop drinking." aniya.

"Why? Once in a blue moon lang naman akong umiinom." ang sabi ko at kinuha ang basong naglalaman ng alcohol. Pilit ko pa ring ininom ito kahit na ramdam ko na ang epekto nito sa sarili ko.

"Mababa ang alcohol tolerance mo, madali kang malasing. See! You're already drunk. Stop it." muli na naman inagaw nito ang hawak ko.

"Ibalik mo nga sa 'kin 'yan!" sigaw ko dito pero nagmatigas pa rin ito.

"Tumigil ka na. Nakakailang bote ka na, Aerin. Magpahinga ka na lang sa loob." ang pagkakadinig kong sinabi nito.

"Did dad talk to you?" I suddenly asked.

Umiling ito. "Hindi pa, matagal na rin kaming hindi nakakapag-usap ni Tito. Hindi naman din ako umuuwi sa bahay."

"Malapit-lapit na rin ang birthday ni Mama, hindi pa rin niya ako kinakausap." sambit ko habang nakatingala at pinagmamasdan ang kalangitan.

"Don't worry, kakausapin ka rin naman ni Tito." Timothy said.

Isang ngitii na lang ang ibinigay ko dito saka na pumasok sa loob. Inagaw ko ang isang boteng alak na hawak hawak ni Johann at nilagok ito.

"Grabe, ang lakas mo pa lang uminom ngayon Aerin. Dinaig mo pa ako." nginitian ko lang si Johann dito na hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

I smirked. The Aerin they know has changed. Everything has changed.

"Parang noon lang e 'no? Ang sarap balikan ang nakaraan." biglang sambit ni Apple dito na ikinatahimik ko.

Nakaraan. Nakaraan.

Bigla kong inagaw ang beer ni Cindy at ininom ito.

"I'm not drunk right?" I asked.

Tumayo ako malapit sa gitna nila. Nakaupo at naghihintay sila sa susunod kong gagawin. 

"Answer me!"

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanila. Malakas akong tumawa. "Why can't you answer me? Pati ba naman dito hindi ninyo ako masagot-sagot?!"

"Stop it, Aerin!" isang mahigpit at agresibong kamay ang kumapit sa braso ko. I Look at Timothy and smile. "What? I'm not doing anything! I'm just asking!" I hissed.

"Please. Stop. Let's go." Inagaw ulit ni Tim ang beer na hawak ko.

Isa-isa ko silang tiningnan hanggang sa may naaninag akong isang napaka-pamilyar na mukha. Itinaas ko ang kamay ko't itinuro siya. "Haluh. Bakit nandito ang lalaking 'yan? Diba pinatay ko na siya? HAHAHA. Oops! Sorry! Hindi ko sinasadya! HAHAHAHA!" halakhak ko at muling itinuon ang atensyon ko sa kanya.

"Ikaw. Ikaw ang pinaka-dahilan kung bakit ako nasaktan nang sobra! Tangina! Bakit hindi ka pa mamatay-matay ha?! Ang mga lalaking katulad mo ay hindi dapat nagiging masaya at minamahal! Dapat ikaw na lang... At hindi sila. Dapat ikaw na lang ang nawala." huminto ako nang maramdaman ko ang mainit na tubig sa mata ko, ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan ang maiyak dahil bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko noon.


"Ang sarap bang balikan ang lahat? O sige, babalikan natin ang lahat...  Lahat-lahat."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro