Sparks

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

5:31 PM

"At 6pm, your ride would arrive."

Napangiti si Joy matapos mabasa ang message mula kay Mario. Hindi niya inakala na mag kaka oras ito sa kanya ngayon dahil kahapon lang ang nag sabi ito na maraming pinapagawa sa kanya ng management sa Thailand.

"Wear this tonight my Princess."

Medyo nilaro niya ang palda ng kulay rosas na dress na suot niya ngayon habang binabasa muli ang card na kasama ng damit sa box. Hindi niya maiwasang makagat ang kanyang pang ibabang labi upang maiwasan ang sobra sobrang pag ngiti dahil sa nararamdaman.

"Binabaliw mo ako, Mario." Sabi niya sa sarili habang naka harap sa salamin at tinitignan ang buong sarili. Ta-tanggalin sana niya ang kanyang salamin nang pigilan niya ang kanyang sarili. Parang nari-rinig niya sa likod ng kanyang utak ang boses ni Mario na maganda siya kahit may salamin. Ang mahalaga ay kung saan siya komportable. Para sa kanya, siya lang ay sapat na.

Matapos niyang ayusin ang sarii ay hinintay n ani Joy ang su-sundo sa kanya. Isang tao ang kumatok sa kanyang pinto at ginabayan siya sa isang mamahaling sasakyan nan aka abang sa kanyang pag dating.

Medyo may kabang dumadampi sa dibdib ni Joy habang nasa byahe. Hindi niya maiwasang kabahan sa kung ano ang mga maaring sunod na mangyayari.

"Ayos lang ba ang buhok ko? Hindi ba makapal ang makeup ko? Nag toothbrush ba ko?" Ito ang mga ilang paulit ulit na nag lalaro sa kanyang isip.

Pwede pa bang mag back out?

Pinag papawisan na ang kanyang kamay dahil sa mga naiisip. Ipinikit ni Joy ang kanyang mga mata upang subukang pakalmahin ang kanyang sarili nang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang text.

"Only think of me, of us. You're beautiful no matter what."

At sa simpleng text na iyan ay parang mahikang nawala ang kaba sa kanyang puso at napalitan ng matamis na ngiti. Halos maluha siya dahil lamang sa isang text. Alam na alam talaga niya kung paano ka pakalmahin, kahit wala siya sa tabi nya.

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang mataas na building. May nag aabang sa kanya upang pag buksan siya nito ng pinto ng sasakyan. Maingat na bumaba si Joy habang sinuri ang paligid. Hindi lang ito basta bastang building, kung di isang kilalang hotel dahil sa maganda nitong rooftop restaurant.

Ito yung nakita kong restaurant sa Instagram. Bulong ni Joy sa sarili.

Inalalayan siya ng butler papasok ng hotel at papuntang elevator. Pinindot nito ang RD kaya nasisigurado na niya ang mga hinala niya sa isip.

Magaan na simoy ng hangin ang sumalubong kay Joy pag bukas ng butler sa pinto papasok sa roof top restaurant. Ang mga mu-munting Christmas lights na nasa paligid lang ang ilaw kaya kitang kita ang nakakaakit na bitwin at buwan sa langit.

Walang ibang tao sa loob ng restaurant at sa nag natatanging lamesa sa gitna ay naka abang ang nag iisang tao na nag papatibok ng puso ni Joy. May malawak itong ngiti at kumikinang na mata. Kelan nga ba ang huli nilang pag ki-kita? Wala na silang paki alam doon dahil ngayon, abot kamay na nila ang isa't isa.

Gusto man ni Joy takbuhin ang pagitan nila ay minabuti niyang pag hintayin ang lalaki. Amoy na amoy ni Joy ang bango ng bulaklak na nag hahatid sa kanya papunta kay Mario. Instead na red carpet ang daan papunta sa table nila ay mga talulot ng rosas ang ginawang daan.

Nag simula ring tumutog ang mahinhin na musika sa paligid.

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave?

How can I love when I'm afraid to fall?

Parang mas lalong gustong bagalan ni Joy ang pag lalakad nang tumugtog ang A Thousand Years ni Christina Perri.

But watching you stand alone

All of my doubt suddenly goes away somehow

Konting tiis pa, Mario, dinadamdam ko pa ang kanta. Sa isip ni Joy dahil halos di na makapag antay si Mario sa kanyang kinatatayuan.

One step closer

Sa wakas ay naka rating na rin si Joy sa harapan ni Mario na agad naman siyang niyakap.

"I missed you." Bulong nito sa kanya, at nag simula silang mag sway sa kanta habang magkayakap.

I have died every day waiting for you

Darling, don't be afraid

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

Inikot si Joy ni Mario at nag ka ti-tigan saglit bago tuluyang maupo sa kanilang table.

"Wow."

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Joy nang marinig ang pag hanga ng lalaking nakatitig sa harapan nya.

"Stop it." Saway niya sa lalaki dahil ramdam niya ang pag init ng kanyang pisngi dahil sa kumikinang niyong mga mata sa kanya.

"Sorry, but I just can't help myself." Pabirong sabi ng lalaki na nag patawa nanaman kay Joy.

Nag serve na ng food at ang makulit na Mario ay hindi maubusan ng joke para mapatawa si Joy.

"My messy Princess." Nakangiting sabi nito at may pinunasan sa gilid ng iyong labi gamit ang table napkin.

Napuno ng hiya ang muka ni Joy dahil sa inasal. Kinurot ni Mario ang pisngi ni Joy at nag make face para mapatawa sya.

Sumandal silang dalawa sa gilid ng restaurant kung saan tanaw naman ang city lights. Muling namangha si Joy sa nakikita at lubusan ang tuwa lalo na nang niyakap siya ni Mario mula sa likuran habang nakatingin silang dalawa sa harapan.

"Yup, this is the place for me." Bulong ni Mario sabay yakap pa ng mahigpit kay Joy. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa lahat ng ganap, ngunit lalong lalo na sa taong sanhi ng lahat ng pangyayari ngayon.

Humarap si Joy kay Mario at pinulupot ang kanyang kamay sa leeg nito at tinapos ang gabi sa pagsasalo ng matamis na halik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro