Kabanata 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 6
Help me

Third Person's POV

Tahimik na pumasok si Cerynna sa loob ng isang Mausoleum. She was in the middle of talking to her parents when Leandro decided na sumunod sa kanya sa loob.

"Ma, wala na akong alam. Litong-lito na ako. Para bang bawat galaw at kilos ko may nakabantay." He was about to enter pero natigilan siya at piniling huwag ng pumasok sa loob at makinig na lang.

"Dad, bakit huli na natin napagtatanto na ang isang ala-ala kasama ang taong mahal natin ay huling beses na pagkatapos nitong lumipas?"

Every word she's saying is like an arrow and he's the bullseye target. Guilt and conscience is swallowing him right now. Hindi na niya maatim ang naririnig kaya pinili niya nalang na bumalik at sa loob ng kotse niya maghintay.

Ilang oras siyang naghintay at inaliw ang sarili sa paglalaro ng Mobile Legends. Nalowbat siya kaya pumwesto nalang siya sa manobela ng SUV at pumikit para umidlip.

Cerynna Gabrielle's POV
Dumating ang hapon na hindi ko namalayan na nakatulog ako kakaiyak kanina. Tumayo na ako at pinagpagan at inayos ang sarili bago nagpaalam sa aking mga magulang.

Naglagay ako ng kaunting make up. Nang makita kong maayos na ang aking reflection galing sa salamin ng face powder ay saka ako naglakad papalabas. Maga pa din ang mata ko kakaiyak but I don't care.

Nakita ko kaagad ang kotse ni Alixis sa labas. Kinatok ko ang pinto para malaman kung nasa loob ba siya. Maya-maya pa'y bumaba na siya. Halatang kakagising niya lang din. Tiningnan ko ang wristwatch ko. It's already 3 o'clock in the afternoon 8:00 AM kami dumating dito. Pero wala siyang ginawa at hinintay lang ako sa loob ng sasakyan niya.

"I'm sorry nakatulog ako. Kanina ka pa?" A baritone voice asked.

"Hindi naman. Actually, kakalabas ko lang."

"Good." He answered sabay pinagbuksan ako ng pinto.

"Si Cerynna Gabrielle Martin ba yan?" Tanong ng mga babaeng nagkukumpulan di kalayuan sakin. Hindi ko sila tinitigan pa kaya hindi ko sila namumukhaan at wala akong balak na alamin kung sino sila.

"Ahh oo balita ko tumigil na yan sa pagbaballet." Sagot noong isa

"Hello? Matagal na kaya! Ngayon ko nga lang ata yan nakita lumabas at nandito eh."

"I know right. Ang kompanya nila pinabayaan na niya. Halatang napilitan lang na sumayaw para sa mga magulang."

"Yeah right. After mamatay ng parents niya inanunsyo niya kaagad ang pagtigil. What a shame!"

"Hayaan na natin mas magaling naman si Zennae eh."

"Naging Principal Dancer lang yan noon kasi sila ang may ari ng Stardust. She's useless and talentless."

"True. Mas maraming magagaling sa kanya."

"Shhs don't listen to them." Sabi niya habang iginagaya ako papasok sa loob ng sasakyan at pilit tinatakpan ang aking tenga.

Nilingon ko silang lahat at binigyan ng malamig na tingin. Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto at kaagad na umikot para makapasok sa driver's seat. Sinirado niya kaagad lahat ng bintana kaya wala na akong narinig pa.

"I'm sorry about that...." He said trying to comfort me.

"No, dont be. I don't care about what they're saying anyway. Their opinion of me doesn't define who I am." I coldly said pretending not to care. Pretending that what I've heard earlier didn't bother me. That it's fine. But even if how many times I lie, I know I can't fool myself... Nasakyan ako sa narinig ko. Bakit ang dali-dali para sa iba ang manghusga kahit na hindi nila alam ang buong kwento?

"Liar." He grinned

Hindi ko nalang siya pinansin. My head is too pre-occupied about what I've heard. How ironic na kung sino pa ang walang alam at hindi nakakakilala sayo, sila pa ang mas maraming nasasabing masama tungkol sayo.

I stared at the tinted window of his car trying to distract myself by looking at the view ng mga nadadaanan namin.

"Hindi naman mahirap sabihin ang, nasasaktan ako, kinakabahan ako, o kaya ay masaya ako... I'll listen." He seriously said.

Tumikhim ako at pilit na pinigilan ang nagbabadyang luha.

"Huwag na muna tayong umuwi. I want to drink." Sagot ko na siyang dahilan kung bakit huminto ang sasakyan niya pabalik na sana kami ngayon sa resort.

"Sagot kita." He winked at me.

"Tsk." Kinuha ko kaagad ang cellphone ko sa loob ng bag para makapagtipa ng mensahe kay Miss Eternity.

To: Miss Eternity

"Do not wait for me for dinner. I'll go home late." Pagkasend ko ay binalik ko na ang phone sa aking hand bag at hindi na hinintay ang reply niya.

Bumalik kami sa daan namin kanina at huminto siya sa isang sikat na bar meron ang city. It's weird how they know him here dahil ngayon lang naman ata ito umuwi ulit dito sa Pilipinas or maybe he's just well known and famous. The crews call him by his first name. Sabagay, sino ba namang hindi makakakilala sa kanya.

Sa couch kaming dalawa pumwesto dahil wala naman kaming balak sunayaw.

We immediately ordered whiskey and a couple of cocktails. Hindi ko na siya hinintay na hawakan ang inomin niya. I immediately sip on the first glass.

"Too thirsty huh?" Panunuya niya.

Hindi ko nalang ulit siya pinansin at sunod-sunod na ininom ang mga cocktails.

Nakaubos ako ng limang cocktails nang makaramdam ako ng pag-ikot ng paligid ko. Pero si Alixis ay mukhang mataas ang alcohol tolerance kompara sa akin.

Ang ingay na namin ngayon at kung ano-ano na ang pinag-usapan hanggang sa umabot ito sa ballet.
Sobrang umiikot na ang paligid ko.

***
Third Person's POV

"Alam mo ba? Ha? Those bitches we've encountered a while ago are stupid." Wala sa sariling sabi ni Cerynna dala siguro ng kanyang kalasingan. Pabagsak at padabog niya na kung ilapag sa mesa ang baso ng inomin.

Leandro looked at her with full of concern and felt an unexplainable ache when he saw her eyes that is full of sadness.

"You know what? Why don't you dance again?" Pangungumbinsi niya nang makabawi. Tinatantya pa rin ang kilos ng kausap.

Isang mapait na ngiti ang iginawad niya bago siya nagsalita.

"Ha! Hahahahah!" Tawa niya at uminom ulit. Napayuko siya when he saw the sadness in her eyes once more.

"Hahahahahahahaha HAHAHAHAHAHAHA hahahaha." Tawa niya halo-halong emosyon iyon. Una ay tawang tawa siya pangalawa ay tawang nasasaktan at tawang umiiyak.

"Kung ganun lang sana kadali iyon Alixis! Kung ganun lang sana ay hindi na sana ako tumigil." Sagot niya at akmang tatayo na pero natigilan siya sa mga narinig niya.

"Pero pwede ba naming malaman kung sino ang gusto mong maging Prima Ballerina?"

"Cerynna Gabrielle Martin."

"That's a great idea."

"Yes it is."

"It's undeniable na maganda ang kanyang idea pero alam ninyong lahat na matagal nang tumigil sa pagsasayaw si Miss Martin."

"Yes she's currently managing her resort."

"She stopped dancing when she was seventeen it's almost 5 years since she stopped as of now mahirap na ibalik ang dati niyang katawan."

"I agree with Mister Vergara. Mahirap nga namang ibalik ang katawan ni Cerynna and besides, our main concern here is the investors we can't take risk lalo kung ang pinag-uusapan ay ang Enchanted Night."

"You can't take risk? Pero plano niyong ulitin ang Nutcracker kung wala kayong mahanap na bagong artistic director?"

"No! Matagal na siyang umalis. We want Zennae as our Prima Ballerina."

"Matagal ng hindi nagsasayaw si Cerynna mas magaling na ako sa kanya."

"A true ballerina won't degrade and underestimate her co-ballerina despite of her achievements. Your a group at wala kayong tiwala sa isa't- isa?!"

Nasaktan siya ng sobra sa narinig. She may be drunk but she's still conscious.

"See? No one believes in me now." She bitterly said at inagaw ang whiskey na hawak ni Leandro

"You focus too much on negative words that you missed the positive ones... Besides, I'm here."

"That's why I'm here in front of you because I believe in you." He added.

"Kahit may naniniwala sa akin wala na rin iyong kwenta. Hindi na nga siguro ako muling makakasayaw pa." She said trying to stop her tears from falling.

Leandro looked at her with full of confusion. Hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin ni Cerynna na hindi na siya makakasayaw pa.

"Where are you going?" Tanong niya ng tumayo bigla ang kausap.

"Umuwi na tayo." Muntik na siyang ma out balance.

Leandro grabbed her waist at inalalayan siyang maglakad.

Mabilis siyang nagbayad ng bill at inalalayang makaupo sa front seat ng sasakyan si Cerynna na ngayon ay hilong-hilo na.

Hindi pa sila gaanong nakakalayo sa City. Binilisan niya ang pagmamaneho. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya ang kasamang wala na sa huwisyo.

They arrived at the resort exactly nine in the evening. Sa kabila ng damit na punong-puno ng suka, he still tried to bring her at the Cabana.

Cerynna is so wasted. Mabuti nalang at nadatnan niya sa veranda si Eternity.

"Shit. I'm sorry." He cursed.

"Anong nangyare?" Eternity asked

"Nag-inuman kami kanina, nasobrahan ata."

"Please pakilinisan siya and change her clothes." Leandro said facing Eternity matapos nilang alalayan na makapasok sa kanyang silid ang unconscious na si Cerynna.

Sinunod naman siya neto. Kumuha siya ng sleep wear ni Cerynna. At tinanggal ang mga suka na nadikit sa dress niya. She tied her hair at kinumutan siya bago lumabas sa kwarto pagkatapos niya itong linisan. Cerynna is still unconscious.

Nagulat siya nang madatnan niyang nasa sala pa rin si Leandro.

"Sorry sir Alixis pwede bang pakibantayan muna siya? I need to call a housekeeper. Kailangang malabhan itong dress niya. It have a sentimental value. Pag nalaman niyang ganito ang nangyare, she'll freak out."

"Gabi na. I don't want her to feel uncomfortable when she found out na iniwan mo siya rito with me. Let me do that instead."

"Are you sure?" Paninigurado ni Eternity. She's confuse pero hindi niya nalang pinahalata ito. Si Alixis Villaruel maglalaba ng damit?

That's surprising!

"I'll return it to her tomorrow." He said na parang sanay at normal lang sa kanya ang maglaba ng damit.

"Hindi na ako tatanggi, Sir but you may call a housekeeper on my behalf." Pagsuko ni Eternity dahil wala naman atang planong bumawi ng sinabi ang kaharap.

"Drop the formality, just call me Alixis." Puna niya.

"Okay, Alixis. Pano dalhin ko muna sa kitchen itong planggana." Dagdag niya. Tanging tango lang ang sinagot sa kanya ni Leandro bilang pagsang-ayon.

Muli siyang pumasok sa kwarto ni Cerynna. Ilang minuto siyang napatitig sa maamong mukha nito.

Naging malamig man ang pakikitungo mo sa ibang tao, wala pa ring nagbago. You're still the sweet girl I used to know and... love.

Ngumiti siya at hindi na niya isinatinig ang mga katagang nasa utak niya. Inayos niya ang kumot at akmang tatalikod na.

"D--dont lea--ve me..." Cerynna murmured

"H-help me... gusto kong sumayaw ulit." Sambit niya habang pilit na inaabot ang kamay ni Leandro.

He reached for her hand and hold it tight. He kissed her forehead at tuluyang lumabas na.

"Goodnight." He whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro