Chapter 57

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Let me love you, tomorrow


SPECIAL CHAPTER

BACKSTORY OF ADEY X TAHLIA

February 2014

THIRD PERSON


Paggulong sa putik. Matinding pag eehersisyo ng katawan. Sampung kilomentrong takbo at ang pagtalon sa may higit 10 ft na lalim na tubig ang araw araw na kinakaharap ng mga binatang cadets sa isang kampo sa Maynila. May tikas, lakas at taas noong suot-suot ang kanilang
army combat clothing, military hats at ang kanilang tactical combat gloves.

"AISH! Grabe! Gusto ko nang sumuko!" pagrereklamo ng isang binatang cadet ng matapos silang i-dismissed ng kanilang Police Trainer.

"Ulol mo! Miss mo lang jowa mo! HAHAHA" pagsingit pa ng isa.

Napahilamos naman ng mukha sa kapaguran ang binatang si Adey habang pinapakinggan ang mga hinaing ng mga kapwa niya kasama sa kampo.

"Oh. Ikaw pare, kamusta na pala ang kapatid mong may dengue?" pagtatanong ng isa pang kasamahan ni Adey na si Paulo.

"Naka-confine pa rin sa hospital. Hindi maganda lagay ng kapatid ko, Tol." tugon ng isa pa nilang kasamahang cadet kay Paulo.

"Halos mag-iisang buwan na 'yan diba? Grabe." pagkomento ng isa.

Napailing na lang ang binatang si Adey sa kanila at tinapik sa balikat ang kasamahan nitong binatang kasalukuyang may sakit na dengue ang nakababatang kapatid.

"Idaan niyo na lang sa dasal. Gagaling din 'yan." wika ni Adey sa kanya at tumayo na sa pagkakasalampak sa lupa. Sumunod naman sa kanya ang apat na kasamahan nito sa kampo na hindi matigil sa mahinang pagtawa.

"Alam mo, dapat nag-pari ka na lang, Tol. Bagay pa sa'yo 'yon! HAHA!" biro ng isa kay Adriel at sinang-ayunan naman ng mga kasamahan nito.

"Oo nga, Pare. Dumagdag ka na lang sa mga binatang semenarista! HAHA!" pagsingit pa ni Paulo sabay akbay sa kaibigang si Adey.

Natatawang pinagbabatok naman ng ulo ni Adey ang mga kasamahan nito at kumaripas na ng takbo pabalik sa kanilang pansamantalang tinutuluyan na maykalakihang tolda.

Alas-diyes na nang umaga, kakatapos lamang nilang sumabak sa pang araw-araw na takbo ng kanilang training at ngayong oras na ito ay nagsisilbing pahinga ng mga binatang cadets, hihintayin na lamang nila ang pag-apak ng alas-dose para sa kanilang tanghalian na sumasabak din sa paspasang pagsasanay.

"Oh. Saan ka pupunta? Huwag mong sabihing tatakas ka na naman?" pagtatanong ni Paulo sa kaibigang si Adey na ngayo'y hawak-hawak ng binata ang isang may kaliitang Art board canvas, mga paint brush at mga painting oil colors.

Saglit na sinulyapan ni Adey ang tatlong kasamahan nilang tahimik na umiidlip ng tulog. Ibinalik nito ang tingin kay Paulo. "Pare. Hindi naman krimen ang ginagawa ko. Sige na, ikaw na bahala sa'kin ah." saad ni Adey saka na ito lumabas sa tolda at nakangiting kumakaway sa kaibigang si Paulo.

Gaya ng nakagawian. Tumungo ang binata sa isang maaliwalas at tahimik na lugar sa itaas ng isang maliit na bulubundukin kung na saan nakapwesto ang kani-kanilang kampo.

Ilang minuto nitong inakyat ang mabatong daan, nang tuluyan na itong makaakyat sa itaas ng burol ay tumambad sa kanya ang napakagandang kalupaang natatanaw nito sa buong paligid. Napapaligiran ito ng matatayog na mabeberdeng puno, mga huni ng iba't-ibang ibon sa itaas ng kalangitan at ang kalmadong pakiramdam na bigay ng hangin sa paligid.

Sumandal ang binata sa isang may kataasan at may kalakihang puno sa kanyang likuran, kinuha nito ang kanyang mga gamit na bitbit at inumpisahan na nito ang kanyang pag-pipinta.

Napapangiti ang binata habang masayang ginagawa ang kanyang pangarap na kahit sa simpleng pagpinta nito sa kanyang kapaligiran ay ramdam nito ang kasiyahan at kakumpletuhan ng kanyang puso.

Sandali itong tumigil sa papinta, hinawakan nito ang gold na pitong nakasuot sa kanyang sa leeg at malakas na nagpakawala ng pagpito sa paligid.


"Aish. Ang ingay!"


Napalinga-linga ang binatang si Adey sa paligid ng makarinig ito ng isang boses.

"Oh. Anong ginagawa mo riyan?" pagtatanong ni Adey habang nakatingala sa punong kinasasandalan nito, itinuturo ng kanyang daliri ang isang dalagang nakabitin sa itaas ng makakapal na sangay ng puno.

"Nagpapahangin? The scenery here is beautiful." sagot ng dalaga at prenteng-prente pa rin itong umupo at isinandal ang kanyang katawan sa puno. Nang mapansin ng dalaga ang pamilyar na kagamitan ng binatang si Adey ay dumungaw ito at itinuro rin nito ang binata.

"You know how to paint! I love that too. I love art!" nasisiyahang wika ng dalaga.

"Ah. Eto ba? Oo pero pampalipas na lang ng oras ngayon." saad ni Adey sa dalaga. "Oo nga pala. Bakit nandito ang isang tulad mo? Kampo ito ng mga pulis. Anong ginagawa mo dito? Bawal ang mga babae sa lugar na'to." suway ni Adey sa dalaga.

Mabilis na inipit ng dalaga ang kanyang mahabang buhok at tumingin sa binata. "Visitor." tipid na sagot nang dalaga kay Adey.

Minabuti ng dalagang ilihim sa binata ang tunay na katauhan nito. Dahil sa pagkakataong ito, naramdaman ng dalaga na nais nitong maging kaibigan ang binata. Nang hindi nalalaman ang pagkatao nito.

Muling dumungaw ang dalaga, diretso ang tingin nito sa binatang nakatingala sa kanyang harapan. Dahan-dahan nitong inilahad ang kamay ng dalaga at gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. "Hi. I'm Tahlia." pagpapakilala ng dalaga.

Sandaling napailing ang binata sa dalaga dahil hindi nito inaasahan sa isang babae, ngunit nakangiti ring sinuklian ni Adey ang dalaga at kinuha ang kamay nito. "Adey."

Sa pag-ihip ng napakalakas na hangin sa paligid, tuluyang nahulog ang ipit ng dalaga dahilan upang maisayaw ng hangin ang kanyang malambot na buhok. Sa hindi inaasahan, tuluyan ring nahulog ang damdamin ng dalaga habang pinagmamasdan nito ang binata na nasa kanyang harapan. Isang pag-ibig sa unang tingin.




"One!"

"Two!"

"Three!"

"Four!"

"Five!"

Panibagong araw. Kasalukuyang nagaganap sa apat na sulok ng malawak na silid ang pagkain ng mga nagsasanay na pulis. May tatlong mahahabang silya, nakaupo ang bawat magsasanay kaharapan ang kapwa nila pulis. Bawat mesa naman ay bantay ng dalawang nakatayong opisyal ng PNP na nagsisilbing trainer ng mga magsasanay.

Isang pagsasanay sa pagkain na tinatawag nilang Square Meal. Dito sinusubok ang tikas ng tindig at disiplina ng bawat magsasanay.

Sa ganitong pagsasanay. Kinakailangang sumabay ng mga magsasanay sa pagbilang ng lima ng mga trainer. Hindi nahuhuli, hindi rin nangunguna.

Nakaupo sa pangatlong mesa sa dulo ng silid ang binatang si Adey kasama ang kanyang mga kasamahan sa kampo. Napakunot ang noo ng binata ng mapansin nito ang lalaking kaharapan niyang si Paulo na nagpipigil ng tawa.

Sinubukan ni Adey na sipain sa ilalaim ng mesa ang kaibigan para manahimik. Nagulat na lamang ito ng biglang magpakawala ng malakas na pagpito ng isang trainer sa kanyang teinga.

"DISIPLINA!" malakas na sigaw ng kanilang trainer sa mesa.

"One!"

Sa pagsigaw ng unang bilang ay nagmamadaling kinuha ng magsasanay ang kanilang kutsara at kumuha ng kanilang pagkain gamit lamang ng isang kamay.

"Two!"

Sa pangalawang bilang ay kinakailangang itaas ang isang kamay ng hawak ang kutsarang naglalaman ng kanilang pagkain.

"Three!"

Sa bilang na ito ay dito na nila mabilis na isusubo ang pagkain--- nanatili pa ring hawak ang kutsara habang nakatutok ito sa bibig ng bawat magsasanay.

"Four!" Sa pagbilang ng apat ay muling itataas ang kanilang kamay at sa huling bilang ng "Five!" ay doon na nila ibaba at bibitawan ang kutsara sa kanilang plato.

Sa isang oras na pagkain ay nagpa-ikot-ikot lamang ang pagsasanay sa pagbibilang habang tinitiis ang pangangalay ng kamay at pagmamadali sa pagkain ng mga magsasanay.

"Argh! Grabe! Na manhid na ata ang braso ko!" pagrereklamo ng isang kasamahan ni Adey.

"Okay lang 'yan, Tol. Isang buwan na lang makakauwi na tayo kay misis!" ang sabi ng isa pa.

Napailing ang binatang si Adey habang inu-unat-unat nito ang kanyang magkabilang braso. Nagpaalam ito sa mga kasamahan na tutungo na muna ito sa kanilang tolda.

Mabilis na kinuha ni Adey ang laptop at ito'y binuhay, hinanap nito ang kasalukuyang report na ginagawa nito ngayon bago matapos ang kanilang pamamalagi sa kampo.

Umangat ang ulo nito sa taong kakapasok lamang sa tolda. Umupo ito sa tabi ng binatang si Adey. "Hindi ba delikado ang ginagawa mo? Alam mo naman siguro ang kinakalaban mo ngayon?" wika ni Paulo kay Adey.

Tumango si Adey. "Alam ko, pero hindi ako mapakali hangga't hindi ito nalalaman ng iba lalo na kawani ng PNP ang sangkot dito."

"Alalahanin mo na uuwi ka pa sa inyo, naghihintay pa ang nakababatang kapatid mo sa iyo." muling sabi ni Paulo kay Adey.

"Alam mo masyado kang napa-praning. Wala naman masama kung gawin ko ang tama hindi ba? Naging pulis pa tayo kung magbubulag-bulagan lang tayo sa paligid? Saka. Huwag kang mag-alala. Kilala mo naman ang Papa ko. Matutulungan niya tayo." dagdag pa ni Adey.

Nang mai-save na ni Adey ang isang file report sa isang maliit at maitim na sd card ay nakangiti nitong ipinakita kay Paulo. "Saka... Hindi naman ako natatakot, nandito ka naman e. Maliligtas mo naman ako." pagbibiro ni Adey sa kaibigan.

Napairap na lamang si Paulo sa kanya at muli nang lumabas sa tolda. Bago ihakbang ni Paulo ang kanyang mga paa ay sinulyapan nito ang kanyang kaibigang si Adey sa loob. Ramdam nito ang kaba at pag-aalala sa binata.



December 2013

Bumaba ang binatang si Adey sa sinasakyan nitong bus fare sa Adelaide, Australia. Nagmamadali itong tumakbo papunta sa isang pantalan kung saan ipapasuyo sana nito ang kanyang regalo sa kanyang nakababatang kapatid sa kasamahan nitong hindi na nakaya ang training at naisipang umuwi na sa pinas. Nais niyang maibigay sa nakababatang kapatid nito bilang regalo ngayong nalalapit na Pasko.

Sasakay sa barko ang kasamahan nito at bababa sa bansang Indonesia, doon ito muling sasakay naman sa eroplano patungo sa bansang Pilipinas.

Alas-diyes na ng gabi kaya't mabibilang na lamang ng binata ang mga taong nasa pantalan. Hinanap nito ang kaibigan ngunit sa hindi inaasahan, iba ang nahagip ng kanyang mga mata--- nasaksikan nito ang isang illegal na pakikipagkalakan ng mga taong nakasuot ngayon ng pormal na tuxedo suit, napatitig si Adey sa mga kahon-kahong ipinapasok sa bukana ng barko. Nanlalaki ang mga mata nito ng makitang mga kilo-kilo na droga ang nasa kahon.

Lalo itong nagulantang ng mapansin nito ang isang pamilyar na taong masayang nakikipagkamay sa mga taong banyaga. Isang pinoy na pulis.

"Lieutenant Young." nasabi sa kawalan ng binata. Habang lihim itong nagtatago sa likuran ng mga tambak na boxes ay nanginginig nitong dinukot ang kanyang telepono at kinuhanan ng letrato ng binata ang buong lugar.

"Valdez! Nasaan ang ipapadala mo sa'kin?!"

Nabitawan ni Adey ang kanyang telepono ng marinig nito ang malakas na pagtawag ng kanyang kasamahang nasa kabilang dako ng pantalan. Ngumingiti ito at kumakaway sa binatang Valdez.

Napamura na lang ang binata at tumakbo na pabalik sa kanyang kasamahan.

Walang kamalay-malay ang binatang Valdez na namataan siya ng pulis na nagngangalang Gilbert Young.



February 2014

"The Starry Night?"

"Oh! Vincent Van Gogh!"

"The Tower of Babel?"

"Prieter Bruegel! Tama 'diba!"

"Uhm. The Last Supper?"

"That's easy! Of couse, the one and only Leonardo Da Vinci!"

Napatango-tango ang binatang si Adey sa mga sagot ng dalaga sa kanya. "In fairness. Memorize! HAHA!" pagbibiro niya sa dalaga.

Inirapan nito ang dalaga. "Huh! Ako pa hinamon mo. Sinaulo ko lahat ng mga sikat na artists 'no!" ani ng dalaga sabay kuha ng chips na nakalatag lamang sa damuhan. "Oh this," muling tumingin ang dalaga kay Adey. "Guess who the artist's is ... And if you can't guess you have to treat me a meal when you get out of this camp! What game?" sambit ng dalaga sa binata.

Inagaw naman ni Adey ang chips sa dalaga. "Sige ba. Pero paano kung nahulaan ko naman?" pagtanong nito.

Hinawakan ng dalaga ang kanyang baba at saglit na nag-isip. "Uhh. I will rent the enchanted kingdom for a whole day! What? Game!" natatawang pahayag ng dalaga kay Adriel.

"Aba. Kung makapagsalit ka, ang yaman yaman mo. Sino ka ba talaga, Tahlia? Ikaw ah. Baka bigatin ka na palang bisita dito sa kampo." ang sabi ni Adey kay Tahlia.

"No. Not at all! I'm just a mere P.A of a famous police here. HAHAHA" natatawang tugon ni Tahlia kay Adey.

"Osiya sige. Magtanong ka na. Sigurado namang mahuhulaan ko 'yan." pagmamayabang ni Adey sa dalaga.

Inabot sandali ni Tahlia ang juice at nilagok ito. Tumingin ito ng diretso sa binata. "The Swing?" ang binatong tanong ni Tahlia kay Adey.

Saglit na natigilan at napaisip ng malalim ang binata habang kaliwa't kanan ang paglinga ng kanyang ulo. "Teka lang, hindi ako pamilyar sa painting na 'yan." turan ni Adey kay Tahlia.

Napigil ng tawa ang dalaga sa binata. Itinaas nito ang isang kamay ni Tahlia at nagsimula ng magbilang sa mga daliri ng dalaga.

"Three!"

"Teka lang! Iisipin ko muna!"

"Four!"

"Aish. Sigurado ka bang ganyan lang ang pangalan?"

"Five! Times up!"

Napasabunot na lang sa inis si Adey habang pinagmamasdan ang dalagang hindi magkamayaw sa pagtawa.

"You don't know the name? It's Jean Honore Fragonard! HAHAHA!" pagsagot ni Tahlia sa binata.

"The happy accidents of the swing 'yon e! Hindi mo kasi nilinaw! Madaya!" pag-iinarte ni Adey sa dalaga.

"Understood na 'yon! Alam mo na pala hindi mo pa binanggit ang pangalan! Ako panalo!" natatawang wika ni Tahlia. Tumayo ito at humakbang sa dulo ng burol. "Whooo! Makakalibre na ako kay Adey! HAHAHA" unti-unting humarap ang dalaga sa binata. Muling sumilay ang ngiti ng dalaga habang pinagmamasdan ang maaliwalas na mukha ng binata.

Kahit pa sa ingay ng hanging hatid sa paligid ay ramdam ng dalaga ang lakas ng pagtibok ng dibdib nito sa binata.



March 2014

Nababagot na napabangon sa kama ang dalagang si Tahlia. Walang gana itong lumabas sa kaniyang kwarto at tumungo sa unang palapag ng bahay.

"Ma'am? Mag-agahan na po kayo." ang sabi ng isang babaeng matanda na nagsisilbing yaya sa loob ng mansyon.

"Sige po." ang tanging sagot ng dalaga sa matanda. Tinungo naman ng dalaga ang hardin at namataan nito ang kanyang ama na abala sa pag-alis ng tangkay ng mga pulang rosas sa bakuran.

"Pa! What have I told you! Huwag mo na pakielaman 'yan!" suway ng dalaga sa kanyang Ama.

Bahagya namang natawa ang kanyang Ama. Tiningnan nito ang kanyang dalagang anak sabay na hawak sa magkabilang balikat ng dalaga. "Inhale... Exhale... Inhale... Exhale." sumunod naman ang dalaga sa ginawa ng kanyang Ama.

"Umagang-umaga ang init ng ulo mo, baka umatake na naman 'yan. Be careful my daughter." pagpapaalala ng kanyang Ama sa dalaga.

"Pa. I'm already fine, I'm not sick anymore. Which means? I can now enter in a police academy... be a police like you! Please! Please! Please!" natatawang wika ni Tahlia sa Ama.

"What else can I do if you really like that? Just make sure to take care of yourself and take your medication thoroughly... You are not as healthy and strong as your twin Timothy. Your heart is weak, it needs intensive care." paalala ng kanyang Ama.

Tumango naman ang dalaga. "Opo! Promise ko naman 'yon! Ako pa. Nagmana kaya ako sa inyo!" hirit pa ng dalaga.

"Pumasok ka na sa loob, kumain na at uminom ng gamot." utos ng kanyang Ama.

"O basta tantanan mo na 'yang mga bulaklak ha! Iningatan ko 'yan, Papa! Huwag mo na alisin mga tangkay niyan." dagdag ni Tahlia at kumaripas na ng takbo papasok sa loob.

Naiwan naman ang kanyang Ama sa labas. Ibinalik nito ang tingin sa mga rosas at walang pag-alinlangan itong pumitas at sinira sa sarili nitong kamay.

Ineng! Nasugod sa clinc si Adey! Nagkaroon ng food poisoning dito sa Kampo!

Nabitawan ni Tahlia ang hawak hawak na tinidor dahil sa gulat na hatid ng mensahe mula sa kanyang ka-chikahan sa Canteen sa Akademya.

Napainom ang dalaga at mabilis na kumaripas muli ng takbo. "Papa!" malakas na tawag nito sa kanyang Ama na nasa labas pa rin ng mansyon.

Lumingon ang kanyang Ama na may kausap sa kanyang telepono. Sumenyas ito sa dalaga na maghintay sa loob. Ilang sandali lamang ay pumasok na ito at nagmamadaling kinuha ang susi ng kotse.

"Pa! Aalis ka ba? Sa PMA ba? Sama naman ako ohh." pagpigil ni Tahlia sa kanyang Ama.

"Anak. Ano na naman bang gagawin mo doon? Mababagot ka lang doon. Magpahinga ka na lang at mag-aral dito." suhestiyon ng kanyang Ama.

"Pa naman! Ehhhhh! Sige na! Please! Isama mo na ako!" pagpupumilit pa ni Tahlia sabay na pumalupot ang braso nito sa kanyang ama.

"Okay! Okay! You win! But first, you need to change. Take a bath. I'll be waiting here." sagot ng kanyang Ama.

Napangiti naman ng nakakaloka si Tahlia sabay na tumango sa ama. "Aye! Aye! Lieutenant Young!" natatawa nitong sigaw habang sumasaludo. Kumaripas na ng takbo ang dalaga.

Nasasabik na ito sa muling pagkikita nila ng binata.

Samantala.

"Pare? Ayos na ba mga tiyan niyo?" pagtatanong ni Paulo sa mga kasamahan nito.

Umupo si Adey sa pagkakahiga sa kama at hinawakan ang tiyan niyang humihilab pa rin sa sakit na naramdaman nito kanina. Napatingin ito sa mga kasamahan nito. "Ayos na ba kayo?" tanong naman din nito sa tatlong kasamahang nadala rin ngayon sa loob ng clinic sa kampo.

"Ayos lang kami. Ikaw kaya itong nagsusuka ng dugo 'no. Tingnan mo nga mukha mo para kang naka-drugs." sita naman ng isang kasamahan nito kay Adey.

Natawa naman ang mga kasamahan nito. "Oo nga! Sinabihan ko na kayong huwag kumain muna. Ang tatakaw niyo kasi." singhal naman ni Paulo sa apat na binata. "Tingnan niyo, ako lang maayos satin. Ako na lang may fresh na mukha. HAHAHA!" pagbibiro pa ni Paulo.


"Hayyyy. Makaidlip nga muna."

"Tara tulog na."

"Patayin mo na aircon, masyado nang mahangin at malamig dito."


Pinagbabatok naman ni Paulo ang tatlong mga kasamahan nitong nag-iinarte. "Mga ulol niyo! Ako naman talaga gwapo satin!" sigaw ni Paulo.

"Hay nako, Paulo. Tawagan mo na nga si Tita at pagdalhan na kami ng mainit na makakain dito." ang sabi ni Adey dito at tahimik na bumalik sa pagkakahiga.

Nagpaalam si Paulo at sumunod sa sinabi ng kaibigang si Adey. Ilang minuto lang ang nagdaan ay ng makarinig ito ng boses na papasok sa loob.

Sabay-sabay na napa-upo ang kaninang apat na binata kabilang na ang binatang si Adey.


"Tita! Anong pagkain?"

"Mukhang mabango!"

"Baka dito humilom hapdi ng tiyan ko!"


Natatawang inihapag naman ng babaeng madalas na tinatawag nilang 'Tita' isa sa mga cooked sa canteen ng mga cadets. "Kayo talagang mga bata, nakukuha niyo pang makatawa riyan!" suway nito sa mga binata sabay na inabot isa-isa ang mainit na lugaw at puto sa mga binata.

Nang makalapit ito kay Adey ay magiliw niyang ibinigay ang pagkain at bumulong sa binata ng, "Nandito na si Tahlia. Naghihintay sa'yo 'yong dalaga."

"Talaga po?" hindi makapaniwalang sabi ni Adey.

"Oh! Pare saan ka na naman pupunta!" malakas na pagtawag ni Paulo sa kaibigang si Adey. Hindi na nito nagawa pang kainin ang pagkain nang kumaripas na ito ng takbo upang makausap at makita ang kaibigang dalaga.

Lakad at takbo ang mga hakbang ng mga binti ni Adey, dinala ng mga paa nito sa pamilyar na lugar kung saan nakagawiang magkita ng dalaga at binata.

Hinihingal itong napatigil. Napatitig sa dalagang pikit ang mga mata at tahimik na nakasandal ang katawan nito sa puno. Ilang segundo lang ang lumipas ay iminulat na ng dalaga ang kanyang mga mata at lumingon sa lalaking nakatayo ngayon tatlong hakbang mula sa dalaga.

"Oh! Adey! Okay ka na ba?" napatayo ang dalaga at inalalayan ang binata.

Parehong umupo ang dalawa sa tabi ng ilalim ng puno. Napatitig ang dalaga sa namumutlang mukha ng binata. Hindi nito napigilan ang sarili at umiyak ito sa harapan ng binata.

"Bakit ka naman umiiyak. May sira lang iyong pagkain. Hindi pa ako namamatay." pagbibiro ng binatang si Adey.

"You must know how to be careful too, Adey!" may inis sa boses ni Tahlia. "Here, I bought you some fruits and meds." nahihiyang inilahad ng dalaga ang isang malaking paper bag sa binata.

Natawa naman ang binata. "Salamat. Hindi mo naman ako matiis, ikaw bata ka."

Tinabig ng dalaga ang kamay ng binatang nakapatong sa ulo nito. "Pwede ba! Hindi ako bata! 20 na ako! Matanda ka lang ng 4 years sa'kin, ginaganyan mo na ako!" ani Tahlia.

"Basta tumigil ka na riyan, hindi mo bagay, pumapanget ka lalo." pagbibiro ni Adey.

Tumango naman ang dalaga at inayos muli ang sarili. Sandaling bumalot ng katahimik sa dalawa.

"You know, I'm sick. Well, not that bad." pagbasak ng dalaga. Napatingin naman ang binata sa kanya. "My heart was weak, when I came out of the world I did not immediately taste the air because I still had to be placed in the ICU incubator. My twin and I had premature birth but he was lucky because he was in good condition, unlike me... Mula bata hanggang sa paglaki, tutok sa pag-aalaga sa'kin si Papa. Minsan nga naiinggit ako sa kambal ko, dahil malaya at nagagawa nito ang lahat. May freewill siya na ikinahanga ko. We are not really close to each other because he is not always at home and he prefers to follow our Mom everywhere ... I will not be surprised, if one day he will feel jealous and angry with me." pagpatuloy ng dalaga.

"Naniniwala naman ako mahal ka ng kapatid mo, hindi niyo naman matitiis ang isa't-isa," wika naman ng binata. "Kami nga ng kapatid kong si Aerin, madalas kaming aso't pusa. Pero nagkakabati rin. Hindi ko rin matiis ang babaeng 'yon kahit napakatigas ng ulo." natatawang dagdag ng binata.

"Pero panigurado ngayon, sobrang lungkot ng kapatid ko dahil namatay sa aksidente ang kababatang kaibigan nito. Kaya gustong-gusto ko na talaga umuwi." ang sabi pa ng binata.

Nakatikim naman ng malakas na batok si Adey kay Tahlia. "Kaya magpagaling ka! Hindi biro ang may sakit! Lalabas ka na niyan sa kampo tas ilang linggo na lang makakauwi ka na sa inyo! Gusto mo bang makita ka ng kapatid mong ganyan ang pagmumukha? Tsk." buwelta ng dalaga.

Napapailing at natawa na lamang ang binata sa panenermong pinagsasabi ng dalagang nasa harapan niya.




Sa muling pagtapak ng mga paa ng mga binatang cadets sa labas ng kampo ay sumalubong sa kanila malakas na bugso ng ulan.

"Whooo! Finally! Makakakain na tayo ng maayos!" pagsigaw ng isa sa kasamahan ni Adey.

"Sa bar muna tayo! Namiss ko na alak." sabi pa ng isa.

Napatingin si Adey sa pagtapik sa kanya ni Paulo. "Saan ka niyan? Sama ka? O tatakas ka na naman?" natatawang tanong nito kay Adey.

"Oo. Diretso na muna ako sa tinutuluyan ko, masakit pa katawan ko." turan ni Adey.

Kahit anong pilit ng mga kasamahan ng binatang si Adey ay wala ring nagawa kun'di ang pagbigyan ang binata. Mag-isang bumiyahe ang binata sa sinabing lugar ng kanyang Ama na tutuluyan niya pansalamantala sa Maynila. Ilang minuto itong bumiyahe sakay ng isang pamapasaherong jeep.

Nang makababa na ito sa lugar ng may isang kataasang gusali ay tumambad naman sa kanya ang imahe ng isang babaeng nakatayo't nakangiting kumakaway sa kanya.

Sa nagdaang araw. Madalas nang magkasama ang binatang si Adey at ang dalagang si Tahlia. Gaya ng nakagawian sa Puno ng mataas na burol sila nagkikita't masayang nagk-kwentuhan. Isang hindi inaasahang pagkakaibigan ang nabuo.

"Congratulations!" malakas na sigaw ng dalagang si Tahlia habang itinataas nito ang pagkaing bitbit niya.

"At paano mo naman nalaman kung saan ako tutuloy ngayon ha? Stalker na ba kita?" lumapit ang binata sa dalaga at kinuha ang bitbit ng dalaga.

"Excuse me? You told me so! There you go, I already bought something to eat, cook me some kare-kare, okay?" Hindi na nga ako nagpapalibre e!" wika ng dalaga.

Sabay na pumasok ang dalawa sa elevator at tinungo ang apartamentong tutuluyan ng binatang si Adey.

"In fairness, it's clean. Papa mo ba siguro naglinis dito." puna ng dalaga pagkapasok sa loob ng lugar ng binata.

"Oo. Siya lang naman nag-aasikaso sa'kin dito e." sagot ng binata.

"Anong meron dito sa nakabalot mong canvas? Black and gold pa ang nais, ha! HAHA" pagkomento ng dalaga ng mapansin nito sa sala ang isang may kalakihang canvas na silyado sa pagkakatakip.

"Ayan ba? Painting 'yan, ginawa ko para sa kapatid ko... Matagal ko na 'yan natapos. Gusto ko, personal kong maibigay sa kanya." sagot ng binata habang nag-aayos ito ng pagkain sa maliit na kusina na katabi lamang ng sala. Inilabas nito ang maliit na cake, ice cream, burger, fries at mga cup noodles na dala-dala ng dalaga. Nag-init na rin ito ng tubig.

"Ang bait namang kapatid. You really excited to go home, huh." saad ng dalaga.

"Oo naman. Pero bago 'yon, may tatapusin na muna ako dito. May kailangan muna akong isuplong na pulis." wika ng binatang si Adey.

Pumasok ang dalaga sa kusina at kinuha ang kumukupong tubig. "Sino naman ang isusuplong mo ha? Paalala ko lang na hindi mo ako stalker, baka ako ipadakip mo! HAHA." natatawang sambit ng dalaga habang binubuhos nito ang mainit na tubig sa cup noodles.

Bahagya namang natawa ang binatang si Adey. "Si. Lieutenant. Siya ang isusuplong ko, kilala mo ba siya? Si Lieutenant Young."

Napantig ang teinga ng dalaga sa binitawang salita ng binata. Hindi nito namalayang nabubuhos na sa kanyang mga palad ang mainit na tubig.

"Hoy! Anong ginagawa mo! Napapaso na kamay mo!" malakas na sigaw ng binata habang pinupunasan ang kamay ng dalagang namumula sa init.

"Nakatrip ka ba? Hindi na magandang biro ito ha! Tingnan mo kamay mo!" muling pagsigaw ng binata. Napatitig na lamang ang dalaga sa lalaking hindu magkumahog sa pagkabalisa.

Bumibilis ang tibok ng puso ng dalaga, hindi dahil sa saya kun'di sa pangamba at takot. Hindi namalayan ng dalaga na napayakap na lamang ito ng mahigpit sa binata.

"Hoy---"

Napatigil ang binata ng marinig nito ang mahinang pag-iyak ng dalagang mahigpit pa ring nakakapit sa katawan nito.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ng dalaga. Napapatango ito nang mapagpasyahang sa sariling mas pipiliin na lamang talaga nitong itago ang totoong katauhan nito sa binatang tinitibok ng kanyang puso.

Sa kabilang banda. Pinagmasdan ng binata ang tumutunog nitong telepono. Walang humpay ang kanyang pagbuntong-hininga at pangangagat sa daliri na animo'y kinakabahan sa pagsagot sa tawag.

Subalit lumipas ang minuto at patuloy ang pagtunog ng kaniyang telepono. Napahilamos na lamang ito sa takot sabay na sinagot ang tawag.

Paulo, sundin mo ang sinasabi ko. Siguraduhin mong makukuha mo ang file na hawak niya bago pa mahuli ang lahat.

Muli nitong narinig ang pamilyar na boses. Isang boses na nagbibigay sa binata ng takot sa puso. Dahil ngayon, alam nito ang nalalapit na pangyayari.

Kasabay ng pagbagsak sa sahig ng kawatan nito ay siya ring pagbagsak ng luha ng binatang si Paulo.




60 MINUTES LEFT

"Aish! Ano na naman ang gagawin natin doon? Payabangan lang naman mangyayari doon!"

"Pumunta na lang tayo at sumunod doon. Akala niyo naman may karapatan kayo. HAHA"

"Alas-nuwebe pa lang ng umaga oh! Ano ba 'yan!"

"Nagrereklamo kayo pero ayos na ayos naman 'no? Nakuha niyo pang maglagay ng powder sa pagmumukha ninyo! Langya kayo. HAHAHA" natatawang saad ng binatang si Adey sa tatlong kasamahan nitong nakasalampak isa-isa sa kama ng binata.

"Oh. Sasama ka? Hindi ba masama pakiramdam mo?" pagtatanong naman ni Paulo kay Adey.

Naglakad si Adey patungo sa kanyang maliit na drawer. Lumingon ito kay Paulo na ngayo'y nakasunod sa kanyang likuran. "Ayos lang naman ako, huwag kang masyadong mag-alala." pagsagot ng binatang si Adey sa kaibigan sabay pakita sa kanya ang isang sd card chip na silyadong nakatakip. Inalis ni Adey ang pagkakasuot sa kanyang pito saka niya sinubukang idikit at ipasok sa loob ng pito ang sd card chip.

Nang mapatagumpayan nitong mailagay ang bagay sa pito at nakangiti itong nag-angat ng tingin sa kaibigan. "Importante rin ang araw na ito, kailangang malaman ng Papa ko ang irereport ko sa kanya." patuloy pa ni Adey.

"Huwag ka nang pumunta. Dito ka na lang." mariing sambit ni Paulo.

"Ang creepy mo na, Pare. Ayoko ng ganyang awra. HAHA" pagbibiro lamang ni Adey kay Paulo.

Tinapik na lamang ng binatang Adey ang balikat ng kaibigang si Paulo at nagpatuloy na sa paglabas.


35 MINUTES LEFT

Sabay sabay na pumasok ang limang magkakasamang binata kabilang na si Adey sa loob ng lobby ng isang sikat na Hotel sa Maynila. Saglit silang kumuha ng letratong magkakasama at ilang sandali lamang ay sumabay na ang mga binata sa mga paparating na ka-pulisya sa loob na magsisilbing venue. Pagbukas ng malaking pintuan ay bumungad sa kanila ang isang napakalawak na lugar, puno ng mga magagarbong silya, mesa at mga palamuti. Halos sakupin na nito ang kabuuang pwesto ng unang palapag.

"Oh! Ang gara! May escalator pa, oh!" turan ng isang kasamahan ng binata na hangang-hanga ngayon sa nakikita ng kanyang mga mata.

Tinawanan lamang ito ng mga kasamahan niyang binata at humanap na nang mauupuan.

Tahimik na umupo ang mga binata sa gawing kanan sa harapan ng mini-stage. Enjoy na enjoy ang mga ito lalo na't sinimulan na nilang tikman ang masasarap na putaheng inihahapag sa kanilang mesa.

Napahinga ng malalim ang binatang si Adey habang inililibot ang tingin sa mga nagsisidatingan pang mga bigating bisita. Hindi na rin maalis ang pagngiti at pagkagalak ng binata ng mabasa nito kanina ang mensahe mula sa kanyang ama na susunduin na niya ito at uuwi na.

"Oh." napatayo ang binatang si Adey sa gulat ng mahagip ng mga mata nito ang imahe ng dalagang lihim na nakatago sa isang bukas na kwarto malapit sa kinauupuan nito.

Linapitan nito ang dalagang si Tahlia. "Anong ginagawa mo dito? Ba't nagtatago ka riyan?" tanong ni Adey sa dalaga.

"Nothing. Just here to watch." tipid na sagot ni Tahlia habang nakatuon ang tingin nito sa DSLR Camera na sine-set-up nito.

Isinara ni Adey ang bukas na pintuan "Ano na naman pakulo mo riyan?" natatawang tanong ng binata at umupo sa harapan ng dalaga.

"Magvi-video ako 'no! Kukuhanan kita ng video sa pag-akyat mo sa stage baka biglang koronahan ka, e." hirit naman ni Tahlia.

"Sus. Stalker talag kita 'no? HAHAHA!" pag-aasar naman ng binata.

Umirap naman ang dalaga ngunit sa likod ng kanyang naiinis na mukha ay nagpipigil ang pagngiti ng kanyang labi. "Bumalik ka na nga lang doon! Sinisira mo araw ko, e!"

"Sinisira ba ng kagwapuhan ko? HAHAH!" muling pang-aasar ni Adey sa dalaga. "Oh. Candy para hindi mapanis laway mo dito." pag-abot bigla ng binata sa kamay ng dalaga.

Saglit na napatitig ang dalaga sa pulang candy hawak nito. "Ang kuripot mo! Maxx pa talaga!" wika ng dalaga.

"Aba! Nakuha ko lang 'yan sa mesa. Try mo kayang lumabas ah." suwestiyon naman ng binata at humakbang na papalabas ng silid.

Pinagmasdan na lamang ng dalaga ang likuran ng binata. Napaiwas agad ito ng tingin ng mapansing lumingon muli ang tingin ng binata sa kanya. "Uuwi na niyan ako sa Pampanga... Baka gusto mong sumama?"

"Huh?" napapa-ngangang tanong ng dalaga.

"Hindi ka naman siguro bingi 'no? Ewan ko sa'yo. Bahala ka na riyan." umi-iling-iling na wika ng binata at nagpatuloy na sa paglabas.

Napahawak na lamang ang dalaga sa namumulang mukha nito ngayon at halos maputi na ang labi sa kanyang pangiti.


18 MINUTES LEFT

"Good morning. Thank you everyone for attending the important gathering of us, brave people of the Philippines. HAHA! Let's have fun today as we celebrate our big day!"

Lahat ay nagsitayuan at binigyan ng masigabong palakpakan ang General na kasalukuyang nakatayo ngayon sa stage.

"I would also like to thank, Lieutenant for making this to happened. The behind of the success of this gathering! Let's gave a applause! Lieutenant Gilbert Young!"

Mabilis na napalingon ang binatang si Adey sa taong binanggit na ngalan. Napalunok ito habang pinagmamasdan ang lalaking nakangiti habang magiliw na kinakawayan pa ng mga tao sa gitna.

Napaiwas ito ng tingin ng magtama ang kanilang mga mata.


13 MINUTES LEFT

Naging normal ang daloy ng kasiyahan. Kaliwa't kanan ang palitan ng kamustahan ng mga pulisya at ibang mga bisita.

Sa 'di kalayuan. Tinatananaw ng dalaga ang binatang si Adey na walang humpay sa pangiti. Lihim nitong inilapit ng maigi ang camera nito sa pwesto ng binata.

Ngunit hindi nagtagal ay muling bumalik sa loob ng silid ang dalaga upang kuhanin ang mga iilang kagamitang dala-dala nito. "Oh." napayuko ito sa sahig ng mahagip ng tingin nito ang isang susi at ID na pagmamay-ari ng binatang si Adey.

"AHHHHHHH!!!"

Kabadong ibinalik ang tingin ng dalaga sa loob ng gathering hall. Napapa-nganga itong pinagmamasdan ang mga sigawan ng mga tao sa loob habang nagkukumahog sa pagtakbo papalayo sa mga armadong lalaking nagpapaulan ng bala ng baril sa loob.

Hinanap ng dalaga ang pigura ng binatang si Adey subalit gulong-gulo na ang paligid. Walang tigil ang pagpapaputok ng mga armado habang naglalaban naman ang mga iilang pulis na nasa loob.

Nang mamataan ng dalaga ang binata na ngayo'y nakikipagpalitan din ng bala sa mga armado.

"ADEY!!!" sa kabila ng maingay na paligid ay nanaig pa rin ang malakas na pagtawag ng dalaga sa binatang si Adey, napatigil ang binata at hinanap nito ang pamilyar na boses.

Nang mahanap na ng binata ang dalaga ay sumenyas ang binatang si Adey sa dalaga na lisanin na ang lugar, tatakbo na sana ang binata sa kanya ng umalingawngaw ang putok ng baril na tumama sa balikat ng binata.

Nanghihinang nabitawan ng binata ang hawak nitong baril. Napahawak na lamang ang ito sa bakanteng upuan habang pinagmamasdan ang mga armadong unti-unting inuubos ang mga inosenteng tao sa loob.

Ilang minuto ang lumipas at naghari ang katahimikan sa loob.

Nang maimulat ng binata ang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang imahe ng isang lalaki sa kanyang harapan. Ngayon niya lamang din napansin bumagsak na ang katawan nito sa sahig habang hindi pa rin maawat ang balikat nito sa pagdudugo.

"L-lieutenant... Young." mahinang wika ng binatang si Adey.

Gumuhit ang pagngisi ng lalaki sa kanya ngunit ibinaling sandali nito ang atensyon sa tatlo pang natitirang buhay na armado sa kanyang harapan.

"Akala ko ba mabubuhay kami?! Nawala ang dalawang kasamahan na---"

Nanlaki ang mga mata ng binata ng masaksihan nitong harap-harapang pagbabarilin ng lalaki ang tatlong armado. Nagpakawala rin ang lalaki ng mga bala ng baril sa mga paligid ng lugar.

"Anong g-ginawa mo! Ba-bakit!" malakas na sigaw ni Adey sa Lieutenant.

"Tingnan mo nga naman, Inspector Arcilla. Nakakaawa ang kalagayan niya ngayon." bigkas ng Lieutenant sa isa pang pulis na nakatayo ngayon sa kanyang likuran. Si Inspector Benjamin Arcilla.

"Ang hirap mo kasing kausap, kaya papahirapan na rin kita." saad pa ni Lieutenant sa binata na ngayo'y namimilipit sa sakit habang tinapak-tapakan pa ng lalaki ang balikat ng binatang may tama ng baril.

"Lieutenant Young. Huwag po, maawa po kayo." pakiusap ng binata sa Lieutenant ngunit matalim pa rin itinutok ang hawak na baril ng Lieutenant sa binata.

"Huwag kang mag-alala. Magiging payapa na ang buhay mo... Wala ng makakaalam sa lahat, hindi na nila malalaman ang katotohanan." pagkabitaw ng mga salita ng Lieutenant ay siya ring pagkawala ng bala ng baril nito sa binatang nakahandusay ngayon sa kanyang harapan.

Tumama ang bala sa dibdib ng binatang si Adey.


00: TIME IS OVER

Sa kabilang banda. Napapatakip na lamang ng bibig ang dalaga ng masaksihan nitong walang awang barilin ang binata sa kamay ng kanyang sariling Ama.

Hindi na maawat ang pag-agos ng mga luhang kumakawala sa mga mata ng dalaga habang tahimik nitong pinipigilan ang pagsigaw at pagsusumamong kanyang nararamdaman ngayon.

Nang mapagtantong nakalabas na ang kanyang ama ay nagmamadali napatakbo ang dalaga sa binatang nakahandusay ngayon sa sahig. Nababalot ng dugo ang katawan.

"Adey... Adey." mahinang pagbulong ng dalaga habang hinahaplos nito ang mukha ng binata.

Sa sandaling iyon. Hindi na napigilan ng dalaga ang yakapin ang binata. Ramdam nito ang panginginig ng buong kalamnan. Tumatangis at nagsusumamo sa Diyos na bigyan ng panibagong oras ang lalaking akap-akap nitong wala ng buhay.

"Umalis ka na. Hindi niya alam na nandirito ka, hindi ka niya dapat makita dito."

Nag-angat ang tingin ng dalaga sa lalaking nakatayo rin ngayon sa tabi niya.

"Kailangan mong gawin ang tama sa susunod na panahon. Nasa kamay mo ang katotohanan." muling wika ng lalaki sa dalaga.

Nang makuha ang ibig-sabihin ng lalaki ng dalaga ay walang pag-alinlangan itong tumango.

Nanghihinang humakbang papalayo ang dalaga, nanginginig nitong kinuha ang buhay na buhay pang camera nito sa lugar, kinapa rin nito ang nahulog na susi pagmamay-ari ng binatang si Adey, sumagi sa isipan nito ang isang bagay na kailangan niyang maitago.

Sa huling pagkakataon. Sinulyapan nito ang binatang tinitibok ng kanyang puso. Ang binatang kailan ma'y hindi na niya makikita pa.


Tumalikod na ang dalagang si Tahlia at hindi na inabala pa ang lalaki--- si Paulo sa pagkuha ng pito na suot-suot ng binatang si Adey.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro