(19 missed calls from Harley 🐝 . . . )
[Messenger]
Harleeey
11:04 p.m.
Harley
Bee
Sagutin mo naman please
Marty
Ayoko
Di ako makapagsalita
Harley
Sige na bee
Marty
Hindi nga ako makakagsalita
Wala kang maiintindihan sakin
Umiiyak ako dito eh
Harley
Pwede ba kita puntahan
Mag usap tayo please
Marty
Nag uusap na tayo dito
Ganun din naman
Sayang lang gas
Mapapagod ka lang din mag drive
Harley
Pero gusto ko maayos tayong mag usap
Marty
Maayos naman tayong nag uusap dito
Harley
Marty please
Marty
Naiintindihan mo naman messages ko diba?
Harley
Oo
Pero ayusin natin please
11:07 p.m.
Harley
Bee :(
Marty
Sorry
Ayoko na talaga eh
Harley
Paano kapag ayaw kong pumayag? 😔
Marty
Wala kang magagawa kahit ayaw mong pumayag
Ikaw yung nagtanong sa akin
Ako yung taga sagot dito
Mag stick ka dyan
Harley
Marty
Marty
Thank you
Sa lahat lahat
Marty
Saka ano, good luck sa boards
Kung sakaling di kita ma congrats sa grad mo pati na rin pagpasa mo ng board exams, ito na lang din yun
Marty
Congrats! 🎉
11:16 p.m.
Harley
Bee
Harley
Bukas
Pwede ba tayo mag usap?
Please?
Marty
Ayoko
Malinaw na sinabi ko
Harley
Ayaw mo na talaga?
Marty
👍
Harley
Marty 😔
11:29 p.m.
Harley
Bee
Sorry hindi ko alam na ganun, hindi ko rin talaga napapansin kasi dun kami nasanay kaya sorry
Harley
Gusto kong bumawi sayo
Pero ikaw na rin nagsabi na ayaw mo na kaya, okay. Kung wala na talaga akong magagawa at final na yung decision mo ngayon, sige. Okay lang sakin
Harley
Pero kung sakaling magbago isip mo bukas
Sabihan mo lang ako bee
Harley
Nandito pa rin ako
Harley
Mahal kita.
Sobra.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro