VRRROOOOOM !!
Napapikit ako habang nakatakip ang mga kamay ko sa tainga ko . Namamangha ako pero natatakot din ako . Hindi naman sa dahilang baka may masaktan , kun'di ay baka makalimutan ko na ang trabaho ko dahil sa panonood ng car racing practice ng mga sikat na race car driver dito sa Madrid .
One of them is Guillermo Salvador na isa sa mga naging kaibigan ko . This hunky na hindi ko malaman kung bakit hindi ako naa-attract . This man na ang tanging nararamdmaan ko lang ay pagmamahal bilang isang kaibigan , at wala nang iba .
And one of them , ang kilala sa larangan ng car racing dito sa Colmenar Viejo at buong Madrid at Espanya -- si Phoenix Skye Cross .
A young Filipino na mahal ang Espanya . This man na magpapalaway sa'yo mula sa loob . Pero ...
Hindi ko s'ya bet .
Bet ka ba ?
Napairap ako dahil kay Subconscious na palaging epal .
Bakit kamo hindi ko bet si Phoenix ? Kasi ba naman , lahat na yata halos ng fans nito ay nai-kama na n'ya ! And wait , hindi n'ya ako fan . I am in Team Gil Salvador !!
"Nice , you're doing great Gil ." Pamumuri ko dito ng huminto na s'ya sa harapan ko at lumabas sa kan'yang pinakamamahal na Ferrari .
"Estoy feliz de que estés aquí." [I am happy that you're here .] Gil said habang hinuhubad ang kan'yang overall sa aking harapan .
"Don't talk to me in Spanish , Mr. Salvador . Speak in English and Tagalog only ." Saway ko dito .
Sinabi ko na kasi na h'wag mag-Spanish sa harapan ko , ang tigas-tigas pa rin talaga ng ulo nito . I want him to try and practice Tagalog and English para hindi dumudugo ilong ko sa pag-e-Espanyol nito .
"Sorry . I will try my best ." He said at saka nagpalit ng pang-itaas sa harapan ko mismo .
This sight of him is not new to me . Kahit pa yata nu'ng unang beses kong makita ang pitong pandesal na nakahilera sa t'yan nito ay hindi naman ako naglaway tulad ng iba nitong tagahanga . Gil told me na kakaiba ako dahil hindi ako tinatablan ng karisma n'ya . Well , extinct ako eh .
"Salvador , care to introduce this beautiful lady with you ?" Tanong ni Warren Lamont na isa sa mga kalahok sa gaganaping International Race Car Prix .
Nakasuot ito ng camouflage shirt at ang lower part ng kan'yang overall . Malalaki ang muscles nito at maryoon itong blonde na buhok na p'wedeng maihambing na sa isang RPG character .
"This is my girlfriend , Angel ." Pakilala sa akin ni Gil bago ako nito akbayan .
I can see Warren's smirk na parang walang matinong gagawin habang nakatingin sa braso ni Gil na naka-akbay sa akin . Lihim akong napangiwi at saka pinulupot naman ang aking braso sa bewang ni Gil habang hawak ang kamay nito na naka-akbay sa akin .
"You're Warren Lamont , right ?" Tanong ko dito na tinanguan lang .
"Good luck because my Gil will definitely beat you ." Pagmamayabang ko na ikinabura ng ngisi sa kan'yang labi .
Nang umalis si Warren ay humagalpak kami ng tawa ni Gil dahil sa itsura ni Warren . Pag may mga racers na gusto akong makilala , 'yun lagi ang pakilala namin sa isa't-isa , no strings attached . Kaya wala sa mga kasama nito ang nangangahas dahil nga sa label kuno namin ni Gil .
VRRROOOOOOOMMMM !!
Napatakip ako sa tainga ko dahil sa napakalakas at napakamakapangyarihang ugong nang sasakyan na kakadaan lamang sa aming harapan . It's an upgraded version ng sasakyan ni Gil .
"He really is working so hard , ey ?" Komento ni Gil sa lalaki na nasa loob ng sasakyan .
Kilala ko kung sino ang taong iyon . Kilala ko s'ya dahil s'ya lang naman ang five-times Champion ng IRCP na sinusundan naman ni Gil . Ang tinatawag nilang The Rising Bird -- si Phoenix Skye Cross .
A.N : Thanks sa mga naghintay :) SheLovessYouu ito na ang asawa mo at ang buong love story n'yo . Mangarap ka pa ahahaha xD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro