EPISODE 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Episode 13:

TANYA'S POV

Buong magdamag, paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Chris. Parang plaka na paulit-ulit sa isipan ko.

"Okay. I'm immune about that. Everyday I always hear to others to say that word. I'm okay."

"Okay. I'm immune about that. Everyday I always hear to others to say that word. I'm okay."

"Okay. I'm immune about that. Everyday I always hear to others to say that word. I'm okay."

"Okay. I'm immune about that. Everyday I always hear to others to say that word. I'm okay."

Napabangon ako ng higa at ginulo ang  buhok ko. Nakakainis. Bakit ba kasi hindi ko maalala na niyaya pala ako ni chris.

Tinapik-tapik ko ang pisngi ko. Ikaw kasi Tanya, bakit kinalimutan mo. Ayan tuloy galit sayo ang tao.

Today is Saturday. Uuwi ako ngayon sa bahay nila mommy. N'yon ang sinabi sa akin ni mommy na tuwing weekends ay uuwi ako.

Pero, paano ako uuwi kung galit sa akin si Chris? Paano?

Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa poster ni Lee Min Ho. Ang pogi ng asawa ko. Hehehe.

AHA! Alam ko na gagawin ko! Napabangon ako sa kama at dumiretso sa cr.

Nagsepilyo, naghilamos at ginawa ko lahat ang routine ko tuwing umaga.

Pagkatapos ko gawin ang mga n'yon, nagpalit ako ng damit pambahay. Dahil maaga pa naman, 7 clock pa naman.

Ipagluluto ko na lang siya ng breakfast,pambawi man lang. Hehehe.

Lumabas ako ng kwarto ko at dahan-dahan bumaba ng hagdan.

Pumunta ako sa garahe tinignan ko kung nandoon pa n'yong car niya, lalo akong ngumiti dahil nandoon pa n'yon. Hindi pa siya umaalis.

Bumalik ako sa kusina at hinanda ang mga ingredients na lulutuin ko.

Hindi man ako expert pagdating sa pagluluto, may alam naman ako kahit papaano. Hehehe.

Nakarinig ako ng yapak na galing sa hagdan, gising na siyaaaaaa!

Dali-dali kong nilagay sa mga plato ang sunny side up egg, ham, sinangag na kanin, at hotdog. Naglagay rin ako ng tasa incase na gusto niyang magkape.

Nawala ang yapak at narinig ko ang papabukas na gate.

Waaaaaah! Aalis na siya. Tumakbo ako palabas ng kusina.

Nakita ko siyang papasok na sa kotse niya. "T-teka, Chris!" sigaw ko sa kanya.

Napahinto siya sa pagsakay. Lumingon sa akin na naguguluhan.

Oo nga pala! Hindi pala siya masyadong nakakaintindi ng Tagalog.

"What?" Tanong niya sa akin habang bakas sa mukha niya ang pagkalito.

Napayuko ako at hindi ko alam kung ano sasabihin ko. "Uhm..." tumingin ako sa kanya "I cooked breakfast for you..." Tinignan ko siya. Walang emosyon akong nakita sa kanya.

Napayuko ulit ako. Hays. Bad move.

Nagulat ako na may rubber shoes akong nakikita sa paanan ko.

"Come on! I want to taste the food you cooked." napatingala ako ng makita ko siyang nakangiti sa akin.

Hinila niya ang kamay ko papasok sa bahay. Napahawak ako sa dibdib ko gamit ang kaliwa kong kamay. Ito na naman ng puso ko, kumakabog nang mabilis.

Pinanghila niya ako ng upuan at pinaupo ako rito. Hindi ko alam bakit ganito kumabog ang puso ko. Sobrang bilis niya parang gustong lumabas sa katawan ko.

"Hey? Are you okay? You look pale? Are you sick?" Napatingin ako kay Chris na ngayon ay nakatingin sa akin.

"Huh?" Iyan lang ang nasabi ko.

Medyo lumapit siya sa akin ng kaunti at dinampi ang likod ng palad sa noo ko.

"Aren't you sick. Why you look so pale?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Ang init ng pisngi ko.

"Ah-eh! Don't mind me. Let's eat?" nahihiyang sabi ko.

Jusko! Lupa, lamunin mo na ako.

Bakit ako nagbablush sa kanya. Nakuuuuuu!

"Ah-okay! Let's eat..." masayang sabi niya habang kumukuha na siya ng pagkain.

Pero, heto ako hindi pa rin makagalaw. Shocks!

"Are you okay? Let's eat na." sa sinabi niyang n'yon, pinaglagyan niya ako ng pagkain.

Naku! Tanya, umayos ka! Umayos ka please! Nakakahiya kaaaaaa!

"Ha-ha-ha! I will eat na." Pilit na ngiting sabi ko.

Natapos kaming kumain na walang nagsasalita. Para kaming nahihiya sa isa't isa. Kada tumitingin ako sa kanya, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at sabay iiwas. Ano kaya problema niya.

"Uhm... you don't have practice today?" tanong ko sa kanya.

"Sh*t! I forgot. We have..." Dali-dali siyang tumayo at dumiretso sa garage.

"Tanya! I have to go. I'm so sorry. We have practice today. I'm late. Thanks for the breakfast..." Nagulat na lang ako ng bumalik siya sa kusina at hinalikan ako sa pisngi.

T-teka? A-anong nangyayari?

"Thank you for the breakfast,Tanya! I appreciate it!" sigaw niya.

At, sunod na narinig ko na lang ay pag-harurot ng sasakyan niya.

Ilang minuto akong napatulala at hindi maprocess ng utak ko ang nangyayari.

Hinalikan.niya.ako.sa.pisngi.

K-I-S-S!

Napabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang ring ng telephone namin.

Tanya, hingang malalim. Baka ganoon lang talaga kapag laking taga-ibang bansa ka. Baka ganoon lang sila magpasalamat. Ganoon lang n'yon Tanya. Walang malisya n'yon. Okay?

Ring!! Ring!! Ring!!

Sinagot ko ang tawag.

"Hello? Who's this?"

"Tanya, this is your mom. Anong oras ka pupunta rito sa bahay?"

Gosh! Muntik ko na rin makalimutan na uuwi pala ako sa amin. Hays.

"Mom, ngayon din po. Maliligo lang po ako then pupunta na po ako diyan."

"Okay honey! Take care! I love you!"

"I love you,mom."

Pagkababa ko ng telephone, dumiretso agad ako sa kwarto ko at naligo.

Nagbihis na lang ako ng floral dress and sandals para fresh. Hihihi.

* * * * *

"Mom, I'm here naaaaa!" sigaw ko sa loob ng bahay.

Nakita kong lumabas si mommy galing sa kusina at nakasuot siya ng apron.

"Nandito ka na pala,Honey!" Lumapit sa akin si mommy at hinalikan ako sa pisngi, hinalikan ko rin siya sa pisngi.

"Anong niluluto mo,mom?" Tanong ko.

Mukha kasing masarap niyong niluluto niya. Naaamoy ko rin dito ang bango ng niluluto niya. Yummy!

"Caldereta,Honey. Your favorite!" masayang sabi niya.

Natuwa ako. Mapaparami na naman ako ng kain mamaya. Hihihi! My favorite.

"Diyan ka lang anak. Maya-maya maluluto na rin ito." bumalik si mommy sa kusina para tapusin ang niluluto niya.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga. Namiss ko ang  kwarto ko. Tinignan ko ang ibang Korean poster ko na nakadikit dito.

Ang gwapo talaga ni Park Chanyeol. Hihihi. Lahat sila gwapo sa mga mata ko hihihi!

Habang tinitignan ko ang mga poster na naiwan dito, bigla kong naramdaman ang antok.

Hanggang nilamon na ako ng kadiliman.

- to be continued -

A/N:

Hello! Ito na yata ang corny na na-update ko huhuhu. Bawi ako sa next chapter hehehehe.

Enjoy reading guys!❤

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro