X-40

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Generation X | 40


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: The Days by Avicii


Sana's P.O.V



“Uh...pwedeng makiupo?,” tiningnan ako ng tatlo.



“Wahhhh!!! Ofcourse Sana!,” masigla nilang sabi kaya napatawa ako.



Lunch time na kasi at wala akong mahagilap na Dasttan o Yugen sa paligid. Buti at nakita ko sila.


Moza's lucky to have them.


“Nasaan nga pala si Moza?,” tanong ko. Hindi sya pumasok kanina sa klase.


“Hmmm...I think Rella is fine,”-Cherish.


“Nope. She's weird,”-Chie.


“She even greeted us awhile ago,”-Chelsy.


Kumunot ang noo ko sa tatlo.


“What dyou mean?,” tanong ko.


“Ugh.. you know. I think may nagbago sakanya. Kaninang umaga kasi---binati nya kaming tatlo ng isang good morning and take note---nakangiti sya,” kwento naman ni Chelsy.



Napaisip ako. Mukhang kakaiba nga.



“And you know, may sinabi sya saming tatlo. Muntikan pa nga akong himatayin,”-Chie.



“Ang oa naman nun Chie! Hahaha!,” hinampas naman ni Cherish si Chie.



“Pero tama si Chie. Nakakagulat yung sinabi nya,” ani pa ni Chelsy.



“Ano bang sinabi nya?,” tanong ko.



Umubo naman si Chelsy bago magsalita.


“I'm really thankful to meet three annoying yet amazing girls like you and I want to say thank you for staying at my side even though---I sometimes---oftentimes treat you poorly. Yun ang sabi nya,” sabi ni Chelsy na ginaya kung paano magsalita si Moza. Pero---talaga bang nasabi yun ni Moza?



“And! She even called us friends! Na isang himala!,”-Chie.



“At niyakap din nya tayo kanina,”-Cherish.



Napaisip na naman ako. Tama. Dasttan told me last night.


“Things will get better now,”



Hindi ko na sya tinanong sa sinabi nya pero ngayon mukhang gets ko.



“Pero kanina diba naghahanap sya ng gunting?,” nabalik ang atensyon ko sa tatlo.



“Oo nga. Yung matalim na matalim daw!,”-Chie.



“Hmmmm....kung iisipin...baka....may balak syang magpakamatay!,” mabuti at hindi ako sumusubo dahil mabibilaukan talaga ako dahil sa sinabi ni Cherish.



“No way. Hindi nya yun gagawin,” sabi ko.



“Pero diba kapag nagiging mabait ang isang tao ay ganon?,” ani pa ni Chie.



“Ay pangteleserye naman yang sayo Chie,” ani  naman  ni Chelsy.


Umiling ako ng maraming beses sa mga konklusyon nila.


“She won't kill hersel----”


“Tara! Pigilan natin sya!,” singit ni Cherish na tumayo pa talaga at nakakuyom ang kamay sa ere.


“That's really impos---”


“Okay let's go!,” nagsitayuan yung dalawa tapos tiningnan nila ako.


“Sama ka na Sana! Save your friend!,” ani nila.



Hindi na ako nagsalita at sumama sa tatlong to and take note: patakbo kaming tumungo sa building F kung saan ang kwarto nila.



Pagkarating namin sa labas ng kwarto nila ay hindi mabuksan ni Chelsy yung pintuan dahil locked.


So ayun..walang sawa nilang kinatok ang pintuan pero walang nasagot.



“Di naman kaya lumabas lang sya?,” sabi ko pero mukhang hindi sila nakinig.


“Rellaaaaa! Please don't do it!,”-Chie.


“Sabi nya kasi ay hindi daw muna sya lalabas kaya imposibleng wala sya sa loob unless we're too late---”


“Guys. This is insane. She won't do that,” sabi ko na naman pero di ko itatangging nagsisimula na akong kabahan.



“Moza? Please open the door!,” tumulong na akong katukin yung pintuan pero wala parin.


“Wala ba kayong susi o ano?,” tanong ko sa tatlo.


Nagtinginan naman sila at mukhang di nila narealize na meron pala.



Kaya naman pagkakuha ni Chie ng susi nya ang agaran naming binuksan yung pintuan.


Pagkapasok namin ay sabay sabay na napasinghap ang tatlo habang ako ay napatingin sa sahig.


“Huhuhu Rellaaaaaa!,” sinugod sya ng tatlo at nalaman naming nakaearphones pala sya kaya alam kong hindi nya talaga kami maririnig.


Napatawa ako sa isipan ko. This is funny pero masaya akong makitang buhok nya lang ang nagkalat sa sahig hindi dugo.


“What?,” humarap sya at mukhang gulat na makita ako dito.


“We thought you're going to kill yourself huhuhuhu!,” hinampas sya ni Chelsy.



Kumunot ang noo nya saka binaba yung hawak nyang gunting. She just cut her own hair. Hanggang balikat na lang ang buhok nya ngayon.


“Wha----what?,”


“Naghahanap ka kasi ng matalim na gunting,”-Chie.


“Tapos yung mga napapanood namin sa drama...”-Cherish.


“Stooopiddd~~~”



At matapos nyang sabihin yun ay isang malakas na tawa ang narinig naming apat.



Yung tawang matagal kong hindi narinig. I'm happy that I'm seeing this. Akala ko..wala na talagang pag-asang makita ko to..



Napapunas ako ng luha. Geez. Bigla akong naiyak kaya napatigil sya sa pagtawa.



“I'm sorry...di ko lang talaga mapigilang di maiyak,” agaran kong sabi nang magtama ang mga tingin namin.



Ayaw pang tumigil ng mga luha ko. Masaya lang talaga ako kaya tumungo ako.



“Sana,” inangat ko ang tingin ko nang makita ko ang isang box ng tissue at si Moza ang nagbigay nun.


“Sa-salamat,” tinanggap ko yung box ng tissue pero---hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya.


Kahit itaboy nya ako ngayon ay hindi ako kakalas sakanya. Hindi ko sya susukuan.


“Moza....,” tawag ko sakanya at patuloy parin sa pag-iyak.


“Shhh...baka magalit pa sakin si Dasttan kapag nakita ka nyang umiiyak,” nakaramdam ako ng isang yakap galing sakanya kaya mas lalo akong naiyak.


This is the happiest moment of my life.



***

Yugen's P.O.V




“May dapat ba tayong pag-usapan?,” tanong ko sakanya.




“Yung tungkol kay Mama,” sagot naman ni Jared.



“You know what I mean,” he added.



“And you know what she wants,” sagot ko.



Seryoso ang mukha nya at ganun din ako. I'm sure we're not on the same side.



“He doesn't need to know. It will not change anything,” sabi ko.



“Yeah... sure it won't change anything but do you want Mom to stay like that? Sad?,”


Napangisi ako.


“Sad? I know how sad she is...and how that guy broke her...you don't know anything Jared,” umigting ang panga ko.



“Pareho lang tayong walang alam Yugen. You don't know how Papa tried his damn best just to find the two of you....madami syang isinantabi--tulad ko. I grew up without him beside me,” umigting din ang panga nya matapos sabihin yun.



I don't want to lose my temper.



“Okay. Kung yan ang pasya mo ay tatanggapin ko pero sana tanggapin mo din ang desisyon kong sabihin kay dad ang sakit ni Mama. Afterall, I still hope we'll be a family,”



Umalis sya sa harapan ko pero sa gilid ng mga mata ko ay kita kong napatigil sya.


“Sana magbago ang isip mo. I think Mama will be happy---please don't take that away from her. Before it's too late twin, ”



I heaved sigh.



His words are really something.



Pero masisisi nya ba ako kung alam ko ang lahat kaya umalis si Mom?


“You don't know anything Jared...”







***

Wala pong mangyayari na 3rd gen hahaha pasensha. 😂💓

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro