Epilogue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹She who blooms again


THIRD PERSON


Makalipas ang tatlong taon.


Nagising ang dalaga sa sunod-sunod na pagtunog ng kanyang alarm clock sa tabi ng kanyang hinihigaang kama. Kinapa niya ang kanyang telepono at pupungay-pungay nitong minulat ang mga mata.

Umupo ito sa pagkakahiga sabay na itinuon sandali ang tingin sa labas ng bintana na ngayo'y tumatama ang sikat ng araw sa makinis na mukha ng dalaga.

Ilang sandali lamang ay napag-pasyahan na nitong bumaba sa ilalim ng bahay ng dalaga at gaya ng nakagawian, nagtimpla ito ng mainit na kape at inasikaso ang magsisilbing almusal nito ngayong umaga.

Mapapansin sa kabuuang paligid nito na wala itong kasama... Mag-isa lamang naninirahan ang dalaga.

Habang hinihintay ang pagkaluto ng kanin sa rice cooker ay tahimik na umupo muna sa sala ang dalaga habang humihigop ng mainit na kape. Napatitig ito sa naka-display na Christmas tree at ang pagpatay sindi ng mga Christmas lights.

"Aerin! Gising ka na ba?!"

Napatayo ang dalaga sa boses na nanggagaling sa babaeng si Ysay, ang masasabing kalapit na kapitbahay nito kahit pa dalawang kilometro ang layo ng bahay nila sa isa't-isa.

Sumilip ang dalaga sa bintana at tinanaw nito babae sa baba. "Oh. Saan ka pupunta? Nakabihis ka riyan?" pagtatanong ng dalaga.

"Baliw ka ba! May misa ngayon, tara na at mag-ayos ka na!" singhal ni Ysay.

Napakaway ang dalaga sa may katandaang babaeng kasama ni Ysay na si Lola Luisa. "Magandang umaga ho! Maligayang Pasko po!" pagbati ng dalaga.

"Kapian ka pu nu Dios chamavekhas! (Magandang umaga!) Maligayang Pasko rin sa'yo, Apo." pagtugon ni Lola Luisa sa kanya.

Sumenyas ang dalaga na hintayin ito sa labas ng bahay. Nagmamadali itong nagbihis ng simple ngunit makapal na t-shirt na pinatungan pa ng jacket upang panangga sa lamig na dala ng hangin sa paligid.

Sinalubong ng dalaga sina Ysay at Lola Luisa na nakatayo habang akap-akap ang sarili nila. Nakangiti namang binigyan sila ng mahigpit na yakap ng dalaga.

"Merry Christmas sa inyo!" muling bati ng dalaga sabay abot ng dalawang box na regalo nito sa dalawa.

"Woah! Ang gara ng bag ah! Salamat, Aerin!" tugon ni Ysay sa dalaga.

Napatingin naman ang dalawang babae kay Lola Luisa na tahimik na himihikbi. "Makakakita na ako ng maayos nito." ang sambit nito habang masayang sinusukat ang salamin na ibinigay ng dalaga.

"Iyakin talaga itong si Lola Luisa. Halina nga kayo dito." saad ni Ysay at niyakap ang dalawa. "O' basta, pagkatapos ng misa. Diretso tayo sa karinderya! Magpapakain ako ng libre! HAHAHA" tatawa-tawang wika ni Ysay at hinila na ang dalawa papasakay sa tricycle.

Sakay ng tricycle ay bumiyahe ang tatlo patungo sa Tukon Chapel, umabot ng kalahating oras ang pagbiyahe nila marating lang ang simbahan.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng simbahan. Gaya ng dati, hindi mapigilang kumislap ang mga mata ng dalaga habang pinagmamasdan ang loob nito.

Ang kapilya ay binigyang inspirasyon ng mga bahay na bato ng ivatan, sa pagpasok mo sa loob ay una mong mapapansin ang isang unique stained glass sa likod ng krus. Mayroon ding mga imahe ng mga patron santo sa kisame na ipinita mismo ng mga ivatan.

Mapapansin sa loob ang simpleng imprastrakturang disenyo. Araw ng Pasko ngayon ngunit ni palamuti ay walang mapapansin sa paligid. Naniniwala ang mga tao dito sa pagigising simple, dahil hindi kailangan ng magagarbong bagay upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus. Ang importante, buong puso mo inaaalay ang iyong sarili sa Diyos.


Mula rito sa gawing kaliwa ng simbahan, maaaring humanga sa mga kamangha-manghang mga alon ng dagat. Mapapangiti ka na lang sa lamyos ng hangin na hatid sa iyo.

Umupo na ang dalagang si Aerin sa tabi ni Lola Luisa. Rumarami na ang mga nagsisidatingang tao sa simbahan. Karamihan ay mga matatanda na bumabati sa kanila, mga magkakasamang pamilya, magkakaibigan, magkasintahan at may iilang mga turistang piniling ilaan ang oras sa pagsimba.

Ilang sandali lamang ay nag-simula na ang misa. Tahimik ang lahat at nakatuon lamang ang atensyon sa Pari. Lumipas ang kalahating oras ay lumuhod na ang mga tao sa sahig, ipinikit ang kanilang mga mata; nagdasal at humiling. Hindi kalaunan ay natapos na ang misa at masayang nagsipalakpakan ang mga tao sa loob. Kaliwa't kanan ang pagbabatian at may iilan na nagbibigay ng regalo sa mga matatanda.

Pagkalabas ng dalaga sa simbahan kasama ang kaibigan at si Lola ay sinalubong sila ng iilang matanda. Nakangiting nagmano naman ang dalaga sa kanila. "Merry Christmas po!"

"Mirry krismas, Nak. Kapian ka pa nu Dius (Pagpalain ka ng Diyos)." tugon ni Lalo Rosing sa dalaga.

Umakbay naman ang babaeng si Ysay sa kanila. "Tara na mga Lola! Sugod na tayo sa kainan!" pag-aaya ni Ysay sa lahat at nagsitawanan naman ang mga taong naroroon.

Dumeretso na ang lahat papunta sa Oh My Pagkain na karinderyang pagmamay-ari ni Ysay. Katulad ng dalagang si Aerin, isa ring bisita si Ysay sa lugar dito ngunit mas pinili na nitong permanente ng manirahan sa bayan ng Tukon, Batanes.

Napuno ng kwentuhan, kamustahan, tawanan at pagsasayaw pa ng mga iilang matatanda habang ine-enjoy ang araw ngayon. Sa kabilang banda naman ay mapapansin ang dalagang si Aerin na masayang nakikipagkulitan sa mga batang naroroon.

"Ate Aerin! Isuot niyo po ito!" mabilis na ipinasuot ng batang si Rica ang isang head dress na tinatawag na vakul.

"Ang cute niyo po, Ate Aerin! HAHAHA" pagtawa naman ng batang si Batchoy.

"Ah tinatawanan mo na ba ako, Batchoy? Halika nga dito!" tatawa-tawang sigaw ng dalagang Aerin at hinabol ang tumatakbong papalayong bata sa kanya.

Nang mahuli ng dalaga ang bata ay niyakap-yakap niya ito walang tigil na pinisil-pisil ang matabang pisngi ng bata.

Hindi naman nagpapapigil ang apat pang mga bata at tinakbuhan ang dalaga, yinakap-akap ng mga bata ang dalaga at walang humpay nilang pinaulanan ng paghalik.

"Tama na! Ililibre ko na kayo! HAHAHA" hindi na mapigil ng dalaga ang pagtawa nito dahil sinabayan pa ng mga mata ang biglang pagkiliti nila sa dalaga.

"Oy! Oy! Mga bata! Tabi-tabi muna kayo riyan." pagsuway ni Ysay at sumunod naman ang mga bata. "Punta kayo kay Lola Luisa, ayun oh! May pinya at mansanas ito." dagdag ni Ysay, nagsitakbuhan naman ang mga bata at kumuha ng pagkain kay Lola Luisa.

"Oh. Kainin mo na ito." wika ni Ysay sa dalagang si Aerin.

Kinuha ng dalaga ang fruit salad at spaghetti na inilapag ni Ysay sa mesa.

"Punta ka sa bahay mamaya, ideliver mo iyong mga bulaklak sa mga Lola dito." saad ng dalaga kay Ysay habang nginunguya ang pagkain sa bibig.

"Aba naman! Hindi ka ba malulugi niyan? Bigyan mo rin ako ha! Para naman may konting palamuti itong karinderya ko." natatawang sabi ni Ysay.

Uminom ng tubig ang dalaga. "Matatangihan ba kita?" anito sa kaibigan.

"Hindi? Ako lang naman ang mas nakakaintindi dito sa'yo sa lugar na'to. Parehong bisita. Wala kang choice! HAHAHA" paghalakhak ni Ysay.

Napapailing na lang ang dalaga sa kabaliwang mayroon ang babaeng kaibigan nito.

Hindi kalaunan ay nagpaalam na ang dalaga sa mga taong naroroon sa karindeya.

"Ineng, dalhin mo ito." pasakay na ang dalaga sa tricycle ng habulin ito ni Lola Luisa. Inabot nito ang dalawang plastik na siguradong pagkain ang laman. Ito ang ikinaganda ng mga tao dito, mahilig na namamahagi kung anong meron ito sa iba.

Ngumiti naman ang dalaga. "Salamat po, Lola Luisa."

Bumiyahe na ang dalaga pabalik sa kanyang tinitirhang bahay, pagkarating nito sa loob ay inilapag sa mesa ang pagkaing bigay ni Lola Luisa. Nagpalit na rin ito ng komportableng bulaklaking daster na bumagay sa makinis nitong kutis.

Tumungo sandali ang dalaga sa maliit na pwesto sa harapan ng kanyang bahay kung saan may itinayo itong simpleng negosyong flower shop. Inayos niya ang mga pula at puting rosas na ipamimigay nito sa mga Lola.

Gulat na nabaling ang tingin ng dalaga sa biglang pagtunog ng kanyang telepono sa loob, tumakbo ito at nakita sa screen ang pangalan ng kaibigan si Bree.


Sinagot nito ang tawag.

"He---"

"Mag online ka dali! Kasama ko sila dito!" malakas na pagsigaw ni Bree sa kabilang linya.

Sumunod ang dalaga sa kaibigang si Bree. Binuhay niya ang kanyang Laptop at mabilis na nag-video call ang kaibigang si Bree.

"MERRY CHRISTMAS, AERIN!" bungad ng mga kaibigan ng dalaga sa kabilang video.

"Merry christmas din sa inyong lahat diyan!" pagbati ng dalaga sa kanila.

Magkakasamang nakaupo ngayon sa kabilang camera sina Bree, Nico, Theo, Fernando, Bok at kasama rin si Kace.

"Oh! Ayan na sumagot na ang iba!" muling sigaw ni Bree ng sumagot sa video call ang kaibigan pa nila mula sa Pampanga.

"MERRY CHRISTMAS SA INYO!!! MERRY CHRISTMAS, AERIN!" kumaway sa camera sina Cindy at Apple kasama ang mga boys.

"Merry christmas din sa inyo Cindy, Apple! Hello Johann, Deon at Clint!" tugon ng dalaga sa mga kabigan.

"Hello. Hello."

Natawa naman ang dalaga sa biglang pagsulpot ng camera nitong si Adriel.

"Merry Christmas sa inyo! Hoy, merry christmas, Aerin!" tatawang bati ni Adriel sa dalaga.

"Nasaan na mga regalo ko? Wala pa kayong naipapadala dito ah." wika ng dalaga sa mga kaibigan.

"Hindi ba dapat ikaw ang magbigay? May negosyo ka na riyan sa Batanes, Aerin! HAHAHA" hirit ni Theo at tinawanan naman ito ng mga kasama.

"Aba! Maliit lang kita ko dito! Hindi niyo naman ako katulad na sumuweldo ng ilang libo!" dipensa naman ng dalagang si Aerin.

"Oh, Aerin. Wala ka pa bang jowang nakikita riyan? Baka pag-uwi mo dito may pamilya ka na pala. HAHAHA" singit naman ni Johann sa tawag.

Napailing ang dalaga. "Naku! Wala na akong balak! Saka pwede ba Johann huwag ako pakielaman mo, iyang si Cindy asikasuhin mo!" turan ng dalaga at pinagtutukso naman ng lahat itong sina Cindy at Johann.

"Tatandang dalaga na 'yang si Aerin. Tingnan niyo man." hirit naman ni Adriel.

"Hoy! Nahiya naman ako sa'yo! Single ka pa rin naman!" singhal ng dalaga kay Adriel.

"Kayo na lang kaya? YIEEEEE!" biglang panunukso ni Bree at nagpalakpakan naman sa kabaliwan ang mga kasamahan nito sa linya.

"Wala na akong pag-asa riyan kay Aerin, Bree." pagsakay naman ni Adriel sa baliw na kaibigan ng dalaga na si Bree. Hindi pa rin ito matigil sa paghagalpak ng tawa.


Ang tahimik na bahay ng dalaga ay sandaling nagkaroon ng sigla at ingay ang paligid. Nabalot ng tawanan, asaran at kamustahan ang masayang pag-uusap ng magkakaibigan. Wala namang humpay ang pangiti ng dalagang si Aerin habang pinagmamasdan ang mga kaibigan malayo na sa kanya ngayon.

Hindi rin nagtagal ay isa-isa nang nagpaalam ang mga kaibigan ng dalaga. Napahinga ito ng malalim sabay patay sa laptop, umakyat ang dalaga sa itaas ng kwarto... Nag-angat ang tingin nito sa family picture na nakasakbit sa wall katabi rin nito ang painting ng kanyang namayapang kapatid.

"Merry Christman sa inyo." bulong ng dalaga.

Pumitas ito ng isang pirasong rosas sa flower vase sabay na isinuot ang kanyang puting hooddie at humakbang papalabas sa balkonahe sa tapat ng kanyang silid.

Nang makarating ang dalaga sa labas ay mabilis itong napayakap sa kanyang katawan dulot ng lakas at lamig ng hangin sa paligid. Dali-dali nitong inalis ang tsinelas na suot-suot niya sabay na bumaba sa hagdan na gawa sa kahoy. Dahan-dahan itong humakbang sa malambot at madamong burol na sakop ng kanyang mga mata ngayon.

Kasabay ng paghinga ng malalim ng dalaga ay siya ring pagguhit ng ngiti sa kanyang labi.

I'm finally living here in BatanesI have fulfilled my dreams. I have been living here in the area for almost three years and I am very grateful because I chose to live here.

Mag-isa man ako at hindi ko man kasama ang pamilya, kaibigan o mga mahal ko sa buhay. Masaya pa rin ako, punong-puno na nang kagalakan at pag-asa ang puso ko. Tuluyan ko nang naiwaksi ang lahat ng sakit, lungkot at pighating naranasan ko noon.

I finally let go of the gun I was holding, a gun that gave a nightmare in my life, but became my weapon to fight and achieved my desired truth, justice in my fragmented life back then. I let go all the things that are not meant for me.

At ngayon, isa na lamang pirasong rosas ang pinili kong hawakan. The flower that will continue to blooms... to gives color, smile and light to my new life.

I lived in may past, but whatever it was... I learned.

Sa aking paglalakabay sa buhay, napagtanto ko na lahat tayo ay dadaan sa malubak na daan, darating sa punto na maliligaw ka at hindi alam kung saan tutungo. Pero 'No man is an island' ika nga, dahil may darating pa ring taong tutulong sa iyo at magpapabago sa tinatahak mong buhay.  God let other people cross our lives to either hurt us for a reason or inspire us to be a better version of ourselves. Even if they don't stay with you permanently, the mark of your memory on them will remain in your heart.

Three years, Aerin. Tatlong taon ang inilaan ko para sa sarili ko. Napagtanto ko ngayon, lahat naman talaga tayo ang tanging hinahangad ay maging masaya, mahanap at matagpuan ang sarili.

... At maipagmamali ko ngayon sa inyo na nahanap ko na ang kasiyahan, buong-buo na ang sarili ko. Buong-buo na ako.

Ikaw ang magsusulat sa bawat pahina ng kwento mo, kaya gandahan mo. Kapag sinabi nilang hindi mo kaya, kayanin mo. Dahil ako, kinaya ko.

Sa ngayon, haharapin ko ang buhay na may ngiti sa aking labi.


Sa paghampas ng alon, sa pagbulong ng hangin, ang liwanag na hatid ng bughaw na kalangitan, mga huni ng ibon sa paligid. Naroroon ang dalagang buong pusong mabubuhay ng may pag-asa at pagmamahal.

Napalingon ang dalaga sa biglaang pagtunog ng wind chimes sa kanyang pintuan. Nagtataka itong napatakbo upang sabihang pansamantalang sarada ang kanyang shop.

"Pasensya na sarado po ang shop ng---"

Para bang napako sa kinatatayuan ng dalaga, hindi ito makapagsalita at tanging pagtibok lamang ng kanyang puso ang naririnig nito.

Sa sandaling iyon ay parang tumigil ang mundo ng dalawa. Nakatitig lang sa mga mata ng bawat isa na animo'y may gustong sabihin ang mga nangungusap nilang mga mata.

"I'm still lost... Aerin."

Pumatak na nang tuluyan ang luha ng dalaga nang marinig muli nito ang boses na nakakapagtunaw sa kanya.

"Timothy."

Sa pagkakataong iyon. Ang dalawang taong piniling lisanin ang magulong buhay ng kanilang nakaraan, handa na ngayon upang magkasamang buuin, mahalin ang isa't-isa ng wala ng hahadlang pang mga pasakit, galit at pighati na dala ng mapaglarong tadhana.


WAKAS


Credits to the rightful owner of the used images.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro