CHAPTER 5:

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nakailang kumbinsi na si Gianna kay Ms. Vicky na iba na lang ang ipadalang psychometrician pero okay na daw lahat ng papeles at di na mareretrieve. Kaya heto sya ngayon sa mall nag iikot at pati ang utak nya ay umiikot na din kakaisip kung ang may-ari ng Fontalejo Inc. ay si Ezekiel Fontalejo.

  "My goodness. Wag naman sana. Please po. Wag nyo pong hahayaang magkrus ang landas namin. Baka kung anong magawa ko sa dami ng atraso nya sa akin." Sabi nya sa sarili nya.

Naramdaman nyang kumukulo ang tyan nya. Takte! Nagugutom na naman sya. Kaya naman ay huminto muna sya sa starbucks. Umorder agad sya ng croissant at mocha frappe na paborito nya.

Habang kumakain ay naisipan nyang isearch ang Fontalejo Inc.

  "Hindi talaga ako matatahimik hangga't di ko nalalaman kung sino ang may ari ng kompanyang iyan"

Kinuha nya ang phone nya at nagsearch.

  "Fontalejo Incoporated... sino ang nagmamay-ari sayo? Ay teka ito na."

May nahanap agad sya. Agad nyang klinick ang isang blog about sa kompanyang iyon. Ayon dito, ang pinaka may-ari nito ay sina Miguel at Ericardo Fontalejo. Pero ang mga anak ng dalawang ito ang nagpapatakbo ng mga negosyo nila. May tig-tatatlong anak ang mga ito. Kay Ericardo Fontalejo ay sina Lucas, Nathaniel, at Erick. At kay Miguel Fontalejo naman ay sina Ezekiel, Liam, at Yuan.

  "Wow grabe! Wala man lang babae? Mga prinsipe lahat! Magpipinsang buo talaga sila." Bulalas ni Gianna

Ang bawat isa sa mga anak ni Miguel at Ericardo ay pawang successful sa kanya kanyang field at napalago lahat ng negosyo at nadadagdagan pa. Pero teka? Binalikan nya ang pangalan ng mga anak ng dalawa.

  "EZEKIEL?!! WALANGYA NAMAN!!"

Napasigaw nyang sabi. Agad namang nagreact ang ibang costumers, nagsorry naman agad sya.

Walangya yan! Wag naman sana ito ang maging boss nya. Agad nyang sinearch ang background ng lalaki.

  "Ezekiel walang modo. Ay teka, mali pala. Dapat Fontalejo pala."

Lumabas naman agad ang impormasyon nito pero limitado lang. Isa pala itong Chemist. May ari ito ng kompanyang gumagawa ng gamot na kilala sa Pilipinas at pati sa ibang bansa. Isa din ito sa nagpapatakbo ng Fontalejo Inc., at hobby nito ang racing.

  "Kaya naman pala balasubas magpatakbo ng kotse."

Kilala ito sa pagiging perfectionist at rudeness nito.

  "Gwapo nga walang modo naman" bulong nya sa sarili.

Isa ito sa mga renowed bachelor sa Pilipinas pati rin sa ibang bansa.

  "Wow! Ikaw na famous??"

35 years old at woman hater daw pero woman magnate naman. At hindi pa nagkakaroon ng gf.

  "Whaaat?? Parang wala sa mukha. Malamang hiniwalayan ka dahil sa sobrang sama ng ugali mo"

Pinitik nya ang picture nito na naka attached sa article.

Naghanap pa sya ng family picture ng angkan nito at may nakita sya. Pinagmasdan nya lahat ito, isa isa.

  "Ang gwapo pala ng angkan nyo no? Pati yung mga tatay nyo, parang model pa din ng calvin klein ang tindig. Well lalong lalo na sa mga anak. Pero pwera sa Ezekiel Fontalejo, isa kang beast."

Pinitik pitik nya ang mukha nito sa picture.

  "Sana si Lucas ang maging boss ko. Wahihi!" Kinikilig nyang sabi.

--------------------------

Pagkatapos nyang kumain sa starbucks ay papunta na si Gianna grocery. Biglang tumunog ang phone nya. Ang kuya nya tumatawag.

  "Hello kuya greg"

  "Saan ka ngayon Gianna?"

  "Nandito sa SM, maggogrocery ako. Wala na tayong stock."

  "Okay sige, susunod ako sayo dyan. Tatawagan kita kapag papunta na ako dyan."

  "Okay si-"

Naputol ang pakikipag usap nya sa kuya nya ng may bumangga sa kanya.

  "Aray!" Sabi nya.

  "Wag kang haharang sa daan ko. Para kang bulag!" Sabi ng bumangga sa kanya.

Napinting ang tenga nya sa narinig at nilingon nya ang nagsabi noon sa kanya.

  "HOW DARE YOU TO CALL ME BLIND?? SINO ANG NAMANGGA SA ATING DALAWA? AKO BA??!!!"

Sigaw nya dito. Humarap naman ito sa kanya.

  "T-teka?"

  "IKAW?!!!!"

Halos sabay nilang sabi sa isa't isa. Oh SHOOT!! Patay tayo dyan.





A/N: waaaaahhhh! Ayan na nga!! Abangan ang susunod na kabanata. ;)

Please read/VOTE/comment so I can hear your thoughts about this story. ;)
xxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro