23.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Sa aking ngiti, hindi pa ba halata... Kailangan bang sayo'y aminin ko pa... Oh... Ngunit natatakot mahulog sa 'yo... Parang naduduwag ang puso ko..."

Acoustic songs from Eleazar was in the tapes that he gave me as his birthday gift. Mga cover niya na kanta accompanied with a guitar. I was listening to them while munching the Hello chocolate bar that he also gave to me.

He sung a lot of Air Supply songs and some OPM's too. Ghad, his voice together with his instrument could make me fall asleep. Iba talaga si Eleazar.

Inaamin ko. Kilig na kilig ako.

Niregalo niya rin sa 'kin iyong jersey niya na color yellow. 'Yong ginamit niya sa paglalaro noong Intrams. I smelled it and wow, it still has the scent of him. Manly scent. I traced my hand on the number and his surname on the back of it. I could still recall why he chose this number.

19
Pineda

Because it was the date of my birthday and now he gave it to me. I unconsciously smiled. I am now seventeen. How fast.

Nag-lunch din kami nina Cheryl at Eleazar sa Keila's Deal Fast Food para mag-celebrate. Hindi ri  naman kasi gaano kamahal doon.

Pag-uwi ko naman ay may handa si Nanay na palabok at spaghetti, kasama na rin ang isang yema cake. Kami-Kami lang sa bahay ang kumain dahil ayaw kong mag-imbita ng iba.

We became busy again. Hindi naman na bago 'yon kapag grade 11 ka na pero na-move ang deadline ng mga projects and some other tasks because of Foundation Week.

Week has passed as we celebrated it. We had our field demo together with the other sections. We have three sections per strand. Hindi kami nanalo dahil mukhang kinakabahan iyong ibang nagp-perform kaya hindi na sila nagsabay-sabay at 'di tugma sa music ang mga galaw nila.

Hindi ako dancer kaya madalas akong napapahiya... or should I say pinapahiya, habang may practice kami. That's why I volunteered for props making rather than performing in front of the crowd. Alam kong lalamunin lang ako ng kaba at baka sisihin pa ako kapag natalo kami.

I was happy for those who won because I know that they are deserving and they really practiced well. Ganoon naman talaga kapag labanan. When there is winner there is loser.

Nagbenta rin ang grupo namin ng shake, quesadillas, and nachos. There are also several stalls from other section and for TVL strand. Magkagrupo kami ni Cheryl at siya ang promoter ng product namin.

Napansin kong mas dinudumog ang stall nila Bianca kumpara sa iba dahil magkasama sila ni Eleazar. Napapansin ko na tinutukso pa sila sa isa't isa. Lagi na lang silang nagiging groupmates. May parte sa puso ko ang naiinggit dahil magkasama sila.

As our eyes locked to each other, I was the one who gave up first. Hindi ko kayang titigan siya nang matagal. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. We were five stalls apart, but my heart couldn't bear it.

Instead, I took a glance at Xean's group on the TVL section. He was the promoter of their products at kapag wala masiyadong tao ay siya ang gumagawa ng kanilang niluluto. Ang mga stalls ay nasa covered court dahil ang mga laro ay ginaganap sa gymnasium.

"Babalik ulit ako. Ang sarap ng nachos at shake niyo," masayang wika ng isang studyante sa amin Grabe pala ano? Kahit simpleng puri lang 'yon sa produkto namin, ang sarap sa pakiramdam. Nawala iyong pag-aalala ko na baka hindi nila magustuhan dahil sa babaeng ito. "Hmm... Magt-try naman ako ng ibang flavor." She looked up on our little menu that was placed in front of our stall.

Ako ang naka-assign sa kahera namin. I actually had fun. This is more exciting than being inside the classroom and listening to lectures. Hindi ako nabo-bored dito.

But, yeah. Nobody could control the time. After few weeks, we resume to our classes.

Loaded kami sa school works ngayong week. Gusto ko na lang maging hamburger. "Sa wakas. Recess na rin," bulong ko bago ipinasok sa bag ang nga gamit na nakalapag sa table ko.

I stretched my arms after. Nangalay rin ang leeg ko dahil sa matagal akong nakayuko kaka-analyze at solve ng problems. Nakakabaliw mag-ABM.

Cheryl and I went to the garden area as we brought our snacks there. Prente lang kaming nakaupo roon habang ang mga grupo ng mga estudyante ay nagtatakbuhan sa mga damuhan.

A flasback suddenly flashed in my mind. I remembered that she gave me an exquisite dress as her birthday present. Galing pa iyong ibang bansa at branded pa. Hindi ko nga magamit-gamit dahil baka masira ko pa or matastas.

"I can't join you, guys, mamayang lunch. Uuwi ako," she uttered softly before she took a bite with her food.

"Oh..." Ngumuso ako. "Okay... Sayang," komento ko bago kinagatan ang bananacue. Madalas na kasi siyang umuuwi kapag lunch time. Ayaw raw ng parents niyang kumakain-kain siya sa labas lalo na at luto ng iba. Sabi nga niya one time ay nap-praning daw sila.

There was a silence as we are busy eating when she suddenly spoke. "I have chika," panimula niya. I turned my gaze to her, looking curious. She lowly chuckled before starting. Ibinaba niya ang hawak na sandwich. "You know... I really wanted a pet. Since mag-isa lang naman ako. Lagi." She smiled bitterly. "But my parents won't let me. It's just tiring. Lahat ng gusto ko, against sila." She heaved a sigh and lowered her head.

Wala akong masabi. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, paniguradong malulungkot din ako. "Cheryl..." I reached for her hand and squeezed it. "They shouldn't be like this all the time... Nakaka-suffocate kung controlled ka," I said to her.

She inhaled deeply and fell her head back. "What can I do?" She tsked. "Masaya nga ako noong nagkasakit ako, inaalagaan nila ako. But now, everything's back to normal. Sana palagi na lang akong may sakit..." I caressed  her back and looked at her, worried. She turned her gaze at me, smiling faintly

"Huwag mong hilingin 'yan. Ayaw kong magkasakit ka at siguradong ayaw rin ng magulang mo 'yon..."

Yumuko siya. "It's so weird to live in my world." I saw her playing her fingers.

"Kung subukan mo kaya ulit?" I suggested. "About sa aso... Tell them that you really wanted to have a pet... So you wouldn't be lonely in your house," I added.

Muli siyang bumaling sa akin, nakakunot ang noo. "Should I?" she gently asked. "They'll just get mad at me again, Lhads." She cleared her throat. "I'm scared..." I bit my lower lip. Hinawi niya ang buhok niya na hinahangin. "Sorry for being dramatic..." She awkwardly laughed.

I gave her a small smile. "No. Thank you for opening up."

"Thanks for listening. My heart feels lighter now."

Nang mag-lunch ay mabilis akong naglalakad palayo ng ABM building nang narinig kong tinawag ako ni Eleazar. Papunta ako sa school ng mga kapatid ko upang sunduin silang dalawa. I stopped and turned around to see him. I smiled as our eyes met. He was half-running towards me.

"Uwi ka?" malumanay niyang tanong habang hawak ang straps ng backpack nang nasa harapan ko na siya.

Umiling ako. "Susunduin ko mga kapatid ko," tugon ko bago ngumiti.

"Tara na. Sunduin na natin sila," excited na sambit ni Eleazar.

"Sinabi ko bang kasama ka?" I playfully asked.

Ma-drama siyang humawak siya sa dibdib niya. "Sama ako." He plastered a pout on his lips.

Ngumisi ako. "Eh, kung ayaw ko?" pagbibiro ko pa bago siya tinalikuran at nauna nang naglakad.

Ramdam kong sumunod siya sa 'kin. "Kahit ayaw mo, ipagpipilitan ko pa rin sarili ko," tugon niya at nasa tabi ko na siyang naglalakad. I pretended not to hear it as I bit the insides of my cheeks. Hay, ano bang gagawin ko rito sa puso kong nagwawala?!

"Kumain ka na ba?" tanong niya nang makalabas na kami ng school gate.

I licked my lower lip. "Hindi pa." Uunahin ko muna mga kapatid ko dahil ayaw kong nag-aantay sila roon nang matagal.

He nodded. "Kain na rin tayo kasama sila pagkatapos nating sunduin," aniya, nakangiti.

Magkasama naming sinundo si Brielle at Eston sa school nila dahil si Nanay ay pinakiusapan siya ng kanyang kakilala na magluto para sa birthday ng apo nito. Gusto rin naman ito ni Nanay Gloria dahil may kikitain naman daw siya bilang tagaluto. Si Papa naman, as usual, trabaho pa rin.

Kumain kaming apat sa karinderya malapit sa elementary school. Nag-text din ako kay Cheryl para ipaalam sa kanya na magkasama kami ni Eleazar.

Ako ang nagpresenta na manlibre at ako na rin ang nag-order. Mayroon namang budget meal dito, eh. Dahan-dahan kong dinala ang tray ng pagkain namin at iniwan muna iyong isa dahil hindi ko kayang mag-isa. Sinabihan ko rin kasi si Eleazar na huwag aalis sa tabi ng mga kapatid ko, lalo na't maraming tao.

Matapos kong inilapag sa table namin ang tray ay tumayo si Eleazar. "Ako na roon sa isa," aniya.

After we ate, he was busy doing a pigtail to Brielle. Request kasi ito ni Brielle. How adorable! I was removing Eston's polo. Nakasando naman siya sa loob at mainit din kasi. "Pawis na 'tong polo mo," mahina kong wika sa kanya bago ito itinupo at nilagay sa bag niya.

Kinuha ko rin ang handtowel niyang color light blue at nilagay sa likod niya. "Hindi pa kayo male-late, Ate?" my sibling asked softly.

I took my phone from my skirt and checked the time. May twenty-one minutes pa bago mag 1 PM. "Marami pang oras. Iuuwi ko muna kayo sa bahay, ha?

"Maluwang, Kuya," rinig kong reklamo ni Brielle.

"Ganyan 'pag expert," wika naman ni Eleazar, natatawa. I took a glance at them. Brielle was pouting while Eleazar was smiling from ear to ear, still doing a braid to the other side of my sister's hair.

"Tanggapin mo na kasing 'di mo alam," komento ko. He squinted his eyes on me. Magkatabi sila ni Brielle, sa harapan ko samantalang ako naman ay katabi si Eston.

"Kapag ito na-master ko lang talaga," mayabang na sabi niya.

"Ano?" I raised my brows.

"Edi master na ako." Tumawa siya.

Hindi rin kami nagtagal doon at hinatid na namin sa bahay ang kambal. Naroon naman si Nanay sa loob, nagluluto ng kailangan para sa birthday party ng kakilala. Mamaya pa yatang hapon ide-deliver 'yon sa venue. Pinanood ko muna silang makapasok sa loob ng bahay bago kami tuluyang bumalik sa school sakay ng tricycle upang 'di kami ma-late.

"Ako na magbayad," he offered as he opened his bag on his laps. Nagtalo pa kami dahil sabi ko ako na. Pero deepensa niya ay ako naman daw kanina sa pagkain noong lunch kaya sa huli ay siya ang magbabayad.

Napansin kong may sketch pad sa bandang harapan sa loob ng bag niya habang hinahanap ang wallet. "Pwede ko bang makita mga drawing mo?" I asked him.

"Huh?" He glanced at me sideways before getting the sketch pad. "Huwag kang ma-amaze," he said and before he hand over it to me.

I scanned each pages. Mga scenery ang mga nauna na sketch niya. Then, his cousin. Several houses. Three pages were solely me. Ang unang sketch sa akin ay iyong nakatingala ako sa langit habang nakangiti, nakahawak sa railing ng bridge, naka-uniform pa at naka-braid. The second one was my side face. While the other was my face without glasses. I stroke my face on the paper. Just... Wow. Ang talented niya!

As I turn for the last page, I heard him cleared his throat. It was us. The both of us. 'Yong picture sa bahay namin. I unconsciously smiled. Bumaling ako sa kanya, nakatingin na agad siya sa akin. "Ang gaganda. Ang galing mo!" puri ko. Muli kong binalik ang tingin sa gawa niya, nakangiti pa rin.

"Ang pinakapaborito ko riyan ay 'yung mga solo mo. Ganda mong maging subject ng art ko," he uttered with utmost sincerity. My face heated.

My brows frowned, pretending I couldn't hear what he had said because of the noise of the tricycle albeit I heard them clearly. Word by word. "Ano? 'Di ko na narinig."

"Wala. Sabi ko... sa ganda ng pangalan mo, bagay ilagay iyong apelyedo ko." He smiled widely.

"Sira!" I hissed despite the burning feeling inside my stomach. Umiwas ako ng tingin dahil baka matunaw na naman ako at masabi ko pa ang bagay na hindi niya dapat malaman.

He chuckled in a way that made me shiver. "Bagay nga!" pamimilit niya pa. "Primrose Lhadeen G. Pineda. Oh, 'di ba?" I rolled my eyes.

My gaze turned to him. "In your dreams." I stuck my tongue out. "Wala akong balak na asawahin ka," seryosong wika ko at nilingon siya. His smile a while ago faded.

He moved closer to me. "Paano kung 30 ka na, wala ka pa ring asawa?" he asked gently.

My brows frowned. "It's actually okay," I responded The trike stopped for a while because of traffic. Sana hindi kami ma-late! "I want to build a relationship with myself first before anyone else. Gusto ko munang mahalin ang sarili ko. Gusto ko 'yong matutunan." Ngumiti ako. "Wala namang tamang edad ang pag-aasawa."

"Ganito, Prim..." he trailed off. He cleared his throat and saw his Adam's apple moved. "Kung 40 na tayong dalawa at wala pa tayong mga asawa, pakasalan na lang natin ang isa't isa."

My mouth formed an O. So, kapag forty pa pala kami?! Paano kung before no'n may asawa na siya?!

"Bwisit ka talaga," naiinis na sambit ko. "Magpapakasal tayo kasi wala ka nang choice, ganoon!?" I exclaimed and avoided his gaze.

"Para hindi tayo lonely. At least, we still have each other." The tricycle finally moved.

"Sa anog tawag do'n? Platonic wedding?" I sarcastically uttered.

"Parang ganoon. Maliban na lang kung gusto mong gawin na nating romantic. Handa akong tumawid sa linya."

Hindi ko alam kung seryoso siya dahil tumatawa siya. Malamang, tumatawa nga! Edi, nagbibiro kang siya. Ang daya niya! Ako lang ba ang na-develop ang feelings dahil sa pagkakaibigan namin?

Hindi naman kasi ako crushable... kaya wala talagang magkaka-interes sa akin.



≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro