FTK @ 03

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAGISING ako ng medyo nananakit ng ulo kaya dahan-dahan ko itong hinihilod habang naka higa parin.

Grabe naman kase 'yong panaginip ko napunta ba naman daw ako sa 2005, mygad kaloka.. Eh, hindi pa nga ako nun pinapanganak. Baka nga nasa tyan pa ko no'n ni mama, pero infairness napaka realistic. Grabe na talaga itong mga napapanaginipan ko-

"Gising kana pala."

T*ng*na.

Agad akong nakaupo saka nabaling ang tingin sa pinanggalingan ng pamilyar na boses.

Nanlaki ang aking mata pati na ang bibig ko dahil sa pagkabigla, napatakip pa ko ng bibig habang hindi maalis ang tingin sa kaniya.

"Anong nangyayari sayo? Para kang nakakita ng multo?" maypagtatakang tanong nito bago naglakad papalapit sa akin nang pigilan ko siya.

"Don't. You. Dare." may pagbabanta sa boses kong sabi saka tinapat pa ang kamay kong naka stop sign.

"A-no bang nangyayari sa'yo? 'Yong totoo.. Ikaw 'yong babaeng nababalita sa news na nawawala 'no?"

"Babaeng nawawala? Ako? Nawawala?"

"Oo, 'yong galing mental na tinakbuhan ang nag aalaga sa kaniya, magsabi kang totoo ikaw 'yon no?"

T'ng'na talaga!!

"Ikaw yata ang nababaliw eh," pananaray ko saka muling napahawak sa aking ulo.

"Antonio, ba't ka nakikipag away sa bisita? Hindi mo ba nakikitang kagigising lang niya?" suway sa siraulong nasa harap ko ng isang babaeng kapapasok lang sa kwarto.

"Hal, una sa lahat hindi siya bisita-"

"-Kaya ayos lang na gano'n mo siya tratuhin?"

Rinig kong alitan ng dalawa, hindi ko sila pinansin dahil pinananatili kong nakapikit ang aking mata upang hindi maramdaman ang hilo.

"H-hindi naman sa gano'n-"

"-huwag mo 'kong kausapin! Che!"

Naramdaman ko ang pag tunog ng higaan kaya dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at ito ay imulat.

"Huwag mo ng ipilit kung hindi mo kaya," aniya.

"ang sakit..." wala sa sariling sabi ko.

"Nang alin?"

Nang puso ko..

Alam kong nababakas sa muka ko ang pagod kahit wala naman akong ginawa.

"ITO oh, mag palit ka muna ate," sabi sa akin ng batang babae sabay abot ng damit na pamalit bago umalis. Hindi naman siya technically bata kase mukang nasa around teen age na siya at isa pa PAMILYAR ANG MUKHA NIYA!!

Ba't kaya niya ako tinawag na ate? 16 palang ako noh? Mukha ba kong matanda para sa edad ko?! Grabe na talaga!

Napailing-iling nalang ako dahil sa naisip kaya nagbihis nalang ako ng damit na binigay nung bata.

Pagkatapos magbihis ay umalis na ako sa higaan at pumuntang cr?

H-hindi... Pa-paano nangyari 'to?

Hindi ko alam kung paano at bakit ito nangyayari, pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhana.

Halos manginig ako dahil sa nakita ko, nanghihina ang mga tuhod ko na kahit gustohin ko man na humakbang at igalaw ang aking paa ay hindi ko magawa.

Napatakip ako ng bibig at kahit kumapit ako sa pader na nasa tabi ko ay hindi ko alam kung kakayanin pa ba ng katawan ko.

Unti-unting pumapatak ang mga luhang hindi ko alam kung saan nanggaling at kung bakit lumalabas. Para itong mga butil ng ulan na hindi matigil sa pag ragasa hanggang sa hindi ko na napigilan ang emosyon kong tuluyang nanghina.

"A-ate? Ate Ger! Ate Ger! Tulong!" nakita ko pa ang batang nang bigay sakin ng damit.

Siya at ang kinakabahang mukha niya ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.

Unti-unting akong nakarinig ng mga boses, habang tumatagal ay lumalakas din ito. Siguro ay dahil sa pagkabangga ko ay humina ang katawan ko kaya pakiramdam ko ngayon ay hindi ko kayang tumayo at gumalawng gaya ng dati.

Nang dinahan-dahan kong imulat ang aking mga mata ay akala ko boses nila mama ang maririnig ko. Akala ko ay nagising ako sa isang bangungot na nagbalik ng sakit ng nakaraan, lugar na hindi ko makakalimutan at mga taong mahalaga sa akin hanggang sa kasalukuyan ngunit hindi ko alam na ang nangyayari ngayon ay talagang totoo.

Inilibot ko ang aking paningin at buong kisame na natataw ng mata ay puro puti habang may kurtina naman na naka palibot sa akin na kulay berde. Narinig ko pa ang pag sara ng parang kurtina kaya naiwan akong mag isa rito.

Dahan-dahan akong tumayo habang tinatansya kung makakaya ko ba dahil ako lang naman mag isa ang naandito. Nang tuluyang makaupo ay maingat ko iginalaw ang aking katawan kaya napansin ko ang dextrose na naka tusok sa aking kamay.

Walang duda, nasa hospital ako.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, lalo na ng malaman ko ang lugar kung saan ako lumaki at ang itsura ng mga taong iyon, iba man ang kanilang itsura kaysa sa naabutan ko pero alam kong sila iyon. Nasa taong 2005 man ako pero hinding hindi ko makakalimutan ang mga mukha nila.

Araw-araw. Nasa ospital lang ako at walang dumadalaw sa akin-siyempre, wala naman talagang mag babalak. Walang nakakakilala sa akin. Para akong isang taong walang buhay. Isang taong nawawala sa isang panahon kung saan hindi pa ko umiiral sa mundo.

"Ma'am, gusto niyo bang maglakad-lakad sa labas?" sabi ng isang nars matapos makita ang walang pag-asang mukha ng kaniyang pasyente.

Pumayag ako. Wala rin akong magagawa kung hindi, dahil wala naman akong nalalaman sa lugar na ito.

Matapos ang mga ilang araw ng pagkulong ko sa sariling higaan sa hospital, na parang may mga harang na nagkukumbi sa akin para hindi makalabas, ngayon lang ako muling nakakita sa labas, ngayon nalang ulit nabahiran ng sikat ng araw ang aking balat sa matagal na pananatili doon.

Hindi ito katulad ng ibang ospital, maraming puno sa paligid at bulaklak na nagbibigay ng kapayapaan sa mga pasyente, ngunit ayos lang ito para makalanghap ng maayos ang kanilang mga pasyente.

Gusto ko na lamang tanggapin ang aking kapalaran ngunit alam at ramdam kong hindi ito magiging madali at hindi agad-agad na mangyayari.

"Nagustuhan mo ba ang panahon?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro