CHAPTER 10:

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Now Playing: Shut Up and Dance with Me by Walk the Moon

Habang nasa elevator si Gianna at ang secretary ni Ezekiel ay nagpakilala sya dito.

  "Hi! Im Gianna."

  "I know."

Komento naman nito. Teka? Bakit parang may pitik?

  "We're here."

Lumabas na sila ng elevator. Sumusunod pa din sya dito.

  "Didiretso ba tayo sa HR manager?"

  "Malamang, diba iyon ang sinabi ni Sir Ezekiel."

Bakit parang masama ang timpla nito? Baka nahawa sa amo? Sabi ng isip nya. Narating na din nila ang opisina ng HR Manager. Kumatok na ito sa pintuan at pumasok, sinenyasan din sya nito na pumasok kaya naman ay sinunod nya ito.

  "Good Morning Ms. Mercado! Im Ms. Vicky Acosta"

Bati sa kanya ng HR Manager.

  "Good Morning din po. Ms. Vicky"

Ganting bati nya din dito. Lumabas na ang secretary ni Ezekiel, kaya naman naiwan na silang dalawa sa loob ng opisina. Pinaupo naman sya ng manager.

  "I assumed that Mr. Fontalejo had interviewed you already."

  "Yes ma'am. He already had."

  "Okay, he told me that, I should discuss your position here, your salary and the regulations of this company. So shall we start?"

  "Sure ma'am"

------------------------

  "So this is gonna be your office Ms. Mercado, bale dalawa kayo dito, naka sick leave lang ngayon si Carmi."

Sabi sa kanya ni Ms. Vicky.

  "Ganoon po ba, sayang naman po. Sana makapasok na sya."

  "Dont worry, papasok na din sya sa susunod na araw, so hindi ka na mag isa dito. So I'll go ahead, I still have works to do. I already explained what will you do, okay?"

  "Yes mam."

  "Okay, I'll leave you then."

Lumabas na ito at naiwan na syang mag isa sa opisina nya.

  "Hmm. Kailangan nang kumilos."

Sabi nya sa sarili at nagsimula na nyang gawin ang mga dapat gawin.

--------------------------

Hindi na namalayan ni Gianna ang oras. Kahit unang araw pa lang nya ay madami na syang ginagawa. Tingnan nya ang bakanteng lamesa na katabi nya.
Kailan kaya papasok ang sinasabi ni Ma'am Vicky na kashare nya ng opisina?

Nagulat sya dahil may kumatok sa pintuan.

  "Pasok."

  "Hey, Gianna!"

Si Ms. Vicky pala.

  "Ma'am, okay naman po."

  "Its already 5:30pm? Di ka pa ba uuwi?"

  "Ah, pauwi na rin po Ma'am. Naglilipit na lang po."

  "Ah, okay. So paano, mauuna na ako ha?"

  "Sige po mam. Ingat po kayo."

Ngumiti ito sa kanya at lumabas na ng kwarto. Inayos nya na ang mga ginaw nya, pagkatapos ay ang sarili naman nya ang inayos nya. Papalabas na sana sya ng kwarto nang biglang nag ring ang telepono. Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras? Wala syang magawa kundi sagutin ito.

  "Hello! Good day! HR Department of Fontalejo Inc."

  "Hey! Go to my office right now!"

  "May I know who's this Sir?"

  "I said go upstairs. NOW!"

Bigla nyang inalis ang telepono sa tenga nya dahil sa huling sinabi nito.

  "HAH! BWISIT NA YON! ANG LAKAS NG LOOB NA SIGAWAN KO!"

Kahit di ito magpakilala sa kanya ay kilalang kilala nya ang boses na iyon. Ang tanging tao na gustong gusto nyang halikan ay este pitikin ang bibig dahil wagas makapanigaw.

  "Halikan?! Hah! Magpapahalik na lang ako kay Empoy!"

Naaasar nyang sabi sa sarili. Be careful on wishing cos you just might get it. Sabi ng isip nya.

  "Hay! Ewan!"

Pagkalabas nya ng kwartong pinagtatrabahuan nya ay halos bilang na lang ang mga taong nasa mga cubicle ng department nila. Pinindot nya na ang button ng elevator at agad naman itong bumukas, pumasok ba sya at pinindot ang 31st floor button. Wala pang ilang minuto ay nasa 31st floor na sya. Bumukas na ang elevator at nagulat sya dahil pagkabukas nito ay nasa harap nya ang lalaking naka sabay nya kaninang umaga sa elevator. Ngumiti ito sa kanya at napangiti na din sya dito. Waaaah!!! Ang cute ng smile nya! Pwede bang dito na lang ako sa elevator. Nawala ang pag iilusyon nya dahil biglang nag ring ang phone nya. Tiningnan nya kung sino ang tumawag. Unknown number lang. Sinagot nya ito.

  "Hell--"

  "Where the hell are you?!!"

  "Nasa hell na!!"

Pinindot nya na ang end button. Pagkatingin nya sa lalaki ay nakaharang ang kamay nito sa pagitan ng elevator.

  "Miss are you going to Ezekiel's office?"

Sabi nito sa kanya. Waaah!! Ang cute din ng boses nyaaaa!! Wahihi! Pwede bang iuwi kita?

  "Ah-er. Yes"

  "You better go inside now cos he's already freaking out. And I think any minute now he will turn into kraken."

  "Hehe! Okay."

Sabi nya sa lalaki. Lumabas na sya ng elevator at pumasok naman ang lalaki. Hanggang tenga ang ngiti nya kahit sarado na ang elevator. Hay! Sino kaya sya? Sayang di ko man lang naitanong kung anong pangalan nya at kung anong department sya. Wahihi!

  "Pero kailangan ko pa din harapin ang damuhong iyon."

Napansin nyang wala na ng tao ang secretary table. Siguro ay umuwi na ang secretary nito. Kaya naman inayos nya ang sarili bago kumatok sa pinto. Inhale, exhale! Naku Gianna! Di ka dapat nagpapaapekto sa mga ganoong klase ng lalaki. At kumatok na nga sya. Kahit di pa ito sumasagot ay pumasok na sya. Walang tao sa desk. Asan na ang dahumo?

  "Sir Ezekiel?"

Walang sumagot.

  "Sir? Sir? Nandito na po ako. Mr. Ezekiel Fontalejo? Yuhuu?"

Pero wala pa ding sumasagot. Nilibot nya ng tingin ang opisina nito.

  "Ang laki naman. Parang presidential suit sa isang hotel, daig pa nga ata eh."

May napansin syang dalawang pinto. Baka isa sa mga pintong ito nasa loob ang dahumong iyon. Una nyang binuksan ang pinto na malapit sa may bintana, ngunit walang tao. Stock room pala ito. Baka dito sa kabila. Hinawakan nya ang doorknob at pinihit. Ay bukas din. Pagkabukas nya ay di nya inaasahan ang nakita.

  "AY KABAYO!!"


A/N: Hala!!! Ano iyong pintong nabuksan ni Gianna? Hahaha! Ayan kasi! Masyadong pakialamera! Wahahaha! Malalaman sa susunod na kabanata ang mangyayari at kung ano iyong nakita ni Gianna! Hahaha! My goodness! Pati ako natatawa at kinikilig habang dinadraft ito. Nag eenjoy akong magdraft. ;)

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro