Secret Island, Secret Love

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Masayang inilibot ni Maria Cristina ng paningin sa daungan ng mga barko kung saan siya sinabihan pumunta ng matagal na niyang kaibigan na koreano na si Hwang Inyeop.

Hindi niya maiwasan mapangiti. Is this one of his prank again? Ang lalaking iyon talaga.

May lumapit sa kanya na isang lalaki.

"Kayo po ba si Miss Maria?" tanong nito, tumango siya habang mahigpit ang hawak sa bag na dala.

Inalalayan siya ng matanda na sumakay sa isang bangka na medyo may kalakihan. Napasinghap siya nang magsimulang umandar iyon, tumama sa kanyang mukha ang malamig na hangin, payapa ang dagat at ang araw ay papalubog pa lang.

"Nandito na po tayo," deklara ng lalaki pagkaraan ng halos kalahating oras na biyahe.

Inalalayan ulit siya nitong bumaba sa bangka.

Inilibot ni Maria ang paningin sa dalampasigan ng isang pribadong isla. Puting-puti ang buhangin noon at napapalibutan ng mga puno.

"Diretsyohin niyo lang po iyan, Miss," sabi ng lalaki habang turo-turo ang nga petals na nakalinya simula sa dalampasigan papunta kung saan.

"Salamat po."

Ginawa niya sinabi ng lalaki, sinundan niya ang mga pulang petals hanggang makita ang lalaking nagpapunta sa kanya rito.

Nasa ilalim ng buko si Hwang Inyeop, nakaupo sa duyan. Sa harap nito ay may isang lamesa at mga pagkain.

Natatawang lumapit siya sa lalaki na may ngisi sa labi, tumayo ito mula sa pagkakaupo nang tuluyan siyang makalapit. Doon niya napansin ang kagwapuhan lalo ng lalaki lalo na suot nito.

"A-Ano na naman ba 'tong trip mo, if this is for the prank I am telling you, I will—"

"You're too loud," anito saka inilahad ang kamay sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Maria dahil sa galaw na iyon ng kaibigan. Kahit naman itanggi niya ay alam niyang may lihim siyang nararamdaman para sa lalaki, tiga korea ito pero nag-aral sa Pilipinas at bumalik sa Korea.

Nang bumalik ito sa Pilipinas ay roon niya nakilala ang lalaki. They met in one resort, since then... they became bestfriend and that was five years ago.

Nang magsaklob ang kanilang kamay ay hinila siya nito para ipakita ang mga pagkain sa ibabaw ng lamesa, natawa si Maria nang makita ang mga paborito niyang pagkain na nandoon.

Base sa itsura ay hindi gano'n kasarap pero parang pwede na.

"You cooked this?" tanong niya.

Ngumisi ang lalaki saka tumango. "Yup, I want to surprise you. I tried to cook what you teach me b-but I can't so yeah... don't expect that much." Nag-iwas tingin ang lalaki.

Kahit higit na matangkad ito sa kanya ay hindi niya mapigilan na manggigil sa lalaki, kinurot niya ang pisngi nito.

He's so cute.

"Ouch, baby!" sigaw nito kaya mas natawa si Maria.

"Okay, let me try it." Inagaw niya kaliwang kamay sa lalaki pero hindi nito pinakawalan iyon. "Hey, let me go."

"I don't want to, use your other hand," anito saka mas hinigpitan ang kamay niya.

Napapantastikuhan tinitigan niya ang lalaki, ano na naman bang problema nito?

Sa huli ay ginawa na lang niya ang gusto nito. Gamit ang isang kamay ay tinikman niya ang isang pagkain, kumunot ang noo niya dahil parang iba ang lasa.

Is it adobo or what?

Mukhang nabahala si Hwang Inyeop sa naging reaksyon niya, walang hiya-hiyang dinukot ito ang kinain niyang laman sa bibig niya kaya napa-atras siya.

"H-Hey!"

"Say ah, baby. Don't eat that. Spit it away!"

"No, it's okay. Masarap naman kulang lang sa lasa."

Nalunok na niya ang piraso ng karne, masama ang tingin ng kaibigan sa kanya. Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang kamay nito.

"S-Sorry..."

"Huh?"

"I thought I can cook you delicious food," mahinang anito.

Unti-unting tumaas ang kanyang labi, this guy. Why is he acting so sweet now?

Sandali silang natahimik bago may ituro si Hwang Inyeop sa likod niya, takang tumingin siya roon. Gano'n na lang ang paglaglag ng kanyang panga nang makita ang napaka gandang paglubog ng araw.

Mula sa kung saan sila nakatayo, kitang-kita ang paghalik ng araw sa dagat. Animong nagtatago iyon sa hiya, ang langit ay unti-unting nag-iiba ang kulay.

"A-Ang ganda..." bulong niya.

Bigla siyang napatayo nang tuwid ng yumakap mula sa likuran niya ang kaibigan, ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat.

"Hwang Inyeop..."

"Maria... will you be my wife?" he whispered.

Sa gulat ay napaharap si Maria sa kaibigan. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso, sa kaba at tuwa.

"W-What are you saying?"

"Be my wife." Lumamlam ang mata ng lalaki saka hinawakan ang dalawa niyang kamay at hinalikan iyon.

"Hindi ba dapat girlfriend muna? B-Bakit wife kaagad?" Kahit kabado at natanong niya.

Hwang Inyeop chuckled.

"I'm just making sure, I like you so much since the day I saw you. I promise you won't regret giving me a chance. I-I love you so much, more than I should. Let's stop being friends, Maria Cristina Dumoran, be my wife."

Hindi niya maiwasan mangilid ang luha, ito pala ang pakiramdam na i-crush back ka ng crush mo.

Dahan-dahan siyang tumayo.

"I-I love you too, Hwang Inyeop and I'll marry you—"

Nanlaki ang mata niya nang hindi pa siya tapos magsalita ay sinapo na ng lalaki ang kanyang magkabilang pisngi upang halikan, napakapit na lang siya sa braso nito bago gantihan ang halik.


THE END. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro