Kabanata 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 14

Happy


Hindi ko maintindihan.

While Soren discourages me to befriend people who are not as rich as us, he also courted Chantal Castanier.

Hindi ko minamaliit ang kahit na sino. I just wonder how he liked her when in the first place, he was so judgemental.

"Siguro gusto niya lang talaga si Chantal. Kaya kahit na mahirap lang at... hindi ba ayaw niya sa mahihirap? Niligawan niya pa rin," si Ella sa tabi ko.

Nanonood kami ngayon ng unang araw ng try out para sa varsity team. Hindi lang si Alonzo ang titingin. May dalawa pang mas matandang coach nila noon ang titingin sa magtatry out.

Nasa pinakataas kaming bleachers. Sina Chantal, kasama sina Anais at iba pang grupo nila ay nasa mababa, malapit sa barandilya. Tumayo si Soren galing sa pagkakaupo sa bench at may inabot siyang jacket sa barandilya. Nakita kong lumapit si Chantal at tinanggap iyon.

"Uyy!"

"Yieeh! Inspired na niyan si Osorio!"

Naghiyawan ang mga players at pati na rin ang mga kaibigan ni Chantal. My friends looked at me. Some of those who knew us also looked at me. Sinubukan kong umayos kaya lang tuwing nakikita ko ang mga kaibigan kong malungkot para sa akin, parang nahahabag din ako.

Yumuko ako at pinalipas muna ang hiyawan. The cheering died down so I looked at the court. Nahanap ko ang titig ni Alonzo na agad ding iniwas sa akin.

Natigilan ako. I watched him watch the try out. Nagkakasalubong ang kilay at masyadong seryoso.

I stayed that way for a while until everyone cheered again. My eyes went to the court and saw how they cheered for Soren. Nagkagulo sa hiyawan ang lahat.

"Nakita n'yo 'yon? Ang galing niya!" si Margaux.

Napalinga-linga ako, hindi naiintindihan ang nangyari.

"Ang galing ng play ni Soren. Kailan niya natutunan 'yon?" sabi ng kaklase kong lalaki na manghang-mangha rin.

My wide eyes looked at the court again. Si Soren lang na panay ang high five sa mga kasama at muling bumabalik sa laro. Sa pagiging abala kong titigan si Alonzo, ni hindi ko napansin ang ginawa niya.

"Galing!" Margaux clapped.

Muling nakapasok ang bola galing sa isang simpleng shoot kay Soren. Nagpalakpakan ang lahat. I clapped, too. I glanced at the benches and saw Alonzo. Naupo siya at tahimik na lang na nanood.

The game lasted for only a few minutes with most of the shots from Soren. Everyone clapped. Ako rin naman. I feel good watching him finally get this.

Kaya lang, nang sumobra na ang hiyawan at nakita kong natawa na si Soren sa court, he pointed at Chantal Castanier and winked at her. Mas lalong naghiyawan ang lahat. May iilang bumaling sa akin.

I honestly don't know how to react. Bago sa kaalaman ko na may gusto siya kay Chantal Castanier kaya hindi ko masabayan ang hiyawan. I would cheer for people who liked someone but maybe it's too fresh for me. Bukod pa roon, ilang taon kong crush si Soren. I liked him for me but now I don't know. I just think it is inappropriate for me to cheer him for her. It's still all new.

"For Chantal ba 'yan, Soren?" someone from their crowd screamed.

"Uy... baka umiyak na naman si Sancha!"

"Baka magalit 'yan kay Chantal! Kawawa naman si Chantal!"

Napalinga-linga ako, nagulat sa narinig na bulung-bulungan. Mas lalo lang akong kinabahan nang ang pati sa mas mababang bleachers ay nagsitayuan para lang tingnan ang reaksiyon ko. My heart raced so fast. Nanuyo ang lalamunan ko at hinanap ang puwedeng gawin kay Ella at Margaux.

"U-Umalis kaya tayo?" si Ella na nararamdaman na rin yata ang tensiyon.

"Buti pa nga! Tara na!"

Hinawakan ni Margaux ang kamay ko at sabay na kaming tatlong umalis. Sa gitna ng paglalakad ko patungo sa exit, mas lalo lang lumala ang mga narinig ko.

"Hala, nagwalk out na si Sancha," bulong-bulong ng iba.

Yumuko ako, medyo nahihiya na ganoon ang tingin nila. Mas lalo akong hinila ni Margaux.

"Kawawa naman si Sancha. Baka umiyak ulit 'yan."

Margaux immediately lamented when we're out of the gym. Pulang-pula ang mukha niya nang bitiwan ako at nagsimula sa mga gustong sabihin.

"Nakakabuwiset si Soren! Alam niyang nanonood ka, gagawa pa siya ng ganoong move? Parang hindi mo siya naging kaibigan!"

"B-Baka... gusto niya lang talagang mag paimpress kay Chantal," sa maliit na boses sinabi ni Ella.

"Kahit na! Okay, we get it if he likes someone else now but he's our friend! Sancha is his friend!"

Hinawakan ko ang kamay ni Margaux. "Tama na, Margaux."

"Anong tama na? Anong klaseng kaibigan siya?"

"Hindi niya naman alam ang nararamdaman ko para sa kanya kaya why would he hold back now?"

"You were MU!" giit ni Margaux. "Oo at walang aminang nangyari pero ultimo schoolmates natin, nararamdaman ang kakaibang trato n'yo sa isa't-isa! You have a mutual understanding with him! Lalo na dahil strict ang family mo at hindi ka pa puwedeng ligawan! Iyon ang iniisip ko!"

Nanlamig ako sa mga sinabi ni Margaux.

"Ngayong sikat na siya, sa wakas maliligawan niya na 'yong crush niya?"

"C-Crush?"

Maging si Ella ay nagulat din sa sinabi ni Margaux. I looked at her with wide eyes.

"Oo! Crush niya si Chantal! Sinabi niya sa akin noon!" iritadong-iritado na sinabi ni Margaux.

"Huh? Hindi niya nasabi sa akin."

"Pero sinabi niya sa akin noon. At baka hindi niya sinabi sa'yo dahil obvious naman na crush mo siya. Ayaw niyang masira ang pagkakagusto mo sa kanya!"

So my boy best friend and long time crush, Soren, likes Chantal Castanier.

Habang tumatagal, lalong kumalat ang usap-usapan tungkol doon. Lalo pa't lagi na silang nakikita sa school na magkasama. Naghihintay daw si Soren kay Chantal sa mga extra activities niya at hinihintay naman ni Chantal si Soren sa kanya.

Lahat ng kilala namin, agad na inisip ang sama ng loob ko. Maybe it was because I cried that day... or maybe because we walked out of the gym... alin man ang iniisip nilang naging reaksiyon ko.

Totoo rin naman, e. Nalungkot at nasaktan ako. Hindi naman sa ayaw ko si Chantal at si Soren, it's just that it's still a shock to me. Isa pa, hindi ko gusto ang estado namin ni Soren ngayon. Kung may liligawan siya, ayos lang, pero hindi ko gustong iniiwasan niya ako at naiiirita siya sa akin. I don't want us to end this friendship.

"Ano itong naririnig ko sa school mo, Sancha?"

Alam kong malala na kapag umabot pa kay Kuya.

"Nakuwento ng kapatid ni Gibson sa akin na umiiyak ka raw sa school?" si Kuya Manolo.

"Po?!" gulantang ko namang baling.

Umiling agad ako.

It had been two months ago when I cried because of my row with Soren. Kung makapagsalita si Kuya, aakalain mong kahapon lang ako umiyak.

"Umiyak ka raw sa kiosk n'yo at pati sa gym n'yo? Tama ba?"

"Hindi, Kuya! Uh... 'tsaka kung umiyak man ako, sa kiosk, noong June pa 'yon."

"Umiyak ka?" Kuya Manolo's eyes lowered.

Tumango ako. "Uh... Nag-away kasi kami ni... Soren."

"Soren Osorio?"

Kinagat ko ang labi ko. Nagbuntong-hininga si Kuya Manolo.

"Hindi ba sinabi ko sa'yong huwag kang lalapit sa lalaking iyon?"

"Kuya..."

"Sancha, I don't want you to be friendly with someone like him. And definitely I don't want you to cry over him. What is this about?!"

"Kuya, it's nothing. It's just a friendly thing. Nag-away kami. May pinagtalunan lang-"

"Talaga ba, Sancha? Bakit iba ang naririnig ko?"

"Totoo, Kuya."

"Sinasabi ko na sa'yong walang magandang maidudulot ang lalaking 'yan. Illegal ang business nila, Sancha. Hindi tayo puwedeng makipagkaibigan sa mga ganyang klaseng masasamang tao."

Alright. I get it. Nag-away kami ni Soren at medyo hindi maganda ang opinyon niya sa mga mahihirap pero bukod doon, wala naman akong reklamo sa kanya.

"Kuya, Soren is fine. We just realy had a misunderstanding."

"Naku, Sancha. If he's indeed nice, like you're claiming, why did he make you cry?"

Mahaba pa ang usapan namin ni Kuya Manolo na umabot na rin kay Ate Peppa. They even had one major meeting with me, judging all my choices and friend circle. Kung hindi pa ako umiyak sa kalagitnaan doon, hindi pa ako pakikinggan sa gusto kong sabihin.

I don't know but for some reason, the first semester had been so... lonely for me.

Nariyan naman si Margaux at Ella na lagi kong kasama. Minsan sina Julius din at ibang mga lalaking kaklase pero parang... may nag-iba.

Margaux hated Soren so much. Siya na mismo ang hihila sa aming dalawa ni Ella palayo sa kiosk kapag nariyan si Soren. Kahit pa hindi na naman talaga kailangang umalis dahil si Soren mismo, umaalis din.

"Alis muna ako. Puntahan ko lang si Chantal!" he'd always claim.

"Tara na, Sancha! Hindi ko na gusto ang hangin dito!" si Margaux sabay higit sa akin palayo roon.

We walked back towards our building as Margaux lamented on Soren's attitude.

"Lagi niya na lang sinasabi na si Chantal... si Chantal! Pakealam natin?!"

Suminghap ako. Hindi ko alam kung sila na ba pero sa sobrang lapit nila at sa dalas na pagkakasama ng dalawa, hindi na kataka-taka iyon.

Maybe... this semester is lonely because I'm in this kind of rocky relationship with Soren, huh? Maaayos kaya ito kung umayos kaming dalawa? At kailan pa kaya 'yon?

I scanned my phone and saw my last messages for Soren.

Ako:

Soren, can we talk? I want to fix this rift between us.

Ako:
Soren, please, let's talk. Gusto kong magkaayos tayo bilang magkaibigan.

I swallowed hard. Umirap si Margaux at hinila na si Ella papasok na sa building namin.

Bumagal ang lakad ko nang napasulyap ako sa kiosk sa college building. Maraming nakaputi roon. Lagi naman pero sa ngayon, mukhang higher batch ang nandoon. Nag-aaral ang lahat at mukhang naghahanda.

I stopped when I noticed a familiar person. Napaawang ang labi ko nang nakita si Alonzo, kunot-noong nakatitig sa libro. Muttering something under his breath, as if memorizing. He licked his lips and slowly lifted his eyes. Napatingin siya sa akin.

Unti-unti akong humarap sa kanya. I didn't realize I was frowning this whole time so I loosened up and tried to stretch a smile.

The bell rang, hudyat ng susunod na period. Nagsitayuan ang mga kasama niya.

"Kinakabahan ako! Hindi ko natapos ang binasa ko!"

Tumayo si Alonzo at unti-unting inayos ang mga libro. Bumagsak ang mga balikat ko.

This school year, I don't see him much. Masyado na yata silang babad sa duty at minsan na lang sa school. Hindi ko na tuloy napigilan ang pagtigil at pagtitig sa kanya ngayon.

"Tara na, Alonzo!" may tumawag.

Kung hindi niya napigilan ay nahulog na ang iilang libro niya galing sa lamesa ng kiosk. Kinuha ni Almira ang iilang libro niya. Mabilis namang kinuha ni Alonzo at agad na umalis sa kiosk. Bumaling siya sa akin.

I tried so hard to smile. Pero bago ko pa makita ang reaksiyon niya, bukod sa gulat, ay hinila na ako ni Margaux.

"Let's go, Sancha! Mali-late na tayo sa next period!"

"Ah, oo!" sabi ko sabay lingon ulit sa banda ni Alonzo.

Nakita kong nakapasok na sila sa building. Wala na siya. I sighed.

"Good luck... on your test."

It had been a very lonely year for me.

Christmas party ng azucarera nang muli naming pagkikita ni Alonzo. It was a short meeting with him. I don't know how it made me lonelier, though.

Dahil abala sa parlor games ang mga mismong empleyado, natira sa mga lamesa nila ang mga anak. Alonzo isn't an employee this time of the year so naturally he's in his seat. Nga lang, nilapitan na ng iilang kaklaseng empleyado rin ang mga magulang. One of them, the his girl classmate Almira. She seems to be almost always beside him. Like a confidante.

I tried my best to walk past the tables. Kunwari naglalakad lang pero kung mag-isa si Alonzo, nilapitan na. Ilang asar ang narinig ko sa mga kaibigan niya para sa akin pero agad ding nawala.

I busied myself on the buffet desserts. Kunwari na lang tinitingnan ko kung marami pa iyon. After this, I'll walk back to my seat and stay silent.

"Kuha lang ako," narinig ko si Alonzo.

"Sus!"

"Hindi na 'yan."

Tumigil ako sa lamesa at pabalik na sana nang nakaharap ko siya. He put a small dessert on his plate and then looked at me. I glanced at his friends and saw them busy talking and laughing with each other. Si Almira nga lang, nasa amin ang mga mata.

"Happy holidays," bati ko at tinatagan ang loob para makabalik na lang sa inuupuan.

"Kumusta?" agap niya bago pa ako makaalis.

I smiled a bit. "Ayos lang. Ikaw?"

He smiled, too. "Ayos lang din. Medyo busy sa school."

I know it's true. He is busy with school but I don't know why my heart hurt so much. For the first time in my life, I envy the life of a random person. Ba't ganoon? Busy siya sa school pero lagi niya namang kasama ang mga kaklase? Ako? Ba't parang...

"Ayos ka lang?" he asked.

Ngumiti ulit ako at tumango.

"May problema ba?"

Umiling ako, hindi na maisatinig ang kahit ano.

"Sa inyo ni Soren?"

Umiling ulit ako at natawa na lang.

His eyes darkened. Nilapag niya ang pinggang dala at hinarap ako. "Nagkabati na kayo?"

Yumuko ako at umiling.

"Don't worry. He'll realize it soon. Magkakaayos din kayo, Sancha."

I opened my mouth to say something. My lips trembled. Itinawa ko iyon.

"Oo nga. Magkakabati rin kami. Thanks."

Bago pa tuluyang mamuo ang mga luha ay iniwan ko na siya roon at dire-diretso nang umalis.

I don't get why I am so down. Even in the holidays that's supposed to be a happy family thing.

New year nang tahimik akong nakatitig sa sinindihang sparkler. Tawa nang tawa sina Kuya Ramon at Ate Peppa.

Ate Peppa is pregnant now and she's due on late March or April. Next month, Ate Peppa will travel to Cebu. Doon daw siya manganganak. By the end of our school year, tutulak na kami ng pamilya ko sa Cebu para sa pagpapanganak ni Ate Peppa. Nangako naman si Mommy at Daddy na magta-travel kaming pamilya sa summer na iyon. Kami nga lang munang apat dahil magiging abala pa si Ate Peppa sa binubuong pamilya.

I don't know why I'm so sad that year. It had been an amazing summer but the next months were... all... lonely.

Siguro nga... dahil sa nangyari sa amin ni Soren.

If only he'll talk to me at least.

Pagkaupos ng sparkler ko, kinuha ko ang cellphone at nagtipa.

Ako:

Happy new year, Soren. I hope we can set aside whatever is behind us and finally talk. I miss you a lot. It had been a lonely year without you.

Nagkatuwaan pa muna kami ng pamilya bago nagpasyang matulog na. It was exactly two in the morning when I received a message from Soren. Napabangon ako at nabuhayan ng loob.

Soren:

Happy new year, Sancha. I miss you, too. Hope we can talk when we get back from vacation.

Ako:

Thank you, Soren. You made me so happy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#jonaxx