Loading 40%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


[Victor's POV]

"Good morning tatay Victor!"

Diyos ko! Kakagising ko lang tas eto ang bumungad pag pasok ko ng kusina. Nakita ko namang magisang nagaagahan si Shobee sa sala.

"Uh? Good morning?" alinlangan kong pagbati kay Pipo na katabi lagi ni Aria

Buti na lang may normal pagkain ng tao at hindi na normal na tao ang kinakain namin. Kumuha ako ng tinapay at nagtimpla ng kape.

"Good morning tatay Mish-- Mitze-- Mil-- basta yon!" pagbati sana niya nang makitang lumabas na rin ng kwarto si Mitzchell at papunta na rin sa kusina

Natawa naman kami lalo na si Aria na tuwang tuwa kay Pipo na pinisil pisil pa ang pisngi "Pipo, tatay Mitzch na lang ang calling mo sakanya."

Eto palang babaeng conyong ito na medyo hindi na ang nagtuturo ng kung ano ano sa inosenteng bata. Kilala na rin kami ni Pipo.

Umupo na ako sa tabi nila Aria matapos magtimpla at napatingin kay Pipo. Anak ko ba talaga 'to?

Lumabas si Jelo mula sa cr sa kusina at mukhang bagong ligo ngunit bihis na ito.

"Tapos na si Tito Jelo. Ligo na ako." ungot ni Pipo

Tumingin naman sila Aria, Jelo at Mitzchell sakin. Napatigil ulit ako sa paghigop ng kape at muntikan nang maibuga "What?"

"Edi paliguan mo." sabi ni Jelo

Magsasalita pa lang ako nang unahan ako ni Aria "That's tama! Si Mitzchell na nagpaligo yesterday tas si Jelo the other day. So today, ikaw!"

"Tas bukas ikaw?" tanong ko "Bawat araw iba iba? Ganon?"

"No. Kahit sino sainyo. Like duhhh! Me is babae. Siya ay boy. And yah alam!"

Nalunok ko agad ang tinapay na kinakain ko nang hindi man lang nginunguya dahil sa sinabi ni Aria. Dahilan para mapaubo ako.

"Pavirgin." narinig kong bulong ni Mitzchell kaya napatawa ako

"Fu-- I rinig that! Arghhh! Biby Pipo ligo ka na raw sabi ni tatay Victor mo after me initin yung water for bath. Okay?" sabi nito at naginit na nga ng tubig

Si Jelo naman ang pumalit sa kaninang pwesto ni Aria at tinanong si Pipo "Pipo, bakit ka nandito?"

"Para raw sa tatay ko. Para happy family kami."

"Sino nagpalaki sayo?"

"Tito ko."

Nagkatinginan kaming lahat.

"Sinong tito?"

"Secret."

"Ano fullname mo?"

"Piolo Ponzy Cruz."

"Wala kang apelido?"

"Cruz."

"Middle name?"

"Ano yun?"

"Kilala mo na tatay mo?"

"Kaya nga ako nandito eh."

"Eh yun nanay mo?"

"Opo."

"Nakita mo na?"

"Ang dami mong tanong Jelo. Obvious naman yung sagot." sabi ni Shobee na kakapasok lang ng kusina at dumiretso na sa lababo para hugasan ang pinagkainan niya

"I'm just curious." sagot ni Jelo

"Oh sige. Water is handa na. Ligo time na." sabi ni Aria kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na sa bata na tumakbo patungong kubeta

















===================================

Ankyut talaga ni Pipo amfff. Ako talaga tatay nito eh~

Comment "Ang ganda ni Ms. Crishane" kung sa tingin niyo si Victor ang ama!
Comment "Maganda si Ate Crishane" kung sa tingin niyo si Mitzchell ang ama!
Ang hindi magcomment alinman sa dalawang yan, mababaog. Ciao!

02-23-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro