Chapter 48

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹I... Promise


AERIN


Napasalampak na lamang ako sa sofa sa sobrang pagod. Pinahid ko ang pawis sa noo ko at nagtatakang tumingin kay Manang Cora.

"Ayos ka lang, Aerin? Magpahinga ka na muna." she said as she held a laugh on her lips.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang po ako, Nang! Kayang-kaya ko po ito." I cheered up.

Huminga ako ng malalim at saka inabot ang isang malamig na basong tubig. Nilagok ko ito.

It's been 2 days since I've arrived here in Pampanga and in those two days I have never stopped walking and walking. In the mean time, I'm managing the flower shop, taking care of Manang Cora here at the Hospital, pick up items and visit the house. Really? I would rather chase a criminals than do this kind of stuff.

Hindi ako nagrereklamo, okay? Masaya akong inaalagaan si Manang hindi ko lang talaga expect ang pag-welcome sa'kin sa pag-uwi ko dito. HAHAHA

"Bibisitahan mo ba ang kaibigan mong si Ellies at ang kuya mo, anak?" biglang tanong ni Manang ba nagpa-angat sa ulo ko.

I nodded. "Opo. Manang, magpapahinga lang po ako saglit. Ayos lang po bang umalis po muna ako? Mabilis lang naman po ako."

"Oo naman, kayang kaya ko na 'to. Manonood lang naman ako dito sa kwarto at hihintayin ang nurse." aniya.

"Salamat po, Nang!"

I took a nap for atleast 30 minutes. Siguro kung hindi lamang din ako ginising ni Manang e tuloy-tuloy na ang tulog ko.

Nagpalit na muna ako ng damit sa cr, simpleng black pants at blue shirts lang ang sinuot ko with matching sneakers shoes. Wala naman din akong pupuntahan ng importante pa ngayon dito bukod kay Ellies at kay Kuya Adey.

"Nay! Una na po ako ha? Balik po ako mamayang alas dose. Sabay po tayong maglunch!" ang sigaw ko, nakangiti pa itong kumaway sa'kin bago ko isara ang pintuan.

Napapapadyak-padyak ang mga paa ko habang naglalakad pababa. Masarap pala ang pakiramdam kapag madalas kang mapag-isa. Nagiging payapa ang na sa paligid ko. Walang umaaligid na mga kutong lupa at manok sa tabi ko.

Speaking of them. Even though they knew I was only a week away to stay here, they still didn't stop video calling me. Even though they were at Headquarters they couldn't put the phone out of the hands of those fools.

Syempre! Sino pa ba ang pasimuno kun'di itong si Timothy, kaya lalo akong nahihirapan dito, e. Tatawag sila habang abala kong tinutulungan ang staff sa shop. Naku! Kung hindi lang ako nagtitimpi binlock ko na mga number nila.

Apart from them. Si Bree nakakausap ko naman ito kapag pahinga time ko na. Mostly kapag nakahiga na ako at matutulog na, kwentuhan lang ng konti tapos okay na.

"Good morning po, Ma'am!" I laid my eyes on kuya guard. Malawak itong nakangiti habang sumasaludo sa'kin.

Ngumiti na lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglabas. Hindi naman talaga dapat niya malalaman na pulis ako, pero dahil kahapon nakitang kasama ko ang Lieutenant kong Ama. Ayun, 'di na maalis ang pagkamangha nito sa mukha.

Nahihiya tuloy ako.

Errr. Kapal nga ng mukha mo, e!

Tumungo na ako sa parking lot at binuhay na ang engine ng kotse, papaliko na ang kotse ko sa right side ng daan ng biglang tumunog ang telepono ko.

"Ano 'yon?"

"Ma'am? Pasensya na po, pero pwede po bang patulong po saglit dito sa shop?" pakiusap niya. Ang nag-iisang babaeng staff sa flower shop.

"Ahh. Oo sige, paalis na ako. Hintayin mo na lang ako riyan." sagot ko sa kanya at binabaan nito ng tawag. Minadali ko na ang pagbiyahe ko papunta sa Palengke.

Pagpasok ko rito ay halos mapuno na nang mga customer ang nasa loob.

"Ma'am! Pasensya na po talaga, biglaan po mga customers ngayon." bungad sa'kin ni Leanne, ang tinutukoy kong staff dito sa shop.

Inilingan ko ito. "Naku, walang problema. Tara na at mag-umpisa na tayo." sabi ko dito at ngumiti naman siya sa'kin.

Pinagtulungan na naming asikasuhin ang mga customers at halos isang oras din ang inabot namin para matapos. Mukhang bibisita rin sila sa mga napayapa nilang mahal sa buhay, nalalapit na rin kasi ang All Souls' Day.

Humihingal akong umupo sa silya. Nagtama ang tingin namin ni Leanne at sabay kaming nagtawanan sa kapaguran. Jusko kung si Leanne lang ang nag-asikaso rito, baka abutin ito ng siyam-siyam.

"Salamat po ma'am ah." nakangiti niyang sabi saka nito inayos ang bag niya.

"Oh. Aalis ka?" pagtatanong ko.

"Hindi na po e, wala po kasing magbabantay dito. Sige na po ma'am, kung may lakad po kayo, umalis na po kayo." aniya.

"Saan mo ba balak pumunta?"

Inalis niyo ang tingin sa'kin saka niya inayos ang mga libro nito. "Sa school po sana kaso baka hindi na po ako pupunta."

"Saan ka ba nag-aaral?" tumayo ako at kumuha ng maiinom. Chineck ko rin ang mga bulaklak na pwede kong dalhin para mamaya sa pagbisita.

"Diyan lang po sa Cavalier University." tugon niya.

"Oh. Diyan rin ako nag-aral dati."

"Talaga po? Mahal nga po dito e. Napaswerte lang po sa scholarship." aniya sabay ngiti sa akin.

After I had selected two varieties of flowers in the basket, I eventually  took them.

Tumingin ako kay Leanne. "Tara na, ihahatid na kita do'n,"

"P-po? E, paano po itong shop? Naku 'wag na po. Meeting lang naman---"

"Bahala ka. Magbabago pa isip ko sige." pagbibiro ko sa kanya at tumungo na papalabas. Isinakay ko na  sa backseat ang mga bulaklak, nang umangat ang tingin ko ay nakita ko si Leanne na nahihiyang nakangiti.

In the end, I'd decided na isara na muna ang shop. Hindi naman siguro 'to malulugi kung isang araw lang naman magsasara 'diba? HAHAHA

"1st year college ka na 'diba?" tanong ko kay Leanne na tahimik nakaupo sa front seat.

Napansin kong tumango siya. "Opo! Kaso medyo nahihirapan nga lang po sa course ko. HEHE."

"Madali lang 'yan, mag-aral ka lang ng maayos." I said while my eyes still in the road.

Agad na nagpaalam sa'kin si Leanne nang makarating na kami sa eskwelahan. Tutungo na ito sa dapat niyang puntahan. Naiwan naman ako sa tapat ng University-ing nakatingala at pinagmamasdan ang pamilyar na paligid sa'kin.

After 6 years.

It's only been a while since I've been back here.

Dahil maaga pa naman ay inabala ko na munang pumasok sa dating paaralan ko. Marami nang nagbago sa paligid, naging masikip na sa loob dahil halos marami ng mga bagong building na itinayo at itinatayo pa, ang mga teachers ko no'n ay mukhang nagsilipatan na rin at tanging mga batang teachers na ang nandito.

Ewan ko, pero may sariling buhay ata ang mga paa ko at dinala ako sa pamilyar na lugar dito sa eskwelahan. Ang likod ng abandonadong building, ang lumang Garden ng school.

But now, it's all gone.

Tinayuan na ito ng bago at may kataasang gusali.

Nawala na iyong puno, ang batong upuan at ang sariwang hangin na nilalasap ko pa no'n.

Jusko. Natatawa ako. HAHAHHAA

Inalog ko ang ulo ko. Huwag masyadong maging sentimental okay? Baka may maalala ka bigla.

Ilang minuto lang akong nagpaikot-ikot sa loob pero agad na rin akong lumabas. Nagbiyahe na ulit ako sa cemetery kung saan magkasamang nakahimlay ang dalawang importanteng tao sa buhay ko.

Magiliw akong pinapasok ng guard. Una kong hinanap sa paningin ang puntod ni Ellies. Umupo ako sa damuhan at inalay ang dala kong bulaklak.

Napangiti ako habang hinihipo-hipo ang pangalan nito sa lapida.

Ilang taon rin kitang iniwasan, ilan taon kong dinala ang lahat ng sakit at pagsisisi ko dahil sa nangyari sa'yo, pero ang lahat ng 'yon ay hindi pa rin mapapantayan ang masasayang pinagsamahan nating dalawa. Lahat ng mga tawanan, iyakan, asaran at misan 'di pagkakaunawaan dahil sa tigas ng ulo ko. HAHAHA

"Miss na miss na kita, Ellies. Namimiss ko na ang panenermon mo sa'kin." bahagya akong natawa at pinunasan ang namumuong tubig sa'king mga mata.

"Kung siguro ay nabubuhay ka pa ngayon, panigurado't magkakasundo kayo ni Bree. Naku! Kamukhang kamukha mo 'yon, pwera nga lang sa pagiging marupok, e 'no? HAHAHA"

Inikot ko ang tingin sa paligid. Mabuti na lang talaga ay mag-isa lang ako ngayon, baka makuha pa nila akong pagtinginan ng mga tao sa biglang pagsasalita ko dito. HAHAHA

"Pasensya na at ngayon lang ulit kita nadalaw--- kayong dalawang Kuya Adey. Ayos lang naman kung magalit kayong dalawa, mas gugustuhin ko pa 'yon. HAHA!" tumatawa ako pero leche umiiyak naman.

"Nababaliw na naman ako, Ellies." wika ko at tahimik na pinagmasdan ang pangalan niya. "Mahal na mahal kita, Ellies." bulong ko at hindi ko na napigilan pang bumuhos ang mga luhang kinimkim ko sa haba ng panahon. Anim na taong pagdurusa sa sarili, anim na taong pagsisi... Pero hanggang ngayon nangungulila pa rin ako.

Kahit mukhang ilang segundo lang ay hihimatayin na ako sa bigat ng pakiramdam ko ay tiniis ko pa rin at hinanap ang isa pang puntod dito.

For a few seconds I stared at his tombstone, trying to say his name out.

Umupo rin ako sa harapan nito at inalayan ng puting bulaklak.

"Kuya Adey, kamusta na?"

"Ako? Ayos lang naman ako, nag-eenjoy naman ako sa trabaho ko."

Nagbunot-bunot ako ng mga makakapal na damo sa tabi niya.

"Alam mo kuya, ang daming nangyayari ngayon. Nakikita mo ba sa taas? Huwag mo'kong papabayaan ah. Baka sumunod ako bigla sa'yo. HAHAHA"

Kinapa ko sa bulsa ang bagay na pag-aari nito.

"Oh. Gulat ka 'no? Hawak ko ang pito mo... Kuya, pwede mo bang sabihin sa'kin ang lahat? Kahit idaan mo lang sa panaginip. Papakinggan kita."

"Gusto ko malaman kung may pumatay nga sa'yo... Kasi kuya, mukhang mababaliw na ako kakaisip, ang hirap-hirap, I couldn't find any answer. It seems like everything is hidden, the truth is trying to hide from me."

Tuluyan ng pumatak ang aking luha habang nakatulalang, nakatitig sa lapida nito. I felt my heart pounding again in pain.

Dahan-dahan kong hinipo ang pangalan niya. "Kuya... Patawarin mo ako dahil wala ako sa tabi mo noon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa'yo, hindi ko alam ang mga dinanas  mong mga pasakit no'n. Patawarin mo ako kuya."

Ang sakit-sakit. Pinipilit kong hindi alalahanin pero balimbing ang puso ko at pinaparamdam na naman niya ang sakit na pilit kong tinatago.

"If someone killed you ... I'll make sure, that person will pay."

Seryoso kong ipinako ang aking mga mata habang wala paring tigil ang pag-agos ng tubig ang aking mukha. Napakuyom ang palad ko sa galit.

"I'm going to kill that person. I'll take that person's life too ... Just as he takes you away from me... I promise."

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na akong napahagulgol sa iyak habang akap-akap ang sarili kong hindi na maawat sa pagluha. Kasabay ng pagbagsak ng aking katawan ay siya ring pag-ihip ng napakalakas ng hangin sa paligid. Animo'y naririto silang dalawa. Pinatatahan ang naghihinagpis kong puso.




Nagising ako sa malakas na pagtawag sa'kin ng isang matandang lalaki--- Kuya guard?

"Hija. Baka mapano ka diyan, tumayo ka na." dinig kong sabi niya, kinusot kusot ko ang nanlalabo kong paningin. Naglalakad na ngayon pabalik si kuya guard. Samantalang ako, mukhang nakuha kong makatulog sa tabi ni Kuya Adey.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at pinagpag ang suot kong damit.

Tumitig ulit ako sa lapida ni kuya at sinipat rin ang pwesto ni Ellies.

For the last time I looked up at the sky. Naramdaman ko ulit ang pag-ihip ng hangin dahilan para maisayaw nito ang aking buhok.

"Do not be afraid and sad. You will not be alone. Because half of my life has been with you." I murmured.

There are no goodbyes for us. Even death separate us. You two will always be in my heart.

"Shit." I cursed when I'd remember na sabay pala kaming magla-lunch ni Manang Cora.

I look at my watch and it's already 1:15 in the noon. Paniguradong pinakain na siya ng mga nurse do'n. Nagbabalak pamo akong bilhan ito ng foods.

I shrugged. Well, hindi naman nauubos ang oras. Makabili nga ng pizza. HEHEHE

Tumuloy na ako sa paglabas ng cemetery at bumiyahe na pabalik sa Hospital. Nagdrive thru na muna ako sa isang fastfood chain at bumili nang pwede naming mapagsaluhan ni Manang. Hindi pa man ako nakakalayo kaninang lumabas ako sa  fastfood chain ay may isang driver ng kotse ang lumabas at dinuro-duro nito ang isang truck na naka-stopped sa mismong gitna ng daan dahilan nito ang mabagal na pag-usad ng mga kasabayan kong sasakyan.

Lumabas ang driver ng truck. Mukhang kinakausap naman ng maayos ng driver ang lalaki. Hindi ko lang sila marinig dahil may kalayuan sila sa pwesto ko at sinabayan pa ng mga pagbusina ng mga kotse dito.

Putanginang ang iingay! Ang init-init na nga sa mundo makikisawsaw pa sila!

Nang mapansin ng mata ko ang isa pang lumabas ay napakunot noo ako. Bakit pulis ang isa? Anong meron?

Naka-uniporme kasi ito ng pang pulis kaya alam na alam ko.

Dahil 'di ko na matansya ang sobrang ingay ay lumabas na rin ako at pumunta sa truck.

Nang mapansin ako ng lalaking pulis ay sumaludo ako sa kanya. Gulat pa nga ito pero no'ng pinakita ko ang ID ko, e. Sumaludo rin ito pabalik.

"What happened here?" pagtatanong ko sa kapwa ko pulis.

"Mukhang nabutas 'yong gulong, pero tumawag na'ko sa Headquarters. Ilang sandali lang darating na. 'yon." aniya.

"Ano ba naman 'yan! May lakad ako e! Dalian niyo ha!" narinig ko ang reklamo ng kaninang lalaki, mukhang inis na inis na'to.

Pero hindi naman siguro nararapat na sigaw-sigawan ang kapwa mong tao. Aba!

"Mister, 'di ba kayo naiinitan? Tingnan mo tinik na tinik ng araw kung ano-ano pinuputok ng bunganga mo riyan."

"Hoy miss, umalis ka nga dito. Nakakasira ka ng araw, e." inis na saad nito.

Nagtaas ako ng kilay. Lakas ng loob ah. "Mister, sila na mag-asikaso nito. Pwede? Bumalik ka na sa sasakyan mo."

Nginisian niya lamang ako at umiling iling.

Babanatan ko na sana ang ungas na 'to ng biglang pigilan ako ng kasama kong pulis. He shook his head na para bang sinasabing 'wag ko nag patulan.

At dahil ayoko naman ding gumawa pa ng eskandalo dito ay pinabayaan ko na lang ang driver na kausapin ang lalaki. Linapitan ko na lang ang kaninang pulis.

"Buti nakasakay ka dito sa truck? Anong meron?" pagtatanong ko.

"Papunta kami sa Bulacan. Dadalhin namin ito sa Main Department do'n." aniya sabay bukas ng sa loob ng truck. Tumambad sa'kin ang sandamakmak na laruan.

"Para saan 'to?"

Nagsuot ito ng gloves at kumuha ng isang stuffed toys. Marahas niya itong binuksan at nakita ko ang mga plastic plastic na droga?

"Saan niyo 'to nahanap?"

"Nahuli namin ang isang grupo ng kalalakihan sa isang cargo ship sa Clark. Muntikan na nga kami mapaniwala pero masyadong halata ang isa agad na nagtutok ng baril." aniya habang bahagyang tumatawa.

Napatitig ako sa mga laruang nandidito, pamilyar sa'kin ang tatak nila.

"Ang lalakas ng loob nilang mamili ng ganito tapos lalagyan ng droga." dinig kong sabi niya.

Kinuha ko ang hawak nitong stuffed toys. Kung hindi ako nagkakamali. May knitted 'Y' ang alam kong laruan na ganito.

Nanlalaki ang mata ko at hindi nga ako nagkamali.

Brand ng laruan nito ang mga Young's.

"Anong ginagawa mo?" tanong nito habang ako naman ay pumasok sa loob at chineck ang lahat ng laruan. Magkakapareho lang sila. Nanggaling ang lahat ng ito sa kumpanya ni Mr. Young.

Bakit?




"Aerin anak, gising na! Babalik na tayo sa Hospital!"

Napadilat ako. Tulalang tumitig sa kisame. Nanatili pa rin akong nakahiga habang marahang hinihilot ang ulo ko. Napalingon ako sa labas ng bintana at mukhang tanghali na naman akong nagising.

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya kinapa-kapa ko ito sa kama. Tinatamad kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Finally! Sumagot ka rin sa tawag ko." bakas sa tono nito ang pagkairita. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino tumatawag dahil alam ko namang ang makulit na si Timothy ito.

"What is it?"

"Really, Aerin? What's with you? 'Di mo sinasagot mga tawag ko sa'yo." he said. Napangiti ako bigla ng maalalang 'di ko nga pala dapat sagutin ang tawag nito. Sinabi ko kasi sa sarili ko na hindi ko muna sila kokontakin, hindi ko talaga matiis ang baliw na 'to.

"Busy lang ako dito."

"Ano oras alis mo? Gusto mo ako na magsundo sa'yo diyan." aniya.

"Huwag na, darating si Papa. Sabay kaming babalik."

"Timothy! Tara na!"

I heard Theo's voice on the other line.
"Oh mamaya na lang, mag-trabaho ka diyan." I just said and ended the call.

Napakamot na lang ako sa ulo at tinatamad na tumayo sa kama at dumiretso na muna sa shower.

I took a bath for almost 10 minutes? 'Yon na ang pinakamaikli kong oras sa pagligo. Mabilis lang, 'di uso sa'kin ang may pa-concert sa shower.

Kinuha ko na ang mga iilang gamit ko sa kwarto at bumaba na. Nakita ko si Mama na abalang naghahain ng pagkain sa mesa.

"Anong oras daw darating si Papa?" pagtatanong ko habang pababa ako sa hagdan.

"Papunta na 'yon, kakatapos lang ng meeting nila." she answered.

Umupo na rin ako sa tabi nito at sinabayan ito sa pagkain.

"That's what Dad is, really busy."

"Anak, alam mo naman ang trabaho ng papa mo." ani Mama.

I nodded.

"You know your dad. He's trying his best to handle everything on his hand... Just understand him, Aerin." she again talked.

I nodded again. "Yeah. But I can't agreed on the word 'best' If he did his best, Kuya Adey will still be here." I murmured. "I'm done." I said, saka na ako tumayo, naglakad papalabas ng bahay.

Ilang minuto akong naghintay sa kotse ng lumabas na si Mama sa bahay. Hindi na ako kumibo pa dito at tahimik na nagbiyahe papunta sa Hospital.

Mabilis na lumipas ang araw. Agad na umikot ang isang linggo. Yeah. Ngayong araw na rin ay babalik na rin ako sa Quezon City. Susunduin na ni Mama si Manang sa Hospital habang ako naman ay hihintayin na rin do'n si Papa.

Natapos din ang isang linggo ng hindi ko man lang nakikita sina Cindy, mukhang abala sila sa mga kanya kanya nilang trabaho dito. 'Di ko tuloy maistorbo. HAHA

Pagdating namin sa Hospital ay agad na pinuntahan ni Mama si Manang. Samantalang ako ang inutusan nitong magbayad ng bills.

"Magkano po?" I asked. Binigay ng isang nurse ang receipt.

"Oh?"

Umangat ang tingin ko sa mukha ng babaeng nurse. Nagtaka naman ako ng bigla niya akong itinuro.

"May problema ba?"

Ngumiti ito sa'kin saka siya lumabas.

"Ikaw si Aerin Valdez, 'diba?" aniya.

"Pasensya na pero, magkakilala ba tayo? 'Di ko na kasi matandaan pero pamilyar sa'kin ya----" she cut my words.

"Hindi mo naman talaga ako kilala. Ako 'yung babaeng hinalikan ni Adriel no'n sa school ninyo!" she suddenly shouted. Mabuti na lang walang tao ngayon dito sa pasilyo.

Hinigit nito ang kamay ko saka niya ako pinaupo.

"Buti na lang nagkita tayo dito, alam mo bang gustong-gusto kitang kausapin sa nangyari. I wanted to explain kaso nalaman ko na lang na umalis ka na pala." paliwanag niya.

What does she want to convey now?

"I wanted to clear myself. Hindi ako naging third party no'n sa inyo ni Adriel. Isa lang akong dakilang journalist no'n na nagtatanong sa kanya since part siya sa writing contest dati. Nagulat nga ako makipag-shake hands ito at halikan ako ng lalaking 'yon, mas lalo akong nagulat no'ng dumating ka tas may sampalang naganap! Ang bigat ng drama niyo, promise!" tuloy-tuloy na paliwanag niya with action pa ng pagsampal.

"... At alam mo ang baliw? Pagkaalis mo, hindi na siya tumigil sa pag-iyak." dagdag pa niya.

Hindi na ako nakakibo, para akong nabingi sa mga salitang binibitawan nito ngayon.

"Nag-sorry naman siya sa'kin kinabukasan at dahil na curious ako tinanong ko siya... Alam mo ang sagot? Kailangan niya raw gawin 'yon." patuloy pa nito.

Ano?

Bakit?

Anong dahilan?

"So, kamusta na kayo? Nagkabalikan na ba kayo?"

Wala sa sarili akong tumayo, hindi ko na nagawang tumugon pa sa kanya at dumeretso na sa paglakad.

I couldn't understand Adriel. Why is that so? Does he have any reason why he did that to me?

Did he really not tried to hurt me?

AISHHHHH!!!

Lumipas ang oras at hindi ko na nagawa pang mag-isip pa ng maayos. Tahimik lang ako hanggang sa nagbiyahe na kami pabalik ng Quezon City. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon, lumilipad ang utak ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Umiling ako. Hindi. Huwag mo nang isipin iyon, Aerin. Tapos na kayo. Wala na. Wala ka nang pakielam do'n!

"Aerin. Nandito na tayo."

Umangat ang tingin ko kay Papa. Inilibot ko ang tingin at nasa harapan na kami ng Headquarters. Sumunod ako sa kanyang pababa, pero kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang ng makita ko ang isang lalaking nakatayo sa gawing kanan ko... Kay Adriel.

Huwag, Aerin. 'wag kang humakbang papunta sa kanya.

Huwag.

"May kailangan ka ba?"

Narinig ko ang boses nito. Napatitig ako sa pamilyar niyang mukha. Hinawakan ko bigla ang dibdib ko, pakiramdam ko ay sasabog na ito sa sobrang kaba.


"B-bakit mo ako s-sinaktan?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro