EPISODE 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Episode 3:

TANYA'S POV

Kakauwi ko lang galing school. Bakas na bakas pa rin sa mukha ko ang kasiyahan! Mukha akong nanalo dahil kaibigan ko na si sunshine, may kaibigan na ulit ako. Magpa-party ako wohhhh! *sabog confetti* hihihi. Pero joke lang yung party Hehehe mayayari ako kay Daddy.

Nasa kwarto ako para mag-half bath, feeling ko lowbat ako katulad ng cellphone kong deadbat dahil kaka-kdrama ko. Buti na lang full charge pa yung laptop ko *evil grin* anyway, nag-halfbath ako habang hindi pa kami kumakain for dinner.

Ang daming nangyari kanina sa school. Na haggard ako. Baka hindi na ako mahalin ni taecyeon huhuhu. I hate projects, assignments and events sa school. Next week will be foundation day of our school. Gosh, kaya ayun subsob ang mga Prof sa pag-aayos sa foundation day kaya ang ending, more projects and more assignments. Yay! Tsss... KJ nila prof.

"Ma'am Tanya, pinapatawag na po kayo ng daddy at Mommy niyo po. Bumaba na raw po kayo."

Rinig kong sigaw ni yaya hanggang dito sa cr. Umahon na ako sa bathtub para makapag-ayos na ako.

Nagsuot lang akong pjs kong si stitch ang design. Sa susunod magpapagawa ako ng personalised kong pjs na may mukha ni taecyeon o hindi kaya si TOP ng Bigbang. Omg!

Nang makababa ako, dumiretso agad ako sa kusina kung nasaan si Daddy at Mommy na hinihintay ako. Ganito talaga sa amin, dapat Sabay-sabay kami kung kumain kahit busy ka pa. That's my mommy's rule.

Kumakain kami. Sobrang tahimik puro tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig mo. May problema kaya?

Binalewala ko ang tahimik na atmosphere sa paligid.

Nakita kong nagkatingin sila Mommy at Daddy. Pero hindi ko pinahalata na tinitignan ko sila.

Maya-maya tumikhim si Daddy.

"Darling?" bumaling ako ng tingin kay Daddy. Ano kaya sasabihin niya? Wait, may ginawa ba akong kasalanan? Wala naman ako maalala na may kasalanan ako.

"Y-yes Daddy?" Kinakabahang sagot ko sa kanya. Hingi kaya ako ng lifeline kay Mommy. Joke.

"Darling, do you have a plan on Friday? I mean may lakad ka ba with your friends?" tanong ni Daddy sa akin. Kahit nagtataka ako dahil first time ni Daddy magtanong sa akin kung may lakad ba ako?

"Uhm... wala po Daddy. Balak ko po manood ng kdrama Hehehe... but I have a class on Friday dad. Friday night, Im gonna watch 'W'." paliwanag ko kay daddy.

Tumingin si Daddy kay Mommy. Para silang nagtuturuan kung sino magsasalita sa kanilang dalawa gamit ang kanilang mga mata. Ang galing.

Pero walang nagawa si Daddy kundi siya rin ang nagsalita "Darling, we have a date on Friday with our friend. Do you want to go with us?"

Gusto ko bang sumama? O wag na lang? Inaabangan na kasi ako ng kdrama ko eh. Saka, maganda raw yung 'W'.

"Okay daddy, I will go with you guys." Masayang sabi ko kina Mommy at Daddy.

Hays, babye muna kdrama huhuhu. Sa Friday lang naman eh.

"Wait, Daddy saan pa lang restaurant?"

Tumingin ulit si Daddy kay Mommy. Pero ngayon, si Mommy na ang sumagot "We will watch pba game on Friday. After that we will go to restaurant to eat."

"PBA game? Really, mommy? We will watch that game? Mom, wala naman ako alam sa pba o I mean sa basketball. Mabobored lang ako doon. Pwede bang doon na lang ako sa restaurant maghintay?" sabi ko kay Mommy habang nagpa-puppy eyes ako dito. Please, gumana ka.

"No, honey. Pumayag na kami sa friends namin ng daddy mo na manonood tayo ng game. Please, honey." Urgh! Mukhang nabaliktad ako ha.

"Okay, mom. Why we will watch that game ba? Sino ba nandoon?" naaasar na ako. nandoon ba si LeBron James o si Stephen Curry? 'Yan kasi yung madalas marinig ko sa mga classmates kong lalaki.

"Son of our friends. Gwapo nyon,anak." Kinikilig na sabi ni Mommy. Gosh!

"Mom, 'yan bang gwapong sinasabi mo kamukha ni TOP, ni taecyeon? Mom, kung hindi kamukha ng dalawa nyong sinasabi nyo, hindi siya gwapo." Sagot ko kay Mommy.

"Darling? Like your Mommy said gwapo ang anak ng kaibigan namin. Mas gwapo pa sa mga sinabi mo."

pagmamayabang ni Daddy. Wait, first time may pinuri si Daddy ha. Mukhang gwapo nga.

"Okay i will go. Tignan natin mom and dad kung gwapo nga siya."

Paghahamon ko kina Mommy.

"Okaaaay! Friday is our date with our friends. Tanya, get ready on Friday okay. 5pm palang aalis na tayo. Baka mahuli tayo eh." paalala ni Mommy.

"Okay,mom." sabi ko kay Mommy habang papunta na ako sa kwarto ko.

Nang maka-akyat ako. Binuksan ko ang aking laptop dahil ang cellphone ko hindi pa full battery.

So, I go to YouTube then I type 'Bang bang bang by Bigbang'

Nakahiga lang ako habang nagpa-play pa rin ang 'Bang bang bang ng Bigbang' napapasabay ako sa kanta. Lalo na sa part ni TOP.

Inaalala ko kung anong mangyayari sa Friday. May one day pa ako. Thursday palang bukas.

Pero ngayon, kailangan kong magreview may long quiz pala kami mamaya...

Kinabukasan (Thursday)

Nandito na ako sa school, naglalakad papuntang classroom. Palinga-linga ako baka makita ko si crush hihihi pero may girlfriend na siya. Hays!

Nakarating na ako lahat-lahat sa classroom hindi ko man lang nakita si crush. Kainis. Kamukha niya kasi si Wang Soo sa Scarlet heart eh.

Pagkapasok ko, nakita ko agad si Sunshine. My new bestfriend. Dapat ipakilala ko rin siya kay Jana.

Kinalabit ko si sunshine. Ngumiti siya sa akin. Tumabi ako sa kanya - Sa right side niya. Wala naman kasing naka-upo doon eh. Saka we're college so, no seating arrangement.

Sabay kami nagbabasa ng mga notes namin for long quiz later. Ayaw namin bumagsak.

Kahit kdrama is life ako kailangan ko pa ring i-maintain ang mga grades ko. No chill...

Apat na subject for today. 1 down 3 to go.

Kung tatanungin niyo kung anong nangyari sa long quiz ni prof sa marketing. Ito humihinga pa naman kami. Pamatay yung long quiz ni prof eh. Si sunshine ang nakakuha ng highest score. Ako, pasado lang Hehehe. Atleast pasado 'yon ang importante.

Katatapos lang ng breaktime namin. Ngayon, pabalik na kami ni sunshine sa classroom.

Nang maka-upo kami, nagsimula ulit siyang magbasa. Sinilip ko kung ano ang title ng book niya.

"Sunshine, binabasa mo niyan? Omg! Nakakakilig niyan! Wiiih!" masayang sabi ko sa kanya.

Ang binabasa lang naman kasi niya ang Lucid dream ni alyloony. Kinikilig kaya ako diyan.

"Ah, oo kakabasa ko lang nito."

"Omg! Nakakakilig niyan. Lahat ng kwento ni @alyloony , nakakilig. Basahin mo lahat." Sabi ko kay sunshine.

"Sige after nito, basahin ko iyong iba niyang story." pagkasabi niya bumalik ulit agad siya sa pagbabasa.

"Wait lang sunshine, basahin mo rin yung gawa ni TitserAna yung My Mischievous Guardian Angel. Nakakakilig din niyon, ongoing pa nga lang." singit ko.

May 30mins pa kami bago ang next subject namin. So, I got my earphones and put in my ear and watched again my love, my taecyeon. Hihihi!

Hindi pa umiinit ang kamay ko nang dumating si prof. Hays!

Turo dito. Turo doon. Habang kami nagsusulat ulit. Mahirap na baka may long quiz ulit.

Pagkatapos ng last subject namin kanina, umuwi agad ako. Feeling ko sobra akong na pagod.

Pagkarating ko sa bahay, humiga agad ako then the next thing I know nilamon na ako ng dilim.

* * *

"Honey, wake up! Mala-late kana sa school. Wake up,honey."

pupungay-pungay akong bumangon. Nakita ko si Mommy na nasa gilid ng bed ko.

"Honey,wake up. Mala-late kana sa school. Take a shower after that go down to kitchen. Kakain na tayo. Okay?" tumango na lang ako sa sinabi ni Mommy.

Kinuha ko ang towel ko then pumasok na sa cr. Nakita ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko pa rin ang uniform ko. Sa sobrang pagod siguro hindi na ako nakapagpalit.

After I took a shower and wore my uniform. Bumaba na ako. Kumulo na rin kasi ako tiyan ko. Hindi nga pala ako kumain kagabi. Awww kawawa yung alaga ko sa tiyan!

Nasa hagdan palang ako ng maamoy ko ang mabangon pagkain namin. Lalo akong na gutom.

Pagkarating ko sa dinning area, kumakain na sila Mommy. As usual, nagko-coffee si Daddy while holding newspaper.

Nagsisimula na akong kumain ng magsalita si Mommy "Honey, Later na yung lakad natin ha. Umuwi ka agad after ng school mo. Okay?"

"Yes,mom!" pinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkain ko.

Pumasok na ako ng school habang iniisip ko kung anong mangyayari mamaya.

Feeling ko may hinding magandang mangyayari mamaya sa reunion nila Mommy.

As usual, ganoon pa rin ang nangyari sa school. Natataranta na ang Prof at ssg sa school dahil sa foundation day. Kaya kaming mga estudyante, more assignments and projects.

Pero dahil Vice President ako ng Marketing, nag-meeting kami kanina. What will our concept in foundation day. So, ang nanalo kanina sa meeting ay magtatayo kami ng mga tent na ang ibebenta ay mga foods - na gawa namin. Pahirap sa buhay.

Kinakabahan na ako, ito na talaga...

Napatayo ako ngayon sa full length mirror. I wore my confy suit. Naka-short ako above my knee then sleeves shirt na pinatungan ko ng polo maong. Wala naman kasi sinabi sila Mommy na formal ang susuotin ko. Hehehe.

Nag-one look ulit ako sa mirror bago bumaba.

Pagkababa ko, naghihintay na sila Mommy sa akin. Si mommy naka-pants din then long sleeves na naka-tuck in and my daddy is wearing tokong pants and shirt. Feeling bagets sila mom and dad.

This is... otw na kami... I'm feeling nervous... alam kong may mangyayari.

-end of episode 3-

What will happen? Guess what? Hehehe...

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW. Thank you❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro