EPISODE 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Episode 16.

TANYA'S POV

Nakatingin pa rin ako ngayon sa jersey niya na binato sa akin. Ano gagamitin niya ngayon kung nasa akin 'to? May topak din 'yon.

Umiling ako sa sinabi ko.

Sumunod na ako kina mom, dad, Tito Robert and Tita Suzette.

Dumiretso kami sa Green gate. Basa ko sa taas nito.

Nilibot ko ang tingin ko sa lugar na ito, ang daming tao. Mukhang mapupuno ang lugar na ito.

"Honey, come on, papasok na tayo." Tawag sa akin ni mom.

Lumapit na ako sa kanya at pumila sa kahaba-habang pili nito. Dapat nasa bahay ako at nanonood kung hindi lang magagalit sina mom at dad.

Dapat nakita ko ngayon ang napakagwapong mukha ni Yoo Seung-Ho. May bagong asawa na ulit ako. Hihihi.

Nakapasok na kami at binigay ang ticket sa isa pang nag-iinspeksyon. Nang makita ang aming mga ticket, tumabi siya sa gilid at pinadaan kami.

"Mom, bibili po muna ako ng maiinom ko." Sabi ko kay mom habang naglalakad kami.

"Okay, Bilisan mo,ha! Itetext kita kung nasa'n kami. Ito ang ticket mo." Binigay sa akin ni mom 'yung ticket.

Habang naghahanap ako ng mabibili ko, nasa kaliwang braso ko naman ng jersey ni chris. Halos lahat ng nakakasalubong ko puro naka-red shirt at may mga nakalagay pa rito na NEVER SAY DIE.

Pumila ako rito sa potato corner, bigla kasi ako nagcrave sa potato. Favorite ko kasi ang potato. Hihihi. Ako kasi si Sarah.

Nang makabili na ako at ng maiinom ko, umalis na ako roon dahil sobrang daming tao.

T-teka? Saan ba ako dadaan? May nakita akong pinto at papasok na sana ng may humarang sa akin.

Isang lalaki na nakasuot na kulay red at black na color na damit at may hawak itong isang bagay na parang pantatak.  Base sa itsura niya mukhang taga-assist siya ng mga nanonood.

"Miss, patingin po ng ticket niyo." Malumanay na sabi niya sa akin.

Kinuha ko ang ticket ko na nasa bulsa ng skirt ko at pinakita ito roon.

Tinignan niya ito, "miss, doon po ang pwesto niyo. Enjoy the game!" Turo niya sa hindi ko malaman kung saan siya nakaturo. Tumango  na lang ako rito ng ibalik niya ang ticket ko.

Urgh! San rito ang pwesto namin. Lumilinga-linga baka makita ko si mom pero hindi ko sila makita sa sobrang daming tao.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si mom, ilang ring pa at sinagot ba niya ito.

"Honey, where are you? Malapit na matapos ang game na ito. Sunod na ang koponan nila Chris."

Bumuntong hininga ako, "Mom, I'm lost. Nasan ba kayo? Hindi ko kayo makita."

Hindi agad nagsalita si mom, at narinig ko itong nagtanong kay dad kung sa'n kami malapit.

"Honey, malapit kami sa mga player at ng mga referee."

Sa pagkasabi ni mom nu'n, nakita ko na sila, "Okay, mom. Nakita ko na po kayo. I hang-up this." Pinatay ko na ang tawag.

Lumakad na ako sa pwesto nila, "Excuse me po. Thank you!"

"Nandito ka na pala, Honey. Dito ka maupo." Nasa kanan ako ni mom habang nasa kaliwa niya si tita Suzette.

Malapit nga kami sa mga player, isang row lang pagitan ng mga ito sa amin. Sobrang lapit namin, naiilang ako. Baka tumama rito 'yong bola. Ako pa naman nasa dulo ng row na ito.

Tumingin ako sa malaking monitor na nasa gitna ng basketball court, 2 mins left na lang ng 4th quarter matatapos na ang game nila.

Napatigil ako ng pagsubo ng Fries ng sumigaw ang mga crowd na GI-NEB-RA! Paulit-ulit at nakakabingi ito.

Last na nanood kami, ganito rin kaingay. Ganito ba ang koponan ni Chris? Crowd's favorite?

Nang matapos ang oras sa malaking monitor, lalong umingay ang crowd ng lumabas ang koponan nila Chris.

Nakita ko siya na tumatakbo habang may hawak na bola at may suot na headphone sa tenga nito.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Bakit ganito parang may presensya siya na kailangan mo siyang titigan ng mabuti.

Napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis ito ng tibok. Anong nangyayari?

"Tanya?" Napakurap ako ng kalabitin ako ni mom.

"Bakit po?" Tanong ko rito..

"Kanina ka pa tinatawag ng Tita Suzette mo, hindi ka nakikinig."

Bumaling akong kay tita Suzette na nakangiti sa akin, "Sorry po, Tita. Bakit po?"

Tinuro niya ang jersey na nasa kaliwang braso ko pa pala, "wear that jersey para red na rin ang suot mo."

"P-po?" Pero hindi ko namalayan na sinusuot ko na pala ang jersey.

"Mas bagay sayo ang jersey na 'yan at paniguradong pati ang surname namin."

Naguluhan ako sa sinabi ni Tita Suzette. Ano raw?

"Chris!" Nagulat ako ng sumigaw si Tita Suzette.

Lumingon sa amin si Chris. Lumapit sa amin ito at tinanggal ang headphone sa tenga.

"Why, mom?"

"Goodluck to your game, Okay?" Tumango ito kay tita. Maski sila mom ay nag-goodluck dito.

Lumingon siya sa akin, nahihiya man ako, "g-goodluck!" Mahinang sabi ko rito.

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Nag-init ang magkabilang pisngi ko ng ibulong niya sa akin ang mga katagang "you look cute to my jersey."

Binigay niya sa akin ang headphone niya, "please, take care of this. I know you don't like to watch. So, listen to my song list." Akala ko aalis na siya pero nagpapicture muna siya sa isang fan at bumalik na rin sa loob ng court.

Kinalabit ako nung babae, "Hi po, ikaw po ba girlfriend ni kuya Chris?"

Naloka ako sa tanong niya kaya napa-huh ako sa kanya.

"H-hindi po." Umiwas na ako ng tingin.

Dinig ko pa ang sinabi niya sa kasama niya, "Mukhang girlfriend siya ni kuya Chris,e."

"Baka hindi pa niya sinsagot." Dinig ko naman sa sinagot ng isa. Kakaloka.

Nag-umpisa ang first quarter, sobrang intense agad ang laban. Nagpapaulan agad ang Ginebra ng mga three points kaya lumaki ang lamang bago mag-halftime.

"Honey, pupunta kaming comfort room ni Suzette sasama ka?" Umiling ako kay mom.

"Mom, buy me a pizza. I'm hungry na." Bilin ko kay mom.

"Okay,"

Bumaling siya kay dad na hindi ako sasama at tignan ako. I'm not a baby anymore. Hays! Si mom talaga!

Dumating sila mom, nang silang balik naman nila Chris at ang kabilang koponan - ang NLEX.

Kumakain ako ng pizza ko, nagugutom na talaga ako.

Bigla nagtilian ang mga tao sa loob ng araneta coliseum na ito.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Chris na nakatingin sa akin.

"W-why?" Nauutal na tanong ko rito.

"Nothing. You didn't notice my presence." Umiling ako sa kanya. Busy ako sa pagkain ko,e.

Umiling din siya sa akin, "here," abot niya sa akin ng gatorade.

At tumakbo ulit sa loob ng court para magshoot.

"Bagay kayo ng anak ko, Iha!" Bulalas ni tita Suzette.

Omg! Ayoko na!

Sasagot pa sana ako ng pumito na ang ref hudyat na mag-uumpisa na ang next quarter ng laro.

- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro