CHAPTER 15:

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

  "Uy, teka."

Nanlaki ang mata nya sa sobrang gulat at kumabog ng malakas ang puso nya na ngayon nya lang naramdaman. Nakadagan sya dito kaya naman ramdam nya ang init ng temperatura nito dahil sa sakit. Pinipilit nyang kumawala sa pakakayakap nito ngunit ayaw sya nitong bitawan.

  "Uy, Ezekiel. Pakawalan mo na ako, inumin mo na tong gamot Sige na naman."

Lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya kaya naman inialis nya ang mga braso nito sa katawan nya.

  "Sige na Ezekiel, tulungan mo naman ang sarili mo, sabi ka nang sabi ng masakit pero ayaw mo namang inumin tong gamot mo."

Sabi nya dito. Pinilit nitong idilat ang mga mata at saka marahang bumangon. Inalalayan naman nya ito. Inabot nya dito ang gamot at tubig, ininom naman ito ni Ezekiel. Hiniga nya ulit ito.

  "Can you please turn off the aircon."

Mahinang sabi nito sa kanya. Sinunod naman nya ito. Umupo sya sa lamesang nasa tapat ng sofa at saka tinitigan ang lalaki. Kung siguro ganito ka palagi, yung wala yang kasungitan at rudeness mo, maiinlove ako sayo ng bongga. Nakita nyang may luha ito sa pisngi kaya naman pinunasan nya ito gamit ang kamay nya. Nang dumampi ang kamay nya sa pisngi nito parang nakuryente sya. Hala! Ano iyon? Bakit para akong nakuryente? Kumabog ng malakas ang puso nya. Natigil sya sa pag iilusyon ng may tumunog at mukhang nanggagaling ang tunog sa loob ng coat nito. Kinapa nya ang coat nito at dahan dahan nyang kinuha ang cellphone nito. May tumatawag pala.

*Incoming call from Mom*

Nakalagay sa screen ng phone.

  "Patay! Sasagutin ko ba ito?"

Nagdadalawang isip sya kung sasagutin ito hindi. Huminga muna sya ng malalim at saka swinipe ang ang screen.

  "Hello?"

  "Hello? Who's this? Bakit babae ang sumagot sa phone ni Kiel? Where's my son? Oh my gosh! Are you his girlfriend?"

Sunod sunod na tanong ng babae sa kabilang linya, na mommy ni Ezekiel.

  "Ah, Im sorry ma'am. This is Mr. Ezekiel's secretary. Uhm, ako po ang sumagot ng phone nya dahil may sakit po ang anak nyo."

  "What happen to my son? Is he okay? Where are you?"

Nag aalalang tanong nito sa kanya.

  "Ma'am nagkalagnat po si Sir Ezekiel, at sumumpong po ang migraine nya. Nandito po kami sa office nya."

  "Oh my poor son, Im not in the country right now iha, do me a favor please. Take care of my son please. You seems a good woman, call Lucas to drive the both of you to our house. Don't leave his side please."

Sabi nito sa kanya. Napakamot na lang sya sa ulo.

  "Okay po Mrs Fontalejo."

  "I need to go iha. Please take care of my son."

  "Yes, Mrs. Fontalejo."

  "Thank you iha."

At pinutol na nito ang linya. Napatingin naman sya kay Ezekiel na natutulig pa din. Malalim ang pinapakawalan nitong hininga. Sinalat nya ang noo nito. Ang init mo pa din. Agad nyang hinanap ang number ni Lucas para tawagan ito. Nag-ring naman agad ang cellphone nito.

  "Hello Kiel? Napatawag ka?"

Sabi ni Lucas sa kabilang linya.

  "Hello Sir Lucas, si Gianna po ito."

  "Oh Gianna? Bakit ikaw ang may hawak sa phone ni Kiel? What happen to him?"

Sa tono ng pananalita nito ay mukhang nag aalala ito.

  "Eh si Sir Ezekiel po kasi. Nilalagnat at sinumpong ng migraine. Tumawag na po ang mama nya kaso out-of-town daw po sya ngayon."

  "Ah, oo nga nasa ibang bansa sila tito at tita. Nasa opisina pa ba kayo ngayon?"

  "Yes Sir."

  "M-my head still h-h-hurts a lot. M-mom?"

Napalingon sya sa kinahihigaan ni Ezekiel dahil narinig nya itong nagsalita.

  "Sir Lucas dahil na po natin si Sir Ezekiel sa ospital, mukhang di nya na po kaya ang sakit ng ulo nya."

  "Okay pupunta na ako. Intayin nyo lang ako dyan.".

Binaba na nito ang linya. Napabuntong hininga na lang sya. Naaawa na sya dito. Hay! Di mo aakalaing mukha kang anghel kapag ganito ang kalagayan mo. Wag ka na kasi magsungit, siguro gwapo ka kapag nakangiti ka palagi, pero I admit na mas gwapo ka tingnan kapag nagsusungit ka. Di nya napigilan ang sarili na haplusin ng daliri nya ang mukha nito.

  "Mas makinis pa ata ang mukha mo sa mukha ko."
Hay! Ano bang ginagawa mo Gianna Rose Mercado! Get a grip!

Napatingin sya sa labi ni Ezekiel. Nakalipstick ka ba? Bakit ang pula nyang labi mo? Parang tinutukso syang halikan ito. Pinilig nya ang ulo. Ano bang nangyayari sa akin?!!

Nagulat sya nang biglang may narinig syang pumasok.

  "Kiel? Gianna?"

Boses ni Lucas ang tumatawag. Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa sahig.

  "Sir Lucas!"

Agad pumunta ito sa sofa na kung saan nakahiga si Ezekiel.

  "Oh jeez! He looks terrible."

Sinalat nito ang noo ni Ezekiel.

  "His temperature is too hot. We have to take him to the hospital."

Binuhat agad nito si Ezekiel habang nakaalalay naman sya.

  "Hey dude, its me Lucas, help yourself, we will take you to the hospital."

  "M-m-mom."

Sabi ni Ezekiel. Nagkatinginan na lang si Lucas at Gianna. Nang makita sila ng isang personnel ay agad silang tinulungan hanggang sa makarating sila sa kotse ni Lucas. Ipinasok ni Lucas si Ezekiel sa backseat ng sasakyan nito. Sumakay naman na sila pareho sa harap.

  "Ano bang nangyari sa kanya?"

Tanong ni Lucas kay Gianna.

  "Eh, sa totoo lang di ko alam. Kaninang umaga matamlay na sya tsaka parang may iba sa mga mata nya. Parang may sakit sya, tinanong ko sya kung okay lang sya, sabi naman nya okay lang daw sya. Tapos kaninang uuwi na ako pumasok ako sa opisina nya para magpaalam, nagulat ako dahil bumagsak na sya at sobrang init na nya. Tapos sobrang sakit daw ng ulo nya. Pinainom ko na sya ng gamot para sa migraine na nakita ko sa medicine kit nya sa banyo pero mukhang di umepekto eh."

Paliwanag nya kay Lucas.

  "Ang tigas kasi ng ulo ng lalaking iyan, sinabihan na sya ng doktor na uminom agad gamot kapag sumumpong ang migraine nya, pero eto na naman, nangyari na naman ulit. Puro trabaho di man lang nya iniisip ang kalusugan nya. How he could be so selfish."

Sabi ni Lucas sa kanya. Bakas sa tono ng pananalita nito ang sobrang pag aalala.

  "So it means nangyari na ito dati?"

Tanong nya dito.

  "Oo, kaya nga pinag aasawa na sya nila tita."

Tumingin ito sa kanya. Teka? Bakit ka nakatingin sa akin. Umiwas na sya ng tingin dito.

  "Ano namang connect ng pag aasawa sa migraine nya?"

  "It means kailangan nya nang may nag aalaga sa kanya."

  "Di naman sya matanda ah."

Natawa na lang si Lucas sa sinabi nya. Loko to! Pasalamat ka di kita kayang sigaw sigawan katulad ng nagagawa ko sa pinsan mong may sakit.

  "Wag ka mag alala di kita ipagpipilitan sa pinsan ko."

Tiningnan nya ito ng masama at natawa na lang ito. Dumating na sila sa ospital na dati nyang pinagtatrabahuan. Lumabas na sila ng kotse. Nagulat sila pareho dahil may narinig silang nagsalita.

  "I-it hurts. Make it stop p-p-please."

  "Wait for me here, I'll call someone para matulungan ka."

Sabi nya kay Lucas at sumang ayon naman ito. Pumasok na sya ng ospital at lumapit sa reception area. Swerte naman dahil kaibigan nya ang nandoon.

  "Leslie. I need a nurse and a stretcher please."

Sabi nya agad dito pagkalapit nya.

  "Hey Gian! Oh? Napasugod ka ata dito? What happen?"

  "My boss, his migraine has reached its peak. At kinokombulsyon na sya. Paki dalian please."

  "Okay, just calm down."

Wala pang ilang minuto ay may dumating na ding nurse. Pinuntahan nila ang kinaroroonan ng kotse ni Lucas. Agad nilang isinakay sa stretcher si Ezekiel na nanginginig na.

  "Hey dude, nasa ospital na tayo."

Sabi ni Lucas dito. Pagkapasok sa ospital ay agad itong dinaluhan ng doktor.

  "Ms. Mercado."

Sabi sa kanya ng kilalang doktor.

  "Dr. Castro."

  "What happen to him?"

Tanong sa kanya ng doktor.

  "Inatake po sya ng migraine at sinabayan ng lagnat."

Sabi nya dito. Tinanggal ng mga nurse ang coat nito at kinabitan ng dextrose. Di nya mapigalan ang sarili na mataranta.

  "Ms. Mercado calm down. Di ka naman ganito dati diba? Is he your boyfriend?"

Tanong ng doktor. Nagulat sya sa tanong nito.

  "No doc, he's my boss.

  "Okay then. Uhm, Mr.--"

  "Lucas Fontalejo doc, Im his cousin"

Sabi ni Lucas dito.

  "Okay Mr. Lucas, can you please accompany Ms. Gianna outside the room, so I can make a random test to your cousin."

  "Yes doc."

Lumabas na sila ni Lucas sa kwarto.

  "Hey are you okay? Bakit ka ba natataranta?"

Sabi nito sa kanya. Bakit nga ba ako natatanranta? Di nya masagot ang tanong ng lalaki sa kanya.

  "Magiging okay din si Ezekiel."

Sabi nito sa kanya. Ngumiti lang sya dito. Ngayon nya lang naramdaman ang ganitong pakiramdam, ang mag alala ng sobra. Wag mong sabihing? No Gianna! Its impossible! Lumabas na ang doktor sa kwarto.

  "Doc, how's my cousin?"

Tanong agad ni Lucas dito.

  "The migraine caused the high fever, it reached its painful peak. We inject some medicine to lessen the pain."

  "Doc bakit parang di umepekto yung ipainom kong gamot sa kanya?"

Tanong ni Gianna sa doktor.

  "Kinailangan ng mas mataas na dosage ng gamot kumpara sa normal na dosage. Nagtrigger na ng high fever ang migraine nya."

Paliwanag ng doktor.

  "Okay doc."

  "You can both see him now. Babalik na lang ulit ang nurse para bigyan ulit sya ng gamot. Excuse me now."

  "Thank you Dr. Castro."

Sabi ni Gianna dito, ngumiti naman ang doktor. Pumasok na silang dalawa ni Lucas sa kwarto. Biglang tumunog ang cellphone nya at sinagot ang tawag.

  "Hello?"

  "Hello Gianna? Where are you? Are you already home?"

Kuya pala nya ang tumawag.

  "No kuya, Im in the hospital."

  "Hospital? Why? What happen to you?"

  "No kuya, its not me, its my boss. He has high fever and migraine at the same time."

  "Oh? Bakit ikaw ang kasama nya? Asan ang pamilya nya?"

  "Nasa ibang bansa ang mga magulang nya. Ako muna ang magbabantay sa kanya. Kasama ko ang isang pinsan nya."

  "Bakit mo pa sya kailangan bantayan?"

  "Wag ka mag alala kuya, okay lang ako dito. Nandito kami ngayon sa ospital na dati kong pinagtatrabahuan."

  "Okay, just be careful. Mga Fontalejo iyang kasama mo."

  "Okay kuya, tatawagan na lang kita o itetext kapag uuwi na ako."

Umatake na naman ang pagiging protective ng kuya nya.

  "Strikto ang kuya mo no?"

Tanong ni Lucas sa kanya.

  "Ah, oo. Sobra."

Tiningnan nya si Ezekiel. Mukhang payapa na ang tulog nito, mukhang nawala na ang sakit ng ulo nito. Sinalat nya ang noo nito, sobrang init pa din nito.

  "Gianna, lalabas lang ako, bibili lang ako ng pagkain natin."

Paalam ni Lucas sa kanya at lumabas na ito ng kwarto.

Umupo sya sa sofa na nandoon at sumandal. Wala pang ilang minuto ay dumating na si Lucas at may dalang pagkain.

  "Hey, kumain na muna tayo."

Ibinigay nito ang pagkain sa kanya. At saka naman nya naramdaman ang gutom. Kumain na sya, pati din si Lucas. Nang natapos sila ay biglang tumunog ang cellphone ni Lucas.

  "I'll just answer this."

Lumabas ito ng kwarto. Pagkaraan naman ay pumasok na ito.

  "Sinabi mo na ba sa mga pinsan mo ang nangyari kay Ezekiel?"

Sabi ni Gianna dito.

  "Ah oo, tinext ko na sila kanina, and katatawag lang nila ngayon. Di ka ba uuwi?"

  "Ah, hindi muna, nagpaalam naman ako sa kuya ko."

  "Okay, magpahinga ka na muna dyan."

  "Sige, gisingin mo ako kapag dumating ang mga kapatid at pinsan mo, nakakahiya kapag naabutan nila akong natutulog."

  "What's the problem with that?"

Natatawang sabi ni Lucas sa kanya.

  "Nakakahiyang maabutan nila akong nakabulagta dito."

  "Sige na. Baka mamaya mapagalitan pa ako ni Ezekiel, at sabihing pinapabayaan kita."

  "ewan ko sayo."

Pinikit nya ang mga mata at tuluyan na syang ginupo ng antok.

-------------------------------

Naalimpungatan si Gianna dahil pakiramdam nya ay mayroong mga matang nakatitig sa kanya. Dinilat nya nang dahan dahan ang mga mata, at nabigla sya sa nakita. Halos napapalibutan sya ng mga lalaki. Ng mga gwapong lalaki! Anong meron? May pictorial ba ang Gucci Men? Tinalukbong nya sa mukha ang coat na nakakumot sa kanya. Teka? Kaninong coat to? Sininghot nya ito at tandang tanda nya kung kaninong amoy iyon. Grabe! Nakakaadik talaga ang amoy nito.

  "We know that you're already awake Gianna."

Boses ni Eric ang narinig nyang nagasalita.

  "Busy pa ata sya sa kaka amoy sa coat ni kuya Kiel."

Doon nya inalis ang coat mula sa pagkakatakip sa mukha nya.

  "Hoy! Hindi no."

Tiningnan naman sya ng mga ito. Ang weirdo naman ng mga lalaking to.

  "Hindi kami weird, we're just sayin' what we observed."

Sabi ng isang lalaki na sa pagkakatanda nya ay kapatid ito ni Ezekie. Si Liam.

  "Do you read minds?"

Sabi nya dito, sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat na lang ito.

  "Yung coat ko na lang ang singhot-singhotin mo Gianna."

Sabi ni Nathan sa kanya at kinindatan sya. Kinilabutan sya sa dito. Gwapo ito pero nasobrahan sa yabang.

  "Guys, tama na yan. Wag nyo nang pagtripan si Gianna. Baka magising si Kuya Kiel."

Sabi ni Eric sa mga ito.

  "Oo nga, at baka batuhin tayo ng ballpen kagaya ng ginawa nya kay Nathan."

Segunda naman ng isa pang kapatid ni Ezekiel na si Yuan. Nagtawanan naman ang mga ito. Nagulat sya dahil napaungol si Ezekiel. Agad naman nyang nilapitan ito.

  "Ezekiel okay ka lang?"

Sabi nya dito at sinalat nya ang noo upang tingnan kung may lagnat pa din ito. Maiinit pa din ito.

  "What happen?"

Nagsilapitan ang mga lalaki kay Ezekiel.

  "Ang ingay nyo kasi masyado. Pwede ba. Kita nyo na ngang may sakit itong pinsan nyo, respeto naman."

Nanahimik ang mga ito sa sinabi nya.

  "Sorry."

Hinging-patawad ni Yuan. Tiningnan nya ang relo nya. Alas sais na?

  "Umaga o gabi?"

Tanong nya sa sarili.

  "Ng umaga."

Sabi ni Eric sa kanya. Hala! Nakatulog pala ako ng bongga. Teka? Sabi ko kay Lucas gisingin ako.

  "Nasaan nga pala si Lucas?"

Tanong nya sa mga ito.

  "May inasikaso lang."

Sabi ni Nathan sa kanya.

  "lalabas muna ako, kakausapin ko lang ang doktor ni Ezekiel."

Paalam nya sa mga ito.

  "Samahan na kita."

Alok ni Eric.

  "No, okay lang Eric. Kaya ko naman, besides kilala ko ang mga nurses at doktor dito. Dati kasi akong nagtatrabaho dito."

  "Eh diba psychometrician ka? You supposedly you're in company right?"

Tanong ni Nathan sa kanya.

  "Yeah, but I preffer to work here, until that guy..."

Di nya itinuloy ang sasabihin, sa halip ay tiningnan nya si Ezekiel.

  "Oh nevermind."

Sabi nya at lumabas na ng kwarto. Pumunta agad sya sa nurse station.

  "Uy girl! Yung kwarto na inocuppied nyo ang daming gwapo! Ipakilala mo naman kami sa kanila!"

Biro sa kanya ng dating katrabaho.

  "Ewan ko sa inyo, dami nyong alam ah. Asan si Dr. Castro."

  "Nasa office nya, uy babae! Boylet mo ba yung sinugod nyo kahapon? Ang gwapo daw ha! Sabi ni Dr. Castro."

Biro ulit nito sa kanya. Natawa na lang sya.

  "Boylet ka dyan! Boss ko iyon! Ay bahala ka dyan! Pupuntahan ko na si Doc."

Pumunta na sya sa office ni Dr. Castro. Kumatok na sya at may narinig syang boses mula sa loob ng opisina.

  "Come in."

Pumasok naman sya. Agad syang binati ng doktor.

  "Oh, Good Morning Ms. Mercado, what brought you here? Did something happened to your boss?"

Tanong nito sa kanya.

  "Ah, wala naman doc. Uhm, kumusta naman po sya? Bakit maiinit pa din sya."

  "He's already stable, wala na syang migraine, pero nagpaiwan pa din ang lagnat, he really needs rest, a lot of rest. So i suggest that he will still stay here until the fever is completely gone."

Payo nito sa kanya.

  "Okay doc."

Nagulat sya dahil biglang tumunog ang phone nya, si Eric tumatawag, sinagot naman nya ito.

  "Hello Eric, what happen? Bakit ka tumawag?"

  "Gianna, nagising si kuya Kiel, pumunta ka na dito, mukhang may hinahanap."

  "Okay sige, pupunta na ako."

  "What is it Gianna?"

Tanong ni Dr. Castro sa kanya.

  "Nagising na daw po si Ezekiel."

  "Ah, halika na, pupuntahan ko na rin sya para mapainom na sya ng gamot."

Lumabas na sila ni Dr. Castro para pumunta na sa kwarto ni Ezekiel. Pagpasok nya doon ay nakita nyang gising nga si Ezekiel pero mukhang di pa din maganda ang lagay nito. Tumabi sya sa kama nito. Napatingin ito sa kanya.

  "W-what happened? W-why I-i-im here?"

Tanong nito sa kanya.

  "Nagkamigraine ka dahil sa sobrang pagod tapos nag trigger ng high fever yung migraine mo, thats why we brought you here."

Hindi naman na ito nagsalita.

  "Himala si kuya Kiel di umalma?"

Biro ni Yuan dito. Tiningnan nya ng masama si Yuan.

  "What? Did I say something wrong?"

Tanong nito.

  "Wag mong lolokohin ang kuya mo ngayon."

  "oookay."

  "Mr. Fontalejo, here's your medicine, inumin nyo ang nga ito pagkatapos nyong kumain."

  "Kailan pa ako lalabas dito?"

Tanong ni Ezekiel sa doktor.

  "Until you are completely okay Mr. Fontalejo. So I recommend you to rest. Gianna, I will leave the medicine here, ipainom mo ito sa kanya pagkatapos nya kumain."

  "Okay doc."

Lumabas na ang doktor. Kinuha nya na ang pagkain sa table.

  "Oh, narinig mo ang sinabi ng doktor na kailangan mong kumain para mainom mo itong gamot mo."

Sabi nya dito, ayaw nya sana itong subuan pero wala syang choice kundi pakainin ito, secretary pa rin naman sya nito. Akala nya ay aalma ito nang subuan nya ito ngunit kinain naman nito ang pagkain.
Himala? Di man lang ako kinontra?

  "Himala kuya di ka kumukontra sa pagpapakain sayo ng secretary mo? First time to ah! Guguho na ba ang mundo?"

Asar ni Yuan kay Ezekiel, sa halip sumgot ay tinitigan ito ng lalaki ng masama. Halata pa din sa mata nito na may sakit pa din ito.

  "Bakit walang lasa ang pagkain?"

Sabi ni Ezekiel sa kanya. Tinikman naman nya ang pagkain nito.

  "May lasa naman ah, wala ka lang talagang panlasa dahil may sakit ka. Tiisin mo lang, wag kang maarte."

  "Oh my goodness! Indirect kiss!"

Sigaw ni Nathan.

  "Nathan!"

Sigaw ni Ezekiel at binato ng tissue na nasa tray.

  "Ouch! Fvck."

Napaigik si Ezekiel at hinilot ang sentido nito. Nahampas nya ng wala sa oras si Nathan sa braso dahil nasa gilid nya lang ito.

  "Ouch. That hurts."

  "Kailangan ba talang ipagsigawa? Nakita mong nada ospital tayo di ba?"

  "Kuya Nathan, tama naman si Gianna, kanina ka pa eh, ang ingay mo."

  "Okay, sorry."

Hinging-paumanhin nito. Anong sabi nya kanina? Indirect kiss? Abnormal talaga. Napatingin sya sa kutsara na gamit ni Ezekiel.

  "Ayoko na."

  "Ha?"

  "Ayoko na kumain."

  "Pero kailangan mong ubusin to dahil may iinumin kang gamot."

Sabi nya dito.

  "Ayoko na talaga, nahihilo na naman ako."

  "Okay, sige. Oh inumin mo na to."

Inabot nya dito ang gamot at ininom naman agad nito. Pagkatapos ay humiga ulit ito. Nagulat sya dahil hawak pala nito ang kamay nya. Bigla naman syang di makahinga ng maayos. Hala! Anong nangyayari sa akin?

  "Gianna, di ka pa ba uuwi? Kagabi ka pa dito di ba? Para makapagpalit ka ng damit."

Sabi ni Eric sa kanya. Napatingin sya sa sarili. May amoy na din ba ako? Hay! Nakakahiya.

  "Ah, oo nga pala, uuwi muna ako para makapagpalit ng damit."

  "I'll drive you home"

Alok ni Eric sa kanya.

  "Wag na Eric, kaya ko naman umuwi mag isa."

  "No, ihahatid na kita."

  "Hay nako kapatid! Ako na lang maghahatid sa kanya. Baka magselos pa sayo si kuya Kiel. Leave it to kuya okay?"

Sabi ni Nathan na umakbay sa kanya at Eric. Tinanggal nya ang kamay nito sa balikat nya.

  "Wag na Nathan."

Sabi nya dito.

  "Why? Wala ka bang tiwala sa akin?"

  "Wala."

Sagot nya agad dito.

  "Aw. Sakit nun ah. Oh well, wag ka mag alala, iuuwi kita ng buo dahil ayokong mabato na naman ni kuya Kiel."

  "Bahala ka."

Sabi nya dito. Nagpaalam na sya kay Eric, Yuan, at Liam na busy sa cellphone.

  "Oi Nathan! Iuwi mo yang si Gianna ha! Baka makatikim ka kay kuya."

Sabi ni Yuan kay Nathan.

  "Dont worry bro, gagayumahin ko."
Hay! Makakasapak ako neto. Lumabas na sila ng kwarto. At usual, pinagtitinginan si Nathan ng mga babaeng nurse pati ng iba pang tao doon.

  "Girlfriend nya kaya yan?"

Narinig nyang sabi ng isang babae sa kasama nito. Well di nya masisisi ang mga ito dahil gwapo naman talaga si Nathan pero para sa kanya mas gwapo si... Ezekiel? Aaahh! Ano ba hindi no! Hay nako Gianna! Lakas maka defense mechanism! In denial pa!

  "Oh? Wag mo akong isipin, magkatabi naman tayo eh."

Sabi ni Nathan sa kanya.

  "Di ikaw ang iniisip ko."

  "Si kuya Kiel no?"

Tukso nito sa kanya. Tiningnan nya ito ng masama.

  "Nahahawa ka na kay kuya Kiel. Di ka naman mabiro."

Nakarating na sila ng kotse nito. Binigay nya dito ang address nya.

  "You know what ikaw ang unang babae na nagpakain kay kuya Kiel, well except kay tita Alicia. Kaya nagulat kami nang di sya tumanggi ng pakainin mo sya, dahil kahit kami di naman nagawa iyon. Kapag wala si tita Alicia, tapos may sakit sya, kumakain sya ng mag isa. But yung kanina? Ewan. I think he likes you."

Nagulat sya sa sinabi nito.

  "What?! Likes me? Are you kidding me?"

  "No, Im telling the truth, at isa pang ayaw nya ay yung gamitin ang utensil na ginamit nya. Pero from what I saw earlier? Kaya nga ako napasigaw ng 'Indirect Kiss' kasi first time yun."

  "Nakakaasar ka talaga. Alam mo yun?"

  "Alam ko yun, palaging sinasabi yun sa akin ng kambal ko."

  "Kambal mo? May kakambal ka?"

Natawa na lang ito sa tanong nya. Ay abno talaga parang yung pinsan.

  "The way he looks at you, first time kong makita yun kay kuya Kiel, noong sa meeting pa lang. May iba na."

  "Wala syang gusto sa akin."

  "You know he's a women magnate pero woman hater naman. Ewan ko ba. Kahit di sya gumawa ng gayuma ang dami pa ding nagkakandarapa doon at kahit sobrang bugnutin. Well, gwapo kasi."

Sabi nito sa kanya. Tsinitsismis ang sariling pinsan.

  "Oh well, mas gwapo pa din ako sa lahat."

Sabi nito sa kanya. Natawa na lang sya sa sobrang kayabangan nito. Well, masarap itong kausap dahil sa sobrang kayabangan ay naaaliw sya dito.

  "Diba alam mo yung Defense Mechanism?"

Tanong nito sa kanya.

  "Oo bakit?"

  "Wag mong gagamitin ang isa doon."

  "Hindi ako Denial."

  "Oh? Kita mo yan."

Napailing na lang sya sa sinabi nito. Denial ba ako? Ahhh! Ano ba! Hay nako talaga Ezekiel! Ikaw pa lang ang nakakagawa nito sa akin. Naalala nya noong yakapin sya nito. Kumabog ang puso nya. Napahawak na lang sya sa dibdib nya. Abnormal na puso to.

  "You like him."

Sabi ni Nathan. I like him nga ba?

(A/N: pasensya na mga kababayan kung masyadong mahaba ang chapter na to. Hehehe! Pinagsama sama ko kasi ang mga Fontalejo Prince's. Promise next chapter mas gagandahan ko pa ;)
xxx

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks ;)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro