Kabanata 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 1
Moving on

Four years later...

Cerynna's POV

"Sige pati 'yan kunin niyo na 'yan lahat at ilabas niyo dito sa mansion." Pagtukoy ko sa mga furniture ng mansion na ngayon ay bitbit ng aming mga katulong. May pag-aalangan pa rin sa kanilang kilos kaya inutusan ko sila ulit.

Matagal ko ng plano na ibenta itong mansion kung hindi lang ako laging pinipigilan ni Miss Eternity – our family's butler.

I saw one of our maid running towards me while holding a purple box. Binalewala ko na lamang siya at nag utos pa sa mga tauhan namin.

"Ano yang mga yan?" I ask out of curiosity. I saw Jally, ang baguhan kong maid hawak naman ang isang malaking pastel pink box. Malas niya hindi na siya magtatagal sa paninilbihan rito.

"Ma'am naiwan niyo po." She politely said at inabot sa akin iyon.

Lumapit ako para tingnan kung anong mga laman. I just rolled my eyes nang nakita ko na puno iyon ng bago at hindi pa nagagamit na mga leotards, different kind of tutu dresses, skirts as well as pointe and satin shoes na naipon ko mula sa hindi ko kilalang nagpapadala mula noong tumigil ako sa pagbaballet.

"Get rid of th-" Natigil ako sa sasabihin ko.

"Young lady may nagpapabigay daw po." Another maid interrupted me before I could say my words.

"Kanino galing?" Tanong ko at kinuha ang box na dala niya. Hingal na hingal siya dahil tumakbo siya papunta sa akin. As usual lagi akong nakakatanggap ng ganito. I do wonder kung kanino ito nanggagaling gayong matagal naman ng wala ang mga magulang ko.

Well baka sa mga fans ko. Or kina tita Ivy? But they never mentioned it tho.

"Hindi ko rin alam umalis kaagad eh." Kibit balikat niya.

I sighed nung nakita ko kung ano na naman ang laman. A purple tutu dress and a pair of pointe shoes.

"Tsk." I exclaimed sabay hagis noong purple box doon sa naunang malaking box na hawak ni Jally

"Get rid of that." Mahinahon kong sinabi.

"Sayang naman young lady." I rolled my eyes after hearing those words from her. Wala nga talagang alam itong isang to. Sinenyasan siya ng kasama niya na tumahimik nalang kaya hindi na niya natuloy pa ang dapat na sasabihin.

"Fine." Pagsuko ko pero bago iyon ay sinamaan ko muna siya ng tingin.
"Pakilagay sa iisang box lahat ng yan I'll just donate that." I added at nagpatuloy na sa pag-utos at paglibot sa mansion. Everything must be settled before I left here. Anytime soon ay dadating na ang bagong may-ari.

Mariin akong napapikit nang sumagi na naman ang tanong sa aking isipan kung sino nga ba ang nagpapadala ng mga bagay na iyon sa akin. Ilang taon na din sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung sino. Damn those people! Hindi ba sila updated or they're just stupid? Tsk.

"Cerynna Gabrielle!!!" Isang napakalakas na sigaw ang narinig ko at alam ko na kaagad kung sino iyon.

"What?" I calmly asked.

"Ano na namang pumasok sa isip mo at ibebenta mo ang mansion ng magulang mo?" Miss Eternity asked.
She's few years older than me and I treat her as my sister. Hindi na rin naman siya iba sa akin.

"What's the point of living in this luxurious house when I feel like I'm alone. It seems like this house is a hell disguised as a beautiful mansion." I bitterly said.

"Wake up Cerynna! Ito nalang ang natitirang alaala mo sa mga magulang mo!" She said trying to convince me.

"I don't care. Nasasaktan ako kapag nakikita ko ang bahay na ito dahil ito ang nagpapaalala sa akin na nag iisa ako! It feels like I'm abandoned inside a labyrinth."

"Cerynna andito ako pamilya mo ako. Maybe not in blood but here in my heart, you're my family. Always remember that, I'm always here for you. You are not alone." She looked at me with pity in her eyes.

"That's it Miss. You're my only family left. Tayo nalang dalawa at hindi natin kailangan ang napakalaki at marangyang bahay na ito. Kalungkutan lamang ang hatid nito sa akin."

She sighed. Senyales ng pagsuko niya.

"Kailan mo ba balak umalis dito?" She asked

"Mamaya dadating ang buyer ng bahay na ito. He already put the money in my bank account. Lilipat tayo sa resort na regalo sa akin nila mom. Kasalukuyan iyong minamanage ni Miss Irithel ang manager ng resort. I ask her a favor na siya muna ang magmamanage but she promise to step down once I'm ready to take over the position.

Hindi naman tayo lalayo masyado. Sa Gensan pa rin tayo. Malayo nga lang ng konti sa City. Away from toxic people." Makahulugan kong sabi.

Hiwalay sa asawa si Eternity. Kung ano man ang dahilan, yun ang hindi ko alam. I use that opportunity para pumayag siya sa desisyon ko. Di man niya sabihin I know gusto niyang umalis to refresh her environment.

"Huwag mo nga akong ini-echos akala ko naman basta-basta ka nalang aalis na walang plano." Si Eternity.

I rolled my eyes.

As if I'm the dumbest person she have ever met.

"What the hell? That's ridiculous A Cerynna Gabrielle Martin won't do such reckless decision." Pagdepensa ko sa sarili ko.

"You've been stupid these past few years." Bwelta niya.

Mabilis na lumipas ang oras at wala na lahat ng mga gamit sa mansion nasa labas na rin lahat ng gamit na dadalhin namin ni Miss Eternity kunti lamang ito dahil benenta ko ang iba.

"Ito po lahat ang aming resignation letter miss." Sabay abot sakin ni Erma.

Inabot ko ang makapal na file ng envelope.

"Salamat. Nasa bank account na ninyo ang sweldo at bonus. Thank you for your service." I simply said.

Sa mga nagdaang taon, walang kasambahay ang naging malapit sa akin dahil puro ako sigaw at mainit lagi ang ulo.

"Kuya malayo pa ba tayo?" Saktong pagkatanong ko sa driver ang siyang pagkahinto ng sasakyan sa isang resort.

"Nandito na po tayo ma'am."

Tinulungan kami ng mga bellboy sa pagbuhat mg mga gamit upang ilagay sa isang Cabana di kalayuan sa hotel. Malaki ang resort pero ayoko mag stay sa loob ng hotel. That will just somehow remind me of our mansion at hindi iyon makakatulong sa gusto kong magsimula at buuin muli ang sarili ko.
Pinili ko ang cabana house. Its an octagon shaped house. Malapit lang ito sa hotel at dalampasigan.

Dahil nakita kong abala na si Miss Eternity sa pag-aasikaso ng mga gamit na dala namin, Naisipan kong igala ang sarili ko sa labas at tingnan ang kabuuan ng resort. I can't help myself but admire every view that I've seen. Bukod sa hotel ay mayroon ring mga ancestral houses na pwedeng rentahan ng mga guest.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang cafeteria ng resort when Miss Irithel approached me.

She's in her mid 40's yet she still look young and beautiful. She's wearing a white turtleneck covered with a blazer and paired with fitted jeans and stilettos.

"Hija kailan ka dumating? Wala ka man lang pasabi sana ay nakapaghanda kami rito."

"Kanina lang po ayos lang po iyon wala rin sa plano ko ito." I answered

We just did a little chitchat bago nagpaalam sa isa't-isa.

"Alam kong pagod ka hija magpahinga ka muna para makapaghanda ka na. I'll introduce you later to the staff and employees."

"Sige po. I'll see you later."

Nagpaalam na ako sa kanya dahil 7:00 pm gaganapin ang meeting at doon na rin maghahapunan kasama ang mga staff ng resort.

Kasalukuyang ika-3 ng hapon.
Nadatnan kong abala pa rin si Miss Eternity sa pag-aayos ng mga gamit. Kaya naisipan kong tumulong.

This house is still a vintage but with a touch of modern. It's made of wood but the wall are all made of glass. White Curtains lang ang nakatakip at makikita mo na ang view sa labas. Mukhang pinarenovate ito ng may-ari bago binenta sa mga magulang ko.

The interior is simple but elegant. The ceiling has lights but still nangingibabaw ang wood. Looking at the ceiling, mararamdaman mong you're at peace.

First time kong makapunta dito. A week before mawala sina mom and dad they gave me this as an advance birthday gift. They let me know about it pero tanging sa pictures ko lang nakita to. I never thought na mas maganda pala ito sa personal.

Iginala ko ang tingin ko sa living room.
Napansin ko ang isang wooden table sa gitna napapalibutan ito ng maliliit na bato. Napalibutan ang buong lounge area ng kulay berdeng sofa. The theme is like a tropical glam.

Some corners have non-flowering plants. I saw two rooms facing each other. Binuksan ko ang kwarto na nasa right side at nakita ko ang mga gamit ko. I looked at my wrist watch. Maaga pa naman its still 4:00 in the afternoon.

Nakita ko ang box na puno ng gamit pang ballet naisipan kong ilagay na lamang sila sa pinakailalim na part ng closet since I won't use them. I started to hang my dresses in the closet. Inarrange ko lang ang mga kaonting gamit na dala ko.

Habol hininga akong humiga sa kama. May konti pang natitirang hindi ko nafofold at nalalagay sa closet.

"Well." Nasambit ko na lamang. May ibang araw pa naman. For now I'll take a shower para makapaghanda dahil kanina pa nag-aayos at nakapagbihis si Miss Eternity.

Matapos kong magshower ay naghanap ako ng dress. Pinili ko iyong white floral dress. I blow-dried my hair at mas piniling iwayway lamang ito. I also put a light make up, a red lipstick and black single strap heels para mag mukha akong mas mature.

We're now at the ground floor of the hotel. Pinaayos ang buffet table sa gitna ng lounge area kaya hindi na namin kailangan pang pumunta sa seaside or sa loob ng restaurant dito sa hotel. I'm sitting next to Miss Eternity. Rinig ko ang mga bulong-bulungan ng ibang staffs wondering who am I pinagkibit balikat ko nalang iyon.

"Good evening everyone." Miss Irithel greeted with a smile.

"Maybe some of you are wondering kung bakit ako nagpatawag ng meeting. I just want you to know na from now on, you will not see me in this resort anymore because the heiress is already here. Ang aking Enchanted Ballet Company ay lumalago as the year passed by kaya naisipan kong pagtuonan ito ng pansin."

Nung narinig kong binanggit niya ang Ballet, ang aking puso ay nabalot ng kaunting pag-asa ngunit agad rin itong nalukob ng kadiliman nang mapagtanto ko ang isang bagay. Ang katotohanan. Mapait na lamang akong ngumiti. Saka na lamang ako nakabalik sa huwisyo nang marinig kong tawagin ang aking pangalan.

"Allow me to introduce to you the heiress of this resort. Miss Cerynna Gabrielle Martin." Nasa akin ang buong atensyon lahat, naghihintay sa anumang sasabihin ko.

Taas noo akong tumayo at pinakilala ang aking sarili. Napuno ang gabing iyon ng diskusyon at kung ano-ano pang bagay na may kinalaman sa resort.

Photo not mine.

Credits to the rightful owner.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro