Kabanata 35

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 35

Happiness Before The Pain




Papunta na ako ngayon sa dressing room. Katatapos lang mag picture taking ang buong troupe together with Alixis and some investors.

May mga fans din na nagpapicture sa akin kanina at ngayon lang ako nakaalis dahil sa dami nila. Some were giving me gifts.

"Where are you going?" Bungad ni Alixis sa akin pagkalabas ko ng backstage.

"Magpapalit na ng damit." I replied.

"Let's take a photo together first." Yaya niya

Ilang pose ang ginawa namin bago napagdesisyunang tumigil para pumasok sa dressing room.

We are about to walk nang mag flash ang isang camera at nagtuloy-tuloy na. Dahil Enchanted Night ngayon, open ang Enchanted sa Media. Ang alam ko nga ay live kami mamaya sa party.

"Mr. Alixis Villaruel."

"Mr. Villaruel!"

"Mr. Alixis."

Sunod-sunod ang pagtawag ng mga reporter sa pangalan ni Alixis. Hindi na kami ngayon makadaan dahil nagsisiksikan sila.

Mahigpit ang bantay para hindi sila makapasok dito sa pathway papuntang dressing room pero may iilang mga nakalusot pa rin.

Ayaw pa kaming padaanin ng mga iilan kaya wala na kaming nagawa kundi ang harapin sila.

"What can you say about the troupe's performance earlier?" Panimula ng isa.

"They did great." Alixis answered na parang sanay na.

"Miss Martin is your chosen Ballerina para sa lead role, what can you say about her performance?" Asked the other reporter.

A question which I wanna hear the answer too since I didn't see any happiness in his eyes at all.

"The troupe did great. It wouldn't be possible if the Prima Ballerina isn't talented enough." He smiled

Okay maybe he's just too overwhelmed by our performance that's why he couldn't find the right expression to express earlier.

Pero pwedeng umalis dito now na? Hindi naman ata ako kailangan eh. Nagmumukha akong props.

"Miss Martin you stopped dancing for years how did you get your body in shape and dance as if you never stopped dancing?"

"I admit there are times that I'm about to give up and stop because I'm losing hope but director Alixis is always there to motivate and help everytime so hindi ako masyadong nahirapan."

Wew that was mind blowing. If only they knew.

"Director Villaruel, We've heard that you and Cerynna are close, how did it affect you as her dance instructor? And for Miss Cerynna how did it affect you as Mr. Villaruel's prima ballerina?"

Now we're both dead.

"Ang trabaho ay trabaho." Makahulugan kong sinabi.

"Cerynna is professional enough to know the difference between work and friendship. Now, please excuse us. We need to change clothes for the party later." He politely said at iginaya ako paalis sa media.

Mabuti naman... Akala ko magigisa na kami doon habang buhay.

Narinig kong nagtitilian ang mga girls sa loob ng dressing room ngayon. Syempre, natapos ng maayos ang performance.

Palihim nalang din akong ngumiti. Sana maulit muli ang dati. Yung mga panahong kaibigan ang turing nila sa akin hindi tulad ngayon. Deretso akong pumasok sa dressing room at naupo sa harap ng vanity table I remove my head dress at tiningnan ang repleksyon sa salamin.

Sa ilang taon akong tumigil, lagi ko pa rin silang iniisip because ballet will always have a special place in my heart especially the troupe and the bond we've built. I admit nasaktan ako ng mapagtanto kong hindi na pala kaibigan ang turing nila sa akin. Ang hirap palang umasang may babalikan ka pa pagkatapos mong umalis.

Nagring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si tita Ivy.

"Hello, tita." Masigla kong bungad nang masagot ko ang tawag.

"Congrats hija. You did great earlier!" She giggled.

"Really? Thank you. You were here po?" I asked.

"Earlier. I'm sorry hindi na kami nag-abala pa ni Hesham na magpakita sayo dahil may appointment akong pinuntahan."

"I see." Sagot ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

"Let's meet some other day, hija. I have work to do. Tumawag lang talaga ako para batiin ka. Bye."

"Sure thing tita. Thanks." Sagot ko matapos kong ibaba ang tawag.

Kasalukuyan kong tinatanggal ang mga bobby pins sa aking buhok nang maramdaman kong may lumalapit sa akin.

"Cerynna..." Bianca, a ballerina who worked at our company before called my name dahilan para mapalingon ako.

I saw the corps the ballet standing behind me.

"You did great earlier." Masiglang bati niya na sinang-ayunan ng lahat.

"We are so sorry for the bad treatment we showed you these past few weeks." Sabi ni Annaliese pagkatapos naming magyakapan lahat. The only people who weren't with us now is Zennae and Dianessa.

"Forget about it." I chuckled

"Let's get ready for the party. Let's enjoy the rest of the night." I declared at nagtilian naman ang lahat bago nagsimulang bumalik sa vanity table nila.

Kakapasok lang ni Diannessa at Zennae. I guess they heard about what the corps said.

"Zen--" Agap ni Azami

Dianne rolled her eyes while Zennae walked out. Sinundan naman siya ni Dianne.

"Nako." Ericka said

"Let's don't mind her." Gabbi

"I know right." Courtney

"Both of them got an attitude problem." Bianca added and we all agreed and chuckled.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong saya. I finally feel that I belong. I mean Alixis is enough pero iba pa rin talaga kapag nakaramdam ka ng pagtanggap sa iba. Yung hindi mo na kailangan pang ipagsiksikan ang sarili mo.

I smiled brightly as I remove my make up. Kagaya ng dati, maingay na ulit kami. The awkwardness is gone.

Hindi ko na pinatawag pang muli ang aking stylist. I wanna do a simple look for tonight's party at kaya ko namang gawin iyon na ako lang.

I wore a skin care head band para hindi magulo ang buhok ko dahil nakalugay ito. Hinihintay ko lang matuyo ang mukha ko dahil katatapos ko lang aalisin ang make up ko gamit ang make up remover.

I put on a light make up. Naglagay ako ng kaunting eyeshadow at lipstick pati false lashes pero hindi na ganoon ka glam ang make up ko unlike sa performance kanina. I curled my hair sa ends para malugay ko siya. Allowed naman na kami because it's just a party to get along.

Abala na ang lahat kaya minabuti kong magpalit na ng damit kaagad para makalabas na at makababa na sa ground floor - the party's venue.

I wore the casual dress we bought earlier and I paired it with a white stilettos and a dainty silver bow earrings.

Unti-unti ng nagsisimula ang party nang makalabas ako ng dressing room kaya mas naging abala ang lahat nagpaalam ako sa kanilang mauuna akong bumaba nang mag text sa akin si Alixis na nasa labas siya at naghihintay.

We are now heading to the elevator para makababa sa ground floor.

"Okay lang kaya na magkasabay tayo?" I asked anxiously nang makapasok kami sa loob ng elevator.

"Ofcourse. We're both from the same floor." He confidently said.

"You look more beautiful today, love." He said at pwenesto ang kanang kamay niya sa tagiliran tsaka tumikhim at tumindig ng maayos.

Taka akong tiningnan siya.

"What?" I raised my eyebrows.

"Allow me to escort you." He smiled

I rolled my eyes saka sinunod ang gusto niya. Ayokong pati iyon ay pagtalunan pa namin.

Isang table pa lang ang mga may nag-uusap. I think they are all investors or artistic directors and they are as the same age as Alixis.

Napunta sa amin ang atensyon nila nang makababa kami.

"I'm a bit anxious." Pag-amin ko habang naglalakad kami papunta sa assigned table namin.

"Just smile. I got you." He answered.

I don't know if they are looking at me or at Alixis.

"Fuck. Damn it." I heard him cursed sa hindi ko malamang dahilan.

"Thank you. Sumama ka na muna sa kanila. Susunod nalang ako sa table natin." Sabi ko nang malakapit kami sa isang round table.

"No I'll stay with you sabay na tayong pumunta mamaya doon." He insisted

"May media Alixis ayokong maging laman ng usap-usapan." Pasimpleng pakikipag-usap ko sa kanya habang nakangiti pa rin sa mga taong nasa harap namin.

"They'll try to get near you. Damn it." He whispered at iginaya ako para makaupo sa upuan saka siya naupo.

"Hey. Sa ayaw at gusto mo doon pa rin naman ako dapat umupo sa table niyo. I'm the principal dancer here." Suway ko saka sinamaan siya ng tingin.

"Huwag lang silang magkamaling lumampas pa sa pakikipag-usap." He growled.

Nakataas pa rin ngayon ang kilay niya. I saw his eyes darkened when the guy in front of us stared at me na kaagad namang napaiwas ng tingin.

Sungit amp.

He cursed again nang nakita niyang tumayo ang isa at lumapit na sa kinaroonan namin ang kanina'y mga kalalakihang nag-uusap. Di nagtagal ay sumunod na rin ang iba.

"Long time no see, director Villaruel." Bati ng isang guy. He's the same age as Alixis. Matangkad, maputi at chinito.

"I know it's been a while, Nicholas." He smiled tsaka inabot ang kamay ng kausap.

Hinayaan ko silang mag-usap na dalawa. My phone vibrate and I saw Eternity texted me. Palagi kaming nagf-face time kapag wala siyang ginagawa sa resort sayang nga lang at hindi siya nakapunta dito ngayon. Fully booked kasi kaya abala siya sa mga gawain.

Eternity:
Are you done performing? I'm proud of you young lady. See you soonest.

Nagtipa lang ako mensahe saka nagpaalam na muna kay Eternity dahil kinakausap ako ng mga kasama ko sa table.

"Miss Martin. You did great earlier. I'm glad you started dancing again. I'm Allen by the way." Lahad ng kamay ng kaharap ko

"Thank you sir." I smiled at nakipagshake hands.

"Inaabangan na kita noon you're truly a talented dancer." Another guy said.

Nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha ngayon ni Alixis. His brows furrowed at seryoso na ito ngayong nakatingin sa kausap namin.

"Let's now go to our assigned table director Villaruel. We're all excited to have a conversation with our Giselle.

"Yeah" He smiled pero iba ang timpla ng mukha niya ngayon. Masyadong mapanganib. His angelic face is now screaming power.

I didn't know an angelic face could be this dangerous.

We talked a lot about ballet and how I manage to tone my body again while Alixis is silent the whole duration of time. Lima kami ngayon sa mesa napapagitnaan ako ni Alixis at Allen at ng dalawa pang kasama namin.

A man in his mid 30's approach me. Bahagyang napaawang ang labi ko ng mapagtantong isa siya sa mga investor ng ballet Company namin noon.

"Bonjour Miss Martin." Bati ni Mister Vergara nang mahalata ang gulat sa aking mukha.

"Bonjour sir how have you been?" I smiled as I shake his hands.

"Doing great. You look good. You get prettier as years passes by." Puri niya

"Good evening, Director Alixis." He smiled

Hinayaan kong mag-usap ang mga kasama ko sa table kanina at tumayo para batiin ang mga kadadating lang. I guess tuluyan na ring nawalan ng magagandang offer at investors ang kompanya namin. I feel sad. If only my parents were here.

"Hija!" Miss Irithel hugged me.

"You did great earlier. I'm lying if I say that your performance isn't my favorite of all performance I've ever seen!" She exclaimed.

"Thanks tita!"

"Gosh, hello Giselle." Another investor approached me I smiled and talk to each of them.

"Long time no see." A lady greeted me.

"Hello po. Good evening." Bati ko pabalik. Hindi ko siya namumukhaan pero mukhang investor rin siya sa kompanya namin noon.

Binati ko ang lahat at nagkaroon ng kaunting pag-uusap sa kanila. I couldn't stop from smiling. Ang akala ko kasi hindi na ako tuluyang makakabalik. Kung ito ay isang panaginip, ayoko ng magising...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro