Kabanata 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 25

Spy


How could I act like nothing happened? It's normal for him to keep his distance on me. The last time we are close to each other, I ruined his whole life and dreams. Right now his life is perfect. He wouldn't want anyone to ruin any of it so it's natural he doesn't want to have anything to do with me.

Nakapikit ako. Malamig ang aking braso sa pumapasok na medisina sa aking katawan. I can still feel Almira in front of me but I didn't say anything.

Hindi ko alam kung bakit narito si Alonzo. Kung umuwi ba siya o may kailangan lang dito? Pero kung ano man iyon, rerespetuin ko na lang at hindi na makikiusisa pa. I gritted my teeth because I know deep inside I want to know many things about him.

Siguro kailangan ko nang bawasan ang ganoong klaseng taste test sa mga nut-products. Siguro rin kahit isang taste test lang sa isang araw nang sa ganoon, kaya na ng gamot, at hindi na ako kailangang isugod sa ospital. And if I start to hyperventilate, better eat the whole cake so I'd have the shock and arrive in this hospital unconscious. Nang sa ganoon, bawas na lang sa kahihiyan kapag narito.

"May... available kaya sa pharmacy na epipen?" I asked.

"Mayroon pero... check mo na lang din kung mayroon pa."

Sana bumili ako sa Cebu.

"By the way, mukhang schedule na ng annual check up mo, ah? One of these days you'd come back here for that?"

Pilit kong dinilat ang mga mata ko para tingnan si Almira. The smirk wasn't off her face yet.

"B-Busy ako, e."

"Sa opening ng cafe mo?" she asked.

Tumango ako.

"Hindi ka mag-aannual check up ngayon, kung ganoon?"

Hindi ako nagsalita. I can go to La Carlota, you know. Doon na lang ako magpapacheck up.

"Uh... Dito na... magdodoktor si Alonzo?" hindi ko na tuloy napigilan.

Ni hindi ko alam na nandito siya sa Altagracia. Not that I should know but I thought if he'd come home, somehow it would reach me. Dumilat ako dahil sa halakhak ni Almira. Now she's smirking shamelessly at me.

"Consultant. May research siyang ginagawa. At pinapaayos din ang bahay nila."

"So... madalas siya rito?"

Lumapad lalo ang ngisi ni Almira. "Bakit? Araw-araw ka nang kakain ng mani?"

Kumunot ang noo ko, annoyed with the nurse attending at me. Tingin niya ba talaga sinadya ko 'to ngayon? Oo at sinadya kong kumain pero hindi ko naman alam na nandito si Alonzo.

"Gagaya ka na sa kaibigan mong kahapon lang nagpa check up dito tapos bumalik para magbigay ng lunch kay Alonzo?"

"S-Sino?"

She rolled her eyes. "Si Ella. Andito 'yon mamaya, sigurado ako. Nangako siyang magbibigay ulit ng lunch sa canteen. Isasali pa nga niya ako, e. Okay na rin. At least naka libre ako. Baka ikaw? Magpapabuffet ka?" She giggled.

"Hindi ko alam na nandito si Alonzo," sabi ko.

"Well, now you know."

Tumango ako at naisip na hindi na talaga ako kakain muna ng mani o kahit almonds. Malayo pa ang La Carlota pero doon na lang din ako magpapacheck up.

I immediately tried to move after she removed the medicine and put a cotton on my arm.

"Saan ka pupunta?" she asked.

Hawak ang braso ko, nilingon ko siya. Umayos na ang pakiramdam ko pero may lamig pang nararamdaman sa batok, sa tinurok, at sa bandang tiyan. I need to trust Ate Soling with the taste test for nuts. Kahit iyong mga peanut-butter products.

"Hindi ba tapos na? I'll pay and go to the pharmacy."

"Nagmamadali ka?" she smirked again.

"H-Hindi pa ba tapos?"

"Doc..." she started calling.

Bahagya akong nagpanic. Nakatuwid na sa pagkakaupo sa hospital bed ngayon habang umalis naman si Almira. I could only hope that she's calling the other doctor but it seems like she's going to where Alonzo was.

"Gusto nang marelease ng patient," she said.

Ang ibang nurse na naroon ay napapabalig sa akin. Uminit ang pisngi ko at unti-unting sinubukang magrelax kahit nahihirapan. Bumaling si Almira kasama na ngayon si Alonzo. May binabasa siya sa kung anong dala ni Almira kanina.

Nanatili ang titig ni Alonzo sa binabasa kahit pa noong nakalapit na. His brows were furrowed and his eyes moving fast as he reads the paper. Ngayon ko lang napansin ang maraming pagbabago sa kanya dahil kanina, masyado pang nanlalabo ang mga mata ko nang tingnan siya.

Matangkad na siya noon pa pero mukhang mas tumangkad siya ng kaunti ngayon. He was also slightly leaner then, now he's developed a mature lean body with muscles. I pursed my lips and realized that it's impossible he's single. Baka nga may asawa na. O hindi naman kaya... si Ella ang girlfriend? Or someone from Manila. Maybe his colleague - a doctor, too. Or maybe someone he met abroad?

"Monitor vital signs every fifteen minutes. Hindi pa puwede," Alonzo said.

He then turned around and walked away. Ibinigay na kay Almira ang papel. Pabirong pagod na ngumiti si Almira. Umangat din ang dalawang kilay niya.

"Narinig mo 'yon?"

"M-Medyo okay na kasi ako. 'Tsaka... madalas naman akong ganito kaya alam ko na ang gagawin-"

"Doc?"

"Uh... Sige... Sige. Sige na." Sabay bahagyang higa sa hospital bed.

Tumikhim ako at sumulyap sa suot. Napatingin din si Almira sa suot ko. Her eyes narrowed again.

I'm wearing a casual beige tube top short dress with a sheer shortsleeved coverup. My shoes is also another beige t-strap platform heels.

"Uniporme mo?" usisa ni Almira sabay angat ng kilay.

I licked my lips. "Uh, hindi ako nag u-uniform. Just... my normal work clothes."

"Sexy naman ng normal work clothes mo..."

Napakurap-kurap ako at nakikita ko pa rin ang biro sa itsura ni Almira. It's like she's insinuating something. Gaya noong tinanong niya ako kanina kung sinadya ko ba ang pagkain ng mani. Sinadya ko 'yon but I didn't expect I'll need to come here. Minsan naman, kapag hindi ganoon ka rami ang nakakain ko, umaayos na ako sa over-the-counter na gamot lang. At lalong hindi ko sinasadya na pumunta rito.

"Uh, hindi naman. Uh, kailangan lang medyo pormal kasi-"

"Almira," I heard Alonzo's call.

"Babalik na lang ako mamaya. Tinawag lang ako ni doc."

Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Nang umalis siya'y hindi ko malaman ang gagawin. Magtatanggal ba ako ng sandals o hihiga na lang muna rito at tuluyan ng magpahinga. My phone rang and when I saw that it's Ate Soling, I immediately answered.

"Kumusta na? Pupunta na ako riyan. Ayos ka na ba? Nasa ER ka?"

"Uh, Oo, Ate. naghihintay na lang ng... kung kailan ako palalabasin. Okay na, Ate. Diyan ka na lang sa branch. Uh, ipagpatuloy mo na lang po ang taste test."

"Naku, Sancha! Titingnan pa kita at paano ang lunch mo? Malapit na ang tanghalian!"

"Ako na po ang bahala sa sarili ko. Kaya ko naman."

"Paano ang pagkain mo? Ihahatid ko 'tong-"

"Hindi na po. May pagkain naman sa labas. Bibili na lang po ako. Ayos lang talaga, Ate. Pakisupervise na lang po ng orders at ayaw kong may maantala. Pasensiya na."

Mabuti naman at nakumbinsi ko naman si Ate Soling sa bilin ko. I don't want her to come here and make a big deal when she sees Alonzo. At ayaw ko rin na makita kahit kanino na lagi pa ring nakaantabay si Ate Soling sa akin kung may kailangan pa ako.

Suminghap ako at naramdaman ang tira tirang bigat ng damdamin. Medyo ayos pa nga ako nang pumunta ako rito. Mabuti na lang. Or maybe I was just attended very fast.

Hindi kalaunan, may kumatok nga galing sa kabilang pintuan ng Emergency Room. I immediately recognized Ella. Matagal na nang huli kaming nagkita pero pareho pa rin naman ang itsura niya.

She looked shocked to see me there. Pero dahil may sumalubong na mga mga kaibigan niyang nurse, naibigay niya sa kanila ang atensiyon.

Sumulyap ako sa dala niyang mukhang pagkain nga. She said something about bringing lunch and they'll eat together at the canteen of the hospital.

She took up Business, too. Dito lang sa Altagracia at ang alam ko may itinatayo siyang maliit na kainan sa tapat ng bahay nila. Masarap daw ang siyang magluto, ayon kay Ate Soling.

"Sa inyo 'yan, libre ko!" Ella said and smiled sweetly at some of our batches who are now regular nurses of the hospital.

Some of her friends went to her. Lumapit naman si Ella kay Alonzo at dahil nasa parteng hindi ko na kita, hindi ko na alam kung anong mayroon.

"I'm back!" si Almira na may dalang sheet.

Hindi na ako nagsalita. She proceeded to check my vital signs. Madalas kaming magkatinginan.

"Hindi mo babatiin ang friend mo?" she asked with an obvious malice in her tone.

Hindi na ako sumagot. I really have nothing to say, anyway.

"O, magkagalit ba kayo? If yes, why do I feel like I know why?"

I ignored her words and just looked at her dead in her eyes. "Puwede bang lumabas ako pagkatapos nito? Babalik lang din ako. Kakain lang."

Nanatili ang titig niya sa akin.

"Maayos na naman ang pakiramdam ko."

"Hindi pupunta ang Ate Soling mo para ihatid ang lunch mo?"

"Kaya ko naman."

She removed the apparatus on my arm. "Ako na ang bibili para sa lunch mo. Anong gusto mo?"

"Uh, puwede namang ako na-"

"Hindi na. Anong gusto mo?"

Umiling ako. "Mamaya na lang. Hindi pa rin naman ako gutom, e."

"Sure?"

Dumaan si Alonzo kasunod ang iilang nurses. Sumunod si Ella roon at may iilan lang na natira, kasama roon si Almira.

"Kakain lang muna ako. Babalikan kita after fifteen minutes ulit. Sasabihin ko rin sa'yo anong pagkain mayroon doon," she assured me.

I nodded and sighed.

Umalis siya. May bago emergency na isinugod at nakabalik na ang resident physician ng Emergency Room at ang ilang nurses na natira ang nag attend doon. Dahil abala ang lahat, naisipan kong pumuslit na muna.

May iilang eatery sa labas. Though I'd rather eat near the hospital but they were there, I'd rather eat out.

Binati agad ako ng iilang nakakakilala nang napadpad na sa karinderya sa labas na ng ospital. The owner even expressed her embarrassment. Hindi kasi nalinisan ang lamesang napili ko. Nagmamadali siyang maglinis doon.

"Ayos lang po," I smiled and pointed at what I want to eat.

"Sinong na ospita, Sanchal?" she asked as she puts the food on my table.

"Ah, ako po."

"Ikaw? Ba't ka nandito?!"

"Uh... ayos na po ako kaso hindi pa ako na di-discharged. Mino-monitor pa po kasi."

"Ah, ganoon ba? Bakit? Anong nangyari sa'yo?"

I wasn't really that comfortable eating while someone is interrogating me about what happened but I don't want to be rude. Mabilis akong nabusog. In fact, I think I just ate for lunch even when I wasn't really hungry. I hoped I would feel better and would be released earlier if I'm full or feeling perfectly fine.

"Sancha?!"

Napabaling ako sa labas ng karinderya at nakita si Almira roon, nakapamaywang na ngayon. Near her, someone moved. Agad kong napansin kung sino ang kasama niya. Siguro lumagpas ako ng labing limang minuto.

Tumayo ako at inubos na muna ang mineral water na in-order. I paid more and left the eatery with many thank yous.

"Akala ko ba nagkasundo tayo na ako ang bibili sa canteen?" si Almira.

My eyes met Alonzo's. He's with her this whole time. Nasa labas na rin ng ospital. His eyes were unreadable. Isang bagay na hindi ako sanay. Iniwas ko na lang agad ang tingin ko sa kanya.

"Pasensiya na. Nagutom na ako kaya hindi na ako nakapaghintay," sabi ko.

Tahimik kaming naglakad pabalik ng ospital. Nauna ako at ang dalawa ay nasa likod ko lang. Almira started her conversation with Alonzo about her experiences as an ER nurse. Tipid ang mga sagot ni Alonzo. It's either he agreed or he made her continue what she was talking about.

Tahimik muli akong naupo sa parteng iyon ng emergency room habang kinukuhanan ulit ako ng vital signs ni Almira. Pabalik-balik lang ang titig niya sa akin at pareho kaming hindi na nagsasalitang dalawa.

Umalis na rin si Alonzo roon pagkatapos ng ilang sandaling pagbalik namin. I suddenly wonder if he's now busy with work or something else. I reminded myself that I shouldn't be too curious.

Naisip ko tuloy kung alam ba ni Kuya na nandito si Alonzo sa Altagracia? O ni Mommy at Daddy? Matagal na ang nangyari pero iniisip ko kahit paano ibabalita sa kanila? O sa akin lang ba iyon mahalaga? Did my parents and siblings forget about it? Besides, we haven't talked about it in years.

Probably. If they are still mad a Alonzo, I don't think they'd let him come back. Not that they could stop it but at least they'd make a big fuss about it. Hindi iyon ang gusto kong mangyari pero iniisip kong puwede kong asahan iyon kung hanggang ngayon, galit nga sila rito... mukha ngang hindi na.

Besides... it seems like what happened isn't really a big deal to them. It stained my name a bit but other than that, I didn't lose anything. Iniisip ko na ang mga Salvaterra naman talaga ang matinding naapektuhan noon. And nobody cared because they aren't rich enough to gain any sympathy from the people.

Sa taon ding iyon, umalis si Steffi at nanatili na sa US. Wala raw sa plano pero sa galit ng pamilya niya at sa kahihiyan, iyon ang naging kaparusahan niya.

Ang mga Salvaterra lang talaga ang naapektuhan ng husto. Hindi ang pamilya ko. I then wonder if Alonzo's parents are here, too. Nanlamig ako nang natantong hindi ko alam paano sila pakiharapan kung sakaling magkita kami.

Although I know that I shouldn't meddle anymore with their family, especially Alonzo, I secretly wish that they'd let me at least... talk... about the past. How I felt. How I'm regretful for Alonzo. My... regrets and my sorrow... about it.

Come on, Sancha. He's already successful now. Wala na silang pakealam.

"Puwede na," si Almira hapon ng araw na iyon.

I smiled and nodded. "Thank you."

"You're welcome. Taste test again tomorrow?"

Umiling ako at bahagyang natawa. Hindi na isinatinig ang nasa isipan.

I'd die in the gutter with my shock than coming back here for a shot.

Tahimik akong naglakad patungo sa aking sasakyan. Nang pumasok, muntik na akong nadulas sa isang laruang nasa sahig ng driver's seat. Kinuha ko iyon at naalalang pinasakay ko nga pala si Ramon dito noong nakaraan at siguro naiwan niya itong binoculars niyang laruan.

Itinapon ko iyon sa front seat at inistart na ang sasakyan. Sa dami ng iniisip ko habang nagdadrive, hindi ko namalayan na sinadya ko na palang daanan ang malaking bahay ng mga Salvaterra.

Nasa highway iyon. Walang balita tungkol sa pagkakabenta kaya nasisiguro kong kanila pa rin. Nagmenor ako nang tumapat. I sighed when I stopped my car on the edge of the house's street. Isang ginagawang building ang nakatayo roon. Finishing na lang ang kulang at doon ko p-in-ark ang sasakyan ko.

I stayed inside my car for a long moment. Gusto kong itanggi ang dahilan kung bakit tumigil ako pero sa huli, nanaig ang aking kuryosidad.

Nasa ospital pa siguro si Alonzo at gusto ko lang naman malaman kung nariyan kaya ang kanyang Mama at Papa?

I went out of the car bravely and languidly walked on the side walk until I'm in front of their house. Matibay nga ang bahay na iyon dahil ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin naging luma ang kahit anong pundasyon niyon.

Malayo ang mismong bahay sa daanan kaya kahit anong laki ng mata ko, hindi ko makikita ang nasa loob. Naalala ko bigla ang binoculars ni Ramon sa sasakyan ko.

Binalikan ko iyon. Kinuha at dinala sa tapat ng bahay ng mga Salvaterra. I was that curious that I even used the innocent toy of my nephew to spy! Kaya lang... wala naman akong nakitang gumagalaw sa kanilang bahay.

"Bukod sa sadyang pagkain ng mani, nandito ka naman para mag espiya sa kanila, Sancha?"

I gasped and turned. Ella is behind me, looking very concerned and dismayed.

Binaba ko ang binoculars at bahagyang naintindihan kung gaano ako... ka desperada. I sighed.

"Hindi naman sa ganoon-"

"And you came to the hospital wearing that? Anong gusto mong iparating, Sancha?"

Nagulat ako. "Hindi naman, Ella. Hindi ko naman alam na nandito si Alonzo nang isugod ako sa ospital. May taste test ako sa cafe at-"

"Hindi porque't alam ng buong Altagracia na patay na patay si Lonzo sa'yo noon, hanggang ngayon ganoon pa rin. Move on. He already did, kung hindi mo man nakita kanina."

"I didn't come there to prove anything like what you are insinuating, Ella."

"At eto? With your binoculars, what are you doing here?" she said with an annoyed tone.

Hindi ako agad nakasagot dahil guilty ako sa bandang iyon. "Gusto ko lang malaman kung nariyan ba sina Tita Laura at-"

"You really think their family wants to see you? Ni ayaw ka nga'ng makita ni Lonzo, paano pa ang mga magulang niya?"

"Alam ko namang ayaw nilang makita ako pero gusto ko lang na makausap sila tungkol sa-"

"Move on, Sancha. That's enough. I don't think you sincerely want to talk about the past. I bet this is just one of your schemes to open old wounds... and... who knows what?"

My mouth dropped, feeling the hurt so much. I realized then if Alonzo's... thinking that I'm... doing that?

"Kunwari mabait at concerned pero ang totoo, may ibang motibo. Everyone knows your style, Sancha. Nobody would get fooled anymore."

An SUV swerved slightly towards the gate of the old mansion. Napabaling si Ella roon. Ngumiti siya at kumaway. Nanlamig ako at pakiramdam ko pinanawan ako ng ulirat nang natanto kung sino ang dumating!

Ella smirked when she noticed my reaction. Napansin ko rin na hindi ko na tuluyang naitago ang binoculars na dala. Stupidly, and without thinking straightly, I turned around and went straight to my car.

I started the engine. Hindi na nagtagal, pinaharurot ko iyon palayo roon na para bang kaya kong takbuhan ang kahihiyan at sakit na natamo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#jonaxx