Kabanata 41

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 41
Witness

Kagaya ng inaasahan, alinsunod sa mga nangyare nitong nakaraang linggo, naging mabilis ang mga pangyayare ngayon. It feels like the world turned upside down in a span of minute.

Two weeks had past yet si tita Ivy at ako pa rin ang laman ng headline ng mga news. The gun man she hired to kill me that day surrendered. Even Manong Royce surrendered too. I didn't convince the attorney who fake all the documents and plagiarized dad's signature but he offered to testify for me. Thinking all of it is so impossible.

After tita Ivy and tito Hesham were arrested because of planning to kill me, lumabas lahat ng mga krimeng ginawa nila.

The ballet industry is now talk of the town because of them. Ang alam ko, Leandro is now exposing himself as their son and not Alixis Villaruel. It affected his career so much because of his parent's doings. He received a lot of criticisms on social media.

As for me, I filed a leave on Enchanted para makadalo ako sa mga susunod na hearing.

"Ano bang nakain ng mga iyan at sila na mismo ang lumalapit sayo. Nako file a case already para magpatong-patong ang kaso ng mag-asawang iyan at hindi na makalabas." Talak ni Eternity isang hapon matapos naming makausap ang mga witness at mga taong nagpatunay na ang nangyare nga noon ay hindi aksidente.

"It's so impossible. I can't believe this... bakit sila pa ngayon ang lumalapit sa akin." Palaisipan sa akin ang lahat ng ito. Noong nakaraang linggo ay hindi ko alam kung saan at papaano magsisimulang ungkatin ang nangyare 5 years ago. I can't even order the court to reinvestigate gayong wala namang sapat na ebidensya at lead kung aksidente nga ba ang nangyare.

As much as I wanted to sue tita Ivy hindi lang sa planong pagpatay sakin kundi sa ginawa niya sa mga magulang ko, wala akong mahanap na paraan not until today but it's unbelievable. Iniisip kong may kinalaman dito si Leandro pero bakit niya naman gagawin yon? Wala na kami. At isa pa, he's a liar hindi niya nga masabi sabi sakin ang totoong pangalan niya, ang tulungan pa kaya ako. I'm sure he's now finding a way to help his mother.

Siguro pumapanig lang talaga sa akin ang tadhana ngayon kaya hindi ko ito sasayangin.

Katatapos lang ngayon ng Preliminary trial nina Tita Ivy at kahit na patong-patong ang mga kasong kahaharapin niya maging ang ebedensiyang nagsilabasan, she still plead not guilty.

The Preliminary trial happens before the actual trial. It's the trial where the accused will either plea guilty or not guilty. If the accuse will plea guilty, no trial will happen dahil doon na siya mismo sisintensyahan. However, if the accused plead not guilty, the judge will contemplate if, there's a reason to continue the case then trials will happen. If none, the case will be dismissed.

As for tita Ivy and tito, I have enough evedencies to prove them guilty. Ang akala siguro nila'y wala akong sapat na ebidensya kaya confident silang sabihin na hindi sila guilty dahil umaasa silang madidismiss ang patong- patong nilang kaso. They secretly put a surveillance camera para makunan ako ng photos and videos na binigay nila kay Zennae. Pinahiya nila ako in public, they copied dad's signature and fake all the documents, plotted the accident 5 years ago at hindi pa sila nakuntento, they hired a gunman to kill me.

By pleading guilty, they blindly dig their own grave. I smirked and smiled widely as I exit the courtroom. Game on.

Nang mga sumunod na mga araw, naging abala ako sa paghahanda para sa trial. I've set an appointment to talk and discuss everything with my prosecutor. Nagpa-schedule na rin ako ng press con para maliwanagan ang lahat.

I badly wanna visit Stardust the moment na nalaman kong ako talaga ang totoong tagapagmana noon pero pinigilan ko ang sarili ko. I will only create an issue. Gusto ko kapag binisita ko man iyon, iyong nabawi ko na at sa akin na ulit.

Looking at my reflection in the mirror, I put on a red lipstick. Slowly, I buttoned my black long sleeve and tucked it in my high waisted black pants. I paired it with a beige heels ang beige handbag. Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang aking buhok, pinili kong ilugay lamang iyon.

Minutes after we arrived at the courtroom, the trial officially started. They presented their evidence, we also did. As expected, they tried to make it look like I just want to get the Stardust that's why I'm making up stories. These stupid people kung yan ang balak ko, sana noon ko pa ginawa.

Hindi ba nag-iisip ang lawyer nila? Hindi man lang ba niya ginamit ang utak niya?

Nayanig ang buong courtroom at lumikha ng katahimikan nang tinawag ang isa pang witness para sa kaso.

Napangiwi ako sa reaksyon ng lahat. Bakit sila gulat na gulat? Nilingon ko ang unang witnessed and my jaw dropped. Leandro wearing a black poloshirt, a black slack and a messy hair entered the courtroom.

Nilingon ko si Ashton ang prosecutor na kinuha ko. Nginisihan niya lamang ako. Bakit wala siya sinabi sa aking ganito. Don't tell me nagsanib pwersa silang lahat para linlangin ako! Hindi maaaring mangyare ito. I need to win this case to give justice to the death if my parents.

"State your name for the record." The clerk demanded.

"My name is Alixis Villaruel."

Gulat na gulat ako sa mga sumunod na pangyayare. Ang akala ko ay witness siya nina tita Ivy. Turns out he's one of our witness. Deretso ang titig ko sa unahan pero hindi siya pinauunlakan sa pagtitig niya sa akin.

Hindi na ako nakinig kung ano pa man ang tinanong at sinagot niya. The fact na kumampi siya sa panig namin at naging witness occupied my mind. Why does he have to do that? I clenched my fist. Hindi ko kailangan ang tulong niya! Who knows baka nga pinapalala niya lang ang sitwasyon eh. He fooled me once, I will not let him fool me twice.

"The prosecution rests." Deklara ni Ashton.

"Would the defense like to cross-examine?" The judge then asked

"We will, your honor." The defender in his mid 20's said.

"Proceed."

Nervousness creeped within me. I don't know why pero may pakiramdam akong anytime soon babaliktad siya. I looked at him. Kanina pa siguro siya nakatitig sa akin tinitimbang ang nasa isip ko. Mabilis akong nag iwas ng tingin.

"Mababaliw na ata ako." Bulong ni Eternity sa tabi ko na hindi rin maproseso ang mga pangyayari kagaya ko.

The defender looked at my direction before Leandro.

"I would like to asked few things to Mr. Villaruel."

"You changed your name the same year the accident happened, right?"

"Yes"

"What's your real name?"

"Leandro..." He looked at me. Nag iwas uli ako ng tingin. Hindi ko kayang titigan ang sinungaling niyang pagmumukha.

"Vargaz." He added.

"What's your relationship with the accused again?"

"They're my parents."

"Base on what you said earlier, you heard everything from your parents, bakit hindi ka man lang nagsumbong? Why did you kept it a secret then, bakit ngayon mo lang ito isiniwalat?" The defender asked napatingin ako sa direksyon niya. Bakit parang nababasa niya ang utak ko?

"OBJECTION-"

"Objection overruled. Let the witness answer.

"Because Miss Martin survived..." halos mapatingin ang lahat sa direksyon ko. Hindi iyon nagpatinag sa akin. I remained poker face.

"Huli na ang lahat nang marinig ko. Tapos na ang aksidente. My parents are planning how to kill Miss Martin after that because they found out she survived." He added

Mariin akong napapikit. Wala na atang mas sasama pa kina tita Ivy. They are so greedy to the point na wala na silang pakealam kung may taong masasagasaan sa desisyon nila sa buhay.

"Anong kinalaman nun sa pagsabi ng totoo?"

"I begged them not to kill her in exchange of keeping my mouth shut."

Gulat na gulat ako sa mga narinig mula kay Leandro. Tinitigan ko siya. Siya naman ngayon ang nag iwas ng tingin.

"Miss Martin is your childhood friend right?"

"Yes."

"And now, your girlfriend... or should I say, ex girlfriend?" The defender smirk.

His jaw moved. Hindi kaagad siya nakasagot. "Yes..." marahan niyang sinabi while looking at me.

Malamig ko siyang tinitigan pabalik. May kaunting kirot sa puso ko nang banggitin ang salitang ex. If I'm not his girlfriend right now and we broke up, I am really his ex! Napatingin ako sa gawi ng defender. What the hell is wrong with him?!

It's been weeks since that happened. The defender almost break Leandro's credibility as a witness by trying to accused me of my greed to get the company and being Leandro's girlfriend, he tried to help me by fabricating stories about his parents. Hell! I am not as greedy as that old witch. Kahit na sa kanila na ang kompanya kung gustong-gusto talaga nila. I only want justice for my parents. Hindi ko alam kung paano namin naipanalo ang unang trial gayong nahanapan iyon ng loophole ng defense.

Two more trials happened after that. Ginisa namin sila sa second trial. We played a video Manong Royce have and some text messages from tita Ivy. We showed evidences they didn't expect. Ang akala nila ay malulusutan nila ito noong una. No way! I'd rather die first.

Hindi ko alam pero bawat ebidensyang pinapakita, halos pinipiga ang puso ko. Tinuring ko na silang parang totoong magulang at hindi ko matanggap na ito ang igaganti nila sa amin. Kung sa bagay, wala nga namang limitasyonang nagagawa ng mga taong uhaw sa pera. Hindi nakatulong na sa likod ko nakaupo si Leandro. Halata sa mukha at kilos ko ang uneasiness.

The defense almost knocked out. Their defender almost wasn't able to defend them. The testimonies were all synchronized na halos wala na silang maibabato at hindi nila mahanapan ng loophole. Sa tatlong trial na nagdaan, we won.

"Excuse me ma'am, wala raw pong inaasahang panauhin sina Misis Vargaz."

Ang boses ng pulis ang nagpabalik sa akin sa katinuan. It's been three days after the last trial happened and they're proven guilty sa patong-patong na kaso. I made sure na hindi na sila makakapagpiyansa pa.

"Pakisabi po anak nila."

Ilang minuto ang nakalipas, lumabas si tita Ivy. Tito Hesham refused to go out. I prepared myself for this day. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makausap man lang siya habang ginaganap ang trial.

"Why did you do this to us tita, kayo ni tito?" I tried to strengthen my voice. Nanunuyo ang lalamonan at nanikip ang dibdib nang simulan ko ang tanong ko.

Umiwas siya ng tingin. I don't care if she'll answer or not. I just want her to hear from me.

"You guys are our family friend. I believe in you so much to the point that I trusted you. Bakit niyo nagawa sa amin ito?"

"Nakuha mo na lahat nang mawala ang mga magulang ko, why did you have to kill me. Hindi pa ba sapat ang ginawa niyo five years ago?!" My tears pooled.

"It hurts so much pero sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin matanggap to the point that I want to fabricate explanations just to justify your actions. I treated you just like my own mother."

Marami akong naging tanong sa kanya but as what I've expected, wala akong ni isang nakuhang sagot.

"Ni minsan ba tinuring niyo man lang akong anak?!"

"Did you treated us a friend, o kahit sina mom nalang?"

"Did you ever cared for me?"

"My parents are so kind that they're willing to help you. Kayo itong naghukay ng sarili niyong libingan. Marami pang mahahalagang bagay bukod sa pera tita! Iyon ang pagmamahal ng pamilya. I feel sad for you kasi hindi niyo man lang iyon naranasan."

May posas ang dalawang kamay, her wrinkles showed. Her under eyes looks dark. Ang kanyang buhok ay gulo-gulo, halatang hindi nasuklay her lips are chopped and dry. She looks so stress pero sa aking palagay, hinding- hindi niya kailanman pagsisisihan ang kasalanang nagawa. She may be stress but the satisfaction in her eyes is very evident. Kaya nagulat ako sa mga sumunod niyang ginawa.

She tried to hold my hand. "I am so sorry, hija." She sobs.

Mabilis kong iniwas ang kamay ko sa kanya. Gaya ng sinabi ko, sobrang napalapit ang loob ko sa kanya na alam ko kapag peke o totoo ang sinasabi niya. Wala sa ekspresyon niya ang lungkot at pagsisisi.

"Kung maibabalik ng sorry niyo ang buhay ng magulang ko, hindi na dapat nagkaroon ng trial pa. Rot in jail Mr. and Mrs. Vargaz." Kinuha ko ang bag ko at tumayo na para umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro