Kabanata 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 23
Sunrise

"Young lady, wake up!" Nagising ako sa ingay ni Eternity kanina niya pa ata ako ginigising. Kakaidlip ko pa nga lang ata eh mula nang matapos kaming magstargazing ni Alixis.

Antok na antok man ay pinilit ko pa ring bumangon dahil sa ingay ng boses niya.

"It's still 4:30 in the morning." Reklamo ko pagkatapos kong tingnan ang oras sa aking alarm clock. The time is earlier than I expected.

"Nasa labas na si Alixis. You need to practice." Halos hatakin na niya ako ngayon para lang mag-ayos.

"I'm still sleepy." Hahampasin kita mamaya Alixis sinasabi ko sayo.

"Hurry and wear this." Inabot niya sa akin ang isang itim na leotard at puting romantic tutu skirt and a pair of pointe shoes.

"Where did it came from?" Nalilito kong tanong. Sa pagkakaalala ko kasi ay wala akong bagong gamit bukod doon sa nasa dance room. Ang mga inabot niya sa akin ay may mga tag at nakapaper bag pa mula sa isang dance store.

"Nasaan ba kasi si Alixis? I'm still sleepy!" Dagdag ko

"Stop asking and just change." She sarcastically said dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Okay, okay just let me wash my face first." I rolled my eyes.

Kaagad akong lumabas pagkatapos kong magbihis.

Pinili kong itali nalang ang buhok ko at huwag na eh bun. The sea breeze is cold outside. Mahaba-habang lakaran rin mula dito papunta sa Driftwood. Pwede naman kasi dapat na sa studio na ako magbihis eh.

Third Person's POV

"Bilisan natin ang paglalakad ayokong maabutan ang pagsikat ng araw." Ani Cerynna.

Patuloy naman sa paglalakad si Leandro papunta sa seashore.

"Alixis hindi ito ang daan." Naguguluhan na sinabi ni Cerynna. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito.

"What's this? The ambiance is familiar." She asked nang mapansin ang papasikat na araw.

"15 years ago." Panimula ni Leandro

Cerynna gave her a confusing look.

"15 years ago when you decided to stop dancing because everyone is comparing you to Zennae in a dance performance. It was also 15 years ago when you dance at the sunrise and someone was amazed by your dance that made you continue dancing." He smiled as he recalled what happened 15 years ago.

Papaano nga ba naman niya makakalimutan ang araw na iyon? Iyon na ata ang pinakamagandang tanawin na nasaksihan niya nang siya ay bata pa.

Flashback

"Hi ayos ka lang? Ang sama naman ng tingin mo sa araw. Nakipagbreak ba ang crush mo sayo habang nagbubukang liwayway?" Tanong ng batang si Cerynna nang mapansin niya si Leandro na matalim na nakatitig sa araw. Mula noon ay iyan na ang panggamit na pang-aasar ni Leandro tuwing nakakasalamuha siya ng taong matalim na nakatitig sa araw. For he never forgotten the girl who set his world on fire like a beautiful sun setting its orange color in the sky.

"Uuwi na kasi kami ngayon. Gusto ko pa sanang manatili ng matagal dito. Kung hindi sana maganda ang sikat ng araw, tiyak na maipagpapaliban bukas ang uwi namin." Reklamo nito kay Cerynna saka binalikan ng tingin ang araw.

Nasa isang resort sila ngayon kaya ayaw pang umuwi ni Leandro. Palibhasa kasi ay hindi siya gaanong nakakalabas ng bahay.

"Teka nga hindi pa natin alam ang pangalan ng isa't isa. Cerynna nga pala." Pagpapakilala niya.

"Leandro. Leandro ang pangalan ko. Ikaw bakit parang katatapos mo lang umiyak?" He changed the topic.

"Pinagkukumpara kasi ako kay Zennae eh. Ang pangit ko daw sumayaw. Kaya ayoko na! Ayoko ng magballet!!!" Sigaw niya. Naka bell tutu pa siya ngayon at nakasuot ng satin shoes.

"Ballet?! Pwede ka bang sumayaw para sa akin?" His face brighten.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Cerynna pagkatapos sumayaw.

"Ang ganda. Ang ganda ng sayaw mo tagos sa puso."

"Weh? Binonola mo naman ata ako eh. Hahaha ano nga bang alam mo sa ballet?" Natatawang tanong niya.

"Totoo. Kapag pinagpatuloy mo iyan tiyak na magiging tanyag at magaling kang Ballerina!" Pagpupuri niya.

"Talaga ba?!" Her face brighten.

"Oo, kaya sana kapag nagkita tayong muli, you are still a dancer."

"Sige ba!" Cerynna agreed while smiling.

A simple compliment that made her strive hard and continue dancing.

End of flashback

"Familiar pero hindi ko na matandaan. Matagal na panahon na rin ang nakakalipas may nangyare ba talagang ganyan? Baka mamaya gawa-gawa mo lang eh." Bakas sa mata ni Leandro ang sakit nang bigkasin ni Cerynna ang mga katagang iyon.

Paano mo ako hindi magawang maalala habang ako hindi ka magawang kalimutan, Gabriela...? natanong niya nalang sa isipan niya.

"How did you know about that ako nga hindi ko matandaan?" She asked again na nakapagpabalik sa katinuan kay Leandro.

Ngayon ay hindi na niya alam kung ano ang isasagot.

"Did you do some research on my past?" She asked again. She look so suspicious and alert right now lalo pa at hindi niya gaanong matandaan ang nangyare 15 years ago.

"You're my Prima Ballerina. Sa tingin mo ba ay hindi ko alam kung kailan ka ipinanganak at kung paano ka lumaki?" He lied as if he's just stating an obvious answer.

"Tumakbo ka at umiyak papunta sa dalampasigan dahil sa narinig mo ang usap-usapan ng corps de ballet ng kompanya niyo. Iyan ang narinig ko."

Nag-isip pa rin si Cerynna pero wala talaga siyang maalala.

"Today, I'll watch you dance in the sunrise just like how you dance to your audience 15 years ago." Pag-iiba niya ng topiko.

"I can't make perfect turns." She tried to strengthen her voice trying to be strong eventhough she knows any moment from now she'll breakdown sa hindi malamang dahilan pagkatapos ng mga sinabi ni Leandro.

"That's expected. You stopped dancing for almost 5 years. But I can see how you've improve now. You had a broken ankle and stopped dancing for years and you can somehow dance now. That's a miracle." He smiled trying to encourage her.

"But---" Aangal pa sana siya pero pinutol na siya ni Leandro.

"Take it easy. Don't worry about balance and falling just dance like it's your first time." Umalis na siya sa gitna para bigyan ng espasyo si Cerynna upang malayang makasayaw sa buhangin.

Cerynnna's POV

Napabuntong hininga ako nang lumayo si Alixis. Pumwesto siya malapit sa cottage. He crossed his arms around his shoulders as he watch me and wait for my dance. Hinubad ko ang suot kong sandals at inilapag iyon sa buhangin.

Dahan dahan kong inilagay ang dalawa kong kamay sa aking harapan at nagsimulang sumayaw sa dahan-dahang pagpikit habang maingat na umiikot sa isang pamilyar na ritmo.

Habang nagbabalanse ay itinaas ko ang dalawa kong kamay upang makagawa ng arko sa ere.

Maingat ako sa bawat galaw ngunit nakatuon ang buo kong atensyon sa pagsasayaw.

Nakaapak sa buhangin ang isa kong paa habang ang isa naman ay nakataas sa ere. Sobrang gaan ng katawan ko ngayon buhat ng perpektong balanse.

Nagmistulang pagkwekwento ng karanasan ko ang aking sayaw. Kung paano ako nagsimula, nadapa, pinagtawanan at pilit na bumangon.

Dahan dahan kong sinimulang mag flying leap pagkatapos kong ma execute ang mga steps sa kamay.

Sinimulan kong gumawa ng leap na parang isang ibon; malaya sa mga balakid at panghuhusga ng mga taong nakapaligid.

Sumayaw ako na tila pinapakawalan ang aking sarili sa kalungkutan. Sumayaw ako na tila hawak ko ang oras at dahan-dahang pinapalaya ang sarili.

Sumayaw ako nang sumayaw hanggang sa naramdaman kong tuluyan na nga akong nakalaya.

Mula sa nakaraan. Nakaraang pilit akong pinipigilan na maging maligaya.

Napatulala ako ng ilang sandali sa aking napagtanto. Hindi ako makapaniwala. Labis-labis na kaligayahan ang aking nadarama ngunit wala ni isang tinig ang lumabas sa aking bibig. I burst out into tears instead. A tears of happiness. I always look forward that this day would come. Though I've lost hope before, I still can't deny the fact na umasa pa rin akong mangyayare itong araw na to. Nakakasayaw na ulit ako.

Dalawang bisig ang yumakap kaagad ng mahigpit sa akin. I know it's him. It's Alixis, the man I love. I couldn't help but to hug him back habang hindi pa rin magkamayaw sa pagtulo ang mga luha.

Sinulyapan ko ang bukang liwayway at tila kumislap ito sa aking mga mata.

Long time ago, I felt hatred towards the sunrise because it's a reminder that I have to survive and live another day without my parents yet this man hugging me changed my perspective and showed me the true meaning of sunrise; to strive harder to live and to begin a new day with something new and something beautiful.

https://www.youtube.com/watch?v=FlNzq1JH1Q0

Try to listen to this song while reading or after reading this chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro