X-4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Generation X | 4

Vote. Comment. Be a fan.

SONG: Robbers by The 1975


Mabigat.

May nararamdaman akong kung ano.

Parang may nakayakap sakin.


Naimulat ko ang mga mata ko.


Ang ayaw ko sa lahat ay ang tinatabihan akong matulog!


Nagsimula na akong magmura sa isipan ko nang makakita ako ng kamay.


Mukhang hindi naman to si Johnny.


Kaya para malaman ay humarap ako.

Shit.


Ang lapit ko sakanya. Ang lapit-lapit ng mukha ko sakanya.


Ramdam ko na ang mainit nyang hininga.


Gusto kong mahimatay nang yakapin nya ako.

“Nilalamig ako,” sabi nya.

Infairness hindi bad breath.

Napailing ako sa naisip ko.

Hoy Moza. Isang galaw na lang magkikiss na kayo.

Teka.

Haroy.

Kilala ko to.

Yung bastos.

“Wahhhhhhhhhhh!!!!!,”


Napasigaw ako sabay tulak sakanya. Nagulong sya pababa sa kama.

Narinig ko ang pagmumura nya dahil dun.


Mabilis naman na bumukas ang pinto at nakita ko ang nakaboxer lang na si Johnny.

Heol.

“Anong nangyari?,” tanong ni Johnny sakin.


Napalunok ako sabay turo dun sa kama.


“May pesteng lalaki akong katabi!,”

Nilapitan ni Johnny yung bastos.

“Ah si Jared, tsss. Namali na naman to ng pasok kagabi,” sabi nya.

My God.

Kagabi pa kami magkatabi.


“Yung kwarto nya kasi nasa kabila lang,” ani pa ni Johnny.


Pero teka.

Sa kwarto ako ni Johnny natulog.
Heol.

“Yaan mo na yan Rella, nakatulog na ulit,”

Napatango ako.

Gising na gising na ang diwa ko dahil sa lalaking yun.

“Tara kain tayo ng breakfast,” yaya nya.

***

“Dito nakatira ang mga Student Supreme,”

Naibaba ko hawak kong tasa.

Napalunok ako.

Nasa lungga nila ako.

Baka andito yung King.

“Bakit parang hindi mo alam?,” tanong ni Johnny.

Panandaliang nanlaki ang mga mata ko pero agad akong nag-isip ng dahilan.


“Ah..wala kasi akong pakialam sainyo.....dati,” walang kwenta kong sagot.


Nag-isip ka pa talaga Moza ah.

Isang malapad na ngiti naman ang nakita ko sa mukha ni Johnny.


“Alam ko. Lahat naman ng studyante walang pakialam samin kaya nagkakagulo,” aniya.

Napatango na lang ako.


“Kayo yung nagpapatakbo ng academy diba?,” tanong ko.


“Yeah...pero minsan kami rin ang gumagawa ng gulo dito,” aniya.

Aminado naman pala sila.


“Bakit ka nga pala napunta dito Rella?,”


Bigla akong nanlamig.


Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na yan.

“Mukhang hindi ka naman troublemaker,” natawa ako ng bahagya.


“Looks can be deceiving,” sabi ko.

“So I guess, yung parents mo ang----”

Umiling na ako bago pa nya matapos ang sinasabi nya.


“Mabait ang parents ko. They love me so much at alam ko naman yun. Kaya wala sa kanila ang problema, kundi ako,” sagot ko.


“Nakakapagod lang siguro talaga akong mahalin kaya andito ako,” dagdag ko.

Tiningnan ako ni Johnny.

Yung tipong kakaiba.

“Hindi naman siguro,” sabi nya.

Napangiti ako naman ako.

“O King, kain tayo,”

Nabato na talaga ako dahil sa sinabi ni Johnny.

King.


Mabuti na lang talaga yung likod ko ang nakaharap sakanya.

“I told you not to bring any slut here,”

Napakagat ako ng labi.

Slut.

Aba-t!

Nagulat ako nang tumayo si Johnny.

“Stop that. She's my girlfriend,” ang seryoso ng mukha nya.

Gusto kong lingunin yung King pero hindi ko na ginawa dahil mahirap na.

“Hah. Kelan ka pa naging seryoso sa babae,” ani nung King.


Tama nga yung magpipinsan. Yung King din ang gumagawa ng gulo dito.

“Sana pagbalik ko wala na yan,”

Kita ko ang pag-iling ni Johnny.

“Yaan mo na, aalis na din ako dahil hinahanap na ako ng mga roommates ko,” sabi ko.


Lumingon ako para tingnan yung King pero wala na.


Well, sino bang nagsabing gusto ko dito!


“Pagpasensyahan mo na yun Rella. Ganon talaga yun pag bagong gising,” ani ni Johnny.


Tsk. Daig pa nya ang babae.

Anyway. Aalis na rin ako dahil andito yung kainis na bastos at baka makita ko rin yun. Magkaroon pa ng away.


“Sige Johnny. Salamat sa breakfast,”

***

“Rella akala namin kinuha ka na ni King!,” bungad ni Chie sakin.


Kung alam nyo lang na galing ako sa lungga nila.

“Saan ka ba galing?,” tanong ni Chelsy.

“Genki desu ka?,”-Cherish.


It means How are you/ Are you okay


“Yeah,” sagot ko.

“Anyway, bakit nakauniform kayo? Akala ko ba may dalawang araw pa ako?,” nababahala kong tanong.

“Yun na nga ang kinakabahala namin Rella, inutos ng King na magkaroon ng enrollment para sayo,”

Haaaaaa?

“He's eager to find you,”-Chelsy.

Sakit sa ulo naman tong King!


“O heto, isuot mo tong uniform. Kita kits tayo sa quadrangle,”-Chie.

“Bye Rella!,” sabay nilang paalam at naiwan akong mag-isa sa kwarto.

I guess.

Magpapakilala na lang siguro ako.


Hindi naman siguro kakatayin ng King diba. Tsaka ano pang kinakatakot mo Moza? Ikaw nga tong nakakatakot.

Tsk. Bahala na nga.

Makaligo na nga muna.

***


Nakakapanibago sa pakiramdam ang suot kong uniporme.


Anyway, pagkalabas ko ng kwarto ay tahimik.


Masyadong tahimik na nakakapagtaka kaya mabilis akong tumungo dun sa quadrangle. Hindi naman mahirap hanapin dahil may nagaganap na kaguluhan.


Nasaan naman kaya yung tatlo. Makikichismis sana ako sa mga nangyayari.


“Girlfriend ni J,” kaway nung Roui. Nakauniporme din.


Sa lahat ay ito pa ang nakasalubong ko.

“Anong kailangan mo?,” tanong ko.

“To naman. Inis ka pa ba sakin dahil dun sa Dean's Office?,” tanong nya.


Hindi ko sya sinagot pero humalukipkip ako.


“Sabi ko naman kasi sayo. Anak nga ako ng Dean kaya ako ang tagapagmana ng trono nya, Roui Kriston at your service,” sabi nya.


Ayoko makinig sakanya pero mukhang wala akong choice kundi kausapin to.


“What's happening?,” tanong ko.

“Hmmm...hindi natuloy yung enrollment dahil nakita na daw si Moza,” tumaas ang kilay ko.


“Talaga?,” reaksyon ko. Tumango naman si Roui.


“Nasaan na sya?,” tanong ko. Kunwari hindi ako si Moza.


“Dinala ni King sa clinic. Nahimatay eh,”


Owww.. sino bang hindi mahihimatay sa lalaking yun. Ang sama sama ng ugali.

Tssss. Tinawag nya pa akong slut.

Pero may poser ako.

Great. Salamat sa poser ko. I'm saved.

“Mabuti at nakita na sya,” sabi ko.


Bumuntong hininga si Roui sabay iling.


“Hindi ako kumbinsido,” sabi nya.


Napakurap-kurap ako.


“Bakit? Kilala mo ba sya?,” tanong ko.


Umiling naman si Roui.


“Hindi. Pero ewan,” tssss... sa Roui na to ako dapat mag-ingat.


“O sha girlfriend ni J, una nako. Hinahanap ako ni Klaus,” sabi nya at umalis sa harapan ko.


Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala sya.


“Swerte ka parin Moza,” bulong ko.

Pero hanggang kelan ang swerte na to.

***



Pang-ilang dial ko na pero hindi parin makontak si Dasttan. Baka masira ko na tong cellphone ni Chie!


Gosh. Yung kaisa-isahan kong kaibigan ay hindi makontak. Bakit ba kasi isa lang ang kaibigan ko.


Kainis lang talagang isipin na si Sana na lang yung pwede kong kontakin. She used to be my friend.

Napakuyom ako.

Hindi pwede.

Ayoko.

Mataas pa sa Great Wall ang pride ko.

“Tanggapin mo na lang kasi na dito ka na,”

Humalumbaba ako sa table.


Nasa isang classroom ako ngayon. Wala akong matambayan tsaka gusto kong mag-isip.

“I'll be fine,” mahinang sambit ko.

Malaman man ng King na yun kung sino talaga ako ay bahala na.

Sabi nga ng tatlo sakin.

I'm the owner of this academy.

Hindi naman siguro masamang gamitin ang posisyon ko to stay alive.

Makakasurvive ako dito kahit wala akong kaibigan.

You'll be fine Moza.

Sabi nga ni mom.

***

Pinapanood ko ang pagkain ng tatlo.

Wala akong ganang kumain. I'm too exhausted.


“Kala talaga namin,” sinimulan ni Cherish ang usapan.


“Buti na lang tinuro namin yung kawawang babae,” pinandilatan ko si Chie.

“Ha? Kayo ang may pakana ng lahat?,” nagtanguan ang tatlo.


“That's the only way para hindi ka mahanap,”-Chelsy.


I was taken aback.


“Talaga? You did that for my sake?,” natanong ko.


“Yes! Habang hindi ka pa ready na magpakilala sa lahat ay itatago ka namin,”-Chie.

“And Rella, nakalimutan naming sabihin na, binilin ka samin ng mom mo. We met her the night you arrived here,”


Natulala ako.

“Huwag ka sanang magalit Rella,” tumango ako sa sinabi ni Cherish.

“Hindi ako galit,” sagot ko.


“Anong sinabi nya sainyo?,” tanong ko.

Nagtinginan ang tatlo.

Umubo naman si Chie.


“Sabi nya. May attitude ka man pero mabait ka naman daw,”-Chie.

Bahagya akong natawa.

“Tsaka tulungan ka namin,”-Chelsy.

“Because she believes, you will find yourself  here,”-Cherish.

Napasandal ako sa upuan.


“Hihintayin daw nila ang pagbabalik mo sabi ng dad mo,” dagdag ni Cherish.


“Ang swerte namin na nakita namin kayo,”-Chie.


Pero hindi man lang ako nakapagpaalam sakanila ng maayos.

“So I guess, there's no reason para hindi ako magpakilala sa King diba?,” sabi ko.


Pinandilatan nila akong tatlo.


“Talaga?,” silang tatlo.

“Yes, wala akong choice. Malalaman din naman nila kung sino ako so yeah...,” sagot ko.

Hmmmm.. so nasaan na yung King.





***

Dedicated to:

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro