FTK @ 06

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NGAYON ang araw kung kailan ako pupuntahan ng psychiatrist na sinasabi ng doctor ko noong nakaraan.

Sa bawat oras ay pinupuntahan ako ng nurse para i-consult at minsan naman ay ang doctor. Hindi pa ulit ako nakalabas ng hospital simula ng ipasok ako rito sa solong kwarto.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas at maingat na pag bukas ng pintuan. Isang malugod na ngiti ang bumungad sa akin mula sa nurse na pumasok na may kasama na mukhang isang doctor dahil sa suot nitong coat pero tingin ko ay ito na ang psychiatrist na sinasabi ni Doctor Perez- ang doctor na naka-assign sa'kin.

"Hello, good afternoon!" may ngiting bati ng tingin ko'y doctor na kasama niya.

Sinenyasan nito ang nurse na lumabas at nag paalam pa ito sa akin bago lumabas, ibinalik ng mukhang doctor ang tingin sa akin.

"You must be.. Sarrie?" tanong nito na tango lang ang isinagot ko.

Umupo ito sa upuang malapit sa hospital bed ko at inayos ang postura.

"I've heard about you. Do you perhaps really can't remember anything?" tanong nito.

Masyadong straight forward ang tanong niya kaya tingin ko ay hindi ko mapag kakatiwalaang sabihin sa kaniya ang totoo.

Kahit siya ay Psychiatrist mukhang magkakaproblema kami sa daloy ng kaniyang magiging attitude pag dating sa akin.

"So, what if that's the case?" pabalang kong tanong pabalik.

"Ako ang psychiatrist na pinadala rito ng hospital namin para mapag tuonan ang iyong kundisyon lalo na raw ay may panobagong sakit silang natuklasan sayo," anito.

"Suspected- correction," pang tatama ko sa kaniya.

"Can't they call other doctor? I feel not comfortable talking with you, honestly." walang prenong sabi ko.

I know he understand, he should be. As a psychiatrist dapat naiintindihan niya kung hindi kumportable sa kaniya ang kaniyang pasyente.

"Is that really what you feel?" mahinahong tanong nito na tinanguan ko naman kaya siya ay napa buntong hininga na lamang.

"Alam mo, hindi kita masisisi sa nararamdaman mo, I may not look soft but I assure to give you a proper treatment," aniya ngunit hindi parin ako kumbinsido.

"If you can't give what your patient wants then I have no choice, not to tell you of what you want to know," pag mamatigas ko.

"Sorry to tell you but you also have no choice dahil hindi ka rin naman makaalala kaya hindi ka makakapag provide ng kahit ano ng walang pahintulot ko bilang psychiatrist mo," anito.

Napahinto ako nang susubukang sumagot, sa parte na iyon alam kong talo ako. I'm still a kid-a minor. Kahit bali-baliktarin ang mundo he still the superior here.

Nakakainis na buhay ito, mapupunta nalang sa ibang panahon bilang bata parin.

Napansin nito ang pag suko ko kaya ipinakilala muna niya ang kaniyang sarili bilang si Doctor Eugine Gomez- isang Psychiatrist.

Matapos ay nag tanong na siya ng isang katanungan, nag umpisa siya sa pinakamadali ngunit para sa akin ay hindi. Bawat pag sagot ko ay dapat tumutugma sa bawat isa at hindi iyon ganoon kadalung pag isipan. Pagkalipas ng ilang tanong ay sinabi niyang hanggang doon nalang daw muna at ipag papatuloy na lamang sa susunod na aming pag kikita.

Nakahinga ako ng maluwag pagka alis nito, pakiramdam ko ay hindi mag tatagal ay malalaman nito ang totoong kalagayan ko at alam kong kapag nangyari iyon ay hindi na ko makakalabas pa sa hospital na ito o baka nga ay ipalipat ako sa isang mental institution kapag nagkataon.

Hindi pwedeng buong buhay akong naandito sa ospital o kahit sa mental institution, wala naman akong sakit sa utak-mukha lang pero wala ako no'n.

Sa sumunod na mga araw ay malalim kong pinag iinisipan ang susunod na mga sasabihin ko sa doctor na iyon para hindi niya ako mahuli. Noong nasa tamang timeline pa ako ay na-encounter ko ang mga tungkol kung paano mahuhuli ang mga nag sisinungaling at sa ngayon ay kailangan ko lamang iyong maiwasang gawin.

Habang malalim na nag iisip ay nakarinig ako ng pagkatok mula sa labas kaya agad akong bumalik sa kama ko saka nagsalita dahil baka mamaya ay ang Psychiatrist ko na iyon.

"Pasensya na sa istorbo," isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sa pintuan.

Sinara nito ang pintuan bago naglakad papalapit sa higaan ko.

"Kamusta? Nabalitaan kong hindi ka daw pwede ngayon sa labas, dahil ba iyon sa nangyari no'ng lumabas tayo?" may pag aalalang tanong nito.

"Pasensya kana, sana hindi nalang ako nag aya ng gano'n," pag sisisi niya sa kaniyang sarili. "siya nga pala nag dala ako ng mga prutas, hindi ko kase alam ang mga gusto mo kaya 'yong mga madalas lang mabili itong mga dinala ko," aniya pa saka nilapag ang kaniyang dala sa lamesang nasa gilid ng hospital bed.

"Ano ka ba hindi naman big deal iyon, ayos lang naman ako."

"Ano maayos? edi sana hindi ka nakakulong dito sa kwarto mo," bumalik na siya sa pagiging mataray kaya paniguradong nakahinga na ito ng maluwag.

Nanatili pa ito pero kalaunan ay umalis narin dahil sa pagka pikon sa pang aasar ko sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro