30.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Wala akong iniimik. Kahit si Eleazar. I'm glad that he understands my silence.

After what happened, I feel trapped into something. I feel burden to him. He should just focus on himself and to his dreams.

Huling araw ng lamay ni Nanay Gloria. Wala akong binanggit kay Eleazar noong una. 'Di na nakakapagtaka na nalaman niya agad.

Sinabi siguro ng mga kapatid ko at kinontact siya. Ewan ko. Hindi ko na rin tinanong dahil pagod na pagod na ako sa lahat.

"Prim, gusto mong pumunta sa Centro Book Store? May mga bagong release ng mga new novels doon." He plastered a big smile as we were waiting for a tricycle here in waiting shed, beside our university. He really went here just to ask me that.

Inaya niya ako after ng exam namin na magtungo roon para makapag-unwind daw ako. Hindi ko pa rin lubos na matanggap ang nangyari kay Nanay Gloria. Parang binibiyak pa rin ang puso ko.

"Eleazar, naman." Kumunot ang noo ko at napabuntong-hininga. "Hindi ka ba nag-oopen ng social media o nagpapanggap ka lang?" I hissed but my voice broke. I sharply stood up and inhaled.

Kaya ayaw kong nagagalit o naiinis dahil naiiyak ako sa hindi malamang rason. "Prim... A-Anong problema?" Hinarap ko siya upang makita ang kanyang expression. He tried to reach for my hand. Iniwas ko lamang ito at pinikit ang mata. "Prim..." pag-ulit niya.

I opened my eyes and looked him in the eye. "Alam mo kung bakit lagi akong nabu-bully..." I bitterly scoffed. "Pangit ako..." I saw him shook his head.

"Kapag nagsasama tayong dalawa..." My breathing hithced. "Laging m-may n-nasasabi a-ang mga t-tao." I inhaled but my shoulders were already shaking. "E-Eleazar, nahihirapan na ako s-sa ganito..." Bumuhos na ang mga luha ko kaya napayuko ako.

Wala siyang sinabi at naramdaman ko na lamang ang init ng kanyang mga bisig na nakayakap sa akin. He hushed me.

I gathered all my strength and tried to push him. "H-Huwag ka nang magpapakita nang b-biglaan." I wiped my eyes using tha back of my palm. "Wag m-muna ngayon p-please." My voice cracked. "Dahil sa 'yo, ang baba ng tingin s-sa akin n-ng..." I swallowed hardly. "M-Mga tao... K-Kasi ang l-layo mo sa akin..." I sniffed. "B-Bakit pa kasi tayo naging magkaibigan," I muttered.

After that, I turned around, leaving him there, alone. Siguro nga ako talaga ang mali. Hindi naman mangyayari 'to kung 'di ako dumikit sa kanya.

Kung hindi ako palaging nakakapit sa kanya during hard times, siguro hindi pa ganoon kasakit... Pero andito na, eh. Andito na ako sa sitwasyong ito.

I cried harder until I was in my room. Jessica didn't seem to care. Normal naman na iyon sa kanya. Wala siyang pake sa akin dahil hindi ko naman deserve ng attention ng kahit sino. Itong roommate niya umiiyak, siya naka-phone lang.

I never heard from Eleazar. It's been almost a month. Talagang ginawa niya 'yong sinabi ko. Of course, he was probably hurt by what I said to him. Para kasing ang lumabas sa bibig ko, sinisisi ko siya sa nangyayari sa akin ngayon.

Ewan ko ba kung hindi ko 'yon sinasadyang sabihin dahil may parte sa loob ko na totoo ang mga katagang sinambit ko sa kanya. I feel terrible. I'm blaming him for what? Being with him was my decision in the first place.

Ang hirap pa rin umusad sa bawat araw na dumaraan. I feel hopeless and alone. Hindi na ako nag-oopen ng kung anong social media para mailayo ang sarili sa kung anong negatibong sinasabi ng ibang mga tao laban sa akin.

Until I decided to talk to him. To end this. Or maybe to start new things. Pero malabong mangyari iyon. I'll just stop this. I will stop everything.

I texted him to meet me at a cafe. Hind ito masyadong pinupuntahan ng mga tao kaya rito ko napagdesisyonan na magkita kami.

When he arrived, my heart could not relax. Aaminin ko. Na-miss ko siya. Pero para saan pa? Ang gulo na ng lahat. Hindi ko rin masisi si Bianca dahil baka nga naman talagang totoong inagaw ko siya sa kanya.

Kung naging sila, edi sana hindi na ako naba-bash ng mga tao. Hindi na ako araw-araw at gabi-gabing iiyak. Hindi ako mas pagtatawanan. Kahit saang sulok ng mundo, wala akong magiging lugar.

Halatang galing pa siyang school. He sat across me, leaning in the table, hands were placed together. He looked nervous. Mabuti na lamang at kami lang ang customer ngayon dito.

"P-Prim..." I saw him gulped.

"Hindi mo sinabi sa akin na may offer ka palang mag-aral sa ibang bansa." I bit the insides of my cheeks when I saw him parted his lips.

Eleazar shook his head. "Prim, ayaw ko roon. Feeling ko magiging outcast lang ako," paliwanag niya. "Dito lang ako..." dagdag niya.

Pilit akong ngumiti. "Magandang offer 'yun, Eleazar. Bakit ka naman magiging outcast?" He ran his fingers through his hair, parang naguguluhan. "Marunong kang makisama. Magandang bagay iyon-" He cut me off.

"Ayaw ko, Prim. Please naman, gusto ko rito lang ako. Kasama ka." He sounds frustrated. He heaved a sigh afterwards. He bit his lower lip while looking at me amd shook his head.

"Pero... B-Bakit?" I asked in a whisper. "Bakit gusto mo ako kasama? Para sa pangarap mo rin naman 'to, ah..." Hindi ko alam kung bakit ako naluluha. Tinataboy ko siya... Gusto ko siyang umalis dahil alam kong mas maganda ang magiging buhay niya roon. Ayaw ko na rin siyang mahirapan kasama ako. Lagi na lang problema at pag-aalala ang binibigay ko sa kanya.

"Mas gusto ko rito. Mas gusto kong kasama ka. Nakakausap. Nahahawakan... Nayayakap... Nakikita..."

I keep playing my fingers under the table. I chuckled bitterly. "Nakita ko kung gaano ka kasaya habang nagkukuwento ka ng mga natututunan mo sa course mo." Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. "Masaya ka habang gumagawa ng plates. M-Masaya ako na masaya ka... Na nakikita kitang alam mo kung ano ang gusto mong gawin..." Suminghap ako. "Huwag kang maging dependent sa 'kin at unahin mo ang pangarap mo," I uttered firmly.

But that's not true. Kabaliktaran lamang ang sinasabi ko. I told him not to be dependent with me, but the truth is, I am the one who's so dependent with him. Tanga mo, Lhads.

"Pero kasama ka sa mga pangarap ko." He sounded in pain. I saw his Adam's apple moved.

"Pero ako hindi," I said abruptly but that was a lie. Yumuko ako at agad kong pinunasan ang tulo na pumatak sa aking pisngi.

I turned back my gaze to him. Pain flashed through his eyes. Mapait siyang ngumiti. "Oo nga pala. A-Ako lang pala..." His voice cracked.

Ghad, I could not stand seeing him in pain... But I am the one giving him the pain. "Nagsawa ka na bang maging kaibigan ako?" He lowered his gaze. "Pwede namang mag-aral sa Pilipinas at maging successful... p-pero pinapaalis mo na ako..." He clenched his fist before laughing bitterly. Napalunok ako nang mariin at napapikit.

Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko. I opened my eyes when he spoke again. "Ayaw mo na sa 'kin..." He scoffed bitterly. "Kasi ako ang dahilan n-ng mga 'to. Kung w-wala ako, e-edi h-hindi ka masasaktan ng mga tao..." He exhaled. "H-Hindi ka nila huhusgahan s-sa kung ano at sino k-ka..." His eyes were bloodshot.

I gripped the hem of my shirt tightly. I want him to focus on his goals. I don't want to be a burden and a hindrance from reaching his dreams in life.

"A-Ang daya mo talaga, Prim... I don't want to build myself into your life..." He painfully smiled. "I w-want to build my life with you..."

"H-Hindi ako makakabuti sa 'yo, Eleazar... Tignan mo nga a-ako... ni hindi ko alam kung m-may maganda akong kinabukasan... H-Hindi ko alam ang gusto kong gawin sa buhay..." I bit the insides of my cheeks.

"P-Prim..."

"Tanggapin mo 'yung o-offer, Eleazar... a-alam kong gusto mo 'yon." I licked my lower lip. "A-Alam kong pangarap mo iyon..." I smiled faintly. "Huwag mong tanggihan dahil lang sa akin..."

Everything seemes to be so blur and slow. He stood up and leaned forward before he lowered his head until it is level with mine and his soft lips touched mine.

"I guess this will be our first and last kiss, then," he whispered. "I'm sorry..."

Napalunok ako nang mariin. "Eleazar," I whispered before I felt his lips into mine. It was so gentle as if he was kissing a fragile item. His kiss was magical. Parang nawala ang sakit sa lahat.

Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Hindi ko iyon gusto. Ayaw ko siyang umalis. Dito lang siya... Please, stay with me. I want to tell him how much I love and adore him. I wanted to tell that I was just hurting. I need him.

Pero huli na ang lahat.

I just saw myself watching him taking his steps away from me. Binuksan niya ang glass door at lumabas nang hindi lumilingon pabalik.

Sa ganoon lang. Wala na.

Kasalanan ko. I sobbed and covered my face.



-------------



Nasa panaginip ko lagi si Eleazar. Umiiyak. Nagmamakaawa na huwag siyang paalisin. Na gusto niya ako lang ang kasama niya.

Despite those, I still have to move forward. There's more to life...

My college journey is full of blues. Halos andami kong iniiyak at kulang ang isang timba dahil may mga exams akong nababagsak.

Isang araw nang tumawag si Cheryl ay binalita niyang pauwi na siya ng Pilipinas! We haven't talked about Eleazar but I was glad that she's here.

"Oh, Lhads!" she squealed upon seeing me. Sinundo ko siya sa airport. Kinawayan ko siya at mahigpit na niyakap nang nakalapit na sa akin. "My god! I missed you!" Kumalas na siya at mukhang may hinanap. She looked back to me. "Where's Eleazar?" she asked innocently.

Uh... Hindi ko alam. "N-Nag-aaral..." Umiwas ako nang tingin sa kanya. I helped her with some of her stuffs. We rode a taxi together. Panay ang kwento niya sa kung gaano kaganda ang school niya roon at ang mga pasyalan.

"Eleazar deleted his account," Cheryl said while scrolling on her phone. My lips parted. Matagal na akong 'di nagbubukas ng Facebook. Nagkatinginan kami ni Cheryl. Her eyes squinted at me. "Something happened?" she curiously asked. I bit the insides of my cheeks and played my fingers. I just nodded as my response. "It's okay if you don't want to tell me... I understand." She plastered a smile.

I smiled back but deep inside my heart, I still want Eleazar back. I want him back. Nothing changed at all. Siya pa rin. Pero ayaw kong maging selfish. It's time to accept the situation.

Ang kapal ng mukha kong hanap-hanapin siya, eh, ako naman itong tinaboy siya...




≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro