Chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 7

Marriage Booth

Valentine's Day ngayon. Araw ng mga puso. Kaya ibig sabihin lang no'n, punung-puno ng decorations itong classroom namin. Kesyo daw unang Valentine's Day daw namin dito. Marami ring pakulo ang SG at Clubs. May Marriage Booth, Blind Date, may Freedom Board sa canteen, at marami ding nagtitinda ng kung anu-ano.

Hindi rin kami masyadong nag-klase sa first and second period namin ngayong umaga dahil sunud-sunod na pinapalabas ang ilan sa mga kaklase namin at automatic rin kaming napapasunod. Curious lang naman kami at isa pa, napaka-supportive kaya namin.

Ngayong third period naman, may pinakopya lang sa akin sa board na sinusunod kopyahin ng mga kaklase ko. Pinapabilis nga ako sa pagsusulat para daw makaalis na sila.

"Chan, malapit ka na bang matapos?" tanong ni Brian.

"Last two pages na lang," sabi ko habang hindi tumitingin sa kanila.

"Ano ba 'yan, gusto ko nang gumala."

Hindi ko na lang pinansin ang samu't saring reklamo nila. Wala din naman silang choice dahil kapag tumigil ako, malilintikan din kami kay Ma'am.

"Nandito ba si Chandelier Qill-- paano ba 'to basahin?"

"Chandelier Qillambao ba kuya? Ayun oh. 'Yang nagsusulat sa board," sagot naman ng isang kaklase ko.

Ha? Chandelier Qillambao? Ako 'yon 'di ba?

Hinarap ko ang direksyon nila. May dalawang lalaking seniors na nakatayo sa pintuan. Anong ginagawa nila dito?

"Bakit po, kuya?" kunot ang noo na tanong ko.

"Ikakasal ka na ngayon. Naghihintay na ang groom mo."

Ano? Ikakasal? Ako? Bakit?

Dahan-dahan kong binalingan ang dalawa kong magagaling na kaibigan na paniguradong may pakulo ng lahat ng ito.

"Joyce," mahinang tawag ko. "Yllana."

Nakatingin lang silang dalawa sa kawalan at umaakto pang hindi ako narinig.

"H-ha? A-ano kasi Chan..."

"Chan, sorry. Si Joyce talaga ang may kasalanan."

"Ha? Anong ako? Ikaw kaya 'yong nag-suggest, Yllana."

"Ikaw kaya!"

"Chandelier, kung hindi ka sisipot, okay lang naman. Basta magbayad ka lang ng Twenty Pesos, okay na," sabat naman ni Kuya Senior.

Twenty Pesos? Ang mahal naman! Buong baon ko na 'yan, ah. Aish bahala na nga.

Binigyan ko na lang ng matalim na tingin ang dalawang bruha at ibinaba ang chalk na hawak ko. Padabog akong naglakad papunta sa pintuan at nauna nang maglakad ang dalawang senior na sumundo sa akin. Punong-puno pa ng chalk ang kamay ko pero bahala na. Sino ba kasi ang 'groom' ko kuno? Nakakainis.

Nararamdaman ko namang nakasunod din sa akin ang mga magagaling kong classmates na humahagikhik pa. Sila na lang kaya ang ikasal? Tutal ang saya-saya pa nila, eh.

"Kuya, sino po ba ang groom ni Chan?" tanong ng isa ko na namang classmate. Napaka-usisera talaga.

Tumawa naman iyong isang senior sa harap. "Basta malalaman niyo din. Ayun oh," sabi niya't tinuro ang isang lalaking nakatayo sa labas ng isang tent sa gitna ng field.

Matangkad siya na medyo payat. Maputla rin ang kaniyang balat at nasisinagan ng araw ang kaniyang unipormeng kumikinang sa puti. Malinis din ang kaniyang gupit mula sa nakikita ko. Para siyang si Salih kapag nakatalikod.

Teka teka... Si Salih 'yan ah! Ikakasal ako kay Salih? As in kay Samaritan Liandreon Viernes? As in dito sa Marriage Booth?

Yati, sige okay lang. Super okay lang. Crush ko naman pala, eh.

Tumutunog-malandi na tayo, Chan, ah. Bad iyan.

Nang tuluyan na nga naming maaninag kung sino siya, saka naman ang sabayang paghiyawan ng mga kaklase ko't tinutulak at niyuyugyog pa ang balikat ko.

"Hoy, Chandelier, ang swerte mo! Si Salih naman pala, eh. Ang arte pa."

"Oo nga. Crush niya nga yata 'yan, eh."

Mamaya ko na lang hihilahin ang buhok ng mga babaeng ito.

Malapit na malapit na kami sa tent. At ngayon lang talaga nag-sink-in sa akin na ikakasal ako kay Salih sa Marriage Booth. Ikakasal. Ako. Kay. Salih. Dito. Sa. Marriage. Booth.

Alam ko namang joke-joke lang 'to pero hindi ko maiwasang kabahan. At kahit ilang beses ko na siyang nakaharap, hindi pa rin maiwasan ng puso kong tumatalon-talon na ata sa loob ng rib cage nito. Para na akong mababaliw. Kasalanan ni Salih lahat ng ito.

Kinakabahan man ay nakaya kong igalaw ang aking mga paa at lakarin ang natitirang distansya upang magkasing-lebel na kami ni Salih. Naramdaman niya yata kami kaya napalingon siya sa gawi namin at napangiti.

Yati, ayan na naman ang ngiti niya!

"Here comes the bride!" tili ng isang SG official at nilapitan ako. Sinuotan niya ako ng flower crown sa ulo at pinahawak sa akin ang isang bouquet at mas pinalapit pa ang pagkakatayo ko kay Salih. "Ayan, closer. Para naman hindi kayo awkward, Sal," kindat niya pa kay Salih na tinawanan lang siya.

Hindi ako makahinga. Parang biglang mas uminit pa ang temperatura dito sa field. Bakit ba dito nila napiling ilagay ang Marriage Booth? Napakainit kahit na may tent. At ano ba 'tong pinasok ko? Ano ba 'tong pinagawa sa akin ng mga kaibigan ko?

Bigla namang pumainlanlang ang kantang Can't Help Falling In Love mula sa speaker na siya ring pagtili ng mga kaklase ko at mga kaibigan din ni Salih.

Puso, kalma. Si Salih lang 'yan. Crush lang natin 'yan.

Nagsimula nang maglakad si Salih kaya automatiko rin akong napahakbang kasabay siya. Nakayuko lang ako't nakatingin sa mga paa naming sabay ang paghakbang. Natatakot kasi akong tignan siya. Para akong mamamatay sa kaba!

Huwag kang mamatay. Sayang itong moment na 'to! Minsan lang ito, Chan! Once a year lang!

Huminto na kaming dalawa sa harap ng isang mesa at isang pari. Namukhaan ko rin ang pari na siyang SG President na nakasuot ng puting sotana. Ang weird niya tignan.

"Dear beloved, we are gathered here today to witness before family and friends the exchanging of solemn vows between Salih and Chandelier," sabi ni Kuya SG President na Pari. "If there be any suspicious minds present in the audience doncha think it's time to speak now or never-- there love won't wait."

"Itigil ang kasal!" rinig kong sigaw ni Divine sa aming likuran.

Yati, hanggang dito ba naman?

"Charot!" natatawang pahabol niya.

Napaangat ang tingin ko kay Salih na ngayon ay natatawa lang at diretso lang ang pagkakatingin sa harap. Ni hindi niya man lang tinapunan ng tingin si Divine sa likuran namin.

"Chandelier, do you take Samaritan Liandreon Viernes as your husband, to live together as friend and mate? Will you love him as a person, respect her as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat, and keep her beside you as long as you both shall live?"

Malalim muna akong napabuntong-hininga at mahinang nagsalita, "I-i do."

Automatic namang naghiyawan ulit ang mga kaklase kong nakatutok na ang kani-kanilang cellphones sa amin. Sana magaganda ang mga kuha nilang pictures para naman makahingi ako.

"Salih, do you take Chandelier Qillambao as your wife, to live together as friend and mate? Will you love her as a person, respect her as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat, and keep her beside you as long as you both shall live?"

"I DO!" sigaw ni Salih na siyang dahilan kung bakit napabaling ako sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinigaw niya 'yon tapos ako parang binulong lang. Hindi na rin matigil ang hiyawan ng mga kaklase ko at pati na rin ang mga SG officials.

"Hoy, Chan, yieeee!"

"Kyaaaaa! Libre na 'yan, Chan!"

"Ang swerte swerte ni Chan ngayon!"

"Ako na next!"

"By the power vested in me, I now pronounce you man and wife."

Man and wife daw. Lakas maka-charot nitong Marriage Booth.

Pagkasabi ni Kuya SG Pres. no'n ay lumapit ulit si ate na nagsuot nitong flower crown ko kanina. May dala siyang straw at binubuhol na niya ang mga palapulsuhan naming dalawa ni Salih.

Magkakadikit kami? Teka nga! Hanggang kailan ba 'to?!

"String lang kasi walang budget para cufflinks," sabi niya habang natatawa. "Congrats," dagdag pa niya pa bago kami iniwanan.

Nahihiya pa rin akong tumingin kay Salih kaya nanatili sa lupa ang tingin ko. Kung hindi pa ako hinila ng isa sa mga kaklase ko, hindi na ako kikilos mula doon.

"Chan, picture kayo!" sabi ni Yllana na ngayon ay hindi na matinag ang ngiti. "Dali na!"

Wala na akong nagawa kundi ngumiti sa mga cellphone nilang nasa harapan na namin. Naririnig ko nga rin ang mahihinang tawa ni Salih. Bahagya pang humangin kaya natabing sa mukha ko ang ngayo'y gulo-gulo ko nang buhok.

Si Joyce naman ngayon ang lumapit sa akin at may binulong, "diretso honeymoon na 'yan, ha."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat dahilan para mahampas ko pa siya. "Gaga ka talaga!"

Natatawa lang siyang napaatras at hinila na si Yllana. "Bye! Mag-honeymoon na kayo!"

"Hoy!" tawag ko sa kanila ngunit parang wala lang silang narinig dahil kumaripas na sila ng takbo pabalik sa classroom. Ugh! Nakakainis!

"So... what now?" Salih asked. Doon ko lang napagtanto na hindi pala kami pwedeng maghiwalay.

"Uh... sa bench na lang tayo," suggest ko. Sandali ko siyang tinapunan ng tingin na siya naman pala ang pagkakatingin niya sa akin. Tumango-tango siya bago ngumiti.

"Pero may kailangan pa tayong isauli."

"H-ha?"

Tumawa siya bago may tinuro sa bandang ulo ko. "Ang flower crown. May susunod pang ikakasal."

Natataranta ko namang kinapa ang flower crown para tanggalin sana ngunit nagkanda-buhol-buhol na yata ang buhok ko dahil sa malakas na hangin kanina kaya ayaw matanggal. Dahil na rin yata ang kaliwang kamay ko lang ang nagagamit ko dahil nakatali ang isa kay Salih. Abalang-abala pa ako sa pagtatanggal nang bigla kong maramdaman ang isang kamay na pilit tinatanggal ang flower crown at bigla ko na lang naramdaman ang presensiya ni Salih sa likod ko.

Yat-- ang lapit-lapit niya! Hindi ako makahinga!

Nang tuluyan na naming matanggal ang flower crown, inilahad niya ito pabalik sa isa sa mga SG Officials na tinukso pa kami ng ilang segundo bago kami pinakawalan. Kahit ngayong palabas na kami ng tent at tinatahak na ang direksyon ng isa sa mga bench na bakante, hindi pa rin kalmado ang tibok ng puso ko, pati na rin ang aking paghinga! Nakakaloka!

Naupo na kaming dalawa at nakaharap sa malawak na field. Malapit na rin kasi yatang mag-lunch break kaya iba na ang init na dulot ng sinag ng araw. Mabuti na nga lang at medyo mahangin para hindi ako mangamoy at pagpawisan. Nakakahiya naman dito sa katabi kong hindi yata nangangamoy.

"Uh... hanggang kailan tayo magkaganito, kuya?" nahihiya kong tanong. Ni hindi ko man lang siya matignan kaya mas tinuon ko na lang ang tingin sa aking harapan.

"Sabi nila ten minutes daw."

Napatango-tango na lang ako. Awkward. Sana pala sinama ko na lang ang mga kaklase ko. Paniguradong sila na ang kakausap sa kaniya at magmimistula na lang akong mannequin dito sa gilid.

"Bakit hindi mo ako pinadalhan ng mga pictures natin noon sa duet? Marami naman yatang kopya 'yong kaibigan mo, 'di ba?"

Gulat akong napabaling sa kaniya at medyo nakaawang pa ang bibig ko. Pero parang wala lang iyon sa kaniya dahil nakangiti pa rin siya sa akin.

Pero teka, seryoso ba siya? As in?

"Wala ka naman po kasing sinabi na manghihingi kayo."

Nagkibit-balikat siya. "Padalhan mo ako mamaya, ha. For sure mas dadami 'yon dahil ang dami nating photographers kanina, ah."

Napatawa ako. "Ang kukulit kasi nila, eh. Ayaw magpaawat," sabi ko. "Tsaka sorry din pala, kuya. Baka may gagawin ka sana tapos napa-diretso ka pa sa Marriage Booth dahil sa kagagawan din ng mga kaibigan ko," paghingi ko ng paumanhin.

Sandali niya namang binangga ang balikat niya sa akin na siyang nagpalaki na naman ng mga mata ko. "Okay lang. Wala naman akong gagawin."

"Pero sorry pa rin."

Tumawa na naman siya. "Okay nga lang talaga."

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya dahil ang lapit-lapit niya lang sa akin. Nakatitig lang din siya sa kawalan kaya malaya ko siyang natititigan. Sobrang gwapo niya talaga sa malapitan. Tapos ang ganda pa pakinggan ng tawa niya. Nakakainis.

Sandaling nagtama ang aming mga mata kaya gulat na naman akong napaiwas. Mahina siyang tumawa at napapikit na lamang ako. Huling-huli ka na sa akto, Chan.

Muli na naman kaming natahimik ng iilang segundo. Bakit ang tagal-tagal ng ten minutes? Hindi pa ba 'to matatapos?

Narinig kong may napunit na wrapper ng kung ano malapit sa side niya. Kumakain siguro siya ng kendi at ayaw akong bigyan. Damot.

"Chan," pagtawag niya. "Potchi, gusto mo?" alok niya. Gusto kong matawa dahil ang cute niya habang ngumunguya siya ng Potchi.

Tumango naman ako kaya binigyan niya ako ng dalawang piraso. "Iyan na lang ang natitira. Sorry."

"Hindi, okay lang. Salamat." Sinubukan kong buksan ang isang piraso gamit ang isang kamay ko lang kaso hindi ko magawa. Natatawa na lang kaming dalawa nang gamitin ko ang dalawang kamay ko dahilan para madala ko rin ang isang kamay niya.

"Favorite mo 'to?" tanong ko. "Saan mo binibili? Wala naman yata 'to sa canteen."

"Favorite ko nga. Binabaon ko talaga. Pasalamat ka nga binigyan pa kita, eh."

Tumawa na lang ako. Magaan lang naman pala siyang kasama. Hindi katulad ng inaasahan ko.

"Kuya, gusto ko nga palang mag-sorry---

"Salih! Tapos na ang ten minutes niyo! Kailangan niyo nang mag-divorce!" sigaw ng isang senior mula sa tent.

"Gago! Pabalik na!" sigaw naman ni Salih bago ako binalingan. "Tara na?"

Tumango ako't tipid na ngumiti. "Tara."

***

Pagkatapos ng sampung minuto ko kasama si Salih, wala nang ibang magandang nangyari sa araw na ito. Maliban lang sa gumanti ako at pina-blind date ko sina Joyce at Yllana sa mga crush nila sa Senior High. Kunwari pa silang nag-galit-galitan, eh kilig na kilig naman. Ganoon naman yata tayong lahat, eh. Kunwari, galit; iyon naman pala, kilig na kilig.

Ginisa din nila ako at ng buong klase kung ano ba daw ang pinag-usapan namin ni Salih. Wala talaga akong sinabi sa kanila. Sa akin na lang iyon 'no. Sa aming dalawa na lang iyon ni Salih. Tsaka humingi na rin ako ng mga pictures na kuha nila kanina. May ilan pa ngang nag-video, eh. Ibang klase din talaga ang mga kaklase ko.

"Chan, anak?" rinig kong tawag ni mama mula sa sala.

"Ma?"

"Pwede bang ikuha mo ako ng tubig?"

"Opo. Saglit lang." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at iniwan ang mga assignment ko sa mesa. Makikinood na lang din muna ako ng teleserye kasama si mama.

Malapit nang ma-puno ang basong hawak ko nang may biglang bumagsak mula sa sala. "Sandali lang, ma. Ito na," natatawa ko pang sabi bago pinatay ang dispenser. Tatlong segundo. Tatlong segundo lamang ang kailangan upang mawasak ang buong mundo ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero naabutan ko na lang si mama na nakahiga na sa sahig. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang humingi ng tulong mula sa mga kapit-bahay namin. Ang alam ko lang ay sunud-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko dahil alam kong wala akong makakapitan sa oras na ito.

Sunud-sunod rin ang pagtunog ng cellphone ko ngunit wala na akong pakialam kung sino ang nagpadala ng mensahe o ano. Ang alam ko lang ay pinagtutulungan na nilang buhatin si mama na walang malay upang dalhin sa ospital.

Tatlong segundo. Tatlong segundo lamang upang ipaalala sa akin na nabubuhay ako sa reyalidad at sa mapait na mundo.

***

Salih Viernes
▪️active now

Salih Viernes
Hi Chan

Salih Viernes
Send pics?

Salih Viernes
Aight. U busy?

Salih Viernes
Sige maya na lang :)

*delivered

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro