EPISODE 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Episode 18:

TANYA'S POV

One week na ang nakakalipas ng magtapat si Chris sa akin. Hindi ko pa rin inaasahan na maiinlove siya sa akin.

Paano ba naman ang sungit-sungit niya sa akin nung unang kita namin.

Kaya hindi ko maisip na may gusto siya sa akin.

"Tanya!"

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Mica na tumatakbo papunta sa pwesto ko.

"Bakit?" Tanong ko rito.

Wala kaming pasok pero kailangan namin pumunta ng school dahil pinatawag kami ng mga prof para ipasa ang mga gawa naming observation nung field trip.

Tapos na ang field trip namin. As usual puro pabrika ang pinuntahan namin dahil related naman ito sa kursong kinuha namin. Iyon nga lang ang iba ay nagreklamo dahil mainit sa ibang pabrika na pinuntahan namin.

"May itatanong sana ako sa'yo, about doon sa cookies factory. Anong nilagay mo roon sa assessment?" Pagtatanong niya sa akin.

"Sa assessment? Nilagay ko roon iyong evaluation ko about sa product nila." Tumango siya sa sinabi ko.

May sasabihin pa sana siya ng may humintong pulang kotse sa tapat namin.

Lumabas rito ang maputi at matangkad na lalaki. Si Chris.

"Are you done? Come on, mala-late na me sa practice." He's so cute when he try to speak in Filipino. Slang kung slang talaga siya.

"Wait," Bumaling ako kay Mica na nakatingin kay Chris.

"He's Chris,"

"Her boyfriend"

Ayan na naman siya. Lagi na lang niya pinapakilala ang sarili niya sa ibang tao na boyfriend ko siya kahit hindi pa naman.

Ngumiti na lang ako kay Mica.

Tumingin ako Chris at pinapahiwatig sa kanya na Yari ka sa akin mamaya.

"Magchachat na lang ako sa'yo Tanya. Mukhang importante pupuntahan niyo."

"Sige, Mica! Una na kami!" Kumaway ako sa kanya nang makapasok sa kotse ni Chris.

Nang makapasok si Chris, pinaandar na niya ang kotse.

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Nagfi-filipino ako sa kanya para masanay talaga siya.

"Practice." Sinulyapan niya ako saglit at tumingin na ulit sa kalsada.

"Please, slow down when you talk to Filipino. I'm frenetic when you talking to Filipino."

Tumawa ako sa sinabi niya.

"You need to understand that. Not all the time I'm here to tell you, what they said to you in Filipino. Okay?" Sabi ko sa kanya.

Tumango siya sa sinabi ko.

Huminto ang sasakyan ni Chris.

"Nasa'n tayo?" Tanong ko sa kanya pagkababa ko.

"Upperdeck."

Kinuha niya ang gamit niya at hinawakan ang kanan kong kamay. Ganyan siya lagi kapag magkasama kami. Lagi siyang nakahawak sa kamay ko.

"Wait, I buy my drink at starbucks."

May starbucks kasi dito. Medyo nauuhaw din ako then nag-crave ako sa Starbucks.

"Okay,"

Pumasok kami sa loob at umorder ako.

Pagkabigay sa akin ng order ko, umalis na rin kami. Nag-elevator kami papunta sa place ng pinagpapractice-an nila.

Pagkarating namin sa huling floor, lumabas na kami. Pagkapasok namin sa glass window, kumanan kami.

Medyo madilim pa ang paligid.

"Napaaga yata tayo?" Pagtatanong ko kay Chris.

"Not sure. Maybe they're at gym."

Nilapag niya ang bag niya sa pinakahuling hilera ng nga upuan na gawa sa kahoy at doon na rin ako umupo. Ewan ko ba rito ba't sinama pa ako. Dapat nanonood ako ngayon ng Meteor garden. Tapos ko na ang I'm not a robot. Sobrang ganda! Nakakakilig sila!

"Stay here, Okay?"

Pagkasabi niya iyon pumasok siya sa isang pinto na nandito rin sa court na ito.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong court, may tatlong babaeng pumasok at umakyat sa 2nd floor nito kung saan may mga kahoy na upuan.

Para sa'n kaya iyon?

May nakita akong isang lalaki na matangkad. Gosh! Ang tangkad niya! Nahiya naman ako sa height ko, mas matangkad pa yata siya kay Chris! Omg!

Lumapit siya sa pwesto at nilapag ang dala-dala niyang bagpack.

Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya ngumiti na rin ako sa kanya.

"Good afternoon," bati niya sa akin.

Maputi at sobrang tangkad niya kumpara sa ibang player na nakikita ko.

"G-good afternoon," balik na sabi ko rito.

"You are Tanya? Right?"

Paano niya nalaman ang name ko? Anak ba siya ni Madam Auring?

"Yes, I'm Tanya! And you are?" Balik tanong ko sa kanya.

"I'm Greg Slaughter. Best friend of Chris."

Napasinghap ako sa narinig ko. So he's Fil-Am, also.

"Nice to meet you," Ngiting sabi ko rito.

"Nice to meet you too. I have to go,"

Pagkasabi niya iyon, pumasok din siya sa pinto na pinasukan ni Chris kanina. Ano bang mayroon doon?

Ilang minuto na lang din lumabas sila sa pintong pinasukan ng dalawa. Ang dami na pala nila roon.

Lumapit sa akin si Chris na may hawak na gatorade. Binigay niya ito sa akin. Nakalapit na rin pala si Greg. Ang tangkad talaga niya. Naiilang ako.

"You're late!" Tumatawang sabi ni Chris habang nakatingin kay Greg.

"What? This is my first time to being late." Angil naman ni Greg.

They're cute!

Tumingin sa akin si Chris. Tangkang ipapakilala niya ako kay Greg ng sabihin kong na kausap ko na siya kanina. Kaya tumango na lang ito sa akin.

"Stay here, Okay? We need to practice for quarterfinals. We're in Do or die situation against Meralco." Tumango ako sa kanya kahit 'di ko alam kung ano ang Do or Die. Mamaya ko na lang tanungin sa kanya.

Nakatunganga ako rito habang pinapanood silang tumatakbo na pabalik-balik sa court. Nabawasan ko na rin ang bigay na gatorade ni Chris dahil sa pagkabagot ko rito.

Tumingin ako sa relo, it's already 3:38pm. 2 hours na silang ganyan ang ginagawa. Nagugutom na ako. Hindi pa ako nagla-lunch.

Tumingin ako sa pangalawang palapag ng court na ito. Medyo dumami ang mga taong naroroon. Mukhang mga fans sila ng Ginebra.

Isang mahabang pito ang narinig ko. Bigla na lang nag-form into circle sila Chris. May sinasabi ang nasa pinaka-gitna na maputi at medyo may edad na lalaki. Mukhang siya ang coach ng koponan.

Bigla na lang silang nagsipalakpakan at bumalik ang iba sa pagshoshooting at ang iba naman ay umupo.

"Are you okay?" Siyang tanong ni Chris sa akin ng makabalik siya sa pwesto namin.

"I'm hungry, Chris." Mahinang sabi ko rito. Nagugutom naman na talaga ako.

Tumingin siya sa akin, "Wait, shower lang me then we will go." Tumango ako sa sinabi niya.

Papaalis na dapat siya nang may lumapit na lalaking semi-kalbo at isang medyong semi-kalbo rin pero mas maliit sa naunang lalaki.

"Chris Ellis! Who she is?" Tanong ng isa.

"She's Tanya, My girlfriend, Kuya Mark and kuya LA." Ayan na naman siya sa girlfriend na 'yan. 'Wag ko kaya sagutin ang isang 'to.

Tumingin sa akin ang dalawa at ngumiti kaya ngumiti rin ako sa kanila.

"Ah! Ikaw pala ang sinasabi ng isang 'to. Stay strong!" Tumingin ako kay Chris dahil sa narinig ko. Sinasabi niya ako sa mga ka-teammates niya?

"Kuya LA," tumatawang sabi ni Chris.

"What? She didn't know? Uh-uh!" Tumingin sa akin ang tinawag ni Chris na kuya LA. "He always told us that he's inlove to Tanya. But he didn't know how to confess to that girl. And now, nandito ka na!"

Bumaling ulit siya kay Chris na ngayon ay nagkakamot sa kanyang batok.

"Finally, Bro, you confess! We're proud to you, Bro! Binata ka na!" Sabay na tumawa ang dalawa kaya tumawa na rin ako.  Namumula na kasi ang mukha ni Chris sa sobrang kahihiyan.

"Kuya LA and kuya Mark, thanks to you, guys! Because of that encouraging word of you, guys, maybe until now I can't confess my feelings to Tanya."

"No worries, Bro," tinapik nila sa balikat si Chris.

Lumapit sila sa akin, "Please, take care of him. He's so valuable and he's deeply inlove to you." Bakas ko sa boses ni Kuya LA na sincere ang sinasabi niya na patungkol kay Chris.

"I will," ngumiti ako sa kanila.

"So, see you in our live games?" Tumango sa kanila habang may ngiti sa labi.

"See you,"

Umalis na sila at bumalik na sa kanilang upuan. Nakita kong nakangiting nakatingin sa akin si Chris.

"So, you gonna be said 'Yes' now to me?"

Umiling ako sa kanya, "Not now. Then you always told them to everyone that I'm your girlfriend. Hmm..." Pinangdilatan ko siya ng mata.

Napahawak ulit siya sa kanyang batok.

"Take a shower now, nagugutom na me, Chris!"

"I forgot," agad siyang naglakad at pumunta sa cr - na malapit sa labasan ng court na ito.



- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

A/N:

Last episode na ang sunod nito. Kaya abangan ang huling episode ni Chris Ellis and Tanya Marie Go! Love lots!❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro