Epilogue.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

E L E A Z A R.



May ikinukuwento siya sa akin na 'Isagani' ang pangalan.

Magseselos na sana ako kaso nga lang, para saan? Ang saya ng tinig niya habang nagkukuwento. Naiinggit ako. Pero okay lang naman. Alam kong sa akin pa rin uuwi si Prim. Ang ibig kong sabihin... magkikita rin naman kami ulit sa pasukan!

Noong araw na nagyaya si Prim na mag-mall, ang saya-saya ko! Kaya lang, hindi naman pala talaga siya ang kikitain ko.

Nasa harap ako ng stall ng potato corner. Malapit ito sa sinehan. I was waiting for Prim to arrive because she told me that she wants to watch the new romcom movie with me. Grabeng kaba at excitement ang naramdaman ko!

Ang tagal ni Prim at wala pang ka-reply-reply, pero mas pinangunahan pa rin ako ng excitement dahil manonood kami ng sine. Kaming dalawa lang! Luh, iyong puso ko mamamatay na sa sobrang abnormal na tibok nito!

Kaso nawala 'yong excitement ko nang malaman na sinet-up niya ako kay Bianca. Gago. Bakit ako type nitong Bianca? Matalino 'to, asan na ngayon utak niya? Pinahalata ko naman sa kanya na hindi ko siya type. I didn't like or will not like her.

Noong una, oo, hindi ko siya iniiwasan dahil akala ko friendly lang din siya. Para kasi sa akin, wala namang masama makipagkaibigan sa babae, eh. Kahit na sino pang kaibiganin ko riyan, si Prim lang talaga ang tao na ayaw kong hanggang friends lang kami.

Hanggang sa natunugan kong crush ako ni Bianca. Umiwas na ako. Ayaw ko ng issue.

Kaya lang, ngayong aalis na sana ako dahil nalaman kong siya ang makakasama ko ngayon, umiyak naman siya. Sinabi ko kasi na hindi ko gusto 'tong ganitong mga lokohan. Luh, akala pa ng iba inaaway ko 'tong babaeng ito!

"Eleazar, I've been wanting to do this with you. Just this time... Ngayon lang naman... Hindi mo na ako pinapansin..." Patuloy siya sa pagluha. Ayaw kong sabihin na maypagka-tanga siya pero parang ganoon na nga. Ako ang nahihiya.

I tried to calm her but not in a romantic way. Sa huli ay kapilitan ako. Gago talaga. Tangina 'di ako mapakali sa upuan ko. Parang kinakain na ang pwet ko habang nanonood. Sobrang bored ako. Rom-com pa ang genre ng movie. Haist.

"Oh my god. I liked the characters! They are both in denial, but in the end, they end up together...." Iyon ang plot ng movie. Feeling ko nakaka-relate ako na hindi. Alam niyo 'yon? Nararamdaman kong hindi lang ako ang may nararamdaman na ganito sa pagitan namin ni Prim. Assuming ka lang, Eleazar!

"Bianca, naman. Akala ko ba uuwi na pagkatapos? Bakit pa tayo kakain ng ice cream?" reklamo ko after namin mag-sine. Nagulat na lang ako hinila niya ako nang parang bata tapoa dinala rito sa Ahoy, Ice Cream.

"It's my treat, though. Nagugutom na rin ako. Iiwan mo ba ako ng mag-isa rito habang nagugutom?" She pouted. Lumaylay ang balikat ko nang sabihin niya iyon. Enjoy na enjoy siya masiyado habang ako, bored na bored.

Tangina! May pera naman yata siya, pwede ko na talagang iwanan! Nakaka-guilty nga lang at no choice ako kung hindi samahan siya sa pag kain ng ice cream.

I was just quiet the whole time as I was eating this buco pandan flavored ice cream. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko na talaga umuwi.

Gustuhin ko man na magtampo kay Prim pero hindi ko magawa. Alam kong nahirapan lang din siyang tumanggi sa request ni Bianca.

Ang awkward tuloy sa tuwing pumapasok ako sa school dahil akala nila ay nagd-date na kami ni Bianca.





Si Prim ang may birthday pero ako 'yung may hiling. I wished to the angels that she would be happier and love herself more. I want her to be kinder on herself. Deserve niya iyon.

I recorded myself and made her a playlist of my song covers. Sana magayuma ko na siya rito! Di, biro lang! Sa makalumang style ko ginawa kaya through CD ko pinalagay ang songs ko.



Sus! Paniguradong masaya na naman ang puso ni Insan nito! Ayaw niya kasing ipahalata na crush niya si Ate Aemour! Ako pa ba! Ang tagal na naming magkasama sa bahay tapos may pa-deny-deny pa siyang nalalaman?!

Ang cute ng pinsan kong kiligin. Pero mas cute pa rin ako! Ngingiti pa 'yan mag-isa. Parang tanga. Tapos kapag aasarin ko naman, sasabihin nakakita lang daw ng memes.

Pero kapag kasama naman niya, sinusungitan! Ewan ko ba rito sa lalaking 'to! Ang talino sa academics pero ewan ko sa panlalandi. Bagsak siya!



On Valentine's Day, I never wanted to be sort of rude towards Bianca but it just made me upset that she wanted people to think that there was something going on between us.

Nasa harap ko si Bianca. She was smiling while holding a heart-shaped cake. Pinagpiyestahan ang room namin at maski ang ibang sections ay nanonood sa amin.

Bakit ba kasi kailangan maghiyawan 'tong mga kaklase ko?! Nakakainis! Ayaw ko ng ganitong sitwasyon.

I was staring at her. Maybe, she thought that I liked her surprise. May pa-balloons pa. 'Di ko naman 'yon gusto. Dapat nga, ma-appreciate ko. Pero hindi naman ako natutuwa.

"Bianca ano 'to?" I asked, almost out of breath.

She licked her lower lip. "Uh. Of course. It's Valentine's Day. I made this for you." Humakbang siya palapit sa akin.

"Yieeee. Uy!" Kanya-kanyang kantyaw ng mga tao.

"Grabeng effort!"

"Omg, sana all! Hoo!" Sana all niyo mukha niyo.

"Gago, nakakakilig! Gusto ko rin may mag-surprise sa akin nang ganyan!"

I stared at her again. My fist clenched. "Mahilig ka ba talaga sa atensyon, Bianca?" I asked in a monotone voice.

"Huh?" Napakurap siya.

I heaved a sigh. Na-drain na tulog agad ang energy ko. Nilagpasan ko lang siya at bumalik na sa seat ko bago kinuha ang pastillas candy ni gawa ni Prim na nakalagay sa maliit na glass jar.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao. "Anong tinitingin niyo?!" Bianca madly shouted at them. Narinig ko ang pagbagsak ng kung ano. Kahit hindi ko iyon tignan ay alam kong nagalit siya kaya 'yong cake, binagsak niya. "Umalis na nga kayo!" she shouted again. Ah, ang ingay.

Naiirita ako sa paligid ko. Ang daming tao... Hinanap ng mata ko si Prim pero wala siya. I feel calm whenever I'm with her so I felt down when I didn't see her. Buti na lang at nahimasmasan ang init ng ulo ko nang matikman ang gawa niya.

Nagdabog pa si Bianca bago nagmartsa palabas. Todo chismisan naman ang mga tao. Umalis na nga kayo. Wala kayong mapapala.

Unti-unting nagsialisan ang mga tao. Mas mabuti na 'yon. Aantayin ko na lang ang klase na mag-umpisa.

Tapos ang naglinis pa ng kalat niya, 'yong cleaners for this day. I shut my eyes until our adviser came. Pinagalitan pa kami dahil umagang-umaga, ang dumi ng room. May surprise quiz tuloy.

My senior high journey was really difficult. Pakiramdam ko, I'm out of place. I also felt stupid whenever I could not get our topics. Nahihiya na rin ako magpaturo kay Prim dahil alam kong nahihirapan din siya.




First year college nang ma-realize ko na gustong-gusto ko itong kursong napili ko. I love interior designing so much that I could not wait to graduate.

I realized that it really takes time to know what you want to do in your life.

"Ayaw ko nga po riyan, Mama," pagtanggi ko sa scholarship ng ino-offer sa akin ni Mama. "Masaya ako rito..." I uttered. Natatakot akong makasama iyong mga half siblings ko roon. At dito lang talaga ako. Rito malapit kay Primrose.




When my cousin and Ate Aemour broke up, my heart sank. Akala ko ba... mahal nila ang isa't isa pero bakit humantong sa ganito? Ganoon ba talaga ang love? Nakakatakot...

"A-Ang s-sakit, Eleazar..." He was sobbing so hard. Ngayon ko lang siya muling nakita nang ganito. I hugged him tight.

His eyes were bloodshot and dark circles were prominent under his eyes. Mukhang 'di na siya nakakatulog nang maayos.

As much as I want to know about what happened, I suppress myself from asking. Kailangan niya muna ngayon ay magpahinga.




Prim pushed me away and I understood. Ako naman talagang nagsimula... nakita ko na kung gaano siya nahihirapan sa mga bullying na nangyari dahil sa akin, wala man lang akong ginawa. Ang tanga-tanga ko... Mahal ko siya pero bakit hindi man lang ako gumawa ng paraan? Ang selfish ko. Iniisip ko lang ang sarili ko... dahil sa kagustuhan kong makasama siya.

Prim endured all the criticisms she received from others when she was with me until she decided to push me away because she's hurting and doubting herself...

Alam niya rin ang tungkol sa offer sa ibang bansa. Ilang bses ko nang tinanggihan iyon pero matapos ng araw na 'yon, tanggap ko nang kailangan naming umalis sa buhay ng isa't isa. I should not caged her with me. She also needs time to grow and heal so am I.

I could not bear to see her in pain because of me. Again, because of me. Hindi ko alam kung anong tumakbo sa isipan ko nang halikan ko siya. Maybe, it's a farewell gift for the both of us. And, I will remember this moment although it hurts.

It hurts me. It broke me into pieces and all I ever did was cry. I knew deep insede her that it was a difficult decision to make, but she still did.

Hiniling ko na sana hindi na siya nahihirapan gayong wala na ako. Kaya, nag-post ako sa media at nagsalita tungkol sa nangyari. I hope that will get to the people attacking my Prim.




My soul almost crumbled when my cousin told me about what happened.

"I-Insan..." My breath hitched. Tangina. Napakagago ng Leona na 'yon. Baliw siya. I hugged my cousin tightly. He was whining again.

Justice will prevail for him. Pinagdarasal ko sa itaas na pagalingin at hilumin ang nga sugat niya. He's someone who deserves to be happy but why does he need to experience this hell?

So much happened and I felt weak. I want to see Prim again but I stopped myself. I needed her every time... because she's my strength. Siguro masyado akong naging dependent sa kanya... kaya aki nagkakaganito. Nasanay ako sa kanyang presensya.




As I accepted the offer to continue my second year in college at Novia Scotia, I felt bad for my cousin. Kung kailan, kailangan niya ako, tsaka naman ako umalis.

Sabi niya ay naintindihan naman niya dahil alam niyang para 'to sa aking pangarap. Hindi siya humadlang kahit alam kong deep inside, ayaw niya akong umalis. Mabuti na rin at umuwi muna si Auntie Morgan para samahan siya sa laban.

Noong nasa bahay na ako sa Nova Scotia, kasama ng new family ni Mama, pakiramdam ko, may kulang. I never feel their love for me. Sa guestroom ako natutulog at ang lamig doon dahil walang heater lalo na 'pag winter.

I did full time jobs every summer because I don't want to be in that house. I just felt neglected.

"Eleazar, could you please wash the dishes and clean the house? Martin, Tyra, and Capri will go to the mall with me and Armando."

My mother left with my half siblings. She never invited me even once to come with them. Siguro natatakot siya na 'pag may kakilala na makakakita sa kanya, ayaw niyang ipaalam na may anak siya sa nauna niyang asawa.

"Eleazar, did you steal my money?!" Tyra accused me more than five times whenever she lost her money.

"No, Tyra. I wouldn't do that," I said to her.

"Liar! I will tell this to Mom! Since you came here, my money gets lost every time!" She slammed the door and walked out from my room.

During supper, my mother and stepdad scolded me. Tyra smiled like a devil. "Anong klaseng pag-uugali ba 'yan, Eleazar! Nakikitira ka na nga lang!" Gusto kong umiyak... gusto ko nang umuwi... pero ayaw kong makita nila akong mahina.

"Eleazar, why is my dress stained?! Did you do this intentionally?!" Capri accused me one day after I folded her clothes. Nakakalat lang kasi sa sofa ang mga natuyong labahan niya kaya nagkusang loob na lamang ako. Nakakahiya naman kasi nakikitira lang ako, kaya ako na lang magkusa.

Pero ako na 'tong tumutulong, ako pa itong napapagbintangan...

"It's already stained when I folded that one," I explained and she scoffed. "Maybe you didn't-"

"Shut up!" Padabog niyang hinagis sa akin iyon at nagmartsa sa kanyang kwarto. Padarag niyang sinara ang pinto, halatang galit.

When I accidentally broke a glass, my stepdad hit me on my hand. He told me that it was an expensive one. Si Mama ay wala man lang ginawa at pinagalitan pa ako.

Nagtiis ako roon hanggang sa may sapat ng pera at nag-apartment. I was alone but at least, no one would ever neglect me there.

Until I graduated and went back to the Philippines, I immediately found a job because of my outstanding portfolio and resume.

Until I found her again... this love I have for her was and is still and will be the same.





"Eleazar, sabi ko unsalted butter, tapos native eggs..." Napakamot ako sa ulo nang magreklamo si Prim. She huffed.

Naku po! Salted ang nabili ko! Tapos nakalimutan ko na native eggs pala dapat at 'di 'yung regular na itlog! Iwent to her and gave her a warm hug. "Sorry na, boss..." I cooed.

"Binigyan kita ng listahan, 'di ba?" I pulled away and saw her creasing forehead. She looked grumpy now.

We're together for five years now. Live in na kaming dalawa for two years at dito sa condo ko-- namin kami nags-stay.

"Sa susunod talaga, dapat magkasama na tayong nagg-grocery, eh," aniya, napailing.

I chuckled and hugged her once more. I planted a soft kiss on her shoulder. She was wearing a sleeveless sleepwear with silk pajama. Amoy baby! "Sa susunod, tatandaan ko na talaga at titignan ang listahan!" I assured her. I inwardly laughed at myself. Ano ba 'yan, Eleazar!

We cleaned the house and I just finished cooking. I searched for her and saw her in our room, organizing the book rack.

I hugged her from behind and she chuckled softly. I rested my face on her neck. "Eleazar... pawis ako..." He held my arms.

That's true. Her skin feels damp but she still smells good, like a baby. "Love you, Primrose ko..."

Mahina siyang natawa at umikot para harapin ako. She wrapped her arms around my neck which made me lowered me head. We felt each other's breath. "Love you too, Eleazar ko... Mi amor..."

We kissed and everything just stops. My heart was beating in my chest wildly. How magical it is to spend time with her everyday.

We all had plans. But God has better plans for us. I trusted Him and prayed for Primrose. For us.

My heart screams her name. And now, we will be together in this life for keeps.




≿━━━━༺THE END༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro