Chapter 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Chaos


FLASHBACK  2014

AERIN


"Oh bakit ang asim-asim na naman ng mukha mo? Ang sarap tuloy isawsaw sa'yo itong fishball."

"Oo nga naman, ano ba meron ha. Anyare sa'yo ngayon?"

Umiling ako kina Cindy at Ellies. "Wala."

Pero meron talaga.

Meron

MERON!

MEROOOOOON!

Tumayo na lang ako at kinuha na lamang ang mga paper works na nakatambak sa table at inayos ito. Hinayaan ko na lang sina Ellies at Cindy na kumain. Nasa loob kami ngayon ng SC Office, nagpapahinga at hinihintay ang oras para mamayang meeting de avance nang buong SHS.

"Ayaw mo ba talaga 'tong fishball na binili ko? Akin na lang ha!" sambit nitong si Cindy. Tingnan mo nga naman, ito bumibisita at nagbibigyan ng pagkain, siya rin naman kumakain e! Takaw-takaw.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Kace. "Aerin, na saan ang phone mo?" agad na tanong nito.

"Nandiyan sa bag, bakit?" pinagpatuloy ko ang pag-stapler dito at hindi siya liningunan.

"Kaya pala. Kanina pa tumatawag si Kuya Adey sa'yo, hindi mo raw sinasagot." nang marinig ko ang sinabi nito ay agad kong hinalungkat sa bag ko ang phone. Chineck ko ang skype account ko at nakita ang sampung missed calls ni kuya.


Tumingin ako kay Kace, at hindi ko pa man nailalabas sa bibig ko ang sasabihin ko dito ng bigla ng mag ring ang skype account ko at nakita kong tumatawag na si Kuya.

Agad ko itong sinagot.

"Kuya!!!" kumaway ako sa camera at masayang hinarap ito.

"Oh. kamusta na riyan? Kamusta school mo?" pagtatanong niya habang minamadali nito ang pagkain.

"Hinay-hinay lang kuya, may lakad may lakad?"

"Baliw, malapit na matapos break namin may exam pa kami mamaya... Oh sino mga kasama mo riyan?"

Ipinakita ko sa camera sina Cindy, Ellies at Kace. "Kuya! Pasalubong ha!" sigaw ni Kace. Agad kong siniko ito at pinatahimik.

"Oo naman! Pagka-uwi ko may bagong pares ka na!" sagot ni Kuya sa kay Kace.

"Ako rin kuya ha! Don't forget about meeee!" sumali rin si Ellies.

"Anime T-shirt na lang sa'kin kuya ha!" pagsingit din nitong si Cindy.

"Oo! Ako na bahala sa inyo basta bantayan niyo maigi itong kapatid ko." natatawang sabi ni kuya sa kanila.

"Bias ka kuya, sarili mong kapatid di mo man mabili-bili ng gamit, pero itong mga 'to. Hay naku!" pag iinarte ko at inirapan ito.

"Aba kapatid, akala ko ba wala na naman gusto? Ay meron pala!" aniya, lumawak ang ngiti ko sa binaggit nito.

"Ang makauwi ako 'diba? HAHAHAHA" humalakhak ang tawa ni kuya, nakisabay din ang mga kasama ko.

"Oo na oo na! Basta umuwi ka lang dito okay na!" pagdadabog ko. "Lampasuhin mo mga tao diyan ah, 'wag kang papatalo." sambit ko na para na ring nag-uutos dito.

"Wazupp Wazupp eberibode!"

Lumingon kami sa kakapasok lang.

Napataas ang kilay ko dito. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, pa chill itong dumekwatro ng upo. "Binibisita kayo."

Linapitan ito ni Ellies. "Hoy! Bumalik ka doon sa school, wag ka dito magkalat ng virus!"

"Oh si Nixon ba 'yang inaaway nila?" usyoso ni Kuya.

"Oo kuya, naghahanap na naman ng bibiktimahin niya dito sa school. Nangapit-bahay na naman." sagot ko. Binelatan lang ako nitong lokong ito at inasar-asar niya ang mga babaeng kasama ko ngayon.

Isa sa mga close friend ko si Nixon, magka-batch lang kami pero sa kabilang University ito pumapasok, kapag trip nitong bumisita gagawa at gagawa ito ng paraan para makalusot dito sa loob ng university.

"Si Kuya Adey ba 'yan, Aerin? Pakita mo naman ako sa kanya!" saad ni Nixon. Binaliktad ko ang camera at pinakita siya. Kumaway ito kay kuya. "Wazzup brother!" aniya.

"Oh Nixon, kamusta na Ate mo? 'Di na'ko nireplyan." tanong ni kuya dito.

"Naku! Busy 'yon sa trabaho, bayaan mo kuys kakausapin ko siya." pagsagot ni Nixon.

"Hoy kuya! Tigil-tigilan mo kakaporma doon kay Ate ha! Ayokong magkaroon ng koneksyon sa lalaking 'to! Masisira buhay ko!" reklamo ko at sinabayan akong humalagpak sa tawa ng dalawa--- Ellies, Cindy.

"Okay lang 'yan kapatid. Ikaw lang naman masisira ng buhay. HAHAHA" biro pa ni kuya.

"Ayun kuya! Kaya botong-boto ako sa'yo e!" sumagot si Nixon dito kay kuya. Tawang-tawa pa sila. Mga leche.

"Hey bro. Balik na raw tayo."

"May kasama ka pa lang pinoy diyan kuya?" biglang tanong ko ng mapansin ko ang isang lalaking lumitaw saglit sa camera.

"Oo sige, tapusin ko lang 'to." sumagot ito sa kaninang nagsalita, saka nito ibinalik ang tingin sa'kin. "Oo, si Paulo pulis sa pinas, halos kasabayan ko siya dito... Sige na Rin, sa susunod na lang, bye ingat kayo diyan pakamusta ako kina Papa't Mama." at pinatay na nito ang tawag.


Bumuntong hininga ako at muling ibinalik ang tingin sa mga kasamaan ko, nilapitan ko si Kace na may kausap sa phone nito.

"Problema?" I asked.

"I think so? Kakatawag pa lang sa'kin ni Sir Francis may meeting daw mga Prof. Kung pwede or kung kaya natin tayo na lang SC ang mag proceed sa seminar. Kaya mo ba?"

Nag-aalinlangan ako sa ganitong sitwasyon, masyadong maselan ang topic. Kaya ko ba 'to?

"Oo. Tulong-tulong na lang tayo." sagot ko. "Tara na! Pumunta na tayo sa audi!" sigaw ko sa lahat at nagmadali nang lumabas.






AUDITORIUM

"President! Okay na ba sa'yo 'to?" lumapit sa'kin si Jade. Ipinakita ang ibang research na ginawa nito sa topic namin. "Oo, okay na 'yan. Nakapagsulat naman din ako last meeting kay Sir Francis." sinang-ayunan ko na ito at pinabalik na sa ginagawa niya.

30 minutes na lang magsisimula na ang seminar, nagtipon-tipon na kami ngayon ng buong SC dito sa Audi. Nakisama rin sina Cindy dito. Ayun abala sila sa pag-aayos ng projector. HAHA!

Saglit ko silang sinulyapan ni Apple, nasi-stress na ata sa paglagay. Haha Nakakabilib din naman 'tong si Apple nakukuha pang magpa-cute kay Clint. Suskomaryosep!

"Adriel! Tingnan mo'tong chicks na 'to dabest 'diba! HAHAHA" narinig ko ang nakakabwisit na tawa nitong si Nixon. Saglit akong lumingon sa pwesto nila, mukhang abalang-abala sila ah.

"Hoy Nixon! Umalis ka na dito, di ka kasali sa seminar!" sigaw ni Ellies sa kanya.

"Ano ka ba! Para sa'kin nga ata itong seminar, baka kasi makabuntis ako. 'DIBA AERIN! HAHAHA" ang kinakatakutan ko sa lahat... ang banggitin nito ang pangalan ko. Parang may kung anong masamang enerhiya akong nararamdaman.

Lumingon ako sa gawi nila, ngiti-ngiting nakatingin sa'kin ang bakulaw na si Nixon. "Ewan ko sa'yo, epal!" tanging sagot ko at linapitan na si Kace na mukhang abala sa sasabihin nito mamaya.

"Ayun oh! Pasimpleng diskarte ha Aerin! 'Di mo pa kasi ligawan si Kace!" malakas na sigaw ulit ni Nixon sabay na pumito ito. Nagtawanan naman ang mga kasama namin dito sa loob, nangigigil kong tiningnan ang bakulaw pero hindi ito natinag. Leche!

Mabilis kong inalis ang tingin sa kanila. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi sulyapan ang katabi ng bakulaw. Hindi ako mapakali, nahihiya rin ako. Ngayon ko pa lang naman din siya ulit nakita matapos ang halikan scene nila. Omg erase that erase!

Hindi ko naman din expect na magkakakilala sila ni Nixon, Clint at sina Johann. What a small world 'diba! Nagsama-sama pa mga sakit sa ulo sa'kin!

"Hey, nakikinig ka ba?" And shoot! I was spaced out.

"Ano nga kasi sinasabi mo?" I asked Kace again.

"Ang sabi ko, ready ka na ba?" aniya.

Tumango ako. "Oo naman," tipid na sagot.

As a matter of fact, ready-ing ready na ako. Hindi lang talaga ako mapakali ngayon, ewan ko parang mag something sa dibdib ko na kinakabahan, hindi sa seminar kun'di sa ibang bagay. Suki naman din ako sa pagtayo sa stage ewan ko lang ngayon. Mapapaihi ata ako. Haha!

"Cindy! Nagchat sa'kin crush mo! Crush ka rin daw niya!" narinig ko ulit ang pagsigaw ni Nixon, naririnig ko rin ang pagtawa ng mga kasama nito.

Tiningnan ko itong si Cindy, nagmi-middle finger lang ito kay Nixon at hindi tumutugon. Himala! Ayaw ng away ngayon? Haha!

"Kaso hindi raw niya bet ang mga pader! HAHAHAHA" dugtong pa ni Nixon at sinabayan pa nito ng paghagalpak niya.

Akala ko ay kaya ng magpigil ng sarili nitong si Cindy, pero mali pala ako. Ayun! Galit na galit nitong hinahabol ngayon itong si Nixon Bakulaw.

Tumikhim na lang ako at pinagmasdan na lamang ang mga kasama ko, akalain mo nga naman. Hindi naman pala ako nag-iisa.

Napangiti ako, sana ganito na lang...

Masaya na lang ang lahat.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan mula sa backstage ang halos 300+ na estudyante. Dumating na ang oras. Kailangan ko nang harapin ang aking mamamayan. CHAROT.

"Aerin, eto na." ibinigay ni Kace sa akin ang mic. Nginitian ako nito.

Sana walang maging problema.

Hinakbang ko na papasok ang mga paa ko sa stage. Nang maramdaman kong napansin na nila ang presensya ko ay may mga iilang naghiyawan, tumahimik at pumalakpak.

"Helping young people to create a brighter future." sambit ko at tumigil sa pinakagitnang harapan nila.

"Hello. Good morning, today the Student Council will be conducting the seminar about the topic of Teenage Pregnancy." nagpatuloy ako.

"Today's teenager don't have enough education needed to fully understand how to avoid teen pregnancy. The lack of knowledge has been the reason for most unwanted teen pregna---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng napansin kong may nagtaas ng kamay, tiningnan ko sa kanang gawi ito.

"Yes?" I asked.

"So it means, President bibigyan niyo kami ng condoms? May pagkamahal din 'yon." nagpipigil nitong tawa.

Halos lahat ng mga estudyante ay nakuha nito ang atensyon. "Yes, kung gusto mo? I can give you a box of condoms." sagot ko at naghiyawan ang mga halos kalalakihan dito.

Tumingin ako sa side ng stage, may pag-aalala sa mukha ni Kace.

"In the Philippines, according to the 2013 National Demographic and Health Survey (NDHS) and the 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFSS), the number of women aged 15-19 who have begun childbearing increased from eight percent in 2003 to 10 percent in 2013."

Muli na namang nagtaas ng kamay ang kaninang lalaki, at ngayon ko lamang napansin na tropa pala nito itong si Louie. Nagsama-sama sila.

"Yes, Mr. Gagui? May problema na naman ba tayo?" ngumisi ako ng mapansin ko ang pagkainis nito. Ayaw na ayaw nitong binabanggit ang apelyido niya nakakababa raw ng ego sa kagwapuhan niya. Well, thank you sa source.

"Wala naman President, naisip ko lang kasi... paano mo mapipigilan ang pagbubuntis kung masarap ginagawa 'yon?" ngumisi ito at pinag-aapir ang mga kasamahan nito. Rinig na rinig ang tawanan ng lahat. Napahawak ako sa paldang suot-suot ko, ayusin mo'to. Huwag kang matakot.

Tumingin ang lahat sa akin ng marinig nila ang pagtawa ko."MR. GAGUI PAANO MO NAMAN MASASABING MASARAP 'YON? NASASARAPAN BA SILA SA'YO?" pilyong sagot ko at lalo lang naghiyawan dito sa loob.

Umakyat na sa stage ang mga kasamahan ko, kinuha ni Kace ang mic at pinaurong ako saglit. "I'm sorry, masyado na ata kayong nag-eenjoy, pwede na ba tayong dumeretso sa pakay natin ngayon?" saad ni Kace sa lahat. Bahagyang tumahimik sa paligid. Pero nagulat na lang kami sa biglang pagtayo ng nang GAGUi na'to. "President! Curious lang ako! HAHAHA" tumawa ito at itinaas ang dalawang kamay, sabay na inikot ang tingin sa lahat.

"Virgin ka pa ba?" diretsong tanong niya sa'kin.

Natahimik ang lahat. Ramdam ko ang mga mata nilang nakatingin sa'kin ngayon.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong pwedeng gawin ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Kalma ka lang Aerin, 'wag kang iiyak.

Napatingin ang lahat sa yabag ng paa na nanggagaling mula dito kay Adriel. Diretso ang tingin nito, nang marating ito sa gawing pwesto ni Gagui ay agad nitong kinuwelyuhan at at at... SHIT!

BOOOOGSH!!!

Tumilapon ang mga kamao nitong si Adriel dito.

"Gago ka ba ha!" hindi nagpapigil ang ibang tropa nitong si Gagui at gumanti sa suntok dito.

"HOY MGA BAOG! TANGINA NIYO!" nagulat ako ng bigla-bigla na lang lumitaw itong si Nixon, Clint, Johann at Deon. Gumanti rin ang mga 'to sa suntok.

Tila naging sabungan ng mga sakit sa ulo ang Audi.

Eto na nga ba ang kalbaryong sinasabi ko.





"I've already told you na i-cancelled na lang ang seminar, bakit ba kasi tinuloy niyo pa 'yan. Look at what happened. Laman na naman ng chismis itong department natin!" panenermon ng Principal sa lahat. Kalmado pa rin ito kahit sobrang irita na nito.

Nanatili lang tahimik ang lahat. Nakatayo kami at nakayuko sa harapan ng Principal. Kasama ko ang buong SC at lahat ng mga teacher sa SHS. Kabilang na si Sir Francis na pinuputakte ngayon sa sermon.

"Huwag na lang natin hayaang mangyari 'to ulit." patuloy nito.

Nang mapansin kong kumalma na ang lahat ay agad-agad akong tumakbo papalabas. Hindi na ako nagpaalam sa lahat dahil kanina pa ako hindi mapakali. I felt frustrated. Pumalpak ako.

Mabilis akong dinala ng mga paa ko sa pamilyar na tambayan nito. Nag-aalala ako. After the incident dinala lahat sila sa Disciplinary Room nalaman ko na lang from Kace na suspend ng 1 month sina Mr. Gagui, nabigyan din ng 1 week suspension sina Adriel, na report din si Nixon sa Univesity nito.

Natanaw ko itong tahimik na naka-upo, nilapitan ko itong si Adriel at tumabi sa kanya. Hindi ko maiwasang tingnan ang mga benda nito sa mukha, pumuputok din ang labi nito. "I'm sorry." saad ko.

Napatingin ito sa'kin. "Wala ka naman kasalanan." aniya.

Nilagyan ko ng ointment ang cotton buds na dala-dala ko at ibinigay sa kanya. "Lagyan mo ng gamot iyang labi mo."

"Dapat kasi hindi mo na ginawa 'yon, ayan tuloy na suspend pa kayo." patuloy ko pa.

"Anong magagawa ko? Binabastos ka ng lokong 'yon." aniya na ikinatahimik ko.

I was speechless. Biglang umurong ang dila ko. Hindi ko expect na sasabihin niya 'yon! Ano isasagot ko?

"Adriel!"

Sabay kaming lumingon, nakita naming papalapit sa'min sina Clint, Johann, Dean at Nixon kasama din nila ang dalawa na si Cindy at Apple.

"Sabi na nga ba nandito ka e! Aba buti kasama mo si Aerin? Kayo ha! May something sa inyo no?" bungad na sambit nitong si Nixon.

Tinapon ko sa kanya ang ointment na hawak ko. "Ako na naman nakita mo."

"Oo nga sissy, hindi kami aware na close pala kayong dalawa? Yieeee." sinabi ni Cindy.

"Okay lang naman! Little secret natin yan!" sinang-ayunan naman nitong si Apple.

Inis ko silang inirapan.

"Kaya ako nandito dahil gusto ko sanang magbigay ng paumanhin sa kanya at sa inyo sa nangyari kanina. Hindi niyo naman kasi kailangang gawin 'yon. Sige mauna na'ko." sabi ko.

Pinigilan bigla ako ni Johann sa pag-alis.

"Huwag na nating isipin 'yon, ang importante buhay pa rin naman tayo. HAHAHA" tumawa ito saka niya inakyabayan si Nixon. "Tara na nga't kumain tayo, para naman may lakas tayo mamaya sa inuman, 'diba pare?" tiningnan nito si Adriel, hindi ito kumibo at nanatiling malayo ang tingin.

"TARA!"

Hindi ko alam kung paano at bakit ako napasama sa kanila. Dahil kung ako ang tatanungin, mas pipiliin ko na lang mag-aral sa bahay. May sarili nang buhay ang mga paa ko at piniling magpakasaya muna.


Kahit minsan lang magpapakasaya na muna ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro