CHAPTER 3:

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pagkadating ni Gianna sa bahay ay agad syang pumasok sa banyo upang linisin ang katawan.

  "ARGHHHH!! NYETA KA TALAGA! KUNG SINO KA MANG NAGMAMANEHO NG SASAKYAN NA YON! AAAAAHHHH!! GRRRR! RAWR!"
Pagmomonologue nya habang naliligo. Di nya mapigilang maasar dahil naputikan ang mukha nya at lalong lalo na ang uniform nya.

  "Takte! Puti pa naman ang uniform ko! Damuho talaga! Kapag nakita ko talaga ang may ari nun. Ay masasabunutan kita kapag babae ka at masasapak kita kapag lalaki ka! GRRRRR!! Hoy shampoo! Halika dito! Wag kang makikipagkarera!"
Sabi nya sa shampoo nang dumulas ito sa kamay nya. Pati shampoo ay napagbubugtungan nya ng galit. Nagulat sya nang may kumatok sa pinto ng banyo.

  "Gian?? Ikaw ba ang nandyan??"
Kapatid pala nya iyong kumatok.

  "Ah oo kuya, ako to. Teka sandali lang ha? Lalabas na din ako."

  "Sige"
Agad syang banlaw ng katawan. Kahit sobrang nangangatog na ang katawan nya ay nilalaban nya ang lamig. Pagkatapos nya ay agad syang nagbihis at lumabas na ng banyo. Pagkalabas nya ng kwarto nya pumunta agad sya sa kwarto ng kapatid nya. Pagkapasok nya ay nakita nya itong nakahiga sa kama at nakatalukbong pa din ng kumot habang nanonood ng tv.

  "Kuya Greg di ba sabi ko sayo wag kang manonood ng tv? Mabibinat ka nyan eh. " nilapitan nya ito at sinalat ang noo. Medyo may sinat pa ito.

  "Bakit ka nagsisigaw sa loob ng banyo kanina? Para kang baliw." Sabi nito.

  "Wala. Kumain ka na ba?"

  "Sumubo lang ako ng konti kanina"

  "Sandali lang, magluluto ako, nagugutom din kasi ako eh."

  "Bakit di ka ba kumain?"

  "Kumain naman. Nagugutom lang ulit"
Napailing lang ang kapatid nya. Lumabas na sya ng kwarto nito at pumunta na ng kusina para magluto. Tiningnan nya ang ref kung ano ang lulutuin nya.

  "Hay! Konti na lang pa ang mga stocks dito, makapag grocery nga sa susubod na araw."
Sabi nya sa sarili at dinampot ang manok doon. Nagsimula na syang maghiwa ng mga rekado para sa lulutuin ng maalala nya na di pa pala nya nabababad ang uniform nya, kaya naman iniwan nya sandali ang ginagawa para ibabad ang uniform nya. Habang naglalagay ng sabon sa batya ay naalala na naman nya ang nangyari kanina at di nya maiwasang maasar. Pagkatapos magbabad ay binalikan nya ang pagluluto.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na syang magluto at naglagay na sya ng kanin sa pinggan at ulam sa bowl at inilagay nya ito sa tray para doon na lang din kumain sa kwarto ng kapatid nya.

  "Kuya Greg, kain na." Sabi nya dito pagkapasok nya sa kwarto. Bukas ang tv pero tulog na ito. Kaya naman ay ginising nya ito para makakain ng maayos at makainom ng gamot.

  "Kuya? Kuya? Gising ka muna. Luto na ang pagkain, may sabaw yung niluto ko para makahigop ka at mapawisan ka. Kuya gising na." Sabi nya dito habang tinatapik. Nagising naman din ito. Inayos nya ang tray para makakain ito ng maayos. Nakisabay na din sya sa pagkain nito.

  "Kumusta naman ang araw mo?" Tanong nito.

  "Ayos naman. Pero na bv ako kaninang pag uwi ko."

  "Bakit naman? Anong nangyari?"

  "Paano ba naman kasi natalamsikan ako ng putik! Bwiset na sasakyan iyon, buti di nya ako hinintuan dahil kung huminto sya baka mabato ko nang wala sa oras ang kotse nya! Wala akong pakialam kahit Dodge Viper yun." Sumbong nya sa kuya nya habang punong puno ng kanin ang bibig nya.

  "Hinay hinay lang Gian. Punong puno yang bibig mo oh. Wait? Did you say Dodge Viper ang sasakyan nung nakatalamsik sayo?"

  "Oo, di ko nga lang nakita kung babae o lalaki ang driver. Pero tingin ko lalaki dahil at tulin magpatakbo, akala mo nasa expressway sya. BV much! Argh!!"

  "Teka, kumalma ka nga. Buti na nga lang di huminto yung driver dahil baka kung anong magawa mo. Tigilan mo nga yang pagiging palaban mo, para kang tomboy. Parang noong isang araw kinalaban mo yung tindera sa palengke. Tigilan mo yang pagiging maiinitin ang ulo. Baka magulat ako isang araw nasa presinto ka na dahil dyan sa ugali mo." Pangaral ng kuya nya sa kanya.

  "Kuya naman..."

  "Nagsasabi lang ako ng totoo Gian. Di ka na bata. Pwede ka nang makulong kapag nang away ka pa."

  "Di naman ako nang aaway, pinapainit nila ang ulo ko eh. Kasalan ko ba yon?"

  "Basta. Sinasabi ko lang"

  "Ang sabihin mo nananakot ka na naman. May sakit ka na nga."

Pagkatapos nilang kumain ay agad nyang hinugasan ang pinagkainan nila at nilabhan na ang uniform nya.

  "Pisti ka talaga! Ipaflat ko yang mga gulong ng sasakyan mo kapag nagkrus ang landas natin!"
Binuhos nya sa nilalabhan ang asar nya.

--------------------------------

  "Gian magbreak muna tayo, nagugutom na ako eh." Sabi ni Majho, kaibigan at katrabaho ni Gianna.

  "Yeah sure. Tomguts na din ako eh. Kailangan ko ng kape"

  "Uy! Sama kami!" Sabi din ng ibang nurse na katrabaho nya.

  "Nagpaalam ba kayo na magbebreak na kayo?" Sabi ni Gianna sa kanila

  "Oo naman no! Tara."
Lumabas na sila ng ospital at pumunta sa paborito nilang coffee shop malapit doon. Pagpasok ay agad silang umorder. Habang naghihintay ng pagdating ng order ay umupo muna sila sa bakanteng mga upuan doon at nagkwentuhan.
Habang nagkukwentuhan ay may napansin syang lalaki na pumasok at bigla itong pinagtinginan ng ibang customer na nandoon. Pati din ng iba nyang katrabaho.
  "My goodness! Gwapuness overload!" Impit na tili ni Majho. Naghagikhikan naman ang iba pa nyang katrabaho. Napatingin sa kanila ang lalaki. Kahit nakashades ito ay lutang pa din ang kagwapuhan nito lalo na ang matangos na ilong nitO. Base sa suot nitong suit at mukha itong dekalibreng businessman.
Ay milyonaryo! Sabi ng isip nya. Tinawag na ng waiter ang order nila, hudyat na kukunin na nya ngunit sa laking gulat nya ay kinuha ito ng lalaki at nag abot ng pera sa cashier at agad na lumabas ng shop. Nakatulala naman ang babae inabutan ng pera ng lalaki. Mukhang nastarstruck lang. Agad naman nyang hinabol ang lalaki palabas ng shop.

  "HOY MISTER! SA AMIN YANG ORDER! IBALIK MO!!" Dire-diretso pa din ito papunta sa kotse nito. Teka? Iyon yong kotse?

  "HOY MISTER!!!"

  "Ang tagal mong kunin, kaya akin na to!" Sabi ng lalaki sa kanya.

  "ABA! MAGALING KA!"
Tumakbo sya palapit dito ngunit nakapasok na ito ng kotse at humarurot ng takbo. At nabugahan sya ng usok na galing sa tambutso nito.

  "HOOOOYYYYYYYY!!! BWIISSEEETTT KAAAAA!!!!!!!"
Makakapatay talaga sya ng tao. Ng GWAPONG tao.

A/N: ayan!! Nagkrus ang landas nila! Wahihi! Kinikilig ako. Hehehe!

Please read/vote/comment so I can hear your feedbacks. Love lots. ;)
xxxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro