X-30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Generation X | 30


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: I'll be there by Monsta X




Moza's P.O.V


Nababagot na naghihintay ako sa pagsisimula ng ceremony. Susugod sana ako patungo dun kina Miss Ally pero napagtanto kong manonood muna ako. Saka na ako magrereak kapag natapos natong take over chenes.


“Rella!,” naagaw ng magpipinsan ang atensyon ko at dali-daling lumapit sa kinauupuan ko.


“Naku nangyayari na nga,” rinig kong sambit ni Cherish kaya tiningnan ko sya.



“Anong sabi mo?,” tanong ko. Nagtinginan naman silang tatlo.


Halatang halata  kong may tinatago sila.


“Spill it,” banta ko.


“Ugh. Ano kasi...”-Chelsy.


“Nakwento ni Mr. Elizandré samin ang tungkol dito,”-Cherish.


“Na baka daw dumating yung araw na to,”-Chie.

May bigla akong napagtanto.


“Kaya ba sinabi nyo sakin na kailangan nyo ko dito?,” natanong ko.


Dahan-dahan namang tumango ang tatlo.

Napabuntong hininga ako.


“Sorry na Rella! Huhuhuhu,”-silang tatlo.


Hindi naman ako galit. Nangyayari na kaya walang kwenta din kung magagalit ako.


“Moza!,” napalingon ulit ako at nakita ko ang papalapit na si Dasttan kasama si Sana at Yugen. Mabilis kong binalik sa stage ang tingin ko.



Kita ko namang nakatingin sakin si Mr. Trejos. O  baka sa anak nyang nasa likod ko nakapwesto.


“Di ba pupunta si Tita Mozy dito?,” kinulbit ako ni Dasttan.


Nagkibit-balikat ako.


Ako na muna ang bahala dito habang wala sila.


“Moza,”


Palihim na kinuyom ko ang mga kamay ko bago tiningnan si Yugen. Yeah. Sya yung tumawag sa pangalan ko.


“Ayos ka lang?,” he asked. Napatango na lang ako saka binalik sa harap ulit ang tingin.


Jusko! Ngayon pa ako kinakausap ni Yugen! Di ako makahinga!



“Mozarella!,” may tumawag na naman at alam ko na kung sino yun.


Tiningnan ko yung kabilang row at andun nga sina King. Kumaway naman sya sakin pati rin si Johnny. Pero yung mukha ni Roui ay di maipinta.


“Ehem...mic test...mic test...”


Nabalik ang tingin ko sa harap dahil dun.


Sawakas ay magsisimula na.


Hawak-hawak ni Miss Ally yung microphone saka tumungo na sya sa stage.


“Pleasant day everyone. I know, you all have alot of questions in your mind right now--- and so, this ceremony will give you the answer,” walang umimik matapos ang sinabing iyon ni Miss Ally.



“I warmly welcome the new owner of this academy. Mr. Renjin Marqinez,” wala ding pumalakpak. Dead air.

Hinintay ko naman ang paglabas nung Mr. Renjin. At nang magpakita na nga sya ay biglang umingay ang Audi. Porket may itsura? Ganon?



“Hello everyone!,” bati nung Renji sa lahat.


Kumunot ang noo ko nang tingnan ko sya mula paa hanggang sa itaas.


Matangkad. Maputi. Maamo ang mukha at mukhang magugustuhan sya ng studyante dito.


“I am Renjin Marqinez, the only Heir of Mr. Bruce Marqinez and sad to say, he passed away two years ago kaya ako ang nasa harapan  nyo ngayon,”


“Rella, sya na yung may-ari,” sabi ni Chie.


Hindi ako nagbigay ng sagot.



“Before anything else, I want to say that wala kayong dapat ikabahala sa pagdating ko. I won't change the rules and everything---pwera sa isa,” he said.


Nagsimula na naman ang ingay. Bakit pabitin masyado ang lalaking to.


“Well, may I request Ms. Elizandré on this stage,”


Lahat ata ay nakatingin sakin kaya tumayo na ako at naglakad papunta dun sa stage.


Ano naman kayang nasa isip ng Marqinez na to.


“What dyou want?,” tanong ko pagkaharap ko sakanya.



Binaba nya yung microphone.


“Hello Tofu,”ngumisi sya matapos sabihin yun. Kumunot naman ng todo-todo ang noo ko.


Dahil hindi ako nagsalita ay may sinabi sya.



“As I said. I won't change anything here except for one...”


Tiningnan nya ako.


Sabay ngiti.


Lumapit sya ng kaunti sakin at hindi naman ako natinag sa pwesto ko.



“Naalala mo ko?,” inilapit nya ang mukha sakin.


Nag-isip ako dahil sa tinanong nya.

Naalala?



“Sino ka ba?,” tanong ko na nang hindi ko mahanap ang files nya sa utak ko.



“Ipapaalala ko,” aniya at hindi ko inaasahan ang  ang ginawa nyang  paghalik sakin. Sa labi.



Para akong ginawang statwa dahil hindi ako nakagalaw.



Nang maalis yung labi nya ay pinandilatan ko sya.


Saka ko lang naalala kung sino sya nang mapunta ang tingin ko sa birthmark nya.


“Ren-ren,”





***

Dasttan's P.O.V




“Aba't!,” napatayo ako.



Gagong Marqinez yan! Hinalikan si Moza!!!!!


Tiningnan ko si Yugen.


“Kabahan ka na,” sabi ko. Hindi nya ako tiningnan dahil sa stage sya nakatingin. Ayan kasi!!!!



“Ano kayang pinag-uusapan nila,” tanong ni Sana.


“As I said....except for one....” tinuro nya si Moza @#$/ Marqinez na to!



“She's mine,”



Napaupo ako dahil sa sinabi nung Marqinez.


Umingay lalo yung Audi dahil sa pakulo nung Marqinez. May mga kinilig din dahil dun. Walang kakikilig kilig dun. Tsss..



“Anong nangyayari,” nasabi ko.



-----



Dahil walang pasok ay dumiretso kami sa Hideout. Nasa kusina kami ni Sana kasama si Yugen habang yung iba ay nanonood ng movie. (Pero tahimik din).



“So all he wants is Rella? Ganon?,” boses ni Johnny yun.


Nilingon ko sila.



“Baka gamitin nya yun laban sakanya,” ani pa ni Johnny.


“Kainis naman kasi si Daaad!,” nagsalita na sa wakas si Roui.



“Mag-antay na lang tayo sa mga mangyayari,”-Klaus.



“Tama. Mahirap basahin ang sitwasyon,”-Weno.


“Basta walang magbabago sa academy ay makuntento tayo dun,”-King.


“Sino kaya yung Renjin na yun? Bakit hindi nagreak si Moza kanina?,” tanong ko sa dalawa.



Umiling si Yugen habang si Sana ay nilaro-laro ang kamay nya.


Hmm....



“May alam ka?,” tinanong ko sya.


“Di ako sigurado,” aniya.



“Ano ba yun?,” si Yugen ang nagtanong.


“Ano kasi.... baka yung Renjin yung first love ni Moza,”


Napaubo ako dahil sa sinabi ni Sana.


“Ha? Anong first love? Akala ko ba si Yugen?,” tiningnan ko si Yugen. Eh sya naman kasi talaga yung sinabi sakin ni Moza.



“Natatandaan ko kasing may kinuwento sya sakin noon and besides, nagkakilala tayong apat when we were 10 years old. Baka nakilala nya si Renjin nung 8 or 9 sya,” napasandal ako sa upuan.



“Bakit di ko alam yun?,” nasabi ko.



“Eh kasi nga...it's a girl thing. Tsaka close na close kami noon diba?,” tama si Sana.


“Anong eksaktong kwento nya?,” tanong ko.


Nag-isip si Sana. Inaalala yung sandaling yun.


“It was when we were making a letter for Valentines Day, out of the blue ay tinanong nya ako if nakatanggap na ba ako ng rosas, syempre sabi ko hindi tapos dun na nya kinuwento ang tungkol sa first love nya. Yung first love nya ang pinakaunang nagbigay ng bulaklak sakanya at ang first kiss nya,”



Base sa kwento ni Sana ay naalala ko nga ang dating Moza. She's a hopeless romantic pero iba na sya ngayon. She can't even spell the word love.


“And you think yung Renjin na yun ang first love nya?,” tumango si Sana.



“Eh ano daw ang nangyari?,” muli kong tanong.



“Hmmmm....ano...ah..isang araw daw di na nagpakita yung first love nya kaya kinalimutan na rin nya yun,”



So hindi si Yugen ang pinakaunang lalaking nanakit sakanya?


Napaisip na naman ako.


Kung pagbabasehan.


Mukhang ayos na din na bumalik yung first love ni Moza. Don't get me wrong, Team Yugen ako pero kung si Renjin yung first love ay mas may impact yun kay Moza. Gusto ko kasing maalala ni Moza ang pakiramdam na matagal na nyang binaon. I want her to feel again.





Sabi nga nila: First love never dies.








***

I really hope that Monsta X will have their first ever win with Shine Forever. Mah boys 💔😢💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro