Kabanata 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 17

Boyfriend


Hindi ko alam kung bakit unti-unti akong nakaramdam ng iritasyon. I like Soren as a friend and maybe he is or was my crush but I don't agree with this kind of gesture. Siguro nga uso dahil may iilan na dati pa may pa surprise na ganito pero lagi kong naiisip na mahirap iyon. You put on the pressure for the other party. Of course not anyone is brave enough to say no to this in public. Lalo na dahil kakaayos lang namin ni Soren sa aming friendship at baka masira ko pa iyon kapag ginawa ko ito.

I smile and received the flowers but my smile faded as my classmates cheered. Ngiting-ngiti si Julius habang lumalapit si Soren sa akin pero ako namomroblema na kung paano gagawin ito.

"Oo! Oo! Oo!" everyone cheered.

"Will you be my girlfriend, Sancha?"

Sa pagkakaayos namin ni Soren, ni hindi namin kailanman napag usapan ang tungkol dito. It's just our normal conversations all the time. Hindi rin namin napag-usapan si Chantal o ang mga nararamdaman namin para sa isa't-isa... bukod sa pagkakaibigan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit may ganito ngayon.

"I'm shocked, Soren..." sabi ko sabay hilaw na ngiti.

Nakangiti rin si Soren sa akin. Naghiyawan ulit ang lahat.

"Oo na 'yan, Sancha!" someone from the back said.

Kinagat ko ang labi ko at agad na guilty na ngumuso. "Uh, gusto ko sanang pribado na lang nating pag-usapan 'to. Nahihiya ako na maraming nakakaalam sa mga bagay na ganito..."

Hindi ko alam kung paano pa siya sasagutin sa paraang hindi siya mapapahiya.

"Privacy daw! Privacy!" si Julius na pabirong tinaboy ang mga kaklase ko.

"Hala, basted yata 'yan!" sabay tawa ng iba.

Namilog ang mga mata ko sabay tingin sa mga kaklase ko.

"Gago, sinong babasted kay Osorio! Ang guwapo kaya ni Soren!"

Napatingin ako kay Soren. Mukhang hindi niya rin nagustuhan ang naririnig na usap-usapan. Kung sabagay, sino ba ang magugustuhan iyon. He looked at me seriously, his smile already faded.

"Uh, Soren... mag-usap na lang tayo mamaya. May pasok na ako."

Tumango siya. "Susunduin kita rito mamayang hapon."

"Thank you," sabay tingin ko sa bulaklak na bigay niya.

Pumasok ako sa classroom namin. Marami ang bumati at nakiusyoso kung sinagot ko na ba raw si Soren pero si Margaux, nanatiling nakaupo, ni hindi ako tinitingnan.

"Margaux," I called and she rolled her eyes.

Tumigil ako dahil mukhang naiirita siya. Huminga ako ng malalim at pansamantalang kinalma ang sarili. For now, I'll let Margaux do this. Gusto kong kausapin siya ng maayos tungkol dito pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Isa pa itong si Soren. I'm happy we're friends again but something has changed and this is not the path I want for us anymore.

Natapos ang araw na wala akong iniisip kundi ang ginawa ni Soren kanina at si Margaux.

"Margaux, mag-usap naman tayo," sabi ko.

She turned to me. Akala ko kakausapin niya na ako pero ipinakita niya lang ng mabuti ang pag-irap bago tuluyang umalis sa classroom.

Nakita ko si Soren sa pintuan at nakita ko rin kung paano siya sadyang binangga ni Margaux bago nagpatuloy sa paglalakad.

"What the?" si Soren sabay tingin kay Margaux.

I sighed. Kinuha ko ang bouquet at ang aking bag pagkatapos ay lumabas na. Gusto ko sanang sa kiosk lang ng Senior High building kami mag-uusap pero gusto niyang sa mas secluded na area kaya nagkasundo kami sa dulong kiosk ng field.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante habang naglalakad akong may napakalaking bouquet. Naisip kong kumalat na ito sa campus. I then wonder if Alonzo heard that? Hindi siguro. Busy 'yon sa duty lalo na't last year niya na.

"Mas malaki pa 'yan kaysa doon kay Chayo, ah!" narinig kong usap-usapan sa isang nadaanang kiosk.

"Wala na sila ni Chantal?"

"Alam ko namang si Soren at Sancha talaga, e. Hindi si Chantal."

Tahimik kaming naupo ni Soren sa dulong kiosk. Kinuha niya ang bulaklak na dala ko at nilapag muna sa lamesa. He's sitting so close beside me. At first I thought it was normal because we do that all the time but eventually I realized it's too much.

"Masaya ka ba sa surprise ko?" he asked.

I'm actually torn but I don't want to be rude and tell him that.

"Nagulat ako, Soren. Hindi ko kasi inisip na... may plano kang ganito."

He laughed. "Kaya nga surprise, hindi ba?"

I looked at him straight in the eyes, trying to find the boy I liked for years. Maybe... he's there. Maybe, I still like him. It's just that... I like him this way... and only this way. It didn't grow. It stayed stuck. I liked him... as a friend... a best friend. Dahil kung gusto ko siyang talaga, sa ibang paraan, hindi naman siguro ako makakaramdam ng mas matindi pa sa nararamdaman ko para sa kanya.

At this point, I know that I feel a bit stronger for someone else compared to Soren. Ngayon, narealize ko rin na malungkot ako last year hindi dahil nanligaw siya kay Chantal, kundi dahil nawalan ako ng best friend.

I wanted us to be okay because I needed him as a friend. I don't think much about his relationship with Chantal because I don't really find it relevant for my own feelings. Nalungkot lang ako noong niligawan niya si Chantal dahil akala ko magkaibigan kami... gusto kong ako ang naunang makaalam kung may liligawan man siya pero naging bulag ako buong pagkakaibigan namin. I felt betrayed but it wasn't cut that deep. Not enough to not forgive him.

"Soren, bakit mo ako gustong maging girlfriend?"

"Sancha, tinatanong pa ba 'yan?" he laughed again.

"Naka move on ka na ba kay Chantal?"

Ni hindi pa namin napag-uusapan ang parteng ito. I'm not even sure if he really did have a relationship with Chantal Castanier and what happened to them.

"Manliligaw ba ako, Sancha, kung hindi?"

"Bakit ba kayo naghiwalay?"

"Sancha, ba't natin pag-uusapan ito? Sa'yo ako nanligaw at wala na 'yon!"

"I'm your friend, Soren. I just want to know before I tell you my piece of mind."

"Hindi na dapat natin 'tong pag-usapan pa. Alam mo na namang nagalit at nainis lang ako sa'yo last year kaya parang... parang... gusto kong mag rebelde sa'yo. Gusto kong ipakita sa'yo na kung hindi mo ako pipiliin sa lahat ng bagay, hindi rin ikaw ang pipiliin ko sa lahat ng pagkakataon. And that was it, Sancha. Right now, we've settled it. Right now, I know that I like you and I want you to be my girlfriend. This is long overdue."

Tumango ako.

"Ito lang ba? Kaya mo pinatagal at hindi ako sinagot kanina?"

I sighed and looked at him again straight in the eyes.

"I want to be honest with you, Soren. You're my friend and you're precious to me. Pero..."

Kumunot ang noo niya at bahagyang lumapit sa akin.

"Last year and these past few months, may narealize ako."

"Ano 'yon?"

"Totoo ang sinabi mo. Crush nga kita pero naisip ko na baka dahil sa'yo lang ako malapit at ikaw lang ang tuluyang nakilala kong lalaki. Bukod kina Julius. Nagtampo ako sa'yo nang nalaman ko ang tungkol sa panliligaw mo kay Chantal pero hindi dahil... nagseselos ako. Dahil iyon pakiramdam ko nilihim mo sa akin ang totoo. You are my bestfriend and I think I should know everything about you... including that. I only felt betrayed... but not jealous."

"Ano ang ibig mong sabihin ngayon?"

"You're my crush, Soren. You're my bestfriend. I like you but... I realized it isn't enough to make you my boyfriend. I like you only as a friend now."

Hindi siya nakasagot. Tiningnan niya ang mga bulaklak. Parang nasaktan ako na makita siyang tulala sa ibinigay niya sa akin.

"Maraming nangyari sa nagdaan na taon. Narealize ko na may higit pa... sa nararamdaman ko sa'yo-"

"Is this about Margaux?"

Umiling ako. "Labas si Margaux dito. Hindi niya gusto ang pakikipagkaibigan ko sa'yo pero kung mahal kita... hindi ako mapipigilan ni Margaux sa pagsagot sa'yo."

"Then what is this? Dahil ba... dahil ba kay Chantal? Masyadong sumama ang loob mo sa akin na hindi mo na ako gusto?"

"Soren, narealize ko lang na gusto kita bilang kaibigan. I didn't want to hurt you but you'll get hurt more if I say yes."

"Hindi ko maintindihan, Sancha. We're finally... we're finally here. Why are you rejecting me? Naghihiganti ka ba sa akin? Sa ginawa ko sa'yo last year?"

"Hindi, Soren. Kung ano ang sinasabi ko ngayon, iyon talaga ang nararamdaman ko. I'm not prolonging this to get even. I don't need that. I've forgiven you already."

"No, I think your feelings for me faded because of what I did to you!"

Umiling ako. Hindi sigurado sa parteng iyon pero isa lang ang nasisiguro ko. Hindi ko siya mahal. Hindi ko siya gustong maging boyfriend. Hindi ko rin siya gustong mapahiya at masaktan. Gusto ko lang siya bilang kaibigan.

"Gusto lang kita bilang kaibigan. Iyon lang."

Umiling siya. "Hindi mo ba ako pagbibigyan, Sancha? Paano kung magbago ang isip mo? Paano kung bumalik ang nararamdaman mo sa akin?"

"But for now... I really-"

"Don't reject me just yet! Ano man ang pagkukulang ko at ginawa ko sa'yo last year, pagsisikapan kong punan ngayon. Please, Sancha! Have hope for us!"

Kinagat ko ang labi ko sabay tingin kay Soren. He looked so sad and desperate.

"Ayoko ring paasahin ka kung alam ko sa sarili kong kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo."

"This is so unfair, Sancha! Kahit pa panliligaw, hindi mo ako pagbibigyan?"

"Gusto kitang pagbigyan, Soren, pero ayaw ko namang umasa ka kung ngayon pa lang sigurado na ako sa nararamdaman ko."

"That can be changed like how your feelings for me did! Liligawan kita, Sancha! Magtitiis ako! Alam kong may kasalanan ako at may pagkukulang ako sa'yo pero hindi ibig sabihin no'n na titigil na ako!"

"Soren..." pagod kong tawag.

Umiling siya. "Liligawan kita kahit anong sabihin mo! It's my fault why your feelings faded, I'm going to correct my faults!"

Hindi niya naman talaga kailangang gawin iyon. Paulit-ulit kong sinabi sa kanya iyon pero mukhang buo na ang loob niya.

"Sinagot ka na ba, Soren?" usisa ng kaklase ko nang ihatid niya ako sa classroom sa sumunod na araw.

I wonder if it's better to distance myself to him. Ayaw kong manligaw siya pero kung magkaibigan kami at mananatili kaming ganito, baka umasa siya. But that would only mean I will cause another rift between us. It is already heartbreaking that Margaux is mad at me, kung sasama pa si Soren paano na?

Maaaring tama si Steffi sa sinabi niya pero hindi ko gustong isipin na ganoon si Margaux at Soren sa buhay ko.

"Nanliligaw pa, siyempre!"

"Weh? Hindi ba gusto mo siya Sancha?"

"Huwag ka ngang usisero. Umupo ka na roon!" si Julius na tinaboy na ang isang kaklase.

I honestly don't know what to do now. Kung noon, bago ginawa ni Soren ang sorpresa, nakakapag-usap pa kami ni Margaux, ngayon hindi niya na talaga ako pinapansin.

Tuwing nakikiusap akong mag-usap kami, umaalis siya. Mabuti pa si Ella at Julius, minsan nahuhuli ko silang nagtatawanan. Gusto kong makisali pero tumitigil si Margaux at hindi talaga ako pinapansin.

Hindi ko masyadong nakikita si Alonzo sa school. Ang sinabi'y busy na raw talaga siya sa duty at may usapan pang may kung anong offer siyang ina-apply-an. Iyon yata ang pinagkakaabalahan niya.

Ilang beses ding gusto ko siyang i-text pero alam ko na busy siya kaya hindi ko na ginawa. Ayos lang din. Iniisip ko naman kasi lagi na busy talaga siya sa eskuwela at masaya ako para sa kanya.

Paliko na ako sa SHS building, maaga sa araw na iyon nang si Alonzo mismo ang nakaharap ko. I saw his books almost falling off his hold. Umamba pa akong tutulungan siya pero napigilan niya naman ang pagkakahulog.

"Good morning!" I smiled and moved closer a bit.

"Morning..." aniya sabay sulyap sa mga dala niya.

Nakaputi at bagong-bagong ligo. Ang aga niya. It's still six in the morning. Nagmaaga ako dahil may assignment akong tatapusin. Hindi ko natapos kagabi dahil may bisita sa bahay.

"It's nice to see you here. Wala kag duty?"

He swallowed hard. "Wala. May exam lang kami ngayon."

His eyes drifted on my wrist or something near it. Napatingin tuloy ako roon at nakitang suot ko pa ang bigay niya. Iningatan ko iyon. Minsan nang nasagad noong inusisa ako ng kaklase ko.

"Mamahalin ba 'yan, Sancha?" sabay hila sa bracelet ko.

I panicked but she was done checking it before I could react.

"Mamahalin siguro dahil suot mo pero itsura mukhang nabibili sa palengke lang. Sayang kung mahal!"

I felt so bad that day but it didn't make me love this bracelet less. Imbes ay mas lalo ko pa iyong na appreciate at inalagaan.

"Ah. Maaga? Good luck." I smiled.

"Mamaya pa pero mag-aaral ako. Ikaw? Ba't ka maaga rito?" sabay tingin niya sa paligid.

Halos wala pang estudyante roon. Lumingon siya sa college building bago sa akin.

"May kikitain ka?"

Umiling ako. "Tatapusin ko lang ang assignment ko kaya ganito ako kaaga."

"Okay."

We stayed in front of each other for a while. Plano ko kanina na sa SHS na kiosk gumawa pero hindi na rin masama ang kiosk sa gilid ng college department.

"Uh... Gagawa na muna ako. Riyan..." sabay turo ko sa kiosk kung saan siya madalas mag-aral.

Agad akong nabigo dahil base sa pagkikita namin, mukhang sa ibang banda siya papunta at hindi sa kiosk na iyon. Saan ba? Library? O baka sa field?

"Saan ka mag-aaral?"

He sighed. "Uh... Ayos lang ba kung sa kiosk din na iyon?"

I almost ran out of breath.

"Oo! Oo naman!" sabi ko.

Nagpasya kaming lumapit na roon. Tahimik kong nilapag ang bag ko sa lamesa. Siya naman nasa kabilang corner at nilapag ang mga libro niya. He opened it so I opened my bag and got my notebook. Sumulyap ako sa kanya. Marami akong gustong sabihin at itanong pero ayaw kong maistorbo siya sa pag-aaral niya kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa assignment.

Nagsimula akong magsulat. Paminsan-minsan akon nag-aangat ng tingin dahil napapansin ko ang titig niya pero lagi'y nagbabasa naman siya.

My phone rang. Gusto kong pumikit ng mariin dahil alam ko kung sino 'yon.

"Hello..."

"Good morning, Sancha! Nagbi-breakfast na ako. Ikaw?"

"Good morning. Uh... nasa school na ako."

"Whoa! Ang aga mo, ah!"

"May ginagawa ako, Soren. Assignment."

"Oh! Kaya ka maaga. Sige. Text kita mamaya."

Binaba ko ang cellphone at itinabi sa notebook ko. Nakita kong nakatingin na si Alonzo sa akin, bago ibinagsak ang tingin sa libro.

"Sorry."

"Kayo na ni Soren?" he asked without looking at me.

Inilapag ko ang ballpen ko at ibinigay na ang buong atensiyon sa kanya.

"Hindi."

Tumango siya. "Narinig ko kasi noong nakaraang buwan na sinorpresa ka at nanligaw daw."

Umiling ako. "Hindi ko siya sinagot."

"Hindi mo... pa... sinagot?" nag-angat na siya ng tingin ngayon.

Umiling ulit ako. "Hindi ko siya sinagot. Magkaibigan kami p-pero sabi niya, magpapatuloy siya sa panliligaw, e. Hindi ko nga alam anong gagawin ko."

"Hindi mo ba siya gusto?"

"I-I like him only as a friend. Not... a boyfriend."

He nodded slowly. "That's normal. You're beautiful and anyone would fall for you." He smiled a bit.

"Pero hindi ko siya sinagot," ulit ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti siya at tumango. He sighed heavily, too.

"Mabuti naman, Sancha."

I smiled slowly and nodded too. Unti-unti kong ibinaling ang mga mata sa assignment kahit na hindi ko na maalala ang isusulat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#jonaxx