Chapter 51

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹She was there


THIRD PERSON


Tumilapon ulit ang kamao ng binatang si Timothy sa pagmumukha ni Adriel.

Nagulat ang lahat sa ginawa nitong panunugod kaya naman agad na umawat ang iba pang mga kasamahan nitong si Adriel.

"Get out of my way!" sigaw ni Timothy kina Theo at Fernando na ngayo'y pinipilit na itago ang nasuntok na si Adriel.

"Your helping that damn guy? Psh. I just want to talk to my brother... Physically." ngumisi ang binatang si Timothy at binaling ang tingin kay Adriel na pinupunasan ang dumudugo nitong labi.

"Ano bang sinasabi mo riyan, Timothy? Huwag kang gumawa ng eskandalo dito." pagsuway ni Fernando sa kanya.

"Pare, kung ano man ang problema pag-usapan ng maayos. Huwag ganito." dagdag pa ni Theo.

"I'm sorry, I'd just can't help myself to punch who just ruined my family... Well, he's my damn brother." nanlilisik na ipinako ang mga mata nito sa binatang si Adriel. "How's your mom? Can I meet her too? Ow. Sorry, baka walang maiharap na mukha ang magaling mong nanay na kabit."

Hindi na rin napigilan ng binatang si Adriel na sumugod at pinatamaan na rin niya ng suntok si Timothy. Dalawang beses na suntok ang tumilapon sa mukha ni Timothy ng hindi man lang nagawang naka-iwas.

"Huwag na huwag mong insultuhin ang Mama ko! Nanahimik na kami!" galit na galit ang binatang si Adriel habang hawak nito sa leeg si Timothy.

Bahagyang natawa ang binata. "Nanahimik? That's good! Pero kami hindi na natahimik! Kaya wala kang karapatang maglaban sa'kin!" sinipa ni Timothy ang tiyan ng binata kaya agad itong nakawala sa kanya.

Tumingin ito sa dalawang kasama. "Don't you dare meddle, here."

Binalik nito ang tingin sa binatang si Adriel. "I bet your knew already, huh? Is it fun playing with me who doesn't even have a clue about what the fvck is going on?!" sigaw ni Timothy kay Adriel.

Nanatiling nakatayo ang dalawa ng may tatlong hakbang ang pagitan, magkaharapan sa isa't-isa at pilit na pinakalma ang sarili nila.

"Hindi ko rin naman alam no'ng una," biglang wika ni Adriel. Napayuko ito. "Noong nalaman ko, umiwas na ako... Umiwas na rin si Mama, dahil hindi niya rin alam!" pagsagot ni Adriel sa kanya.

"She doesn't know? Back then my father was already famous! Did your mother doesn't have any idea that my father already have a family! Tahlia and I we're still kid. But I saw on my own eyes how my mom cried... And I finally understand... it's because of your mom!" sigaw ni Timothy dito habang nag-uunahan ng lumalabas ang kanyang luha sa mga mata. "... And now, my family turned into a big mess! You don't have any fvcking idea how miserable thing of that! You don't know how fvck this hurts to me... I can't even treat you as a brother 'cause your a big threat to me on Aerin!" seryosong tono ni Timothy saka na ito tumalikod sa kanila.

Humakbang na ito papalabas at mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan patungo sa taong nais niyang makita ngayon.


AERIN


Napasubsob ako ng wala sa oras sa kama. Napakamot sa leeg habang tahimik na napapakurap sa puting kisame. Saglit kong sinilip itong si Bree na mahimbing ng natutulog sa kama niya matapos ilabas lahat ang nakakadiring pagsuka nito kanina. Isang timba ata ng alak ang nainom nito! Ayan knock out!

I sighed as I cuddle my pillow, and of course I'm alone, still awake. My minds filled up some thoughts. Pilit kong pino-process lahat ng mga nalaman ko kaninang umaga kay Paulo; the black box and even the only picture frame I got in his room which Mr. Young appeared. I was wondering kung ano ba ang kalagayan nila pala mapunta sa sitwasyong iyon?

Napakagat ako sa daliri habang naisip rin ang pag-uusap namin kanina ni Timothy. I told him what all happened, the kidnapped with Nanay Pressie and when Adriel and I was kidnapped by some unknown fvcking creatures. I was lock guard kaya wala na akong choice kun'di ang sabihin sa kanya.

He swore not to tell the team naman and I know I'd made some decision first na gawin ito sa grupo, pero kung konektado lahat ng ito sa'kin, sa kuya ko, it will be dangerous for them. I've made my final decision na gawin ito mag-isa, I know Timothy will try to meddle but I can easily trick him. I just can't afford to lose someone again. I can't.

The first thing that I must do is to talk to Mr. Young. Siya na lang ang natitirang susi ko.

Abala ako sa pag-iisip hanggang sa may marinig ako ng pagkaluskos sa labas. Napabangon ako sa kama, in off ang ilaw sa kwarto at maingat na humakbang papalabas.

Kinuha ko ang baril na nasa tabi ng vase, ipinuwesto ko ito sa kamay ko at tahimik na humakbang papala---


"Aerin! Can we talk? Aerin!"


Napalingon ako sa main door ng room, tumakbo ako dito ng marinig ko ang sigaw ni Timothy.

Pagbukas ko rito ay agad itong yumakap sa'kin. Rinig na rinig ko ang paghagulgol nito sa likuran ko.

"Anong nangyari?" I asked saka ko hinimas ang likuran niya.

Humarap ito sa'kin sabay hawak niya sa mukha ko. Kitang-kita ko ang pagbuhos ng luha nito sa mukha dahil magkalapit lang ang mga ulo namin sa isa't-isa.

"I was betrayed, Aerin! I didn't know anything! They make me looked like a fool!" Timothy shouted.

Hinawakan ko ang mga kamay nito. "What happened? Can you tell me?"

"I have a brother, a half brother..." binitawan nito ang kamay ko at umiwas sa akin. "Adriel, kapatid ko siya." he answered.

I was moved. Nagulat ako sa sinabi niya, "No. Adriel's father already dead."

He shook his head of. "Is that what he told you before? Hindi niya lang tanggap ang Ama ko dahil anak siya ng ibang babae!" he shouted, angrily. Pero hindi pa rin nawawala ang pagluha nito.

"They knew about the mistress and the son! Pero ako wala akong ka alam alam! They treat me like a trash! Am I that enough as a person? Hindi rin ba ako sapat sa'yo?" wika niya, nanghihina itong bumagsak sa sahig at napayuko na lamang habang wala paring tigil sa pag-iyak.

Ilang beses na napakurap ang mga mata kong nakatitig lamang kay Timothy. I saw his eyes already swollen by crying, his voice was full of sadness and anger. For a moment nawala ang kilala kong masiyahin at jolly na si Timothy, I never seen him like this, he's too fragile right now.

Nasasaktan akong nakikita siyang ganito.

Napatingin ako sa chair kung saan nakalagay ang phone ko, I saw it vibrate. Tiningnan ko at may nagtext sa akin.

Si Adriel.

He wanted to meet me downstairs.

What is he doing here?

Lumingon ako kay Timothy, nakayuko pa rin ito tumigil na sa pag-iyak.

"Who is it?" he suddenly asked.

"What?"

"The one who texted you? Is it him?" he repeated, nakayuko pa rin ito.

"No! I... I need to see someone outside." I answered, I lied.

I moved faster to open the door but I stopped when Timothy suddenly speak. "Go to him then. I won't stop you."

Bago ko tuluyang isara ang pintuan ay napapikit na lamang ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan ulit itong umiiyak.

Mabilis akong tumakbo papalabas ng building at nadatnan ko itong nakatayo sa harapan, tahimik na nakayuko ang ulo.

"Adriel." I called him, he raised his head and drew a feigned smile on his face

Nagtama ang aming mga mata. Humakbang ako papalapit sa kanya.

"I guess, alam mo na." he started to talk.

"Totoo ba ang ang sinasabi ni Timothy?"

He nodded. "Oo, patawad at nagsinungaling ako sa'yo."

Umiling ako. "No. Hindi ka dapat humingi ng tawad sa'kin kun'di sa kanya, nasasaktan siya ngayon."

Muli itong tumango. "Alam ko, hindi ko sinasadya, wala akong balak na malaman niya... Someone from his family spilled the tea."

"Please. Talk to him kapag humupa na ang problema. Babalik na ako sa loob."

Hahakbang na sana ulit ako ng maramdaman ko ang pagyakap nito muli sa'king likod.

"It was too tough for me too, nahirapan din ako, nasaktan... I never treated him as a father, you know that right? Ayokong pinag-uusapan ito noon. Ayoko dahil hindi ko tanggap." I heard him said behind my ears.

Malinaw na sa'kin ngayon kung bakit pilit niyang iniiwas ang tungkol sa sinasabi nitong 'Namayapa' na ang papa niya. Kaya pala.

"Hindi ko alam pero sana kinakaya mo rin." I said. Inalis ko ang dalawang kamay nitong nakapalupot sa beywang ko.

"I'll be go---"

Muli na naman niya akong pinigilan. This time, hinawakan naman niya ang palad ko.

We we're holding hands.

"Can you stay with me tonight?" aniya.

Lumingon ulit ako sa kanya at nakangiting hinawakan ang dalawang palad nito. "I'm sorry, someone need me tonight."

Umiling-iling ito. "No. Please. Ako muna." he pleaded.

"Adriel... Magpahinga ka na, kailangan ako ng kaibigan ko."

"Kailangan din kita." he murmured.

"Pasens---"

"Do you love him? Does your love for me already fade away?" bulaslas na tanong nito.

"I... I... "

Sandaling umawang ang bibig ko, hindi ko inaasahan ang biglaang pagtatanong nito sa'kin. I don't know what I should answer to him, I don't know how my heart feels, but...

I didn't want to see him cry about the pain I once felt.

I don't want to see him hurt.

I don't want to lose Timothy's happy smiles.

"Ahhh." umangat ang tingin ko kay Adriel. Pilit itong ngumiti sa'kin. "Sinabihan na kitang huwag mo siyang mahalin." aniya.

Nagtataka ang mukha ko. "Mali ka---"

"Then come to me, huwag kang bumalik sa kanya." muli nitong sinubukan pero muli rin ako tumanggi.

Umiling ako, pansin ko ang mga luha nitong pumapatak na sa kanyang mukha.

"Patawad."

Nagsimula nang humakbang ang mga paa ko papalayo sa kanya.

"Mahal pa rin kita, Aerin!" pagsigaw ni Adriel.

Pinahid ko na lamang ang luha sa'king mukha at tumakbo na pabalik sa kanya.

Pagbalik ko sa taas ay nadatnan ko pa ring nakayuko sa tabi ng pintuan si Timothy, umangat ang tingin nito sa'kin ng may pagtataka.

"Why are you---"

Sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap. "Patawad, hindi na ulit kita iiwan." bulong ko at nagsimula na naman itong umiyak.

Itinayo ko ito at hinawakan ang kanyang mukha. Hindi ko alam pero naiiyak na rin ako ngayon, nasasaktan siya, nasaktan ko siya.

Ngumiti ako dito at wala sa sarili kong inilapat ang labi ko sa labi niya.

I kissed him.

Naramdaman ko ang pagtugon ng labi niya. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito, all those years of friendship walang pumapasok sa isip ko kung hindi ang kaibigan ko lang siya.

Humiwalay ako, yumuko at lumunok.

Shit. Did I just kissed him?!

AHHHHHHHHHH!!!

"Aerin..."

Nang marinig ko ang boses nito ay automatic nang kumaripas ang mga paa ko pabalik sa kwarto.

Hindi ko na in on ang ilaw at tumalon na papahiga sa kama.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Shit. Tumitibok ka pa pala.

AHHHHHHHHH!!!




Kinabukasan.

Just before six o'clock in the morning I woke up immediately, and this time Bree woke me up with her hungry stomach.

Pagkalabas naming dalawa ay napamura ng mahina itong si Bree habang kinukurot ang mahimbing na natutulog sa couch na si Timothy.

"Anong nangyari dito?" pagtatanong niya habang inaalis ang limang boteng alak sa mesa.

I shrugged. "Ewan ko diyan, nanggulo na naman kagabi." ang sabi ko na lang, wala ako sa pwesto para magkwento hahayaan ko na lang muna si Timothy.

"Ito talaga 'no, 'bat di mo pa kasi sagutin si Timothy para manahimik na?" natatawang biro ni Bree at tumungo na sa kusina.

Naglakad ako sa harapan niya, pinagmasdan ito and he's sleeping peacefully.

I slowly reached him and pat his head. I never thought that this day would come, I'm wondering if he's really serious about me, like he's too good for me, wala akong maalalang ginawang mabuti sa kanya, pero siya... Hindi siya nawawala sa tabi ko.

I smiled. Don't cry anymore, Timothy.

"Hoy, magpigil ka riyan sa binabalak mong paghalik! Dito samahan mo'ko magluto." pagtawag sa'kin ni Bree.

Saglit akong natahimik.

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

Paghalik ko sa mokong na'to.

AHHHHHHHH!!!

Matapos naming magawa ang daily routine namin sa condo ni Bree ng hindi man lang nagigising si Timothy. Napagdesisyunan na muna namin itong iwan, naglagay na lang kami ng notes para sa kanya.

Hindi ko na siya inabala dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

Ilang minuto ang tinagal ng pagmamaneho ko sa kotse, pagkarating ko sa Headquarters ay sumaludo ako sa mga kapwa ko pulis. Dumeretso na ako sa pag-akyat sa room namin at sinalubong ako ng masisiglang pagngiti ni Bok.

"Good morning ma'am!" he greeted and offered me a cup of coffee.

Nagpasalamat ako sa kanya at tumungo sa desk ko, kaliwa't kanan akong luminga ng mapansin kong bakante ang dalawang desk ng mga lalaki ngayon--- Timothy and Adriel.

"Sino miss mo sa kanila?" biglang bulong ni Theo dahilan para matapon ang hawak kong kape.

"Shit naman Aerin! Ang init init!" Theo complained.

"Aba! Ngayon kasalanan ko pa? Sino kayang bubulong bulong na parang bubuyog ha?!" singhal ko dito sabay irap.

Napansin ko naman ang pagtawa nina Bok at Fernando. "Bumalik na nga kayo sa trabaho!"

Sumunod itong si Bok at umupo na desk niya, nilapitan naman ako ni Fernando. "Ano?" tanong ko, mukhang may sasabihin e.

"Wala, may binigay lang na trabaho si Inspector." aniya sabay abot sakin ng isang printed paper. "Missing person." patuloy ni Fernando.

Tiningnan ko naman ang tinutukoy nito. Isang lalaking may edad na 51, mag-tatatlong buwan na itong nawawala.

"Oh. Ang tagal na pala nitong nawawala, ngayon lang in-aksyonan?" I asked.

Fernando nodded. "Mukha. Kakabigay pa lang sa'kin ni Inspector Bernardo."

"Sabihan mo na lang ako sa ginagawa ninyo, inform mo sina Bok at Theo tungkol diyan." ang sabi ko at umayon naman ito sa'kin.

Napalingon kami sa biglang pagkatok at pagpasok ng isang pulis.

He saluted us and looked at me. "Officer Valdez, hinahanap ho kayo ni Colonel Young." aniya.

"Ako? Bakit naman?" napatayo ako at nilapitan ito.

"Hindi ko ho alam, naghihintay po siya sa labas." sagot niya.

Before I followed him I returned to my desk first and took my belongings.

After I got off the ground floor, the police officer pointed the dark car in front of the Headquarters.

Bumaba ang bintana nito at nakitang nakangiti sa akin si Colonel.

Nilapitan ko ito at sumaludo, "Ano po ang kailangan niyo Colonel?"

Umiling siya. "Wala naman, gusto lang kita makausap. Do you have some spare time?" he asked, smiling.

Sa pagtango ko sa kanya ay siya namang mabilis na pagbukas ng pintuan. Ibig-sabihin lamang gusto niyang sumakay ako sa kotse.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sumunod dito. Ito na ang opportunity na makausap siya, hindi ko na sasayangin pa.

Nabuhay ang sasakyan at nagsimula tong bumiyahe.

"I'm sorry hija, alam kong nanggulo na naman ang binata ko sa'yo. Pagpasensyahan mo na." aniya, pagtukoy kay Timothy.

I shook my head. "Hindi naman ho iyon problema, malapit naman po sa'kin si Timothy." tugon ko at hindi na nakialam pa sa problema nilang pamilya

"Kamusta ang trabaho ngayon?" biglang pag-iiba nito ng usapan.

"Ayos naman po." tipid kong sagot at tumingin sa labas.

Nangangati ang mga labi kong magtanong sa kanya tungkol kay Paulo, sa dalawang magkapatid. Gusto gustong ibuka ang bibig ko at pag-usapan namin iyon pero pansin kong maaliwalas ang mukha nito at ayokong sirain.

Nakakamangha lang at nakukuha pa nito ang magkaroon ng ganitong kasiglang aura, hindi man ba niya naiisip ang anak nitong si Timothy?

"Ah. Saan ho tayo pupunta?" I asked.

"You'll see." and he smiled again.

We travel quietly hanggang sa tumigil ang kotse sa isang may kataasang white gate. Nang makita ko ang signaged na nasa itaas ay hindi nga ako nagkamali at idinala ako sa kumpanya niya.

Nagtataka akong napatingin dito.

"I just want you to have a tour in my company. Ayaw mo ba?" Mr. Young said.

"No, okay lang po." sagot ko.

Pinagbuksan kami ng driver at naglakad na papasok sa loob. Inikot ko ang tingin, may dalawang malalaking building; Ang unang nasa harapan namin ay mukhang isang gusali para sa mga staff and employee na nagmamanage. Samantala, ang na sa likuran nito ay isang mahaba at may kataasang gusali, sigurado akong ito naman ang lugar ng pagawaan nila dahil naroroon lang ng mga factory workers nito.

"Bakit niyo naman po ako inabalang idala po dito?" I asked.

Nagpatuloy ito sa paglakad papasok sa unang building. "Nothing, hindi ba pwedeng i-tour ko ang kapwa ko pulis dito?" aniya sabay bahagyang natawa.

Napakunot naman ako sa biglaang pagbibiro niya.

Pinagmasdan ko ang bawat lugar dito sa loob wala naman akong napansing kaduda-duda dahil normal working place lang ng mga empleyado; black desk, computer at tambak na mga papel.

Napapaisip pa rin ako kung bakit idinala ako ni Colonel sa lugar niya. I've never seen this place before, ito ang unang beses kong makapunta dito, even Timothy ay alam kong hindi inaabalang pumunta dito pwera lang kay Tahlia na mukhang paborito ni Mr. Young.


"This is my office."


Napatigil ako sa biglang pagbukas ni Mr. Young sa isang itim na glass door. I saw his office, at hindi ako pwedeng magkamali. This is the same place sa picture na nakita kong magkasama sila ni Paulo.

"Let's go, dadalhin kita sa pagawaan." he said and again we rode the elevator, quietly.

Pagkalabas namin sa exit ay nagpaalam na muna ako kay Mr. Young na may kakausapin muna.


Tinawagan ko si Officer Torres na kamakailan nakilala ko sa Manila Police Department.

"H-ello?"

"Magandang umaga po, Officer Torres!" mahina kong pagsigaw.

"Oh! Officer Valdez anong maitutulong ko sa inyo?"

Napakamot ako sa leeg. "May hihingin po sana akong pabor kung pwed---"

"Pwedeng pwede! 'Di ka naman abala, ano 'yon?" may saya sa boses nitong si Officer Torres.

"Gusto ko po sanang ipahanap ang lahat pong file na nakasave patungkol po kay Paulo Aquino. Natatandaan ko po kasing pulis po siya riyan dati."

"Paulo... Paulo Aquino? Pamilyar sa'kin ang pangalan. Osige sige. Hahanapan ko 'yan."

"Talaga po? Naku! Maraming salamat po!"

Nagpaalam na ako kay Officer Torres at muling ibinalik ang tingin kay Mr. Young na nakatayo sa harapan ng isa pang gusali dito.


Pumasok kami rito at tumambad sa'kin ang napakaraming malalaking makina at mga gamit sa loob, para bang iisang rhyme lang ang paggalaw ng mga workers dito.

Malawak ang pagawaan nila, nasa sukat siguro ito ng dalawa o tatlong covered court. Hindi ako pamilyar sa mga gamit dito pero masasabi kong pulido at maayos ang takbo rito.

"Come, let's go up stairs." rinig kong sabi ni Colonel at umakyat sa isang bakal na hagdanan sa gilid ng loob ng gusali.

Ngumingiti itong humawak sa railings at inilibot ang tingin sa baba.

"Isn't nice? Kapag lumalaki ang pinundar mong bagay?" he said.
"Lahat ng ito ay pinaghirapan ko, I will never allow myself to lose all the sacrifices I have made. " he added.

Nakidungaw rin ako sa baba at pinagmasdan ang mga trabahador.

Mr. Young company has been moving forward since 2009 Nalaman ko kay Tahlia na nagsimula lang ito sa maliit na pagawaan and then lumago na ng lumago. I don't have any idea why stuffed toys ang napigiling business ni Mr. Young, even si Timothy well pansin ko naman kay Tim na hindi ito interesado rito.

"Opo. Napakagaan sa pakiramdam kapag umuunlad ka, pero sana lahat ng sakripisyo, marangal." turan ko.

Lumingon naman ito sa'kin, gumuhit ang pagngiti niya. "You're also too deep, pareho kayo ni Lieutenant." aniya. "That is why my son is head over heels to you."

"Mabait po ang anak ninyo, at nagpapasalamat akong nakilala ko siya." I commented.

Natawa naman ito. "I know." tipid niyang tugon.

I took a deep breath, kailangan ko na itong makausap tungkol sa tinatrabaho ko.

"Mr. Young. Is it true na nagtrabaho ang dalawang makapatid na si Jeffrey at Sheryl sa iyo? Kilala niyo rin po ba si Paulo Aquino?" sunod-sunod kong pagtatanong.

Umigting ang panga niya, muling gumuhit ng labi pero ramdam kong ngisi ito. "Wala tayo sa interrogating room, Aerin. Huminga ng malalim." wika niya.

"Yes, I know them... They we're my previous workers in the company." he answered.

"Wala na ho ba kayong alam na kahit na ano tungkol sa kanila? Kung paano po sila namatay? Pulis rin po si Paulo Aquino."

"I don't know, hija. Masyado na akong maraming trabaho para makialam pa sa mga ibang tao." he said.

Natahimik ako. Ramdam kong pinapatikom na niya ang bibig ko.

"Pasensya na po." I said saka na ulit lumingon sa baba.

Kumunot noo ako ng mapansin ko ang isang telephone booth na nakatayo sa pinakadulo at may kadiliman sa pwesto ng gusali.

"Ano ho iyon?" turo ko dito. Tumingin din si Mr. Young.

"Ow. That's just my old thing, diyan ko na nilagay." saad niya.

Nagtaka naman ako sa binanggit niyang 'old' mukhang maayos at gumagana pa iyon, e.

Tumonog ang telepono ni Colonel, ilang saglit lang ay ibinaba nito ang tawag at nakangiting lumingon sa'kin.

"Looks like we need to go, I have an urgent meeting." he reasoned out.

Wala na akong nagawa kun'di ang sumunod sa kanya papalabas, hinatid ulit niya ako sa Headquarters.

Marami pa akong gustong itanong at malaman pero pansin kong hindi ito interesado.

Hindi na ito nag-abala pang bumaba, tumuloy na ako sa pagpasok ng mapansin ko si Timothy na prenteng nakasandal sa pader habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay.

Napaisip ako ng biglang maalala na baka may alam itong si Timothy.

I stood up in front of him. "Pwede ba akong magtanong?... Wala bang na sabi sa iyo ang Papa mo sa aksidente sa Manila Hotel?"

Napataas ang kilay niya. "What have I told you? Hindi kami close ni Dad, I was in Japan that time. Why do you ask?" Timothy asked.

I shrugged. "Nothing."

"Kung hindi ka mapakali, why don't you ask Tahlia? She was there. She went to that event." he suddenly said.

I stopped my feet on moving and look at him, confuse.


Tahlia was there?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro