Loading 47%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


[Kairee's POV]

Nakita ko si Shobee na nakatalikod sa direksyon ko habang nagse-cellphone. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Mahirap man pihitin ang doorknob dahil sa laki ng mga bandage sa dulo ng mga daliri ko dulot ng pagtanggal niya sa mga kuko ko ay nagawa ko pa ring makalabas ng kwarto nang hindi napapansin ni Shobee. Baliw na talaga siya. Dapat dun na lang siya sa mental eh.

Ako na nga ang nagaalala kay Paulina nung una at inisip na lang na kaya siya nakakagawa ng ganoong bagay dahil sa depression niya. Siya nga ang may ginawang kasalanan sakin kahit masakit napatawad ko siya simula nung nalaman kong depressed siya at nawawala na sa katinuan pero bakit ganto?

Nakita ko naman si Aria sa sala na nagse-cellphone din na nakaupo sa sala habang nasa kandungan niya ang natutulog na si Pipo. Ano kayang pinagkakaabalahan nila sa cellphone at napakaseryoso?

Dumiretso ako sa kusina. Gutom na gutom na talaga ako. Halos magtatatlong araw na akong hindi kumakain. Sa sobrang gutom nga'y kinakain ko na ang mga laman sa pisngi ko maski ang dila ko at labi ko, umaasang matanggal ko ang pagkakatahi nito. Subalit nagdurugo lamang ito at ang dugo ko ang pansamantalang tagapawi ng uhaw ko. Ngunit hindi ko na talaga kaya ang gutom. Kailangan ko ng totoong pagkain. Ang hapdi na ng bibig ko dulot ng mga sugat. Ang sakit na rin ng ngipin ko kakapilit na kagatin at hatakin ang mga laman ko sa bibig.

Kinuha ko ang kutsilyo at nanginginig na inumang ito sa labi ko, hinahandang hiwain ito para muling bumuka ang bibig ko. Isang impit na sigaw ang pinakawalan ko nang unti-unting nahihiwalay ang itaas at ibabang labi ko kasabay ng pagagos ng dugo mula rito. Nang tuluyang mahiwalay ang aking mga labi ay doon na ako nawalan ng lakas na napaupo sa sahig, napahagulgol, at tila naglalaway ng dugo.

"Oh God! Kairee!?" sigaw ni Aria nang sumilip siya sa kusina. Agad din itong tumakbo at nanghingi ng tulong sakanila.

Muli kong kinuha ang nabitawan kong kutsilyo. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero itinapat ko ito sa pulso ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Ang luha ko'y lalong nagpapahapdi sa sugat ko sa labi.

"Kairee! Ano sa tingin mong ginagawa mo?" sigaw sakin ni Shobee at inagaw ang kutsilyo sakin. Ngunit hindi siya nagtagumpay. Hawak ko pa rin ito. "Ano ba? Akin na!"

Imbes na sumuko ay tinutok ko sakanya ang kutsilyo dahilan upang mapahakbang siya paatras "I-ingaw.." Hirap man magsalita'y dulot ng sugatan kong bunganga ay nagawa ko pa rin

"A-ako? Anong--? Ibaba mo nga 'yan." paatras siya ng paatras habang ako'y papalapit sakanya na nakaumang pa rin ang kutsilyo

Nang wala na siyang mapagaatrasan ay bumwelo ako at handa na sana siyang saksakin nang may pumigil sa aking kamay, si Victor.
















===================================

Ingaw means Ikaw. Ginawa kong ngo-ngo si Kairee. Sorna😂✌🏻️

Kairee's POV after 10 chaps~ Yiiiiiiii #VicKai iz hart~💗
Lol~ Any ships? Lemme see in the comments~

Advance happy 2nd weeksary~

02-27-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro