25.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Seryoso nga, guys. Ayos lang ako."

Ilang beses ko nang sinabi 'yon sa kanila. Balak pa nga ni Cheryl na dalhin ako sa clinic pero wala naman akong natamo na kahit anong galos.

"Hindi na ako makikipag-lunch kay Nate. Babantayan na lang kita." She hang her arm unto mine. I glanced at Eleazar on out back. His hands were inside his pockets, gaze were serious.

Binalik ko ang tingin sa harapan. Pabalik na kami ng classroom. "Huwag mo nang i-cancel. Okay nga lang ako," I told her softly.

"Nope. I'll be by your side. Mamaya, sapian na naman si Bianca." She almost let out a scowl.

I bit the insides of my cheeks, still shocked about what happened earlier. If wouldn't because of my friends, maybe Bianca had totally slapped me.

Eleazar hugged me. I suddenly remembered.

He hugged me tightly like he was really scared that something bad will happen to me. He cares... for me... always. As always.

Tahimik lang kami hanggang nasa may corridor na kami. I turned to Cheryl. "Kakausapin ko muna si Eleazar," I said to her.

She smiled after giving me a nod and glanced at Eleazar behind me. Bumitaw rin siya sa 'kin bago tuluyang pumasok sa loob ng room.

Humarap ako kay Eleazar at tumikhim. "Thank you, Eleazar. . . At saka. . ." I hid my hands behind me and played my fingers. "A-Ayaw ko na may makaalam pa no'n... naiintindihan ko naman kaya siya nagagalit kaya lang mali na sa akin niya 'yon nilalabas." His lips parted because of what I've said.

Lumingon siya sa paligid bago muling binalik ang tingin sa akin. He heaved a sigh afterwards. Lumapit siya at ginulo ang aking buhok. "Hindi tama 'yung ginawa niya. Sabihin natin 'to sa guidance," he suggested. Mahina lamang ang pagkakasabi niya.

Umiling ako. "'Di na kailangan. Mas lalo lang gugulo. Baka kakalat pa sa campus. Hindi naman niya ako nasaktan." Desidido na ako dahil kapag magsusumbong ako, baka malaman pa ng iba. Ayaw ko rin namang i-hate nila si Bianca. Nagpakain lang siya sa galit niya kaya niya iyon nagawa sa akin.

His lips formed into a thin line. "Okay." He smiled after. "Basta, kung mangyari man ulit 'to, hindi na pwedeng papalampasin na lang natin, huh?" he gently uttered.

"Opo, boss." I snorted. Tinuro ko ang classroom namin. "Pasok na 'ko. Goodluck sa klase." I waved my hand to him.

Nakatingin halos lahat ng mha kaklase ko nang pumasok ako. Ayan na naman 'yung mga tingin nila. Cheryl quickly stood up and went to me. Sinamahan niya ako hanggang sa makaupo.

She leaned towards my desk. I looked at her. "That Bianca is crazy when liking someone," simula niya sa mahinang paraan lamang, halos pabulong na ito. "Gusto niya sa kanya lang." She tsked before rolling her eyes.

"Sinabi niyang mang-aagaw ako." I gulped. "Inaagaw ko ba si Eleazar sa kanya, Cheryl?" I whispered upon asking.

She shook her head immediately. "Of course not." She game me an assuring smile. "Eleazar chooses you. It's his decision. So don't ever think na inaagaw mo si Eleazar sa iba, hmm?"

I licked my lips. "But Bianca was hurt."

"Kasi she's assuming things." She sighed. "You'll get hurt when you assume things. After knowing that the truth was actually far from what you thought, you are creating your own wound kaya nasasaktan talaga ang tao." She smiled faintly. "Based from experience." She shrugged.

Kagaya ng sabi ni Cheryl, hindi sila tumuloy ni Nate na kumain ng lunch together. Si Eleazar ay pinakiusapan ko na huwag muna kaming magsama ngayon dahil nasa paligid lang si Bianca kaya kasama niya 'yong mga tropa niya.

Gusto ko siyang kasama ngayong Valentine's Day. Pero alanganin pa ngayon. Kumaway siya sa amin ni Cheryl bago siya tumawid. Ang mga kasama niya ay nakikaway rin kaya napangiti ako.

"Let's go, Lhads. I'm gutom na," ani ng kaibigan ko. Natawa ako dahil narinig kong tumunog pa ang kanyang tiyan.

Nagi-guilty tuloy ako dahil hindi natuloy ang pagla-lunch nila Cheryl at Nate. "Nagsabi ka na ba sa kanya? Baka antayin ka no'n! Okay lang naman ako, eh," I insisted.

She only chuckled. "Lhads, nakapila na tayo." She gestured our line. We are here at Mcdo. Lilibre daw niya ako ngayon. "Tayo na lang ang mag-date." She gave me a wink which made me chuckle.

Hindi mawala sa isipan ko si Eleazar. Ganoon kalakas ang impact niya sa akin.

To: Eleazar

Dadaan ako mamaya sa Swift's Treats kaya baka 'di na tayo magsabay pag-uwi :) Ingat.

Kaya no'ng uwian ay nagkita kami sa Swift's Treats dahil bumili ako ng drinks doon para sa mga kapatid ko. Nagkasalubong kami. Palabas ako. Papasok siya.

His face brightened when his gaze met mine. Tumingin siya sa hawak kong plastic kung saan nilagay ang milktea na order ko. "Akin na 'yan. Ako na magdadala," he said and grabbed them gently from my hand. "Tara. Hatid na kita pauwi." Ngumiti siya at umakbay sa 'kin gamit ang kabilang kamay. Ngumiti ako pabalik at naglakad na.

"Wala ka bang bibilhin doon?" Pinuntahan niya ba ako? Huwag mag-aassume ng kahit ano, Lhads. Ganyan na talaga siya!

I looked up to him, he was pouting. "Wala naman... Nabasa ko text mo kaya pinuntahan kita rito." Tumingin siya sa 'kin. "Buti naabutan pa kita," he uttered. Tinanggal niya ang pagkakaakbay at napakamot sa ulo.

Sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib. Bwisit! Ang weird sa pakiramdam na sa tuwing magkasama kami ang saya-saya ng puso ko. Parang na-recharge agad!

I reached for his right hand. "A-Ayaw ko munang umuwi, Eleazar. . . Valentine's naman ngayon. . . mamasyal muna tayo. . ." I didn't know how those words came out of my mouth without thinking.

He looked amused. Hala, nakakahiya! Aalisin ko sana ang pagkakahawak ko sa kamay niya ngunit hindi niya ito pinakawalan.

"Tara," he said, smiling which melt my heart and fall for him harder. May gayuma yata talaga 'yang mga ngiting 'yan, eh! Ghad, sobrang nag-iinit na ang mukha ko! "Mag-date tayo, Prim." He intertwined our hands which made my heart pound against my chest.

When we started walking, I immediately realized something. I shouldn't be assuming things. Ano 'tong ginagawa ko? Ano 'tong ginagawa niya?

Marami pang estudyante. Maraming makakakita sa amin. I halted from walking which made his head turn to me. "May problema ba?" he asked gently.

I took a deep breath and looked away and removed my hand from his. "M-May mga tao..." I trailed off.

Mukhang natigilan siya saglit. "Ah... O-Oo pala..." Tiningala ko siya. Nagkatinginan kami. He only gave me a small, faint smile unlike the one he showed me earlier. "Pero pwede namang kumain tayo? Kahit saglit lang? At least, before this day ends." Saglit lang... Pero gusto ko siyang makasama nang matagal... pero maraming makakakita... marami na naman silang sasabihin sa 'kin.

I gave him a short nod. Nauna na akong naglakad at nanlulumo dahil 'di ko man lang magawang makasama siya nang matagal.

Pero ayos na rin na kakain kami saglit. 'Di bale. Okay na 'yon. Basta kasama siya. 'Yon naman ang mahalaga para sa akin.

"Saan mo gusto?" tanong niya, nasa gilid ko na.

I hummed, thinking. "Saan nga ba? Teka, sa ano na lang kaya... Pwede rin sa..." Wala akong maisip. "Kahit saan," tanging nasabi ko.

"Tapos kakainin din natin kahit ano." He chuckled lowly. My glanced him sideways. I saw him smiling. Iyong ngiti niya na pilyo. Phew. Stay calm, puso!

Nang makarating kami sa Food Park ay napag-usapan namin si Bianca.

"Natakot talaga ako kanina. Grabe pala talagang gusto ka ni Bianca." I said, biting my lips.

We are currently waiting for our foods that we ordered here in Food Park. Mabuti na lang at ang food stall napili namin ay halos mga government employees ang customer at taga-ibang school ang narito.

Eleazar was sitting across mine, his hands were on the table and I was enjoying this view. Pinagmamasdan niya ang paligid hanggang sa nakita ko siyang bumaling sa akin.

May mga hanging ferns, fairy lights, maraming benches, and food stalls ang narito. Budget-friendly rin ang mga pagkain nila. Perfect ang place na 'to for dates.

Korean foods ang in-order namin. Nabanggit ko sa kanya na gustong-gusto kong ma-try ang mga 'yon.

He shook his head in disappointment. "Akala ko talaga, naintindihan ni Bianca na sinabi kong ayaw kong magkarelasyon sa kanya. Pwede pa sana kaming maging kaibigan, eh, pero no'ng nakita ko 'yung ginawa niya sa 'yo. Tsk. 'Wag na lang."

Natahimik kaming dalawa saglit at ang music na tugtog ay Every Breath You Take ng The Police. While he was busy humming the song, I was also busy looking at him.

"May naalala ako bigla!" he suddenly said in a very exciting way. I almost gasped because I thought he could figure out that I was looking at him all this time.

"Huh? Ano 'yon?" Sakto naman ay nilapag na ang order namin. Bumaling ako sa waitress. "Salamat po," I uttered which made her smile.

Bumalik ang tingin ko kay Eleazar na nilapag ang utensils sa tabi ng sinerve na plate ng tteokboki, o spicy rice cake na malapit sa akin. Mayroon ding gimbap, at isang spicy noodle and canned soda.

"May ticket ako para sa Film Festival. Kasama roon 'yung documentary film na ginawa ni Kuya Levi. They actually spent five months for making tha project." My heart jumped in excitement as I heard his friend's name. Ang tagal na rin noong huli ko siyang nakita! "Gusto mong sumama? May extra tickets ako," he added, smiling from ear to ear as if he was really excited about this.

I nodded quickly at him. "Oo naman!" I responded happily before I started to grab the spoon and munch my food. "Hmm," I reacted after tasting the different foods.

"Order pa tayo, gusto mo?" alok ni Eleazar.

Umiling ako, natatawa. Napalingon ako sa milktea na nakapatong sa mesa na binili ko para sa mga kapatid ko. "Nawala na 'yung lamig nila." Natawa akong muli.

"Siyempre. Malapit kasi sila sa taong hot na Eleazar ang pangalan."

I dramatically cringed of what he said. "Yabang! Hindi naman totoo!"

Time does really became fast whenever I'm happy.

"Good luck, Eleazar. Alam kong kaya mo 'yan." Exam namin ngayon at papasok na kami sa school.

"Gagalingan ko talaga." Ngumisi siya. "Para sa future natin." Mas lumawak ang pagkakangisi niya.

I snorted before rolling my eyes. "Bahala ka sa buhay mo."

"Ito naman! Goodluck, Miss Gentil..."

We parted ways when we arrived at the ABM building. Kinakabahan ako. Nakapag-review naman ako pero iba pa rin sa pakiramdam kapag nasa actual exam na talaga.

"Okay, get one and pass..." sambit ni Mrs. Ranches bilang hudyat. I took a deep breath and did what she instructed us.

Nang mag-start na kami ng exam sa FABM subject ay tahimik ang buong room.

Automatic na kasi na kapag nakipag-usap sa katabi ay cheating na raw. Kaya ayan, tahimik ang lahat. Dinig ko pati ang paghinga kong nanginginig dahil sa kaba na baka magkamali ako.

I prayed so hard before reading the instruction and the information for the Statement of Financial Position. Para sa mga ABM student na katulad ko, para itong isang madugong labanan.

Almost two hours have passed and I have already balanced the Statement of Financial Position. Though, I wasn't that sure if I balanced the amounts correctly.

Phew. "Bahala na si Alice in Wonderland," bulong ko sa sarili. Kawawa na kasi si Batman at Superman.





≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro