EPISODE 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Episode 5:

TANYA'S POV

Nagkatingin kaming dalawa...

Ngumiti ako sa kanya pero walang hiya hindi na naman niya ako pinansin. Ano baaaaaa!

Dire-diretso lang siya pumasok hindi man lang ako inasist. Jusko! Ayoko na! Ayoko na! Hindi na siya ang ideal man ko. Hmmmp! Binabawi ko na niyong mga compliment ko kanina sa kanya.

Pumasok na rin ako at umupo kung san siya naka-upo ngayon pero hindi ako tumabi sa kanya. Never.

Dumating na rin sila mommy at sila tita. Tumawag si daddy ng waiter para maka-order na kami ng food. Gutom na ako.

Habang hinihintay namin ang mga food na inorder namin na halos lahat seafood dahil seafood restaurant itong pinuntahan namin.

Nagkukwentuhan sila mommy tungkol kanina. Ito namang si yabang ngumiti lang sa mga compliment na natatanggap niya sa parents ko. Duh!

"Chris, my son, this is Tanya Marie Go, daughter of your tita Selena and your tito Arthur. And, Tanya, this is our son, Christopher Allan Ellis." pagpapakilala sa akin ni tita suzette.

Ngumiti ako sa kanya. Ngiti ng isang pilit.

Nagulat ako, for the first time nagsalita siya "Nice to meet you." pero hindi pa rin siya ngumingiti.

"Nice to meet you too." Sabi ko rin sa kanya. para hindi naman ako magmukhang masungit. Mabait kaya ako. Mahal ako nila taecyeon at GongYoo.

Nagkwentuhan ulit sila after ng pagpapakilala namin sa isa't isa. Pinapangako ko hindi na kami magkikita ng isang 'to.

Dumating na ang mga food. Wooh! Makakakain na rin ako!! Kanina pa talaga ako nagugutom. Kawawa naman mga alaga ko sa tiyan. Huhuhu!!

Kumakain na kami lahat-lahat, sila nagkukwentuhan pa rin. Pareho kaming dalawa na na-oop na. Mga matatanda talaga.

Kinalikot ko na lang ang cellphone ko. Titingin na lang ako ng magandang kdrama para pagtapos kona ang goblin at w may isusunod akong papanoorin. Hihihi. Kdrama is life.

Napabaling ang paningin ko sa gawi niya, nagse-cellphone din siya. Mukhang nabobored na rin siya. Hindi pa ba kami uuwi? Gusto ko na umuwi.

Mga ilang minuto, nagyayaan na rin sila umuwi. Praise the lord! Akala ko wala silang balak umuwi eh.

Bago kami umuwi, bumeso ako sa pisngi ni tita Suzette at kay tito robert. 'Yung isa naman hindi ko pinansin. Che!

Habang bumabyahe kami pauwi, at ang mga mata ko gusto na matulog pero ang mga magulang ko mukhang binebenta ako doon sa chris na niyon.

Paano naman kasi puro silang "Ang gwapo ni chris diba darling? "Bagay kayo honey. "Ang bait ni chris." What the? Hindi naman halata sa mga mukha nila na gusto nila niyong lalaking niyon. Sus...

Paulit-ulit ang mga sinasabi nila mommy at daddy at mukhang boto na boto sila doon sa chris na niyon. What ever!

Pagka-park ni Daddy, agad-agad akong bumaba at pumasok sa loob ng kwarto ko. Wala akong panahon para mag-ayos pa dahil inaantok na talaga ako. Gusto ko na talagang matulog.

* * *

Nagising ako dahil sa tunog ng tiyan ko. Nagugutom na ako! Anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko. What the! 1:35pm naaaaaaaa! Buong maghapon na akong tulog. Hindi man lang ako ginising ni Mommy!

Dali-dali akong pumunta sa cr para maghilamos, nakita ko ang sarili kong buhok na sobrang gulo at nyong damit ko kagabi na halatang hindi ako nakapagpalit dahil sa sobrang antok.

Maghihilamos lang sana ako pero nagbago na ang isip ko, maliligo na ako. kuskos dito. Kuskos doon. Ligo dito. Ligo doon. Hanggang matapos ako.

Nakapagbihis na ako.

Bumaba agad ako sa sala baka nandoon sila mommy at daddy pero wala akong nadatnan. Baka naman na sa garden, pero pagkarating ko sa garden wala rin sila. Nasaan sila?

*kruuuuu* Tumunog ulit ang aking tiyan, dumiretso na lang ako sa kusina. Nakasalubong ko ang isa sa mga kasambahay namin.

"Manang, sila mommy nasaan?" tanong ko sa kanya baka kasi alam niya kung nasaan ang mga magulang ko.

"Ms Tanya, umalis po ang parents niyo. Hindi po sinabi kung saan sila pupunta."

Umalis sila? Na hindi ako kasama? Sumagot nalang ako sa kanya na "Okay" wala din naman na ako magagawa eh.

May nakita akong pagkain sa hapagkainan, tocino at ham. At base sa pagkain kanina pang-umaga ito niluto. Hindi na rin kasi ito mainit.

Kumain na ako buti na lang bagong luto niyong kanin. Naubos ko lahat ang ulam - konti na lang din naman ito.

Dahil wala ang parents ko, manonood ako ng kdrama maghapon. Tatapusin ko na ang goblin at isusunod ang w.

Bago ako pumunta dito sa kwarto ko atsaka magkulong, kumuha muna ako ng junkfoods sa kusina at softdrinks para sa movie marathon este kdrama marathon ko hihihihi.

Ito naaaaa! Omg! GongYoo, nagkakasala na naman ako kay taecyeon. Bagay talaga sila ni Erin.

.
.
.
.

Isang episode na lang ako sa Goblin, matatapos ko na siya. Kinikilig ako sa story nila. Kay GongYoo at Erin tapos kay Grimreaper. May Grimreaper ba talaga? Sana lahat ng Grimreaper kasing gwapo nya. Kyaaah!

Natapos ko na ang Goblin, hindi ko alam kung iiyak ba ako o kikiligin. Bakit kasi namatay si erin? Why so daya?

Isusunod ko na sana ang W ng may marinig akong kotse. Kotse ni daddy.

Dali-dali akong bumaba, wala na akong pake kung namumula pa ang mga mata ko.

Pagkababa ko sa sala, nakita ko sila mommy at daddy. May dalang pasalubong. I'm 21 years old but I don't care Hehehe saka hindi naman halata sa face ko.

Humalik ako sa mga pisngi nila at kinuha ang pasalubong. Food is lifer ika nga nila hihihi.

Pupunta na sana ako sa kusina para buksan itong food na pasalubong nang biglang magsalita si Daddy

"Darling, may sasabihin kami ng mommy mo mamaya after natin kumain ng dinner."

"Okay daddy." mamaya ko nalang poproblemahin kung ano sasabihin ni daddy at ni mommy sa akin basta ako kakain muna.

.
.
.
.

Nasa dinning table na kami, kumakain ng dinner.

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Feeling ko, nasa game show ako, na life and death ang nakasalalay.

Hinihintay ko sila magsalita, sabi kasi nila kanina may sasabihin sila sa akin. Hanggang ngayon wala pa rin sila sinasabi.

Tumikhim si daddy. Ayan na! Magsasalita na siya.

Nagkatinginan sila ni mommy, "Darling, we have a good news for you." masayang sabi ni daddy sa akin.

Good news?

"What's that,dad? What's good news?"

"You want a house right? For your graduation gift?"tanong ni daddy.

"Yes daddy! I want! Gustong gusto ko!" masayang sabi ko. My dream house! My graduation gift. Wooooh!

"But, honey, your house will not be big like this, it's like be a condominium style will do muna." ngayon, si mommy na ang nagsalita.

Bahay tapos katulad daw ng condominium? Hala ang gulo?

"Mommy, anong house tapos condominium style?" Naguguluhang sabi ko kay Mommy. Nalito ako ng slight lang naman

"Oh honey, I mean, your house will be a condominium style. There's a two-storey house. Like what condominium style." natatawang sabi ni mommy.

Umoo na lang ako kahit nalilito pa ako. Basta alam ko may bahay na ako o condominium. Basta! Hihihi.

"It's okay mom. Condominium o house, it's okay for me." proudly said to them.

Condo-house here I come! Finally!!

"Pwede kana lumipat, kahit anong araw ngayon. This is the key. Malapit ang bahay mo sa school niyo, kaya hindi kana mala-late" sabi ni daddy sabay abot sa akin ng susi ng condo-house ko.

Gusto kong tumili ng tumili! Waaaaaah!

Natapos ang dinner namin, na hindi nawawala ang mga ngiti sa labi ko.

Puwede na ako lumipat doon. Wiiih!

Alam ko na, doon ako matutulog tuwing weekdays para hindi ako ma-late tas pag Friday uuwi ako sa amin. Ang saya saya ko!

Teka, hindi ba ako mapapahamak doon? Wala akong kasama sa bagong bahay ko? Baka naman, fully secured naman doon.

Pabayaan na nga, basta nasa akin na ang house ko!

.
.
.
.

- end of chapter 5 -

A/N:

Ayaaaaan, malapit na tayo sa climax HAHAHAHAHA magkikita na ulit silang dalawa😂🙈

VOTE. COMMENT. FOLLOW. SHARE.
Thank you,students❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro