Special Chapter

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


***

2 years ago

"Gusto kita,"

Halos hindi na makahinga ng maayos si Moza matapos niyang sabihin ang nararamdaman niya.

"Kelan pa?,"

Napalunok siya sa tanong sakanya ng kaibigang si Yugen. Sa totoo lang ay hindi niya talaga alam kung ano ang dapat niyang asahan na magiging kalabasan sa sitwasyon na to.

"Matagal na. Simula nung unang pinakilala tayo sa isa't-isa--- hanggang ngayon,"

Her voice was shaky. Halatang kabado. Nangangatog din ang mga tuhod nya ngayon. Pero kailangan nyang sabihin ang nararamdaman nyang.

"Bakit mo to sinasabi sakin ngayon,"

Ramdam niya na sa tono ng boses ni Yugen  ang walang kasiguraduhan. Napahigpit ang kanyang kapit sa cellphone nya.

"Dahil ayokong umalis ka,"

Yun talaga ang kanyang rason kung bakit napagpasyahan niyang sabihin sa lalaki ang nararamdaman nya. Kung di talaga nakwento ng mga magulang nya ang tungkol sa pag-alis nila ay di nya yata ito malalaman. At kung oo man--ay huli na.

Kita niyang ngumisi si Yugen.

Sa ilalim ng buwan. Sa loob mismo ng hindi naandar na Carousel ay andoon silang dalawa.

"Why do you have to ruin this,"

Napakagat ng labi si Moza dahil sa tanong ni Yugen.

"Ang ano? Ang pagkakaibigan natin?,"

Ngayon ay nakakuha na siya ng sapat na lakas ng loob para sabihin kay Yugen ang mga salitang iyon.

"Satingin mo ba kapag ginawa mo to ay hindi ako aalis?,"

Umiling si Moza sa tanong na iyon.

"Hindi. Inaasahan kong hindi ka aalis dahil sakin,"

Nakita nya ang pagporma ng labi ni Yugen sa isang ngiti. Pero hindi niya masabi kung ano ba ang kahulugan ng ngiting yun o ayaw niya lang talagang aminin na alam naman niya.

Again. Her heart was beating so fast.

"I know you like me too,"

Now she can hear her heartbeats. Nakakabingi. Sobrang lakas ng kabog.

"Hindi. Hindi kita gusto,"

Umiiling na sinabi ni Yugen ang mga katagang yun. Direkta syang nakatingin sa mga mata ni Moza at ganun din sa Moza sakanya.

"You're lying. Alam ko kapag nagsisinungaling ka," napakuyom si Moza.

Muling umiling si Yugen.

"Kung totoo yan, bakit tayo narito? Bakit ka pa kumatok sa bintana ko sa ganitong oras at dinala ako dito? Bakit? Alam kong may dahilan ka kaya sabihin mo sakin,"

Malunay ang pagkakasabi ni Moza sa linyang yun. Ngunit may halong nagmamakaawa ang tono ng boses nya. Gusto nyang malaman kung tama ba o mali ang mga hinala niya.

"Dahil kaibigan kita,"

Napapikit sya dahil sa sagot na iyon.

"Yun lang?," halos pabulong nya ng naitanong iyon.

Hindi sumagot si Yugen. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila.

Pilit namang iniintidi ni Moza ang mga nangyayari.

"May iba akong gusto,"

Inilayo ni Moza ang tingin niya kay Yugen dahil alam niyang totoo yun pero hindi niya parin maamin sa sarili niya dahil nangingibabaw ang pagkalito nya sa mga pinapakita ni Yugen sakanya. Kagaya na lang ngayon, hindi naaalis kahit saglit ang tingin ni Yugen  sakanya.

"Bakit hindi ako?,"

Tuluyan nyang natanong. Hindi naman nagpakita ng reaksyon si Yugen.

"Pwede namang ako,"

"Dahil di kita kayang magustuhan,"

Ramdam ni Moza ang panghihina ng tuluyan ng kanyang mga tuhod kaya napakapit na siya sa bakal.

"You're too boring, you're too safe that's why I will never like you,"

Sa mga salitang iyon ni Yugen ay pakiramdam nya ay inooperahan sya ng walang anesthesia---- kaya sobrang sakit. Sobra na hindi na niya alam kung ano tong nararamdaman niya ngayon.

How can words hurt like hell?

"And besides, she said yes,"

Pinilit nyang hindi tuluyang maiyak sa harap ni Yugen.

"So stop this. Bago ko pa tuluyang putulin ang pagkakaibigan natin,"

Friendship. Dahil sa bagay na yun ay nasasaktan sya ngayon.

"Tatanungin kita sa huling pagkakataon,"

Muling nagtama ang tingin nilang dalawa.
Ramdam naman ni Moza ang kuryenteng yun sa sistema niya. Ganun katindi ang epekto ni Yugen sakanya. Nakakabaliw ang kahit na  isang tingin kay Yugen.

"So all the things you've done for me, lahat ng mga tingin at ngiting yun ay dahil lang sa kaibigan mo ako? Wala ka man lang bang naramdamang kakaiba sa sistema mo habang nakatingin ka sakin? Hindi man lang bang napasok sa isipan mo na baka may kung ano ka ng nararamdaman lalo na kapag minsang magkahawak kamay tayo? Tell me, nung hinatid kita ng lasing at sinabi mong you love me---you did not mean it? Answer me, dahil pagod na akong ipagtagpi-tagpi ang mga mixed signals mo!,"

Napahinga sya ng malaloim dahil sa haba ng sinabi niyang iyon.

"Wala. Stop being hopeless romantic, this is reality. I can't like you back,"

Napatango sya ng dahan-dahan matapos iyon.

Naiintindihan na niya. Dapat niya lang talaga intindihin.

"If that's your final answer, I will accept it. Pero wala ng bawian. If one day you'll realize what I am to you, baka hindi na ako yung babaeng baliw sayo. I won't stick around waiting for you,"

Nakapagdesisyon na sya. Tama na.

"So from now on, erase me on your friends list and I will do the same thing. Mapapanggap akong hindi tayo nagkakilala at nagkasama sa maraming taon. I will forget your name and everything about you. Kaya makakaalis ka dito na wala ng iisipin dahil kahit minsan ay hindi ako naging parte ng buhay mo,"

Hindi makapaniwala si Moza sa nasabi nyang yun. Marahil dahil sa sakit ng nararamdaman nya ay nasasabi niya ang bagay na yun. Pero ang nasabi ay nasabi na. Wala ng bawian. Touch move.

Lumapit sakanya si Yugen hanggang sa ang dating malayong distansya pagitan sakanila ay lumiit.

"At kung isang araw man ay magkrus ang mga landas natin, hindi na ako nasasaktan dahil sayo. Pinapangako ko yun,"

Matapang na sinabi nya iyon.

Nilahad naman ni Yugen ang kamay nya at  para bang nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nila.

Tinanggap nya  ang kamay ni Yugen.

Matapos ang usapang iyon ay pinanood nya ang pag-alis ni Yugen hanggang sa mawala ito sa dilim. Nanatili sya sa kanyang pwesto at napayuko dahil nagsisimula ng magsibagsakan ang mga luha nya. Naiinis sya sa sarili nya dahil sa ginawa nyang ito. Tuluyan na nyang pinutol ang lahat sakanila ni Yugen.

“Miss,”

Agad syang napalingon dahil dun. Sa sobrang bigla ay kumabog ang puso nyang nakatingin sa isang lalaking may nilalahad na kung ano.

“Yaan mo na yun,” bumaba ang tingin nya sa panyo.

“Di naman ikamamatay kung di karin gusto ng taong gusto mo,” tatanggapin nya sana yung panyo pero dahil sa sinabi ng lalaking yun ay nainis sya.

“Alam ko. Pero ngayon ay nasasaktan ako. Sino ka ba para maliitin tong nararamdaman ko?,” pasigaw na sabi ni Moza. Nagulat naman ang lalaki dahil dun.

“Tsaka kanina ka pa nakikinig? Di ka tinuruan ng nanay mo na masamang makinig sa usapan ng iba!,” napapunas ng luha si Moza saka napaupo.

Dinagdagan pa ng lalaking to ang bigat ng nararamdaman nya.

“Hindi eh. Di ko pa kasi sya nakikilala,” nabalik ang tingin nya sa lalaki na ngayon ay nakasakay sa isang kabayo.

Gusto nya sanang humingi ng tawad pero di na lang sya nagsalita.

“O. Punasan mo yang luha mo,” tinapon ng lalaki ang panyo kay Moza. Kinuha naman nya ito sa ulo nya.

“S-salamat,” sambit ni Moza. Isang ngiti naman ang binigay ng lalaki sakanya.

“Mamaya ka na magpasalamat kapag nalabas mo na ang lahat ng nasa puso mo. Don't mind me. Di kita pagtatawanan,” sabi ng lalaki sakanya.

Imbes na mainis ay napaiyak sya lalo. Gusto nya talagang maiyak hanggang sa maubos ang luha nya at yun nga ang ginawa nya.

***
I posted this already sa MXA pero walang names yun and so ginawa kong special chapter para maintindihan nyo ang parteng yun.

And kindly wait for my note :) thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro