Chapter 53

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Catch the rat


AERIN


"Ma'am? Ma'am?"

I looked around and saw Bok talking to me. I was spaced out again.

"Ayos lang po ba kayo ma'am? Kumain na ho kayo." he again said.

Tumango ako at inilibot ang tingin, nasa harapan pala ako ng mesa at kumakain? Lutang na lutang talaga ako.

But, where are the others?

Lumingon ulit ako kay Bok na nasa desk na niya. "Nasaan sila?" I asked.

Dumungaw ito at tiningnan ako. "Ma'am? Nakalimutan mo na ba? Nasa interrogation room pa rin po sila ngayon." Bok answered.

"Ano?"

"Hindi mo pa po sila pinapaalis doon hangga't hindi pa po kayo tapos kumain, e. Mukhang matatagalan, lumilipad po ata isip niyo." aniya.

I looked at my wristwatch. It's already 4 PM. Shoot! And now I remember!

After naming mahanap si Lolo sa Sta. Helena, nakiusap itong sumama na muna sa poder naming grupo ng pulis. I was also planning to do that actually, dahil sa nakita ko kanina mukhang kilala ni Inspector ang matanda.

Kaya ngayon, nasa interrogation room si Lolo kasama sina Timothy. Sinabihan ko pala silang huwag iwan at walang papasukin na kahit na sino sa room. Delikado na.

Napakuyom ang palad ko habang naalala ko na naman ang kanina. Walang hiya siya, sino siya para itutok ang baril niya sa'min! Ngayon malakas na ang loob kong may tinatago rin ang lecheng Inspector na 'yon, kailangan kong malaman ang lahat dahil hindi matibay na ebidensya ang pagtawag lang nito kay Paulo para patayin ako. Kailangan pa ng mas mabigat na dahilan para mahuli ko ito sa sarili niyang bitag.

Gulat na napatingin sa'kin si Bok sa biglaang pagtayo ko. Hindi ko na ito pinansin at nagmadali ng lumabas.

Nasa pangalawang palapag pa lamang ako ng matamaan namin ni Inspector Bernando-- Ninong ang isa't-isa.

I saluted him. "Ninong."

"Kamusta? Nalaman naming nahanap niyo na raw ang nawawalang matanda." Inspector asked.

I nodded. "Opo, pero hawak pa rin ho namin siya."

"Kaya nga, bantay na bantay ang mga binata sa loob at labas. Hindi makapasok. HAHA" pagbibiro ni Ninong.

"Oo nga pala ninong, mauna na ho ako. Papalitan ko na muna sila." I bid my excuse to him.

"Sige lang, good luck sa trabaho inaanak." nakangiti niyang paalam sa'kin at nagpatuloy na ito sa pagpasok sa silid nila.

Dumeretso na ako sa ground floor at hinanap ang Interrogation Room number 4.

"Adriel." wika ko ng mapansin ko itong nasa labas ng room, tahimik na nakaupo at iniikot-ikot ang paningin.

Adriel lift his head. "Nakakain ka na ba?" tanong niya sabay na tumayo sa harapan ko.

Tumango ako kahit hindi ko alam kung nakakain nga ba ako. "Oo, bumalik na kayo sa room, kayo naman ang kumain at magpahinga." ang sabi ko at nagpatuloy na sa pagpasok.

Hindi ko paman napipihit ang doorknob ng muli itong nagsalita.

"Aerin, kahit wala ako sa tabi mo... Mag-iingat ka."

Saglit kong ibinalik ang tingin sa kanya. "Maraming salamat, pero kaya ko ang sarili ko." sabay tapik sa balikat nito.

Tinalikuran ko na ito at pumasok na sa loob, bumungad sa'kin ang tatlong binata na pare-parehong nakasandal sa pader habang pikit ang kanilang mata. Bakas rin sa kanila ang pagod.

Napadilat ang mata nitong si Timothy, "Aerin." aniya. Sumunod na rin nagising ang dalawa pang si Fernando at Theo.

"Tumayo na kayo diyan at kumain na kayo sa taas." sabi ko at lumapit sa kanila. Humarap ako sa observation mirror at pinagmasdan si Lolo na tahimik at nakatitig lamang sa puting mesa na nasa loob ng interrogation room, ni hindi rin nagalaw ang pagkaing binigay sa kanya.

"Nakausap niyo na ba siya?" pagtatanong ko.

"Hindi, kanina pa siya ganyan... Gusto niyang ikaw ang makausap." ani Fernando.

Napalingon naman ako sa kanila na nagtataka. "Ako? Kahit anong salita hindi niya kayo kinausap man lang?"

Umiling si Timothy. "No, nakiusap pa nga siyang iwan namin siya sa loob at hintayin kang bumalik."

"Sige na, ako na ang kakausap. Bumalik na kayo sa taas at kumain, alalayan niyo maayos iyang si Theo baka matumba." saad ko sabay turo sa nanlalambot na katawan ng isa.

Natawa naman itong si Fernando. "Gutom na kasi. Tagal mo e." biro niya.

Tumawa na lang ako dito at hinayaan na silang lumabas. Bumalik ang tingin ko sa matanda. Ilang sandali lang ay pinihit ko na ang pintuan at pumasok na sa loob.

He lift up her head as he notice my presence. Umupo ako sa harapan nito kung saan nasa pagitan namin ang white table, at parehong nasa harapan ng observation mirror.

"May nais akong ipag-tapat sa iyo, pero maari sanang patayin mo ang recorder na nasa loob at labas." Lolo suddenly speak.

Gaya ng sinabi niya in-off ko ito mula sa ilalim ng white table.

"Ano po ang nangyari?" panimula ko.

"Sinubukan kong umalis pero hindi niya ako tinatantanan, gusto ko nang makalaya." napayuko ito sabay hawak sa sarili nitong ulo.

Hindi ako nakaimik, pamilyar sa'kin ang mga binitawan niyang salita. Mula kay Paulo na sinasabing gustong makalaya pero saan? Kanino?

"Lolo, huwag ho kay---"

"Marami nang namatay, at alam kong susunod na ako dito pero bago mangyari 'yon, kailangan ko nang sabihin sa'yo ang nalalaman ko." umangat muli ang tingin niya sa'kin at mabilis na hinawakan ang kamay ko.

"Katulad rin nila ako. Ang magkapatid na si Jeffrey at Sheryl ay nakatrabaho ko, pareho lamang kami ng sitwasyon, nakakalungkot dahil bata pa lamang sila ay nasabak na sa magulong buhay. Gusto lang din nilang makawala sa kanya, kung maari lang ibalik ang pagkakataon ay una palang pinigilan ko na sila. Marami nang nadamay na inosenteng tao, hindi na kaya ng konsensya ko!" sigaw nito at hinigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

"H-hndi ho kita maintindihan." nanginginig na sabi ko sa kanya.

"Si Lieutenant, kailangan mo na siyang hulihin d-dahil may tinatago ito, may tinatago ito sa lungga niya. Lieutenant! Si Lieutenant!"  napabitaw na ako sa kamay niya. Namimilog ang mga mata nito na halos makuha na niyang mabaliw.

Naiinis ako at naaawa sa sitwasyon nito. Masyado na itong matanda para pumasan pa ng mabigat na problema.

"L-lolo."

Napatitig ako sa lumuluha nitong mukha. Nanlalambot itong napaluhod sa sahig. "Mamayang hatinggabi, kailangan mo siyang pigilan... Ito na ang pagkakataon mo para mahanap siya."

Sino si Lieutenant?




Matapos naming mag-usap ni Lolo ay naisip ko na munang umalis. Timothy doesn't want me to go pero nagpumilit ako. They we're asking me kung ano ang pinag-usapan namin pero hindi ko pa masabi. Hindi ko rin naman din maintindihan dahil gulong gulo ako. Pinagbantay ko na lang ulit ang mga kasama ko sa Inter Room.

Tinext ko si Bree na magkita kami for dinner sa isang restaurant dito. She texted me 'Ok' kaya dumeretso na ako sa kotse.

Binuhay ko na ang sasakyan at pinaharurot ko na ito ng ubod ng bilis. Ramdam ko ang pagnginig ng kamay ko sa manibela habang mabilis ko itong inikot-ikot sa pagmamaneho, hindi ko magawang mag-isip ng maayos kusang nangingibabaw sa sandaling alaala na pinag-usapan namin kanina ni Lolo.

Everything was not clear to me pero alam kong hindi ko pwedeng basta-bastang baliwalaan lang ang mga sinabi ni Lolo sa'kin. I felt that he really wants to say something to me, more deeper information pero binibitin ako. Isa pa sa palaisipan ko ang tinutukoy nitong 'Lieutenant'. Is there someone na connected pa dito? Hindi lang si Colonel?

AISHHHHH!

Inis akong bumaba sa kotse, kinuha ko ang gamit ko naglakad na papasok sa loob, hindi ko pa man din naihahakbang ang paa ko sa sahig sa loob ng marinig ko na ang pagtawag sa'kin ni Bree.

"Officer Valdez!" she shouted.

Napapangiti na lang ako ng makuha ko tuloy ang atensyon ng mga kumakain sa loob. Naglakad ako papalapit sa kanya na nakapwesto sa right side sa dulo ng resto.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang kagustuhang batukan ito. Hinila ko ang braso niya. "Nakakahiya alam mo ba 'yon." I whispered pero nginitian lang ako ng bruha. Itinulak niya ang katawan ko at sapilitang inupo sa bakanteng silya.

"So, anong pumasok sa brain ng kaibigan ko ang biglang mag-aya ng dinner sa labas? Wala ka bang balak umuwi? Six pm na sis." she said. "Sabay na tayong umuwi ha! Kakatapos ko pa lang sa Christmas Tree kanina! Check it for yourself kung gaano kaganda!" pagmamayabang niya.

Saktong paparating na ang waiter na mag bitbit na glass of water, kinuha ko ang isa at mabilis na nilagok ito.

"Order ka na diyan, kahit ano." wika ko at umaliwalas ang mukha ng bruha.

"Seryoso? Libre mo?" hindi pa makapaniwala ang bruha sa sinabi ko.

I rolled my eyes. "Hindi, ikaw na maglibre sige."

"Naninigurado lang naman! Magkano na ba sweldo mo ngayon?" natatawa niyang saad.

"Wala. Kulang pa nga sa bayarin ko yung sweldo ko, e."

"Osige na! Oorder na'ko baka magbago pa isip mo. HAHAHA"

Hinayaan ko na lang ito na kausapin ang waiter, ilang minuto ang paghihintay ay hinapag na sa table namin ang sandamakmak na pagkaing in order ng bruha.

"Hoy. Mauubos mo ba lahat to?"

"Oo naman! Mauubos 'yan dahil libre!" masiglang sabi ni Bree.

Sinimulan niyang hiniwa-hiwa ang steak, at masaya niya itong kinain, iginala ko naman ang tingin ko at ginaya na rin ang kinakain nito.

Hindi ko pa man nakakalahati ang steak ng mapansin kong sinimot na niya ang pagkain at kinuha naman ang large chicken sandwich nama'y ka ek ekan na green leaves.

Napailing na lang ako dito at hinayaan na lamang itong mag enjoy sa pagkain.

"So, may problema ba?" I looked at Bree. She's staring and waiting for what I had to say.

Kinuha ko ang table napkin. "Okay lang ako, ba't mo natanong?" sabi ko sabay na pinunsan ang labi ko.

"Bihira ka lang mag-aya na lumabas, at kapag lumabas ka paniguradong may pino-problema ka." aniya.

I shook my head. "No, ayos lang---"

"Spill it Aerin, kilala kita." sumeryoso ang mga mata nito. "Trabaho ba?" and she asked.

"No." I lied.

"Alam mo, magsimula ng makalipat tayo dito sa Quezon, hindi ka na natahimik... Bumalik na lang kaya tayo sa Pasay?"

"Anong pinag-sasabi mo diyan."

"I've got another job pero located ito sa Pasay, we can move. If you want."

"No, hindi ako aalis dito." hindi ko pagsang-ayon sa kanya.

"Nag-aalala na ako sa'yo, Aerin." naramdaman ko ang paglumanay na tono ng boses ni Bree. Napayuko ako.

"Don't worry, walang mangyayaring masama sa akin." I gave her a smile, assuring that I'll be fine.

"Alam kong kaya mong mag-ingat, pero hindi mo mapipigilan ang mga taong nasa likod mong sirain at durugin ka, Aerin." Bree commented.

"Alam ko, pero hindi ko hahayaan 'yon... Kailangan ko kayo, kailangan niyo pa ako... Kailangan ko pang mabuhay." pinilit kong ngumiti sa kanya, na ngayo'y may pangamba sa kanyang mukha. I badly wanted to tell her how fvck I am right now, pero alam kong isa rin siya sa magiging problema ko. Mas mabuti nang akin na lang, sa sarili ko na lang.


RING! RING! RING!

Sabay kaming lumingon ni Bree sa tumutunog kong telepono, I immediately pick up the call when I saw Timothy's name on the screen.

"He---"

He cut my words.

"Aerin! Come back here immediately!" he shouted.

"What? Why? What happened?"

"Lolo just committed suicide!"

Napahawak ako ng mahigpit sa telepono, ramdam ko ang pagnginig ng sarili kong katawan sa gulat at kaba.

"What did you just said?" I asked again, hoping I'd just misheard him.

"Lolo, he killed his self."


Unti-unting pumatak ang mga luha sa'king mga mata. Napatayo ako at akmang aalis na ng maramdaman ko ang isang kamay sa'king braso.

"Don't go, Aerin." Bree said pleading. Alam kong nag-aalala na ito sa ginagawa ko pero hindi ko ito mapipigilan. Sasalubungin ko lahat ng bala ng problema at sabay-sabay na dudurugin ito sa'king mga palad.

"Tinatawag na ako ng trabaho ko." mariing sabi ko sa kanya at ngumiti dito. Hindi ko na ito hinintay pa at tumakbo na papalabas.

Nagsimula na ulit akong bumiyahe pabalik sa Headquarters. Habang tutok ang mga mata ko sa pagmamaneho ay napansin ko ang patunog ulit ng telepono ko.

Ngayon naman ay si Fernando.


I pick up the call.

"Aerin. I want to tell you something, pero sa'tin sa'tin lang, kanina ko palang ito nahanap." he said from the other line.

Hinayaan ko na lang itong magsalita pa.

"I found another profile of the Man, and to my surprise hindi niya ito totoong pangalan at katauhan. I found his real name, Aerin... And I saw in his data nagtrabaho ito sa company ni Colonel Young."

Saglit na tumigil ito.

"... And I located the number of the missing poster. Nahanap ko ito kay Inspector Martin."


Napahampas na lamang ako sa manibela habang nag-sisiunahan nang lumabas ang aking mga luha.

Nang makarating ako sa Headquarters ay agad na dinala ng mga paa ko sa Inter Room.

Hindi pa man ako nakakalapit sa pintuan ay nakita ko na sa labas ang mga kasama kong puno ng takot at pagkabahala.

"Aerin."

Nilampasan ko ang mga kasama ko at wala sa sariling pumasok sa loob, bumulaga sa'kin ang katawan nitong nagdudugo sa parte ng kanyang leeg at kamay.

Marahas kong binuksan ang pintuan at pinagmasdan ang wala nitong buhay. Pinahid ko ang lecheng luha ko at umupo sa harapan nito.

Hinipo ko ang mukha ni Lolo at inalis ang tinidor nitong hawak na ginamit sa pagpatay ng sarili nito.

Napailing na lamang ako.

Ayoko na, tama na. Hindi na ako makakapayag pang may taong mamamatay pa dahil sa lecheng buhay na meron dito sa mundo! Tama na. Hindi ko na ito hahayaan pa.

Sa kabila ng pangnginig ng mga paa ko ay tiniis ko pa ring makatayo, lumabas ako at humarap sa mga kasama ko.

"Maghanda na kayo, may huhulihin tayo ngayon." mariing utos ko.

Pumunta ako sa Information desk, napatitig sa'kin ang isang pulis. Ngumisi ako at itinapon ang lahat ng mga papeles na nasa harapan ko.

Kinuwelyuhan ko ang pulis. "Ibigay mo lahat sa akin ang data ng mga Lieutenant, ngayon na!" sigaw ko at ibinalibag rin ang mga lecheng gamit na nasa gawi ko.

"M-ma'am? P-pupunta lang po ako sa itaas---"

"AALIS KA?! DITO KA LANG AT SUMUNOD KA SA PINAG-UUTOS KO!"

"Pe--pero ma'am nan-nandoon po kasi----"

"WALANG AALIS HANGGA'T HINDI MO NAIBIBIGAY ANG HINAHANAP KO!"


"AERIN!"


Lumingon ang ulo ko sa malakas na sigaw ni Ninong, papunta ito sa kinatatayuan ko kasama sina Timothy at Adriel na nasa likuran niya.

"ANONG GINAGAWA MO! TINATAKOT MO ANG KASAMA MO!"

Hindi ko ito pinansin at binaling ang tingin sa kausap kong pulis. "ANO PANG GINAGAWA MO?! SABI NG SUMUNOD KA SA INUUTOS KO!"

"AERIN! ANO BA NANGYAYARI SA'YO!"  kasabay ng pagsigaw sa'kin ni Ninong ay siya ring naramdaman ko ang mahigpit at marahas na dumapo sa'king kamay.

"Anong ginagawa mo, Timothy!" sigaw ko dito nang mabilis niya ako hilahin papalayo sa kanila.

Ngayon ko lamang din naramdam ang mga matang nakatitig sa'kin ngayon sa loob ng Headquarters.


"What is this fuss?"


Natigilan ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na nagmumula sa likuran namin.

"Dad." I heard Timothy called him.

Inalis ko ang kamay ko kay Timothy at ngumisi sa tatlong taong mukhang kakarating lang sa Headquarters.

I smirked, "Anong ginagawa ng kaibigan ko dito?" I said saka pinako ang tingin kay Tahlia. "Oh. Dad what a surprise to see you here!" humakbang ako papalapit kay Papa at hinalikan ito sa pisngi.

Ibinalik ko ang tingin sa isa pa nilang kasama. I crossed my arms. "I'm sorry for the sudden fuss, Colonel... Ang gulo kasi ng nangyayari," inilapit ko ang mukha ko sa teinga nito. "Hindi ko kasi mahanap ang dagang pilit na nagtatago." I murmured.

"Aerin! What are you doing!" suway sa'kin ni Papa.

Napatakip ako ng bibig at pinigilan ang pagtawa. "Oops. Did you heard it? I'm sorry. Too loud."

"Mukhang mahihirapan ka sa dagang hinuhuli mo, Officer Valdez... Nagtatago ng pilit sa'yo." bahagyang natawa si Colonel.

Umiling ako. "Kung kinakailangan ay ipain ko ang sarili ko sa daga gagawin ko, mapatay ko lang siya." I said. "... But don't worry, Colonel. Kapag nahuli ko na siya, sa'yo ko mismo siya unang ilalapit."

Kinapa ko ang baril ko sabay na ipinakita ito sa kanila. "Would you mind? We're leaving." saad ko at sinenyasan ang mga binatang pulis na kasama ko.


THIRD PERSON


Mag-a-alas nuwebe na ng gabi ngunit patuloy pa rin ang pagbiyahe ng dalaga sa sasakyang van kasama ang mga binatang pulis na nasa likuran nito.

Kasabay ng pagkurba ng manibela ng dalagang pulis ay siya ring paghawak ng mahigpit ng mga binatang pulis sa lakas na impact na nakukuha na nilang matangay sa walang pasubaling pagmamaneho ng dalaga.

Napahinga ng napakalalim ang binatang si Officer Theo ng muling naging kalmado ang biyahe.

"Papatayin ata ako sa takot nitong si Aerin." mahinang pagkomento ni Officer Theo sa mga kasama.

"Aish! Ang tatahimik niyo naman! Huwag kayong masyadong natatakot kay, Mareng Aerin." muling saad ni Officer Theo nang mapansin nitong nanatiling tahimik ang mga binatang kasama.

"Shit! T*angina! Hindi mo pagmamay-ari ang daan!"

Sabay-sabay na lumingon ang mga binata sa malakas na pagsigaw ng dalaga sa isang kotse nasa gawing kanan nito.

Napalunok si Officer Theo sa kaba. "Nakakatakot nga."

Lumipas ang ilang oras ay narating na nila ang isang malawak na pantalan sa lugar ng Maynila. Mabilis na bumaba ang dalaga sa sasakyan at marahas nitong pinagbuksan ang mga kasama.

"Maging handa kayo ngayon," saad ng dalaga sa mga kasama. "Ang mga baril ninyo, siguraduhin niyong puno ng bala 'yan... Huwag kayong mag-alinlangan kapag naglaban." dagdag pa ng dalaga.

Napatingala ang dalaga at sinuri ang lugar, halos natatakpan na ng dilim ang paligid, walang kahit ni isang sasakyan dahil malayo ang pwesto ng pantalan sa highway na daan.

"Aerin, pwede ba naming malaman kung bakit nandidito tayo?" biglang tanong ni Officer Fernando sa dalaga.

Napangiti ang dalaga sabay na ikinasa ang baril na hawak nito. "Manghuhuli tayo ng mga daga."

Napatango na lamang si Officer Fernando sa tinukoy nang dalaga. Nakuha ng tatlong binatang pulis ang nais na sabihin ng dalaga, samantalang ang dalawa na si Officer Bok at Officer Theo ay mukhang naguguluhan pa rin sa nangyayari.

Tahimik ng humakbang ang dalaga papalapit sa entrance ng pantalan. Sumenyas ito sa mga kasama na magtago, "May security guard, kailangan nating makadaan sa kanya." aniya sa mga kasamahan.

"Naku! Kami ng bahala ni Pareng Bok kay kuya guard! 'diba, Bok?" malakas na loob na pagpiprisinta ni Officer Theo sa lahat.

Sinang-ayunan naman ito ni Officer Bok. "Ayos na ayos!"

"Ok." tanging sagot ng dalaga.

Muli nang sumenyas ang dalaga sa dalawa, ilang sandali lang ay linapitan na nina Officer Bok at Officer Theo ang security guard.

Habang abala nasa pag-aaliw ang dalawang pulis ay siningitan na ng natitira pang apat na pulis na pinagunahan naman ngayon ni Officer Fernando.

Napahinga ng malalim at inilabas ang kabang naramdaman ng bawat isa sa ginawang pagpuslit papasok sa loob. Tumingala naman ang dalaga ng mapansin nitong napapaligiran sila ng sandamakmak na Cargo Metal Box.

"Sabihin mo nga sa'kin, what are we doing here?" pagtatanong ni Officer Young sa dalaga.

"Someone told me na may magaganap daw dito sa lugar na'to. I don't know what he's talking about pero malakas ang loob kong masama ang gagawin nila." sagot ng dalaga.

"Who? Iyon ba ang sinabi sa'yo ni Lolo kanina sa Inter Room?" pagsingit ni Officer Castillo.

Tumango ang dalaga sa kanya.

"Ano? Ni hindi nga natin alam kung ano ang gagawin nila, sino ba ang hinahanap natin ngayon dito?" tanong ni Officer Young.

Napaiwas ng tingin ang dalaga. "Hindi ko rin alam." mahinang saad niya. "... pero kung aayaw kayo, naintindihan ko."

Pinigilan ni Officer Castillo ang dalaga sa paghakbang. "Walang iwanan, sama-sama tayo." nakangiti niyang turan.

Napangiti ang dalaga sa kanila at ilang sandali lang ay napagpasyahan na nilang maghiwa-hiwalay para mapabilis ang paghahanap.

Mag-isang tinatahak ngayon ng dalaga ang madilim na parte ng daan sa pantalan. Bawat sulok sa gawi nito ay sinusuri ng maayos, masikip na rin ang daanan sa pwesto nito dahil puno na ng patong-patong na cargo box.

Maya-maya pa ay nakarinig ito ng mga kaluskos kaya naman mabilis nitong hinanap at nagmumula ito sa likuran ng may kataasang box. Maingat niya itong inakyat at tumambad sa kanya ang isang grupo ng mga taong abala sa pagsakay sa mga boxes sa isang may kalakihang barko.

"May mga tao dito---" naputol ang sasabihin ng dalaga ng marinig nito ang mga boses ng kalalakihan.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng mabosesan niya ang mga ito. Ang lalaking may malalim na boses at ang isang may kaluskos sa kanyang bibig na braces. Hindi ito pwedeng magkamali dahil tanda ng dalaga ang mga boses ng mga dumukot sa kanila noong nakaraang linggo.

Inikot ng dalaga ang paningin sa paligid ng nasa taas. "Hanapin niyo ang may pinakamataas na cargo box, nandito ako at dito sa likuran sila nagtatago." wika ng dalaga sa kabilang linya.

"Hintayin mo kami riyan!" sigaw ni Officer Young sa linya.


"Gago! Umuulan na! Dalian niyo na diyan! Baka madatnan pa tayo ni Boss!"


Muling nagtago ang dalaga sa likuran ng boxes, tahimik nitong pinagmasdan ang mga kalalakihang nagmamadali na sa pagsakay dulot ng biglaang buhos ng ulan.

Nangangati na ang dalagang sugurin ang mga ito ngunit nagpipigil pa at kailangan niyang hintayin ang mga kasamahan nito dahil lahat ng limang lalaki ay may baril sila sa kani-kaniyang beywang.

Bumaling ang tingin ng dalaga sa isang lalaking naglakad papalapit sa gawi nito, maingat na bumaba ang dalaga at sinundan ang lalaki.

"Huwag kang gagalaw." bulong ng dalaga ng mahawakan na nito ang lalaki mula sa likuran, mabilis nitong kinuha ang baril ng lalaki habang nanatiling nakatutok ang baril nito sa ulo ng lalaki.

"Sumunod ka sa sasabihin ko kung hindi ipuputok ko ang bala nito sa ulo mo." pagbabanta ng dalaga.

Walang alinlangan namang napatango ang lalaki at hinayaan ang dalaga sa ginagawa nito.

Dahan dahan na humakbang papalapit ang dalaga sa mga kalalakihan habang tinutulak-tulak nito ang lalaking nagsisilbing hostage niya ngayong gabi.

"Kamusta? Mga daga."

Sa pagkakataong iyon ay napatigil ang mga kalalakihan at gulat na napatitig sa kasamahan nitong hawak ng isang dalagang pulis.

"Subukan niyong hugutin ang baril ninyo. Makikita niyo ang pagdanak ng utak ng kaibigan niyo dito!" wika ng dalaga, "Tingnan mo nga naman, kahit takpan niyo pa mga mukha ninyo... makikilala ko pa rin kayo."

"Itapon niyo lahat ng baril niyo dito!" muling sigaw ng dalaga. Sumunod naman ang apat na lalaki saka lumuhod sa sahig.

Kakapain na sana ng dalaga ang mga posas na nasa beywang nito ng maramdaman ang malakas na pagpalo sa kanyang likuran. Sa pangyayari ay bumagsak ang dalaga sa lupa at kinuha naman ng tsansa ng mga lalaki ang makatayo at maglaban.

"Aerin!"

Kasabay ng pag-alingawngaw ng putok ng baril ay siya rimg pagsigaw ni Officer Castillo, natamaan nito sa braso ang kaninang humampas sa dalaga.

Pinilit na makatayo ng dalaga at muling ipinukaw ang tingin sa mga kalalakihan.


"Shit! Nasaan na ba si Boss! Tangina!"


Hindi na naiwasan pang mapamura ang mga lalaki dahil sa awra pa lamang ng dalaga ay hindi malayong ililibing sila ng buhay.

"Madaya! Wala kaming baril kayo meron!" pagrereklamo ng isa pang lalaki.

Natawa naman ang dalaga sa inasal nito. "Oh? Narinig niyo ba. Madaya raw tayo," ikinurba ng dalaga ang ulo nito sa likuran. "Walang baril, ibaba niyo 'yan." seryosong sambit ng dalaga at pinangunahan na nito ang pagsugot sa mga kalaban.

Hindi na rin nag-atubili pa ang mga lalaki at sumugod na rin sa apat na pulis na nasa harapan nila.

Pinalibutan ng dalawang lalaki si Officer Castillo, bawat sipa at pagsuntok na itinapon sa kanya ay pilit niyang iniiwasan. Gayon rin sa dalawa na si Officer Fernando at Officer Young na kaharap na rin ang dalawa pang lalaki.

"Oh. Lakas mo naman, nagdudugo na braso mo." nakangising komento ng dalaga sa kaninang lalaking humampas sa kanya. Inunat-unat nito ang kanyang leeg. "Malakas rin ang palo mo, ibalik ko kaya sa'yo?" aniya sa lalaki.


"Akala mo kung sino kang malakas!!!"


Mabilis na napayuko ang dalaga ng maramdaman nitong may kung anong bagay na tatama sa kanyang ulo, nakailag ang dalaga sa bakal na ihahampas ng isa pang lalaking nasa gawing kanan nito, ngumisi ang dalaga at mabilis na sinuklian nito ng malalakas na pagsipa sa kanyang dibdib, "Ang ingay mo alam mo ba 'yon? Ikaw kulang pa yang sipa ko sa walang pasintabi mong pagbitaw sa'kin sa lupa! Pasalamat ka!" sigaw ng dalaga at mabilis na pinosanan ang lalaki sa poste.

Bumalik ulit ang tingin ng dalaga sa lalaking may tama ng baril, humakbang ang dalaga na ngayo'y naglalakad na papasok sa bukana ng barko.

Sa bawat paghakbang ng dalaga ay siya namang pag-atras ng lalaki sa kanya. "Sabihin mo sa akin... Sino ang nag-uutos sa inyo." mariing wika ng dalaga.

"Wala! Walang nag-uutos sa amin!" pagtanggi ng binata.

Napakuyom ng palad ang dalaga at malakas na binuhat ang isang kaliitang box na kahoy sa katawan ng lalaki. Nagtamo ito ng mga galos at pagdudugo sa katawan.

"Tinatanong kita, sino ang boss niyo!"
muling pagsigaw ng dalaga at pinagsisipa ang mga malalaking box na nasa loob, nagsilabasan naman ang sandamakmak na drogang nakalulan sa kahon.

"Hindi mo alam ibuka ang bibig mo? Sige, tatakpan ko na lang yan... Habambuhay." akmang poposasan na rin ng dalaga ang lalaki ng biglang naglaban ito at sinipa ang dalaga gamit ang kanyang paa, napaatras ang dalaga at bumanga ang katawan nito sa metal na boxes sa kanyang likuran. Ramdam nito ang lakas ng pwersa sa pagdaing ng kanyang katawan sa sakit.

Gamit ang bakanteng kamay ng dalaga ay kinapa nito ang isang mahabang tubo na nasa tagiliran nito at malakas na inihampas sa katawan ng lalaki.

Hinihingal na napahawak sa tuhod ang dalaga ng tuluyang nawalan na ng malay ang lalaki.

Naniningkit na napa-awang ang bibig ng dalaga ng mapansin nito ang isang kulay pulang dot na nasa harapan nito.

Sinundan ng dalaga ang red dot at tumigil ito sa kanyang dibdib.

Unti-unting bumuhos ang mga luha ng dalaga ng masilayan nito ang kanyang mga kasamahang nagwawagi sa laban, ngunit hindi maikakailang nagtatamo na rin sila ng sugat at galos sa katawan.

Pinahid ng dalaga ang kanyang luha at sa pagkakataong iyon, ay kumawala ang malakas na paghalakhak ng dalaga, napatingin ang lahat sa kanya na may gulat at takot.

Sa kabilang banda, sa kaitasan ng mga cargo boxes ay nakatago at lihim na sinisipat ng isang lalaki gamit ang kanyang baril sa dalagang pulis.

"Ngayon, ako mismo ang papatay sa'yo, Valdez." nakangising bulong nito at akmang ipuputok na ang baril sa dibdib ng dalaga ng biglang,


"SIGE! IPUTOK MO ANG BARIL! PERO SIGURADUHIN MO LANG NA HINDI KA NIYA MAUUNAHAN."


Nanlaki ang mga mata nito sa sinigaw ng dalaga, lilingon na sana ito sa likuran ng napatigil ito, narinig niya ang pagkasa ng baril malapit sa ulo nito.

"ANO BOK? HAWAK MO NA BA ANG DAGA? IKAW THEO NA VIDEO MO BA ANG LAHAT?" sigaw na sabi ng dalaga kahit pa gamit na nito ang kanyang earpiece.

"Opo ma'am! Hawak na hawak ko na ang daga!" sigaw ni Officer Bok sa kabilang linya.

Napatango ang dalaga at sinundan ng kanyang nga mata ang red dot. Kinapa nito sa bulsa ang isang telepono at pinlay ang isang voice record.

"Ano, napatay mo na ba si Aerin?"


"Inaaresto kita ngayon sa salang pagtangkang pagpatay at sa anti drug trafficking law. Boss... Inspector Martin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro