X-6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Generation X | 6

Vote. Comment. Be a fan.
SONG: Face Down by Red Jumpsuit Apparatus

Roui's P.O.V

“Gago,” sabi ni Klaus.

“Lagot,” sabi ko.

“Nasaan si King,” pareho kaming napatingin ni Klaus kay Johnny.

Lagot.

Amoy away to.

“Tsk. Sa dami ng pwedeng pagtripan ni King eh yung girlfriend mo pa,” sabi ni Klaus.

Gago nga talaga yung si King. Di ko rin maintindihan yun minsan. Mabait naman pero ewan.

“Gusto mo ba talagang mag-away tong dalawa?,” siniko ko si Klaus.

“He needs to stop now,” base sa tono ng boses ni Johnny ay galit talaga sya.

Umalis sya ng kwarto at naiwan kami ni Klaus.

“Umasa tayong magigising ang babaeng to,” sabi ni Klaus.

Binalik ko ang tingin kay Rella.

Napailing ako sa isipan ko habang iniisip ang nangyari sakanya.

Napatingin naman ako sa pumasok na si Weno.

“Totoo pala ang nangyari,” sabi nya.

“Nangangamoy giyera dahil sa nangyari sakanya,” sabi ni Klaus.

“Bakit ba kasi tong girlfriend pa ni J ang pinagtripan nun,” sabi ko.

Nanlaki ang mata ni Weno.

“Ha? Talaga? Girlfriend to ni J?,” pareho kaming tumango ni Klaus.

Napailing din si Weno.

“Kasalanan din kasi nya,” sabi nya na ikinakunot ng noo namin ni Klaus.

“Eh kasi sinipa nya si King sa ibaba,” natatawang kwento nya.

“Weh? Di nga? Talagang nagawa nya yun?,” tanong ko.

“Yeah. Kaya nga nangyari sakanya yan,” sabi ni Weno.

Tinignan ko si Rella.

Grabe ang babaeng to.

Nagawa nya yun kay King?

“Pero si King ang sumagip sakanya diba?,”-Klaus.

“Napaka ewan din ni King. Baliw na talaga,” sabi ni Weno.

Baliw na nga yun.

****

Dasttan's P.O.V

“Sigurado ka bang sasama ka dun?,” tanong ko kay Sana. Tumango sya.

“Nakapagpaalam ka ba kay Tito Shownu?,” I asked.

“Ofcourse Dasttan, masaya nga syang marinig yun galing sakin,” napatango ako at tinulungan syang ipasok ang mga gamit sa sasakyan.

“You know, he's been telling me to study there pero dahil ayaw nyo ni Moza ay ayaw ko rin, remember?,” natawa ako.

“Yeah. We don't like it there pero tingnan mo at saan tayo papunta ngayon,” sabi ko.

“How funny,” I agreed with her.

“So she's there,” rinig kong sabi nya.

“Yeah. Apat na araw na,” sagot ko.

“I hope she's fine,”

Yun din ang nasa isipan ko.

“So, tara na?,” tanong ko matapos malagay ang mga dala nya.

Tumango si Sana at pumasok na nga kami sa sasakyan.

“Malayo-layo ang biyahe natin,” sabi ko at pinaandar na ang sasakyan.

Kita ko syang bumuntong hininga.

“I don't mind. Basta makita ko lang si Moza,”

Hindi na ako nagsalita pa matapos iyon.

Knowing what happened. Alam kong mahirap para kay Sana ang mga nangyayari.

“I'm sorry Sana,” tiningnan nya ako.

I always like her eyes.

“Para saan?,” nginitian ko sya pero mabilis ko ring inalis yun.

“I chose to stay with her, mas kailangan ako ni Moza and I need to cut you off for her,” she smiled pero hindi ko alam kung totoo yun.

“I understand. Lahat tayo may ginagawang sakripisyo para sa mga kaibigan natin,” sabi nya.

“Nag-usap na kayo ni Yugen?,” tanong nya.

“Yeah. Nagkita kami sa labas ng bahay ni Moza,” sagot ko.

“You think magiging maayos na ang lahat matapos ang dalawang taon?,” huminga ako ng malalim.

“I hope so,” I glanced at her.

“My dad always tell me that I will find answers in that academy, what so special about MXA?,” napangisi ako.

“Ganun din ba si Tita Alaska at Tito Kihyun sayo? Diba dun din sila nag-aral?,” tumango ako.

Simula bata pa ata ako ay sinasabi na nila sakin na doon ako mag-aaral.

“Well, my parents told me that they found eachother in that academy, sound cheesy but I find it cute,” kwento ko.

“Sana nga doon maging maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Moza. Miss ko na talaga sya,”

Well, I hope that it will happen soon.


****

Weno's P.O.V

“Nasaan si King,” nakapamulsa akong naglalakad patungo kahit saan basta mahanap ko lang ang lalaking yun.

Tuluyan na nga bang nawala sa tamang pag-iisip ang lalaking yun?

Tsk. Girlfriend pa ni J.

“Ewan ko talaga,” nasabi ko.

Hindi naman bayolente si King sa mga babae pero sabagay....masakit naman talagang masipa sa parteng yun.

Pero kanina ko pa hindi makita ang lalaking yun. Nasaan naman kaya yun.

“Pasensya na sir pero dapat kasama nyo ang mga magulang nyo kapag magpapaenrol dito,”

Napatigil ako nang makita kong may dalawang tao sa gate.

“Hmmmm...,” lumapit ako kay manong guard.

“Sir,” bati nya nang mapansin ako.

“Anong meron manong?,” tanong ko.

Napakamot ng ulo si manong guard.

“Kasi Sir. Tong dalawang to gustong pumasok ng academy,” tiningnan ko yung dalawa.

“Wala silang parents o guardian na kasama?,” tanong ko.

“Wala Sir,”

Binalik ko ang tingin sa dalawa.

“Seryoso ba kayong papasok kayo sa MXA?,” tanong ko.

Pareho silang tumango.

“You can call our parents for confirmation,” sabi nung babae.

Umiling ako.

“Hindi na. Hassle lang yun. Basta sigurado lang kayong dalawa na buo na ang desisyon nyo. You know, this academy is a bit dangerous,” nagtinginan silang dalawa dahil sa sinabi ko.

“Uhhh..our friend is there so yeah, we need to get inside,” sabi ulit ng babae.

“O sige,”

Inutusan ko si manong guard na pagbuksan ang dalawa.

“Yung sasakyan hindi pwedeng ipasok,” sabi ko nang mapansin kong may dala sila.

“It's okay,” sagot nung lalaki.

Okay. Mayaman to.

Pero mayayaman naman lahat ang nandito. Kaya nga matitigas ang bungo. At isa kami dun.

“Anyway, I welcome you to Highschool X,” kita ko ang pagkunot ng mga noo nila.

“Well, nickname yun ng Monsta X Academy,” kinindatan ko yung babae. Napatango naman sya.

“I'm Weno at isa ako sa miyembro ng Student Supreme. Kami ang nagpapatakbo ng academy,” pakilala ko.

“Pero bago ko kayo samahan patungo sa office ni Roui ay kailangam ko ang mga I.Ds nyo. Valid I.D,” nilahad ko ang kamay ko sakanila. Mabilis naman silang sumunod sa sinabi ko.

Agad kong tiningnan ang mga I.Ds nila.

“Albranxas, Dasttan Winters,” tiningnan ko yung Dasttan.

“Nagkita na ba tayo?,” tanong ko. Medyo pamilyar ang mukha nya.

Umiling sya.

“Hindi pa yata,” sagot nya.

Okay. Edi hindi pa.

Tiningnan ko naman yung babae.

“Vuenas, Sana Mikka Reon,”

“It's Reeon,” singit nya.

“O sha, tara na sa Dean's Office,”

May dalawa na namang magpapasakit ng ulo namin.





***
Note: Tada!!!! Nareveal na yung iba. Hahaha. And also, hindi lang puro point of view ni Moza ang GX :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro