Chapter 26

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Somethings secrets


FLASHBACK  2014

AERIN


"Aerin." tawag ni Kace sa akin.

"Bakit?" I asked.

"May something ba sa inyo ni Adriel?" bigla akong napaismid sa nakakalokang tanong nito.

"Ano ka ba! Anong something something pinagsasabi mo riyan, naku Kace tigil-tigilan mo ako." ang sabi ko at isinara ang iniinom kong tubig.

"What? I just asked for some curiosity. And you!" muli na naman akong napatingin dito.

"What?!" hindi na magiging maganda ito ah.

"Palagi ka na lang naglilibot kasama sina Cindy. Alam ba ni tita yang pinanggagagawa mo?" pagtatanong ni Kace.

Natahimik ako.

"Minsan lang naman... Osige na, punta muna ako sa locker room, bye!" biglang paalam ko sa kanya, para naman makaiwas na ako sa mga ibabatong tanong nito.

Jusko. Ang hirap pala ng naglilihim no? Pero teka. Ano bang nililihim ko? WALA!

Nagpatuloy lang ako sa paglakad papunta sa locker room. Naramdaman ko bigla ang katahimikan ng mapansin kong ako lang mag-isang naglalakad sa hallway.

Binilisan ko ang paglalakad ng biglang maramdaman kong may sumusunod sa akin.

Jusko. Huwag naman ho sana ako!

Kasi naman sabi-sabi sa akin noong nakaraang Valentines Night Party which is hindi ako um-attend, ang dami raw naririnig sa locker ng kung anong anong boses! Nagsisigaw at umuungol daw ang mga 'to! Ang sabi nila minumulto na raw ang locker kaya ngayon balak ko na talagang ipa-bless ito!

Binilisan ko na ang paglakad. Pero parang may mali! May mga paang sumusunod talaga sa'kin!

AHHHHH!!!

Tumakbo na ako ng mabilis pero tumakbo rin ito! Gusto kong lumingon pero natatakot ako, baka ito na yung babaeng sinasabi nila! Lingon ako ng lingon sa mga room pero bakit walang tao?! Walanghiya saan napunta mga estudyante?!

"AHHHHH! BITAWAN MO AKO!!!" hinatak ako nito at tinakpan ang bibig ko, nagpapanic na ako, ramdam ko na ang bilis ng tibok ng puso ko!

"Really, Aerin? Natatakot ka na ngayon sa gwapo kong mukha?" nang mabosesan ko ang tono nito huminto ako sa pagpalag, binitawan nito ang kamay niya saka ako lumingon dito, bumungad  sa'kin ang mukha ni Adriel.

I gave him a glare.

"Ano ba kasing naisip mo at may pa horror effect ka pang nalalaman diyan?! Tatamaan ata ako ng heart attack sa'yo!" Sino ba naman kasi ang sasaya kapag may taong sumusunod sa'yo? Jusko. Nakakainis!

"Tatamaan ka pa lang?... ang tagal ko nang tinamaan sa'yo." biglang sabi nito, napatingala ako at tiningnan siya.

"Nababaliw ka na ba? Lumayas ka nga sa harapan ko!" bulyaw ko sa kanya, saka na ako naglakad ulit.

"Hey! Hey! Hey! Sorry na okay? Di ko naman expect na ganyan magiging reaksyon mo, nakita lang naman kitang kausap si Kace. Ganda niyo tingnan ha. Osige na. Lalayas na ako." biglang pag-arte nito. Aba tingin mo ang loko loko. So, ako pa may kasalanan niyan ngayon?!

Tumalikod na ito sa'kin at dumeretso na sa paglakad. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya para pigilan.

Tumingin ito sa akin, ilang segundo lang ay ngumiti ito. "Kumain ka na ba?"

Umiling ako.

"Ano? Tapos na ang lunch break 'di ka pa kumain?" aniya.

"Saan mo ba gustong kumain?" nahihiya kong tanong.

"Kung saan mo gusto." pagsagot nito.

NAMUMULA ATA ANG MUKHA KO.

"Okay." ang tanging sabi ko at nagpahatak na ako sa kanya.

At dahil may isang klasi pa kaming papasukan mamaya, inaya ko na lamang itong kumain sa Canteen. I mean nagtake-out kami ng burger and chicken with rice. Naisipan ko na lamang na pumwesto sa likod ng building kung saan kami unang nagkita. Mas okay doon walang tao, walang chismis... At wala naman talagang dapat i-chismis!

"Oh! Ang sarap ng burger tikman mo!"  ang sabi ko, tumingin naman ito sa akin at inagaw ang kinagat kong burger.

"Hmmm. Masarap nga." komento nito.

"AISH! PWEDE BA MERON KANG ISA DIYAN, KAININ MO SA'YO."

"Kung anong sa'yo akin din." aniya.

"Huh! At bakit? Do you even know what individuality means?" I said.

"Pake ko don. Basta kung anong sa'yo, akin din... Dahil akin ka." napaubo ako sa biglang banat nito.

Hindi ko alam kung may sira na ang teinga ko o sadyang nagha-hallucinate na ako sa mga naririnig ko.

Nasa stage na ba ako ng pagiging assuming?

"Nga-nga pa sige." napatikom naman ako ng bibig ng bigla itong magsalita. AISH.

Tahimik kong kinain ang kung ano man makuha ng kamay ko, "Ano? Pati kamay ko kakainin mo?" pagsusungit ni Adriel.

Napatingin ako dito, hawak-hawak ko ang kamay nito. Bwisit. Tapos ngayon nagsusungit siya? Problema niya? Kung maka mood swing dinaig pa ako! Pasalamat ka ang pogi mo kapag nakangi--- SHIT! At anong kalandian naman ang iniisip mo Aerin ha?!

"Ang sagwa ng kamay mo kakainin ko?"

"Sus. Ang lambot lambot kaya ng kamay ko, tingnan mo nga kuko mo sa kuko ang layo. Mas maganda pa sa'kin. HAHAHA" natawa ito sa sarili niyang pinagsasabi.

ABA! LECHE BA'T NGUMINGITI NA NAMAN ITO? PAPATAYIN NIYA BA AKO SA KILIG?!

In two months, a lot of strange things happened that I did not expect. Madalas ko nang makasama ang ungas na'to especially kapag nasa galaan ang tropa, pero dahil nasa paligid namin sina Nixon at Johann walang ginawa sa'min kun'di ang mang-asara. Madalas din akong hintayin nito pagkatapos ng klase at ihatid sa Village namin. Hindi pa nga niya aminin pero madalas din pinagdadalhan ako ng pagkain ng ungas na'to. Di nga lang ma amin-amin dahil dinadahilan niya ang palaging nakabuntot na sina Clint at syempre kapag nandiyan si Clint? Present si Apple! Nagiging malapit na rin kami ng tropa ni Clint lalo na si Johann.

I can't explain but I'm really getting the vibes of being happy. The real fun, if last year I was just a cycle of home to school. Now, there is a sudden thrill in my life. Pakiramdam ko nga sa buong high school days ko ngayon ko naramdaman ang pagiging malaya ko.

'Di ko alam kung bakit. Basta masaya lang talaga ako ngayon.

At hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ba kami ng lalaking kasama ko. Una sa lahat, WALANG KAMI. Ganito lang flow naming dalawa, may pa kemeng 'Parang kami pero hindi'

Nababothered pa rin nga ako kapag naaalala ko ang 'Commitment' thingy nito. Pakiramdam ko naman ay gusto naman niya ako, hindi nga lang magawang sabihin. Baka nahihiya? EHHHHHH!

Oh baka natakot kasi pulis ang papa ko? HAHAHA

Saglit akong napatigtig sa mukha niya. Gusto ba niya talaga ako? Kasi ako.

"Hoy! Bat di mo na lang sabihing naga-gwapuhan ka sa'kin?"

Ako? Oo. Gusto ko na siya.

Hindi dahil sa madalas na patukso-tukso ng tropa kun'di sa sarili nito. May side itong hindi niya naipapakita sa iba at maswerte akong nakikita ko ito.

Pero kung gusto ng level up, 'di naman ako nagmamadali. Masaya na ako sa ganito. That's more than enough for me. Pakiramdam ko nga kahit walang kami, parang kami. Ano daw?

AH BASTA GETS NIYO NA 'YON.

At kung may mabubuo mang relasyon, feeling ko mahihirapan lang ako--- kami. Ayaw ng family ko ang gumaya sa ibang kabataang walang ginawa kun'di ang luma-lovelife. Gusto nila pagka-graduate ko ng College doon pa lang pwede. Kaya kung may relasyon man. Magiging hide and seek ang game. HAHAHA

"May nakikita ka bang di ko nakikita?" biglang tanong nito.

Huh?

"Kanina ka pa nguso ng nguso diyan. Gusto mo ba halikan ang puno? Bat di nalang ako?"

AT ETO PA. KUNG MAKA HIRIT NG LINES KALA MO TALAGA ANO E! NAKAKAANO E!

"Aerinnn!!!" lumingon kami ng kasama ko sa tumatakbo ngayong si Cindy at Apple. Nasa likod rin nila sina Clint.

"Oh. Napano ka?"

"Sale ngayon sa mall! Tara mamili tayo!" gigil na saad ni Cindy.

"Naku! Ayoko! Di ako nagdadala ng pera 'diba." pagdadahilan ko. Ayoko lang talaga sumama.

"Ihhhh edi ipahiram muna kita, sasama naman itong si Adriel e. YIEEEEE." tukso naman ni Apple.

"Hoy. Kayong dalawa, bago niyo unahin 'yan mag-inquire na kayo for College. Aba! Last 2 month na natin ngayon dito kaya kung ako sa inyo. Iyon ang atupagin ninyo... Kayo rin!" sermon ko at dinamay ko na rin ang mga boys.

Isa pa 'tong dalawang kaibigan ko. Happy go lucky lang ang buhay nila, walang halos inatupag kun'di ang maglakwatsa. Kaibigan ko naman sila pero minsan nakakairita na pinanggagagawa nila. Ayaw naman nilang sumama sa amin Kace at Ellies.

And yes! This is our last vacation in high school life and I'm hoping to make a great memories with them. Pero dapat aral muna ngayon, okay?

Hindi na ako nakapagsalita pa ng tawagin na ako ni Kace. Nakatayo ito malapit sa isang poste. Seryoso lang itong nakatingin sa akin.

Napalunok ako. Saglit kong sinulyapan si Adriel.

"O, ayan na si Mr. Kace aagawin na sa'yo itong si Aerin, Adriel! HAHAHA"

Hahaha. Nakakatawang biro Johann.

Hindi ko na sila pinansin at inayos na mga gamit ko, nagmamadali akong tumakbo papunta kay Kace.

Muli akong humarap sa kanya.

Pakiramdam ko bumibigat dibdib ko?

O lumalaki lang talaga dibdib ko? Naku Aerin nagdadalaga ka na ha!

Ay jusko! Ano ano nalang iniisip mo!




"Okay ba tayo sa SHS Night natin this coming march?"

"Oo, sigurado naman magugustuhan naman ng Head ito."

"Ikaw, Pres? Sang-ayon ka ba?"

Napatingin sila sa akin. Ibinaba ko ang kinakagat kong ballpen.

"Oo, okay naman siya. Ako pa tinanong niyo, akala niyo naman makakapunta ako." pagbibiro ko.

"Hindi ka na nga pumunta last Valentines Party, pati ba naman dito?"
tanong ni Jade.

"Ganyan talaga, bawal ako ng gabi. Naintindihan naman nila ng Department ito."

"Hayaan niyo na siya. Tatandang dalaga yan." pagbibiro ni Ellies.

Inirapan ko siya. "Duhhhh. Baka ikaw."

"Duhhh din. Atleast tatanda!" at binelatan ako.

Kinuha ko ang gamit ko at nagpaalam nang mauna na sa kanila. I check the time and Its already 4PM. Parang kanina lang kakagising ko pa lang, ngayon uwian na? Aish.

"Hoy bruha. Huwag mong kalimutan ha? Regalo ko. HAHAHA" pahabol na sabi sa akin ni Ellies at pinagsarhan na ako ng pintuan.

Aba! Kung makapag-demand ha!

Paglabas ko sa campus ay pumili na ako sa paradahan ng jeep. Halos ilang minuto rin ang hinintay ko bago ako makasakay ng Jeep, wala akong sundo ngayon dahil tinext ako ni Mama kanina na umalis ito at syempre gamit ang kotse. Napatagal din naman kasi yung meeting kanina.

Nag-plano kasi sina Kace na magkaroon ng SHS Night, parang closing party sa lahat ng kapwa ko senior high. Gusto ko naman yung theme na masquerade ball. Takip takip mukha tas charan! Eat bulaga! HAHAHAHA

Natatawa na lang ako sa sarili ko habang iniisip kong hindi naman din ako makakapunta. Ganon kasi ang rules ni Papa. Bawal ng night party school events hanggang wala pa ako ng 20's, may exception naman kapag exclusive ang nag-invite sa akin like dati sa party ni Apple. May inilabas pa 'yong invitation ha. Kahit mga shokoy nagsasasayaw doon. HAHA and doon din sa party nina Papa kasama mga ka trabaho nito, and kailangan kong sumama. Na bore nga ako dahil hindi talaga siya party para siyang meeting. -_-

Kahit President ako, hindi ko rin trip yong mga ganoong bagay dahil minsan delikado rin sa tulad kong babae ang umuuwi nang gabi. Syempre teenagers, hindi mo naman mapipigilan dahil excitement iyon, lalo na sina Apple! Jusko bawat event ata sa school pinaghahandaan nila!

"Masyado mo naman ata akong iniisip?"

Napa-angat ang ulo ko. Nakita ko ang pagmumukha ni Adriel na nakadungaw ngayon sa jeep. Hindi pa rin pala nakakabiyahe ang sinasakyan kong jeep!

"Teka! Kuya sandali lang ho baba ako!" sigaw ko ng bigla bigla na lamang ako nitong hinatak papalabas.

Pinagpag ko ang maalikabok kong palda. "Ano ba trip mo ha? Papatayin mo ba talaga ako?"

"Oo. Papatayin kita sa pagmamahal sa akin."

"Alam mo ang corny mo!" sita ko sa kanya.

"Tss! Halika nga samahan mo'kong kumain." aniya.

Hindi na ako pumalag pa at kinaladkad na ako papunta sa kotse nito.

Naging tahimik muli ang paligid. Pareho ang tingin namin sa daan. Ilang minuto lang ay pinarada nito ang kotse sa isa pang palengke dito.

"Shit! May tusok-tusok!" na alarma bigla ang tiyan ko sa mga totobits na nakahilera ngayon.

Nagmadali akong bumaba sa kotse, namamangha kong iginala ang tingin sa napakaraming tusok tusok dito.

Let me clear, dito sa lugar namin sikat na sikat ang tinatawag na totobits o tusok-tusok. Maraming mga estudyante ang madalas na tumatambay dito, bumuo na kasi sila dito sa park na malaking pwesto at lahat nang nagtitinda nagsama-sama na.

Nanghingi agad ako ng isang malaking basong plastic. Kukuha na sana ako sa mga niluluto ni ate ng biglang inagaw sa akin ng ungas nito ang baso at stick na hawak ko.

"Ako na nga lang." aniya.

Kikiligin na sana ako kaso pagdating sa ganitong kainan. Hindi ko na aappreciated kapag hindi ako ang tumutusok sa kinakain ko. Ang weird diba?

"Ate pahingi ulit ng plastic." ang sabi ko ulit, nagtataka akong tiningnan ng kasama ko. Binigyan ko ito ng kaya-ko-na'to-look. at mukhang na gets naman niya.

Tumusok agad ako sa napipritong pisbolan dito, pinuno ko ang baso ng kikiam, squid balls at hotdogs. Nilagyan ko ito ng sweet sauce at kaunting vinegar.

Sinimulan ko ang sumubo dito at shit. ANG SARAP!

AHHHHH. ITO TALAGA YUNG HEAVEN! Ang totoo niyan, minsan lang ako nakakakain ng ganito, sa bahay kasi bawal ang ganitong pagkain. Ayaw na ayaw ni mama dahil madumi raw, kaya natitikman ko lang ito kapag may yayaan at kapag kasama ko si Ellies. Minsan nga nagdadaya pa ang babaeng 'yon sa bilangan. HAHAHA

"Sarap na sarap ah." napatingin ako sa kasama kong ngiti ng ngiti ngayon.

"Hoy! Naubos mo na agad yon?!" tanong ko ng kumain naman ito ng tokwa at tuknene.

"Oo." tugon niya.

Pinagpatuloy ko ang pagkain at binilisan ito, pagkatapos ay tumungo naman ko sa isa pang stall. Kumuha ako ng bituka ng manok, chicken skin at betamax.

Nawawala na ako sa katinuan.

Ganito dulot ng pagkain sa akin!!!

"Hoy hinay-hinay." biglang wika ni Adriel na nasa likuran ko.

"Huwag mo'ko intindihin. Kain ka lang diyan."

Matapos kong linunok lahat ng kinuha ko ay inilabas na nito ang wallet niya. "Ate magkano po nakuha ng kasama ko?"

"130 po sir."

WHAT?!

"130?! Saan mo lahat naipasok yung pagkain ha?!" gulat na tanong ni Adriel sa akin.

Tinapik-tapik ko ito. "Ikaw naman syempre masarap kumain. Hehe" lumayo na ako dito at muling iginala ang tingin sa loob.

"Ma'am ganda! Bananacue oh!"

Napalingon ako.

"Huwag mong sabihing gusto mo pa?" bulong niya.

"Kailangan ng dessert pagkatapos kumain. Hehehe." nakisingit na ako sa mga iba pang kumain dito. Kumuha ako ng tatlong stick ng bananacue at dalawang stick naman sa kamotecue.

"Seryoso ka ba talaga?!" hindi na maipinta ng mukha nito sa gulat. Natatawa na lamang ako reaksyon niya.

"Gusto mo ban---" hindi ko'to pinatapos at isinuksok sa kanyang bibig ang saging.

Nilayasan ko na ito at pumunta na sa kotse.

THANK YOU LORD! HEAVEN ANG ARAW NGAYON!




Inabot kami ng isang oras doon at ngayon ay kasalukuyan na kaming bumabiyahe pauwi. Nang marating na namin ang Holy Village ay bumaba na ako.

Tumingin ako dito na nasa driver seat. Yumuko ako. "Salamat!" bago ako tumalikod ay kumaway pa ako sa kanya.

Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko sina Mama't Papa na naghahapunan. Naka-uniporme pa rin si Papa, marahil ay kakagaling pa lamang niya sa trabaho.

Nagmano ako sa kanila.

"Bakit gabi ka nakauwi?" pagtatanong ni Mama.

"May inasikaso lang po, Ma." humarap ako kay Papa. "Kamusta na si kuya, Papa?" tanong ko.

Kahit nagiging masaya ako ngayon, hindi ko pa rin maiwasan hindi malungkot at mag-alala kay Kuya, ang tagal na nitong hindi umuuwi, ang dami raw nitong ginagawa sa camp na sinasabi nito. Lately, hindi na rin namin siya makausap ng maayos.

"Nakukuha mo pang mag-alala sa kuya mo? Sarili mo ngang pag-aaral di mo inaatupag." sagot ni Papa, ramdam ko ang tono nito ang galit.

"Pa. Wala naman ho akong bagsak, ayos naman po grades k---"

"Bumaba halos lahat ng subjects mo!" malakas na sigaw ni Papa. Natigil sa pagkain si Mama sa gulat. "Personal na tumawag sa'kin ang Prof mo, ibinalita sa akin ang pagbaba ng grades mo! You think matatago mo sa akin 'to? I may be busy man pero hindi mo maalis ang mga mata ko sa inyo!" he suddenly shouted.

"Pa aayusin ko naman po, hindi ko---"

"Ayusin mo ang pag-aaral mo kung gusto mo dito mag-aral! Dahil kapag hindi mo nakuha ang grades na dapat na makuha mo. Isasama kita sa Manila!" muling sumigaw si Papa.

Hindi na lamang ako kumibo sa kanya, wala rin naman din akong magagawa kapag nagsalita na si Papa.

Pinigilan ko na lamang ang mga mata kong lumuha habang pilit na hindi pinapasok ang masasakit na salita nito sa'king teinga. Ayokong makita niya ako mahina, lalo niya lamang akong ibababa.

Hindi na rin naman iba sa akin ito, nakuha ko nang masanay.

"Pa... you know Aerin. She can handle her things on her own." sinubukan ni Mama ang amuhin si Papa, pero wala itong laban.

Napatingin ako sa phone ko. I got a text from Adriel. Naiwan ko raw ang mga thesis books ko sa kotse at na sa harapan ulit siya ng village.

"Look, anak pleas---" hindi ko na pinatapos pa si Papa at nagmadali nang tumakbo papalabas, pagdating ko sa harapan ay nakita ko itong nakasandal sa kotse.

"Naku. Pasensya na at kinailangan mo pang bumalik." sabi ko at kinuha ang mga libro sa kanya.

Linapitan ako nito. "Hey, umiiyak ka ba?" he asked as I felt his concerned voice.

Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko. "Naku! Nabasa ito kanina. Kakahilamos ko pa lang ng mukha e!" palusot ko.

"Kakahilamos pero ni hibla ng buhok mo hindi nabasa?" lalo itong naglakad papalapit sa'kin.

"Syempre! Expert ako sa---"

I was shocked as he pulled me closer to him.

SHIT

He put his lips into mine!

Napahinga ako ng malalim ng kumawala na ang labi nito sa akin.

Nanatili ang mga mata nito sa paningin ko.

Pinapakiramdam ko ang dibdib kong mukhang sasabog na sa kaba.

"I... I love you." he murmured.

I stared on his face.

He, who just walk into my life and sweeps everything away. Things start changing and I don't realized when and how this changed has been.

To say those words. Makes my heart pounds, and for that. It says it all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro