Chapter 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"I think I like you ."

"I think I like you ."

"I think I like you ."

"I think I like you ."

Para akong nasa alapaap habang paulit-ulit na binibigkas ng aking isipan ang mga katagang binitiwan ni Angelica kanina lang . And now , lalo akong nagulat ng halikan ako nito sa labi .

The kiss is so passionate and full of sincerety . I want her , I want more .

Pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayoko pang may mangyari sa amin kung hindi pa ako ganoon kasigurado sa lahat .

Marahas ko s'yang tinulak . Kita ko ang pagkabigla sa mga mata n'ya . Kahit ako ay nabigla sa aking ginawa .

Gusto mo din s'ya hindi ba ?

Oo , I like her . No , I think I am falling but , hindi ito tama .

Kailan mo pa naisip ang tama sa mali ?

Mula noong makilala ko s'ya , nagbago ang lahat . Nagbago ang pananaw ko sa buhay . Ni hindi ko na nga namalayan na naka-move on na ako kay Celine eh . Pero ...

Pero ano ?

Ayokong masaktan si Angelica .

Pero nasasaktan mo na s'ya .

Napatingin ako kay Angelica na mababakasan na nang disappointment ang mukha . Mukhang hindi iyon ang inaasahan n'ya . Kahit naman ako , hindi iyon ang inaasahan ko sa sarili ko pero , paano na lamang kung hindi ko magawang magbago ? Paano kung mali na naman ang pagkaka-intindi ko sa nararamdaman ko ? Edi mas masasaktan pa s'ya pag nalaman n'ya ang totoo ?

Napabuntong-hininga ako at saka tumalikod para lumabas na ng kwarto ng magsalita ito na nagpasikip sa dibdib ko .

"Salamat , and sorry sa ginawa ko . Mukhang nakuha ko na ang sagot na gusto ko ." Anito at ng lumingon ako ay pumunta na ito sa banyo ng kan'yang kwarto .

Wala akong nagawa , gusto kong sabihin na mali ang iniisip n'ya . Gusto kong sabihin na hindi iyon ang sagot sa katanungan n'ya , hindi iyon ang tugon ko sa pagtatapat n'ya . Pero wala akong lakas para sabihin iyon . Mas mabuti na ito , para hindi s'ya masaktan pag nagkamali ako .

Naglakad na ako palabas ng kwarto , iniisip ang mga gagawin ko . Iniisip kung paano ko s'ya muling kakausapin o malalapitan man lang .

PAGKABABA sa kotse ko ay agad akong pumasok sa ospital .

"Hi Miss . I am Angelica Rotterdam . Ako 'yung nagpaanak kay Mrs. Gonzales , nandito ako para dalawin sila ng baby n'ya ." They escorted me to a ward at nginitian muna ako ng lalaking nurse bago ako nito iniwan kasama ang mag-ina .

"Dok , ikaw po pala 'yan ." Bati nito sa akin .

"Yep , I wanna do a favor to you bago ako umuwi ng Madrid ." Sabi ko dito .

Nakita ko ang paglungkot ng mag-asawa , but after a while , umayos ito at huminga ng malalim bago ako tingnan nito .

"Dok , alam kong sobra na po ito pero pwede po ba kayo mag ninang sa anak namin ?" Tanong ng ginang na nginitian ko naman .

"Malas daw ang tumanggi kaya tatanggapin ko ." Tumawa kami dahil sa sinabi kong pamahiin .

"Salamat naman po kung ganoon . Ito lang po ang kaya naming iganti sa kabutihan n'yo sa amin ." Mangiyak-ngiyak na sambit ng lalaki .

"Wala 'yun . Hindi ko nga lang maipapangako na makakarating ako dahil madami ding nabubuntis sa Madrid ah ." Natawa kami sa aking sinabi .

Dapat kasi Seprember pa ako uuwi . Pero after another two days of staying with silence with Phoenix ay parang gusto kong makalaya at maka-alis na dahil hindi ko kaya . Babalik na agad ako sa trabaho at tatapusin ko na ang practice ko for Pediatric course ko .

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto at saka ko pinakuha sa lalaki ang gamit para sa kanilang anak at mga vitamins ng kan'yang mag-ina mula sa kotse ko .

"Marami pong salamat Ma'am ." Mangiyak-ngiyak na pahayag ng lalaki habang hawak ang maleta kung saan naroroon ang mga kakailanganin ng kan'yang mag-ina .

"Alagaan mo sila at palakihin ang bata ng mabuti at malusog , okay na iyon ." Nakangiti kong tugon dito na ikinatango naman ng lalaki bago ko ito papasukin muli at pabalikin sa kan'yang mag-ina na nakatakda nang ma-discharge mamayang gabi .

Papasok na sana ako ng kotse ng may tumawag sa akin .

"Ms. Rotterdam ." Lumingon ako sa attendant na nag-interview sa akin noon .

"Yes ?"

"Kung okay lang po , pinapatawag po kayo ng Chairwoman namin ." Anito na ikinataas ng kilay ko .

"Hannah !" Napalingon kami sa lalaking tumawag sa kan'ya at ganoon na lang ang pagkabigla nito .

"Oiseau ?"

"A-ate ?"

Matalim kong tiningnan ang babaeng nagngangalang Hannah at ganoon nalang ang pamumutla nito ng makita ang nagbabanta kong titig .

"Sino ang Chairwoman n'yo , Ms. Hannah ?" May pagbabanta sa boses ko na tanong ko dito .

Nagpalipat-lipat sa amin ni Oiseau ang tingin ni Hannah . Napangisi ako at tumawa ng pagak .

"Hindi n'yo ako maloloko Ms. Hannah . Sabihin mo man sa akin o hindi , alam ko na kung sino s'ya . H'wag n'yo nang tangkaing ipatawag ako dahil sa pasyente ko . Dahil wala kayong mapapala mula sa akin ." Sabi ko dito at saka walang pasabing pumasok na ako sa kotse ko at pinaharurot iyon palayo sa ospital ni Agatha Jansen -- ang magaling kong ina .

"Hindi ka na ba magpapapigil ? You still have two days to complete your --"

"No Dad . Kailangan na ako sa trabaho ko . At saka hindi ko naman na kayang magpanggap na gusto ko ang bakasyon lalo na at sinubukan na naman n'ya akong lapitan ." Tinutukoy ko ang magaling kong ina .

"So , tinangka na naman pala n'ya ." Kita ko ang inis sa mukha ni Daddy ng malaman kung sino ang tinutukoy ko .

"Hayaan mo s'ya Dad . Hindi na mababago ng kan'yang nakaraan ang anumang gagawin n'ya sa kasalukuyan . I hate her , and I will always hate her ." Seryoso kong tugon na ikinahinga ng malalim ni Daddy .

"Call me , pag nakarating ka na sa Madrid . Okay ?"

"Yes Dad . Sa susunod , ikaw naman ang magbakasyon sa Madrid ng may makasama ako sa bahay kahit ilang linggo lang ."

"Mag-asawa ka na nga anak . Nang may bata naman akong maalagaan , hindi 'yung puro ibang bata ang inaasikaso mo sa ospital ." Tumawa ako dahil sa sinabi nito pero nabura iyon ng maalala si Phoenix at ang ginawa nito .

"Alam mo namang wala pa akong balak sa gan'yan Dad ."

"Sayang ang genes natin anak , h'wag mo sabihing magiging matandang dalaga ka na habambuhay ?" Nakangiwi nitong saad na ikinatawa ko .

"Why not ? Papabuntis na lang ako kung gusto mo . Tapos no strings attached pa ." Pang-aasar ko dito na ikinangisi nito .

"Subukan mo , kakalbuhin ko kung sino man 'yang gagong papayag sa gusto mo . Babalatan ko pa s'ya ng buhay sa harapan mo pa mismo ."

"Anong magagawa ko ? Wala pa rin ata 'yung lalaking para sa akin ."

Kahit alam kong and'yan na s'ya , ang lalaki na para sa akin . Wala akong magawa , wala akong magawa dahil ayaw n'ya sa akin .

"Si Gil , si Karlo . They are perfect for you . Why don't you give them a chance ? And'yan din si Raphael at Phoenix --"

"Ayoko magka-asawa na tulad ni Raphael , daig pa ang baliw sa mental . Si Karlo at Gil , ma kapatid turing ko sa kanila at dahil sa ginawa ni Mommy , nabawasan pa ang dahilan ko para gustuhin sila . Si Phoenix ..."

"Hmmm ?"

Hindi ko na naitago ang nararamdaman ko . Hindi ko iyon matagago lalo na sa Daddy ko . "I like him but he rejected it ." Pag-amin ko sa Daddy ko .

Isinumpa ko mula ng malaman ko ang katotohanan sapagitan nila Dad at Mom na kahit anong mangyari , hindi ko ipipilit ang sarili ko sa isang tao . Lalo na kay Phoenix .

Huminga ako ng malalim at nakangiting hinarap ang Daddy ko . "Don't worry Dad . Okay lang ako , buti nga at hindi pa ako ganoong hulog na hulog sa kan'ya eh . I will focus sa work . Saka ko na pagbibigyan ang sarili ko pag isa na akong ganap na pedia ." Kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya , at ayokong makita iyon .

"Cheer up Dad . Magkaka-apo ka pa rin naman . 'Yun nga lang , hindi akk sure kung sino ang ama ." Biro ko dito sabay tawa , nakisabay si Dad pero para kaming naglolokohan kasi ang mga tawa namin , walang laman , walang kasiyahan , in short , peke .

"Aalis na ako Dad . I love you ." Paalam ko sa aking ama bago ito halikan sa pisngi at hilahin ang maleta ko papasok sa airport .

Ano man ang mangyari pagbalik ko sa Madrid , wala akong alam doon . Basta babalik ako sa trabaho , at gagawin ang mga bagay na ginagawa ko kasama sina Gil at Karlo bago ko pa makilala si Phoenix na dahilan ng pagsikip ng dibdib ko .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro